Chapter 2

"Can we just end this pain
and rest forever?"

NARITO kami sa reception. Nasa isang bilog na table kaming magkakaibigan. Kanina pa natapos ang program at nagsasaya nalang ang lahat.

"Ang kapal ng mukha, nakakainis!" Sabi ni Kelly pagkatapos kong i-kwento ang nangyari kanina sa parking lot with Jero.

"Hayaan nalang natin siya." Sabi ko.

"Argh! Gusto ko siyang sabunutan!" Sabi pa niya.

Huminga ako ng malalim. I should be happy today dahil kakakasal lang ng kaibigan ko pero ang hirap kasing maging masaya kung dinudurog ka ng sarili mong puso.

"Maleha."

Tumingin ako kay Rocky sa tabi ko. Inabutan niya ako ng tissue.

"Ano 'yan?"

"Umiiyak ka na naman."

Kumunot ang noo ko. Hinawakan ko ang pisngi ko at may luha akong nakapa.

Grabe naman, sa sobrang sakit na nararamdaman ko, namanhid na ako at hindi ko man lang mamalayan pa na umiiyak na naman ako.

"Hay, Maleha, alam mo? You should take a rest. Tapos na naman ang wedding and program." Sabi ni Kelly.

Ewan ko ba. Gusto ko rin namang magpahinga pero sa tuwing nasa condo na ako, mas nalulungkot ako.

Iyong dating maingay na unit dahil sa kulitan namin ni Jero, wala na. Iyong unit na punung puno ng pagmamahal, wala na rin.

"Maleha, uy."

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulhol. Sa tuwing maaalala ko iyong mga times na magkasama kami ni Jero... sobra akong nasasaktan.

"Rocky, ihatid nalang natin si Maleha sa condo niya. She really need to take a rest." Sabi ni Kelly.

Umiling ako saka pinahid ang luha ko. "K-Kaya ko naman e. Naaalala ko lang kasi..."

Hangga't maaari, mas gusto kong nasa labas ako dahil mas lalo lang akong nasasaktan kapag mag-isa lang ako sa condo ko. Lahat kasi ng alaala, bumabalik. Lahat lahat.

"Maleha naman. No, you should take a rest."

Inalalayan ako ni Kelly sa pagtayo. Hindi na ako tumanggi. Gustuhin ko mang manatili rito, pakiramdam ko ay naaabala ko na rin sila sa halip na nagsasaya sila.

"Kelly, kaya ko namang umuwi mag-isa. I-enjoy niyo nalang ang gabi, okay?" Sabi ko.

"Hindi, Maleha. Ihahatid ka namin."

Hinawakan ko siya sa mga kamay niya. "Thankful ako sa pag-alalay niyo sa akin. Pero okay lang talaga ako. Luha lang 'to. Sanay na sanay na akong umiyak. Wala lang 'to. Nasa katinuan pa ako ng isip kaya kaya kong mag-drive."

"Ihahatid ka namin, Maleha." Sabi pa ni Rocky.

"Please, guys?" Pakiusap ko.

Kaya ko namang mag-drive e. Hindi naman ako lasing para hindi kayanin. Saka ayoko talagang alalahanin pa nila ako.

"Maleha..."

"Sige na guys, mauuna na ako, okay? Enjoy the night. Kapag lumabas pa si Cath, just tell her na umuwi na ako kasi sumama ang pakiramdam ko."

Niyakap ako ni Kelly. "Please be fine, okay?" Aniya.

"Maleha, magsend ka ng message kapag nasa condo ka na." Paalala ni Sam.

Tumango ako sa kanila. Ngumiti ako at ipinakita sa kanilang maayos lang ako. I grabbed my pouch under the table.

Umalis na ako sa reception area saka dumiretso sa parking lot kung saan naroon ang kotse ko.

Sumakay ako sa kotse ko saka pinaandar ang makina. I took a deep breath and started driving.

Hindi ko kayang umupo sa condo tapos maaalala ko lang si Jero. Mula nang mahuli ko siya, hindi na ako nakatulog ng maayos. Gabi gabi akong umiiyak at nagpaoakalasing hanggang makatulog dahil alam kong kung nasa normal ako, hindi ko magagawang makatulog.

Ang saya saya ko pa noong araw na 'yon. Ipinagluto ko siya ng dinner at excited ako sa magiging reaksyon niya dahil inaral ko talaga at siniguradong masarap iyong niluto ko para sa kaniya dahil halos masuka suka siya noong pinagluto ko siya sa unang pagkakataon dahil hindi raw masarap.

Pero akalain ko bang sa surprise na binalak ko, ako pala ang masusurprise.

Umuwi siyang lasing. Inihatid ko pa siya sa kwarto. Nagtataka ako no'n dahil sorry siya ng sorry sa akin nang walang dahilan. Kinutuban ako kaya ang una kong ginawa ay pinakialamanan ko aang phonr niya na hindi ko naman gawain dahil may tiwala ako sa kaniya. Hindi ko rin alam nung gabi na 'yon kung bakit ko naisipang gawin iyon.

I saw some text messages. Marami silang conversation pero nabitawan ko ang phone ko nang mabasa ko iyong text message na "Buntis ako, Jero". Kaya ko pa sanang kumalma e, pero kasunod ng text message na iyon ang "Ikaw ang ama" na another text message.

Hindi ko alam ang gagawin noong gabi na iyon. Nakatitig lamang ako kay Jero habang nananalangin na sana hindi totoo iyong nabasa ko, na sana nananaginip lang ako that time. Halos hindi ako natulog nang gabing iyon. I waited for him to wake up until the next morning.

Inasikaso ko siya. Pinaghanda ng breakfast, pinaligo... habang nasa isip ko iyong nabasa ko.

Napakalinaw pa ng nangyaring iyon sa isip ko.

"Jero..."

"Okay ka lang, beb? Namumutla ka."

Pilit akong ngumiti. "Jero, mahal mo ako 'di ba?"

Tumango siya. "Mahal na mahal, Maleha. Alam mo 'yan."

Pinatatag ko ang sarili ko dahil anytime ay maiiyak na ako.

"Oo, alam ko. Alam ko 'yon, Jero."

"Halika dito, payakap ako ng mahigpit."

Sa halip na lumapit ay tiningnan ko lamang siya diretso sa mga mata niya.

"Nakabuntis ka."

Nanlaki ang mga mata niya. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya habang tinitimbang kung ano ang sasabihin sa akin.

"Mahal na mahal mo ako, Jero. Pero bakit?" Bumigay rin ako, tuluyang tumulo ang luha ko. "Bakit...?"

"Maleha..."

"Paano mo nasasabi sa akin na mahal mo ako when in fact, ginagago mo ako? Paano mo nagagawa 'yon, Jero? Ang tibay mo naman."

Sinubukan niyang lumapit sa akin. Nanatili akomg matatag habang nakatingin sa mga mata niya.

"Mali ka ng iniisip, beb."

"Tangina ng beb na 'yan. Huwag na huwag mo akong matawag tawag na ganyan!"

Hangga't maaari, gusto kong kumalma pero wala akong magawa. Gusto kong ilabas ang galit ko.

"Hindi ko sinasadya. Maniwala ka... hindi ko ginusto iyon..."

"Naisip mo ba 'yan nang ikinama mo siya, Jero? Hindi sinasadya? Tangina naman ng rason mo! Ano, lasing ka ba at siya ang umakit sa 'yo? Ganoon ba 'yon?!"

Umiling siya. "Nakainom lang ako, beb. Maniwala ka. Nadala lang ako sa barkada. Nagkabiruan lang, nagkapustahan..."

"Tangina ng rason mo! Tangina mo, Jero!"

Sinuntok suntok ko ang dibdib niya. Sinubukan niya akong yakapin pero itinulak ko siya.

"Huwag mo akong hawakan! Nandidiri ako sa 'yo!"

"Maleha, please, maniwala ka sa akin. Hindi ko ginusto iyon. Nadala nalang ako─"

"Nadala?! Baka matanggap ko pa na nalasing ka at wala sa katinuan pero nadala? Tanginang rason 'yan! Tangina talaga! Ang gago gago mo!"

"Maleha... please."

"Lumayas ka!"

"Hindi. Hindi ako aalis. Maleha, please, nagmamakaawa ako. Please "

Lumuhod siya sa harap ko pero wala akong makapang kahit katiting na awa sa dibdib ko.

Nakabuntis siya.

Nakabuntis siya na nasa katinuan siya.

"Umalis ka na bago pa ako tumawag ng guard para kumaladkad sa 'yo palabas." Sabi ko.

"Hindi hindi..." patuloy ang pagluhod niya. Niyakap niya ang binti ko habang umiiya.

Wala akong ibang maramdaman kundi kirot sa puso ko.

"Umalis ka na, o ako ang aalis. Sa 'yo na ang ang putanginang condo na 'to! Tutal hindi ko na rin naman gugustuhing manatili dito dahil punung puno 'to ng alaala mo!"

Halos itulak ko siya para makawala sa pagkakayakap niya sa binti ko.

"Hindi, Maleha! Hindi. Sige, ako ang aalis. Aalis ako." Sabi niya.

Tumayo siya. Tinibayan ko ang loob ko.

"Layas." Madiin na sabi ko.

Bagsak ang dalawang balikat niyang naglakad palabas ng unit.

The moment he gets outside, napaluhod ako sa sahig. Saka ako napahagulhol.

He just killed me in pain.

Pinahid ko ang luha ko saka ipinarada sa parking ng bar ang kotse ko. Ayoko nang isipin pa ang nangyaring iyon. I want to forget it.

Bumaba ako ng kotse ko. I will get wasted tonight. Walang makakapigil sa akin. Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa akin. Who cares? Well, no one cares.

Pumasok ako sa bar. I looked at a vacant table. Mas pinili ko iyong nasa sulok.

Umupo ako saka inilapag ang pouch ko. Sinenyasan ko ang waiter. Lumapit naman agad iyon sa akin.

"Ilapag mo dito 'yung pinakamatatapang na alak niyo." Sabi ko.

"Ma'am?" Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Pinakamatatapang na alak." Ulit ko. "I want them now."

"Ah, yes yes, Ma'am."

Mabilis siyang umalis sa harap ko para kunin ang order ko. Naghalumbaba lamang ako.

Pilit kong itinatatak sa isip ko na kalimutan na si Jero. Kahit anong mangyari, hindi hindi ko na siya babalikan pa.

Sinagad agad niya ang sakit na pinaramdam niya sa akin at hinding hindi ko siya mapapatawad.

Inilapag ng waiter ang ilang piraso ng bote ng alak sa mesa ko. Hindi ako pamilyar sa ibang alak pero mukhang natatapang nga iyon. Well, that's what I wanted.

Umalis rin ang waiter sa harap ko nang mailapag ang mga alak.

Naglagay ako ng ice cubes sa shot glass ko mula sa ice bucket. Binuksan ko ang isang bote ng alak. Amoy na amoy ang iyon.

Nagsalin ako sa shot glass ko. Pinuno ko iyon saka tinungga. Muli akong nagsalin saka ininom iyon. Para bang ayaw ko nang tumigil sa pag-inom. Gusto ko nalang malasing at makalimutan lahat.

Hindi ko tinigilan ang alak hanggang makaramdam ako ng kakaiba sa ulo ko. Lara akong nahihilo na hindi ko mainintidihan. Nabigla yata ako pero mas maigi na rin ito.

Kung pwede lang na magka-amnesia nalang ako...

"Hi, miss? Alone?"

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking tumabi sa akin. Mas nakaramdam ako ng kakaiba. Tinamaan na nga yata agad ako ng alak.

Sunud sunod na pagtungga ba naman.

Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin nang hawakan niya ang hita ko.

I won't mind him touching me. Tutal nakakadiri na rin naman ang sarili ko. Nadidiri ako.

"So you like it, huh." Aniya saka ipinagpatuloy ang paghimas sa hita ko.

Muli akong tumungga ng alak. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin. Pakialam ko ba? Durog na durog na rin naman ako.

"Woman."

Nag-angat ako ng tingin. I tilted my head. Para bang nagiging blurred na ang paningin ko.

Bago pa ako magsalita ay nakita ko kung paano niya hinigit sa kwelyo ang lalaking katabi ko saka itinulak sa kung saan.

Napailing ako saka itinuon ang pansin sa alak ko.

"Are you fucking crazy? Letting random guys to touch you, seriously?"

Inaninag ko ang mukha niya at unti unti iyong luminaw. Oh, that's him.

"Who cares." Simpleng sagot ko.

Inagaw niya ang shot glass na hawak ko nang tangkain kong uminom ulit. Ininom niya iyon saka tumayo. Hinila niya ako.

"Ano ba!"

Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lamang siya sa paghila sa akin palabas ng bar. Dinala niya ako sa parking lot. Isinandal niya ako sa isang kotse. Napakalapit nh mukha niya sa akin.

"You're downgrading yourself just because your boyfriend cheated on you." Madiin na sabi niya.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya.

"Just? Just? Do you even know how much it hurts? Akala mo ba gano'n ganon lang 'yon ha?! Who are you to fucking judge me!"

Tumalim ang tingin niya sa akin. "So what do you thjnk you were doing with that fucking guy? Tangina, hinawakan ma pero hinayaan mo. Are you dumb?!"

"Bobo na kung bobo! Ano bang pakialam mo ha? Buhay ko 'to! I can do what I want with my life. Kung ma-rape man ako sa bar na 'yan, I won't mind!"

He claimed my lips. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya. I stopped for a moment. Para bang nawala ang tama sa akin ng alak.

Habang nakasandal ako sa kotse ay mas idiniin niya ang sarili niya sa akin. Anong ginagawa niya?

Sa pagkakatanda ko, halos isumpa niya ako nang halikan ko siya, pero ngayon...

Inilayo niya ang labi niya sa labi ko. He's staring at my eyes.

"If you want to fucking ruin yourself, then do it in other way."

"Ano bang pakialam mo, ha?!"

"Wala akong pakialam sa 'yo! I just fucking hate to see women who never respect theirselves."

Hindi ko na siya maintindihan. Sa dinami dami ng taong dapat kaharap ko ngayon, bakit siya pa?

"Huwag mo akong pakialamanan." Sabi ko. "Pare parehas kayong mga lalaki!"

"Putangina, huwag mo akong igaya sa mga lalaki mo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo rin akong pakialamanan!" Sigaw ko

I walked out. Sino siya para pakialamanan ako? I just want to get wasted.

My eyes widened when he grabbed my arm. "Ano ba!"

"Are you fucking desperate to get laid with random guys tonight? Wala kang pakialam kung magahasa ka sa putanginang bar na 'yan?!"

I don't even know why he's acting like that. Hindi naman kami close!

"Oo! Kaya pwede ba, bitaw!"

Sa halip na bitawan ay hinila niya ako lalo. Gusto kong tumanggi pero masyado siyang malakas.

"You won't mind if you get raped. What a fucking mindset. But then, fine. Come to me, I am more willing to rape you if that's what you want."

Halos mapanganga ako sa sinabi niya. What... the hell?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top