Chapter IX

"I see something in you,
and I can't explain."

NAKAPAMEYWANG ako habang nakatitig sa nagkukusot ng punyetang mga mata niya si Aries.
May pag-iinat pa ang mokong.

"So that was my job? Being stressed!" Bulyaw ko.

Mukha naman siyang nagulat sa biglaang pagsigaw ko. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

Para bang iniisip pa niya kung ano ang nangyayari.

"Hey, you're here..." he said in his husky voice. "What's for breakfast?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tingin mo sa 'kin, asawa mo?! Breakfast your ass!"

He chuckles. "Pwede rin."

Mas sumama ang tingin ko sa kanya. "Wala kang idea kung gaano ako ka-stress ha! Tumataas talaga ang dugo ko! Halos hindi ako nakatulog kagabi sa inis!"

"Paano 'yung inis?" Ngumisi siya.

Nanggigigil ako. Sasabunutan ko talaga ang lalaking 'to!

"Parang habang tumatagal, lumalala ang role ko sa buhay mo. Seriously, secretary lang ang usapan natin! Hindi girlfriend, at lalong hindi chaperone!"

"It's too early to nag, Cassidy."

"I told you to stop calling me by my full name."

He chuckles. "Tell me, what did i do?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala ka talagang maalala ni isa sa ginawa mo? Amnesia boy yern?"

"Did I fuck you?"

Gusto ko na rin siyang sakalin. "Bastos ka talaga!"

"What... enlighten me."

"Muntik ka lang naman mapikot kagabi. Bakit ka ba nagpapakalasing nang hindi mo kaya, ha? Tapos ang landi landi mo pa. Hindi mo alam naturukan ka pa ng drugs. My gosh, Aries you're a human stress!"

"Really..."

"And lastly, kinaladkad kita mula sa hotel room ng babae mo. Sa susunod, mamili ka naman ng ika-kama mo. Ang hilig mo sa pokpok. Hindi ka ba natatakot magka-AIDS?"

Natawa siya sa sinabi ko. "Oh fuck, nabudol yata ako."

"Hindi ka nabudol. Malandi ka lang talaga. Bwisit ka."

Mas tumawa pa siya. "Are you jealous?"

"Asa ka." Sabi ko. "Uuwi na ako. I took the day, off! I want to take a rest."

Palabas na ako ng kwarto niya nang mapatda ako. He's hugging me from behind. I could feel his topless body.

"Don't go."

Kumunot ang noo ko. Bwisit na lalaking 'to. Uwing uwi na ako.

"Fucker—"

"Yeah, I know I'm a fucker. But please, stay here."

Ano bang ginagawa niya? Ang drama niya.

"Aries—"

"Please."

Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin saka ko siya hinarap. "What's your deal, seriously?"

"Sorry for what I did last night. I won't do that again, I promise."

Luh siya, feeling jowa??

"Buhay mo 'yan, Aries. You can do what you want. Ang sa akin lang naman, if you'll do something, make sure you won't disturb anyone. I don't mind you flirting with girls all day as long as you can handle it. Hindi 'yong hindi mo alam, mapipikot ka na. It's my job to watch you, to take care of things for you, pero hindi ko na siguro trabaho ang ma-stress sa pambababae mo. Daig ko pa ang asawa mo, e."

"I like it."

"Tigilan mo ako ng kakaganyan mo, Aries." I said. "Uuwi na ako."

"Can't I do that?"

"Alin?"

"Lambingin ka."

"Ewan ko sa 'yo. Nasa tuktok na ang stress level ko sa 'yo, huwag mo na dagdagan. Uuwi na talaga ako. Bye."

Mabilis akong lumabas ng kwarto niya. Bahala siya d'yan. I just want to sleep all day. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Lumabas ako ng unit niya. Dumiretso ako sa elevator.

Napapaisip ako kung bakit minsan, hindi ko maintindihan si Aries. May pa-don't go pang nalalaman, kainis.

Bumaba ako sa parking area dahil narito ang sasakyan ko. Ngayon ko mas naramdaman 'yung puyat ko.

Sumakay ako sa kotse ko saka nagsimulang mag-drive. Hikab na ako ng hikab. I badly need a sleep!

Tumunog ang phone ko. Sinagot ko 'yon without looking at the screen.

"I'm tired, Aries, plea—"

"Cass..."

I stepped on the break. Itinigil ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan ko nang mabosesan ko ang caller.

I looked at the screen. It's an unregistered number. But I know who he is. His voice... how could I forget it?

"W-Why... did you call me...?"

"Can we meet? Today?"

How dare him... it's been months...

I composed myself. I tried to be calm. "I have no reason to meet you."

"Cass, please. Can you hear me out? I really want to talk to you."

"For what?"

"For us."

Ngumisi ako. "Asshole."

"I know, I know, Cass. But let me explain."

Kabisado ko na siya. Hindi siya titigil hangga't hindi napagbibigyan. Fine, for old sake, I will give him time for today.

Hindi na yata matatapos ang stress na nararamdaman ko.

"Fine. Meet me at the Hashtag bar at seven, tonight. Reserve for a VIP room. Just send me the room number later. I need to take a rest now. I'll hang up."

I ended the call. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Hindi ko alam kung paano ko kinayang kalmahin ang sarili ko at maging civil lang sa pakikipag-usap sa kaniya.

As if we ended great. He was my last boyfried for three years who woke up one day na hindi na raw niya ako mahal so we broke up. I never ask for any explanation or something until I heard, may bago agad siyang girlfriend. Hindi ako nagpaka-bitter. I lived my life and forget him. I loved him, of course. He was the one who took my virginity. Akala ko kasi siya na, pero akala ko lang pala. We almost had a perfect relationship pero nawalang parang bula.

Now that I moved on from him after how many months since we broke up, saka siya sumulpot na parang kabute. So what's his deal?

Ano ang kailangan niyang sabihin sa akin ngayon? Fuck him. Ang kapal ng mukha niyang magparamdam ulit sa akin. Huwag niya alng akong gagamitan ng linyahang, nagising lang siya ulit na mahal pa pala niya ako. Baka mapukpok ko siya ng bote ng beer.

I wasted a lot of tears that he don't deserve. Jerk.

♞♝♜♚

I AM DRIVING on my way to Hashtag bar dahil sa ex-boyfriend kong bigla nalang sumulpot.

Maganda ang gising ko dahil maghapon akong natulog. Ang refreshing sa pakiramdam. I also soaked myself to bath.

Kanina ay na-recieved ko ang message niya na naroon na siya and, nasa VIP room #4 siya. Fine, whatever.

Napili kong makipag-usap sa kaniya sa bar because I wanted to drink. Isa pa, alangan namang papuntahin ko siya sa unit ko like the old times. No. Hindi ko rin feel na makipag-usap sa kaniya sa restaurant. Mas okay na ro'n sa VIP room ng bar so we can still have our privacy. Pwede ko siya ro'n sigaw sigawan. At... sampalin na rin.

I parked my car saka huminga ng malalim. Mula nang mag-break kami ay hindi ko pa ulit siya nakita so hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakaharap ko ulit siya.

Should I slap him? Kick his balls?

Bumaba ako ng kotse ko. I wore a scandalous outfit. Nah, it's not because I wanted to impress him but I want to show him kung ano ang sinayang niya. He's a total asshole.

Pumasok ako sa bar. As usual, the crowd is loud. Para bang hindi nawawalan ng tao ang bar na 'to.

Dumiretso ako sa VIP room kung saan naroon ang magaling kong ex. I knocked on the door before opening it.

Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad na siya sa akin na biglang tumayo mula sa pagkakaupo sa mahabang couch.

Hindi ako nagpatinag sa titig niya. Maglaway ka ngayon. Ako 'yung babaeng sinayang mo, letse ka.

"Cass..."

"You told me you need to say something, then spill it. I won't stay here long with you." Mataray na sabi ko.

I want to show him that I can't feel anything towards him. Tapos na kami. Tapos na ang kahibangan ko sa kanya.

"Can we order your drink first?" Aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "No thanks. These are okay."

May tatlong bucket ng beer sa mesa na I think he ordered for himself.

"Are you sure? How about snacks?"

I chuckled. I grabbed one small bottle of beer and drink it, bottoms up.

"We are not here to bond, RJ. We are here to talk so stop beating around the bush."

"I'm sorry." He said. "Well, alam ko ang pagkakamali ko, Cass. Sinabi ko sa 'yo na hindi na kita mahal and you probably heard the news that I got a girlfriend after that..."

Nanatili akong nakinig. I opened another bottle of beer and drink it.

"You see... she was my co-worker. Nakakasama ko siya sa mga team dinner na alam mo na madalas dumidiretso kami sa bar. There were times na nalalasing ako. That woman, she told me she was pregnant with my child. Hindi ko sigurado kung totoo but it was possible dahil nga nalalasing ako at..."

"Because you cheated on me with her?"

Umiling siya. "No, no, Cass. I never had a relationship with her while we're together. Mahal kita, alam mo 'yan. But sometimes, we can make a mistake. Tulad noong mga panahon na nalalasing ako. Ni hindi ko alam kung may nagawa ba ako, o wala."

"So what are you trying to say? Please, stop normalizing na ayos lang na may magawang mali just because you are fucking drunk."

"Hindi naman sa gan'on, Cass. I'm just telling you, I never cheat on you. Nagkataon lang na sa mga panahong 'yon, noong malaman kong nakabuntis ako, hiyang hiya ako aa sarili ko. Do you think I will have the guts to stay with you kahit alam kong nakabuntis ako? No. That's why I cut you off from my life without any explanation. Sinabi kong hindi na kita mahal so you won't ask any reason."

"Asshole."

"I know. I know..."

"Then what now? Anong rason para mag-usap tayo ngayon? For telling me your story? Then what?"

"That woman gave birth last month and I realized it wasn't mine. We had a DNA to prove it. I was devastated, Cass. Damn it, inalagaan ko 'yung babaeng hindi ko naman saoat alagaan at pinabayaan ka."

"Karma." Sabi ko.

"Yeah, maybe that was my karma. And I'm willing to do everything to fix our relationship. Mahal kita, Cass. Mahal na mahal."

I smiled at him. "Can't you see? I am happy now, RJ. You are eager to fix this fucking relationship but you never ask me if I like that idea? Sorry but I moved on. Masaya na ako na wala ka sa buhay ko. Wala nang dapat ayusin."

Tumayo ako saka hinarap siya.

"I think pwede na akong umalis. Wala nang sense na magtagal dito. If you ask me to talk to fix things with me, then sorry. This will be the last time that we will—"

Natigilan ako nang mabilis niya akong nahila palapit sa kaniya. Naglapat ang labi namin. For a moment, nadala ako sa pakiramdam na 'yon. I wanted him to stop pero parang may sariling isip ang labi ko para tumugon sa halik niya.

When was the last time we kiss? I always love his kisses, before.

But no, hindi ko dapat hinahayaang mangyari 'to. I am done with him at wala na akong balak pa na ayusin and relasyong matagal nang tapos.

I was about to push him when we automatically stop because of a loud noise from the door.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Aries—with his cousins. I gulped. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba. Hindi ko naman jowa si Aries pero pakiramdam ko ay nahuli akong nagche-cheat.

"You're here. You're not answering my calls." Aries said. He's fucking serious with his cold stares.

Bakit ba ako kinakabahan? He is just my boss!

"Cass."

"RJ, stop. I have to go—"

Mas nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Aries. He's holding my hands while facing my ex.

Saglit niyang tinanggal ang suot niyang coat saka isinampay sa balikat ko. I forgot what I'm wearing right now.

"I don't know who you are but I hate it that you're flirting with my girl."

I frowned. I looked at Aries. He's really serious right now.

"Aries—"

"We will talk later at home, Cassidy."

Natameme ako sa sinabi niya. Para niyang sinasabi na magkasama kami sa bahay. At bakit ba kailangan niya akong tawagin palagi sa buong pangalan ko?!

RJ was about to say something pero nagsalita na naman si Aries.

"And don't tell me what's going on because I might kill you. I will only talk with my girl about this. Back off."

Hinila na ako palabas ni Aries. Wala akong magawa o masabi. Hindi ko inasahan ang mga sinabi niya kay RJ. My gosh, ano bang trip ng lalaking 'to.

Saka teka nga, paano niya nalaman kung nasaan ako??

"Get in." Aniya pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto ng kotse niya.

"I have my car—"

"I said get in." Seryosong sabi niya.

Napalunok ako saka sumunod sa kanya. Sumakay ako sa kotse niya. Kinakabahan ako bakit gano'n? The way he looks at me... para niya akong kakainin ng buhay.

Nang makasakay siya sa driver's seat ay agad niyang pinaandar ang kotse.

"You'll be punished tonight, baby."

Hindi ko alm ang ibig sabihin niya pero para akong nakuryente sa mga salitang iyon. Hindi ako sumagot hanggang sa naig ang katahimikan sa pagitan namin nang magsimula siyang magmaneho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top