Chapter VIII

"I don’t want to get attached
to anyone anymore,
it only destroys me in the end."

ENJOY NA enjoy ko ang kinakain kong chicharon habang pinapanood si Aries the fucker na nakikipaglandian sa mga babae na tuwang tuwa sa mga hawak niya. Gosh, ang kati ha!

"Excuse me, you're that fighter!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng pinsan ni Aries. Yes, I remember him dahil madaldal siya. Wait, palagi ba silang narito sa bar?

"Fighter?"

"You asked my cousin for a sex. You're a fighter. Whoa! Cool."

I rolled my eyes. Ayoko na ngang maalala ang gabing iyon na nag-offer ako ng sex. Fucker, naging assistant pa tuloy ako. Watcher na rin habang nagpapakasarap siya sa pakikipaglandian sa mga bababaeng mahaharot.

"Do you love chicharon? Baka ma-highblood ka niyan." Sabi pa ni Ludwig.

He sat on the chair and opened a bottle of beer.

"Gusto ko talagang ma-highblood. Nangggigil ako sa pinsan mo. Napaka-landi. Ginawa pa akong chaperon."

Tumawa si Ludwig. "He's like that when he's drunk. We love women."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Obvious naman e. Like, lahi niyo ba 'yan? La-landi ha!"

Kumagat ako ng malutong na chicharon. Wala pala kasing ibang mapiling snacks na available dito sa bar na ka-partner ng beer.

"Ouch, medyo masakit." Humagalpak siya ng tawa. "We are Palermo's, of course."

Muli ko siyang tinaasan ng kilay. "So you mean, kapag Palermo, malandi gan'on? Amazing naman pala."

I sipped my beer. Kumusta naman kayo ako nito kapag araw araw akong uminom dahil tambay ng bar si Aries? Fucker talaga, kainis!

"Not all Palermo's are malandi. Fuck you, Ludwig Ivan."

Nag-angat ako ng tingin sa bagong dating. Pamilyar ang mukha niya. Kasama ba siya nina Aries no'ng gabing nagmakaawa ako sa kanya sa bar na 'to?

"Ulol. Huwag ako, brad."

"Huwag din ako, brad." Sagot pa niya. "Stop normalizing that every Palermo is a casanova. I'm no saint but hell, fuck you, being a casanova is not my thing."

"Tangina nito. Pangit naman ka-bonding. Malamang Hong ka naman! Hindi ka naman Palermo."

"I have the blood. Iisa lang ang angkan natin. It's just happened that my Mom is the Palermo."

Wait, nakakahilo silang dalawa. Nag-aaway ba sila saka sino ba 'tong isa na 'to? Gwapo niya pero hindi naman niya hawig sina Aries. Iba ang mukha niya pero ang hot niya sa suot niyang black plain shirt.

"Fuckers." Sambit ko. "Para kayong mga babae. Ang ingay. Sino ba s'ya?" Tanong ko kay Ludwig out of curiousity.

Tinaasan ako ng kilay ng lalaki. "Devan Hong."

Not familiar, though. Akala ko Palermo din siya.

"Devan Ezekiel Palermo Hong." Singit ni Ludwig. "My cousin. Her mother and my father are siblings."

Oh so, pinsan rin siya. Kaya pala medyo iba ang mukha niya dahil hindi Palermo ang epilyedo niya. Siguro tatay niya ang kamukha niya.

"And you are? Ludwig's woman?" He asked.

Ngumisi ako. "Mukha ba akong papatol sa isip bata na 'yan?" Turo ko kay Ludwig. "I'm Aries' assistant and I need to be with him twenty four seven. What a fucker."

"A fucker, indeed." Sagot ni Devan.

"Tangina ako ba ang sinabihan mong isip bata?" Tanong ni Ludwig. "I have a big dck you know."

Muntik na akong masamid. Bunganga, gosh!

"Ludwig, that's childish." Komento ni Devan.

Natawa naman ako. Simpleng joker pala 'tong pinsan nila. Naki-upo rin siya sa table namin saka ininom ang dala niyang bote ng beer.

"Sabagay, isip bata pa nga ako. Dumedede pa ako e."

Nasamid na akong tuluyan. "Kadiri naman, Ludwig!" Sabi ko. Na-gets ko naman iyong sinasabi niya. Wala talagang filter ang bibig, nakakaloka.

"He's... yeah, he's like that." Iyon lang ang nasabi ni Devan saka patuloy na uminom.

Sa ilang minuto, nawala ang atensyon ko kay Aries. What the, where is he?! Wala na siya sa pwesto niya kanina. I looked around at hindi ko siya makita.

"Looking for Aries? Saw him with a slut, as usual. Palabas sila ng bar when I came here."

Napatayo ako. Fucker talaga! Pinapasakit niya ang ulo ko sa halip na natutulog na ako ngayon dahil gabi na.

"I need to get him." Sabi ko saka iniwan ang magpinsan.

Perwisyo ng pinsan nila, bwisit! Hanggang ngayon tuloy, nagsisisi ako sa desisyon ko.

Mabilis akong lumabas ng bar. Basta ko nalang iniwan iyong dalawang pinsan ni Aries.

I looked for his car pero wala na sa parking lot. Argh! I hate him! Ito na ba ang simula ng pamomroblema ko sa kanya? Saan naman kaya siya pumunta?

I dialled his number. Nagri-ring iyon pero hindi sinasagot.

Fucker!

Mamaya niyan, magka-issue na naman siya, and I remember na hindi ko siya pwedeng hayaang umuwi kasama ang ibang babae and all. Sumasakit ang ulo ko. Letseng chicharon 'yan, nasobrahan yata ako.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko. Buti na lamang at sumunod lang ako sa bar kanina kaya dala ko ang kotse ko. I kept on calling him pero ring lang ng ring iyon.

What if he's too drunk at i-take advantage siya ng babae niya? E kung magpabuntis na 'yon. Tapos paano kung marami silang pictures or 'yung babae nagpost sa social media niya? E lasing ang gago. That will be a big issue!

My gosh, ano ba 'tong pinasok ko.

Naalala kong may app na in-install si Lander sa phone ko at 'yon ay trackerᅳwhich is according to him, hindi ko pwedeng ipaalam kay Aries because he will get mad for sure. Connected iyon sa phone ni Aries so mata-track ko kung nasaan siya. Itinigil ko sa gilid ng highway ang kotse ko saka tiningnan iyon.

My eyes widened. Fucker, he's at a hotel?!

Sabi na e. Punyeta siya. Ang sarap putulan ng kaligayahan e. Ang hilig sa sex at babae!

I went to the hotel na lumabas sa map. Hindi naman iyon gano'n kalayo. Almost ten minutes drive lang. Ang problema ko nalang is, nasaang room kaya siya? Some hotels don't give their guest information to others.

Sumasakit talaga ang ulo ko! Kung wala lang akong pakialam sa FF Jewelry, hindi na hahantong pa sa ganito ang trabaho ko.

Huminga ako ng malalim habang nagmamaneho. I need to think. I can't let that fucker laid on the bed with random woman.

I called Lander. Kailangan ko na yata ng tulong niya. I could see how he handle things with Aries. Ang perfect secretary niya lang.

"Yes, problem with the boss?"

Gets niya agad. Of course, wala namang ibang dahilan para tawagan ko siya. Dahil lang naman sa punyetang Palermo na 'yon.

"I'm on my way to a hotel. Naroon ang fuckerᅳI mean, si Aries with a woman, but hell, paano ko malalaman kung nasaang room siya? I can't just ask the receptionist there kung nasaang room siya."

He chuckled over the phone. Tinatawanan ba niya ako? Ang hirap hirap ng trabaho ko! Ang pag-aalaga ng maharot, isa na 'yon sa pinakamahirap na trabaho. Bwisit!

"You can do it, Miss Cass. I believe in your guts. You can think of any way to get his room number. Your way. I'll hang up."

What the fuck?! Did he just end the call? Lander, isa ka pang nakakapunyeta! Argh. Bakit hindi niya ako tulungan? It's his boss!

He believed in my guts?! Seriously. What does he mean? Nakakaloka.

Maya maya pa ay nakarating ako sa hotel. I parked my car. Pumasok ako sa lobby at dumiretso sa receptionist.

I browsed for Aries' picture on my phone. Yes I have, in case of emergency.

"Good evening, ma'am. How may I help you?"

I showed her my phone. "May I know kung anong room ang lalaking 'to. He's here, i know."

"I'm sorry ma'am but we don't give details about our guestᅳ"

"Patayin niyo nalang ako!" I screamed.

Nagulat ang receptionist at napatayo. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko.

Damn, nakakahiya but go! I need to do this.

"Malapit na ang kasal namin at ramdam kong may ibang babae siya. Pakiramdam ko ay wala akong worth. I gave him everything pero alam kong kulang pa. Hindi siya makuntento sa akin..." i started to cryᅳin fake.

The receptionist looked shock.

I wiped my tearsᅳas an act. "I just... want to die. Ayoko nang makaramdam ng sakit. Sawang sawa na ako sa pambababae niya. You know what? Lagi niyang dine-deny dahil wala akong proof. Never ko siyang nahuli sa akto and I can't do anything! Pakiramdam ko wala nang saysay pa ang buhay ko. Wala akong gusto kundi sumaya... pero bakit..."

I acted like I'm gonna faint. Napaupo ako sa sahig habang kapa ang dibdib ko. Ang hirap maging best actress, ha!

"Miss are you okay?!"

Punyetang babae to, mukha pa ba akong okay?!

"Just please... please... if i die today, i don't care. Gusto ko lang makita ng dalawang mata ko na tama ang hinala ko... na may babae siya so I could set him free..."

"Miss please stand up. You're causing a commotion. I will give you his room number. Kumalma na po kayo, ma'am."

I smiled in victory. I won.

Dahan dahan akong tumayo habang inaalalayan ako ng receptionist. I know some people are watching us kaya nataranta na 'tong receptionist.

Bumalik ang receptionist sa pwesto niya nang masiguro niyang okay na ako.

"But please ma'am, huwag po kayong gagawa ng commotion. I'm begging you. Baka matanggal ako sa trabaho."

I smiled with fake tears in my eyes. "I won't. I just... want to see him." Huminga pa ako nang malalim.

She looked up her list i think then looked at me. "Room 251, 3rd floor, ma'am."

"Thank you."

Umalis na agad ako saka dumiretso sa elevator. Baka kasi mamaya ay magbago pa ang isip ng babae at pigilan ako. Sumakay ako at pinindot ang 3rd button.

Pinahid ko ang luha sa mata ko. Punyeta rin kasi ng Lander na 'yon! Napa-acting pa tuloy ako.

Nang makababa ako sa 3rd floor ay agad kong hinanap ang room 251.

I pressed the door bell. Wala pang ilang saglit ay bumukas iyon. Babae ang nagbukas. She's wearing a robe.

Diretso kong pinasok ang kwarto.

"Hey, who are you?!"

Hindi ko pinansin ang babae. Hinanap ko agad si Aries. He's only wearing a robe while drinking a beer. Sitting like a boss.

"Hey." He looked at me. Namumungay ang mga mata niya.

"Aries Palermo, uwi!" Sigaw ko.

Lumapit ako sa kaniya saka siya hinila patayo but he refused.

"Sino ka ba? Why are you here?! You're invading our privacy! I will call the security kapag hindi ka agad umalis!" Sigaw ng babae sa akin.

"Huwag mo akong kausapin. Hindi tayo close. I am just here to get this guy. And FYI, this is my husband."

Her eyes widened. "No! He's single andᅳ"

"Shut up bago kita kalbuhin." I said. "Next time, learn to know if this guy is taken or not."

Hinila ko ulit si Aries but because he's fucking drunk, lunod sa alak, he's being stubborn.

"Ni ayaw sumama sa 'yo ni Aries! Bitawan mo siya. He's mine!"

Naha-highblood talaga ako sa babaeng 'to.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya saka buong lakas na hinila ulit si Aries. He's smiling like an idiot. Lasing na lasing siya.

"You're going home with me, or you won't see me again?" I told him.

Mabilis siyang tumayo. He cupped ny face. "My baby..."

Tanginang lalaki 'to.

"Let's go." I said. Inalalayan ko siya palabas ng kwarto. Mabuti naman at sumama ang lalaking 'to. Na-i-stress na ako sa kanya.

"Seriously?! Paano kung kidnapper ka palang babae ka? I will call the security now!"

Tumigil ako saka hinarap siya. "Mas mukha ka pang kidnapper sa akin and besides, I have the rights to this guy. Kung ayaw mong ako ang tumawag ng police and report you, just shut the fuck up."

I left her dumbfounded. Mukha namang natakot sa sinabi ko.

Sumakay kami ng elevator. Tatamaan talaga sa akin 'tong lalaki na 'to bukas paggising niya. Nawawala siya sa sarili niya kapag nakakainom e.

Pagbaba ng elevator ay mabilis na lumapit sa amin ang receptionist. She looks worried.

"Ma'am nahuli niyo po ba? Manloloko po ba siya?"

Gusto kong matawa sa tanong niya. "Thanks to you, nailigtas ko ang fiance ko. Some woman took advantage of him. Nilasing siya at dinala rito."

She smiled. "Tuloy ang kasal!"

Napailing ako sa reaksyon niya. Inilabas ko na si Aries sa hotel saka dumiretso sa kotse ko. Isinakay ko siya sa harap saka kinabitan ng seatbelt pero bigla niya akong hinapit sa bewang ko.

"Aries!"

"Hey, baby... kiss me."

"Punyeta ka talagang lalaki ka. Napakalandi mo!" Tinampal ko siya at ikinalas ang kamay niya sa bewang ko. I made sure na maayos ang pagkakakabit ko ng seatbelt sa kaniya. Then I closed the door.

Sumakay ako sa driver's seat.

I looked at him and he looked high. Naka-drugs ba siya or what? Para naman kasing hindi normal ang pagkalasing niya.

Kailangan ko na namang tawagan ang secretary niyang walang kwenta.

"Lander."

"Yes. I believe, you got him."

"Fuck you." I said. "Normal bang ganito siya malasing? Para siyang high like hindi niya yata ako nakikilala or lasing na lasing talaga siya."

"That's not normal. It's possible na may kung anong itinurok sa kanya."

"He was drugged?!"

"Possible."

Kaya naman pala. Kasi naman kung tambay sila ng bar, hindi naman siguro siya agad agad nalalasing.

"Sakit sa ulo!" Inis na sabi ko.

"Simula palang iyan, Miss Cass. He just need some rest and sleep. Bring him home. He'll be okay tomorrow."

Pinutol ko na ang tawag.

Sinamaan ko ng tingin si Aries sa tabi ko.

"You're a fucker!"

He stared at me and I stopped...

"I... love you..."

Agad na nag-react ang puso ko sa katagang iyon pero mabilis ko din iyong nabawi.

"Naka-drugs ka nga, bwisit ka."

I started driving. Working with Aries Palermo is a complete disaster.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top