Chapter 1

"I wish I had an off
button for my feelings."

SABI nila, one of the feeling in this world is to get married with the people you love. Sino ba naman ngang hindi sasaya no'n? That's why I am so happy with my friend. She's saying her vows to her soon to be husband and I am now crying in tears.

Kahit naman ako, pinangarap kong mapakasalan ang taong mahal ko. I'm in my right age. Kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. I was ready... before he left me.

I frowned when someone gave me a handkerchief. Inilahad niya iyon sa harap ko.

Tumingin ako sa tabi ko and I saw him staring coldly at me.

"Ang pangit mo umiyak. Takpan mo ang mukha mo."

Ready na akong ma-touch pero ang lalaking 'to, wala talagang modo. Akala ko pa naman binibigyan niya ako ng panyo para pahirin ang luha ko, hindi pala.

"Mind your own business."

"Yeah, mind your own business. Stop crying in the middle of your friend's wedding. Nagmumukha kang sisigaw ng itigil ang kasal."

Sinamaan ko siya ng tingin. This guy... is getting in my nerves. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo niya sa akin.

"Excuse me? Baka ikaw pa ang gumawa no'n. You like my friend, right?" Sarcastic kong sabi.

"I like her so much that I can be happy to see her happy." Seryoso niyang sagot. "And why do I fucking talking to you, damn it. Takpan mo 'yang mukha mo."

Seryoso? Dinaig pa niya ang babaeng may mood swings! Nag-walk out na siya. Sinundan ko siya ng tingin. He walked towards his cousins and looked at me again.

Pinandilatan ko siya ng mga mata but then he rolled his eyes at me. Aba, aba! Makairap! Bakla ka ghorl?!

"By the power vested in me, I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."

Itinuon ko ang pansin sa unahan. I can see how happy they are. Wala akong ibang masabi kundi sana all. Ilang taon nalang sana, ikakasal na rin ako. Everything is planned but he ruined it. He purposedly hurt me when everything is settled.

Sana noong una palang, sana hindi nalang niya ako hinayaang bumuo ng pangarap kasama siya kung iiwan lang din pala niya ako. Napaka gago niya.

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. Finally, my friend is married with the guy she loves.

Natapos ang kasal at kanya kanyang lapitan ang mga tao sa unahan para i-congratulate ang bagong kasal. Para akong timang na nanatiling nakatayo, tinitingnan sila na mayroong ngiti sa mga labi.

Kailan kaya ako?

"Maleha, let's go! Picture taking daw." Hindi ko na napansing nakalapit sa akin si Kelly─isa rin sa mga kaibigan ko. Sa bandang unahan kasi siya nakaupo kanina dahil siya ang maid of honor ng kaibigan naming ikinasal.

Tumango ako saka sumunod sa kaniya papunta sa unahan. We posed for a picture. Magkabila ang mga girls sa boys. Tumabi ako kay Catherine─ang kaibigan naming ikinasal.

Nang matapos ang picture taking at humarap ako sa kaniya. I held her hands.

"Congrats, Cath."

Malapad ang ngiti niya sa akin. "Don't worry, Maleha, matatagpuin mo rin ang lalaking para sa 'yo. Stop thinking about him. Move on, okay? Ang ganda ganda mo e. Malay mo nasa tabi tabi lang ang lalaking para sa 'yo."

Thankful ako sa kaibigan kong 'to. Nagkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan, nanatiling matatag ang frienship namin.

"You're over exposure. Alis."

Nilingon ko ang nagsalita. Ang lakaking walang modo. "Excuse me, she's my best best bestfriend!"

"Lucio is my cousin. It's time for picture taking of our family."

Napatingin ako sa paligid. Naglalapitan na nga ang mga pamilya ni Lucio.

I glared at him. "Whatever!"

Tumingin akong muli kay Cath saka ngumiti. Umalis na ako sa unahan. Hinanap ko si Kelly.

"Kelly!" Tawag ko sa kanya.

She's with Sam and Rocky─they are part of my group of friends. Lumapit ako sa kanila.

"Maleha." Sambit ni Rocky. "Alam kong wala sa timing 'to pero pwede ka ba daw makausap ni Jero? Nasa may parking siya sa labas ng simbahan."

Kumabog ang dibdib ko. Jero is my ex boyfriend who gave me pain. Siya lang naman ang lalaking isinusumpa ko ngayon.

"P-Para saan pa?" Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako.

Just mentioning his name gave me a pang of pain.

"Rocky, just tell him to stop. Maleha needs to move on pero paano niya magagawa iyon if he's still there playing around her? Ano ba talagang gusto niyang mangyari?" Mataray na sabi ni Kelly.

"May mahalaga lang daw sasabihin. Kung ako lang, talagang naka-ilang suntok na ako sa kaniya." Sabi ni Rocky.

"Maleha, talk to him. Siguro, gusto niya lang ng maayos na closure." Sabi ni Sam.

Nagdadalawang isip ako. Sabi ng isip ko, tama na at ayoko na siyang makita pero ang puso ko... gusto pa rin siyang makita.

"Argh! He's so annoying! Sa dinami dami ng araw, ngayon pa talaga na kasal ni Catherine? How dare him!"

"Nagpunta siya rito para i-congratulate si Cath ng personal. At dahil narito ka naman, Maleha, gusto ka na rin niyang kausapin." Paliwanag ni Rocky.

Gusto kong mainis pero ano bang magagawa ko? Ayokong masira ang araw ng mga kaibigan ko dahil sa akin o kay Jero. I hate him. Sa halip na masaya lang kami ngayon...

"I'll go outside." Sabi ko. Closure nga siguro ang gusto niya, then kung iyon nga, I will gladly gave it to him.

"Maleha." Pigil ni Kelly.

"Susunod nalang ako nanaya sa reception. I have my car. You should go. Patapos na rin ang picture taking."

Wala na silang nagawa nang naglakad ako palabas ng simbahan. I should face that jerk.

Nang makalabas ako ng simbahan ay dumiretso ako sa parking lot. I looked for him and I automatically stopped when I saw him standing near a tree.

"Maleha."

I gulped. This is not I wanted to show him. Gusto kong ipakita sa kaniya na pagkatapos niya akong saktan, masaya pa rin ako─na kaya ko kahit wala siya. Na malakas ako, na kakayanin ko ang lahat kahit durog na durog ako.

"What do you want?" I asked him.

His face looked haggard. Para siyang ilang araw na walang tulog.

"Maleha, I was wrong, alam ko. Hindi mo deserve na masakta─"

"Oh, hindi ko deserve? Then fuck you, Jero! How could you say that after hurting me? Ang gago mo. Ang gago mo sobra!"

Wala akong pakialam kung may makarinig sa amin sa paligid. I can't even stop my anger against him kahit gusto kong kumalma.

"Listen to me..."

"Listen? Ikaw ba nakinig sa akin? Punyeta, Jero, nakabuntis ka ng iba! How dare you?"

"Hindi ko sinasadya... hindi..."

"Ang gago mo lang, Jero! Hindi sinasadya? So you're saying na kusang tumakbo sa ibang babae ang sperm cell mo at nakipagmeet sa egg cell kaya nakabuo? Punyeta ka pala talaga!"

Nanginginig ang kamay ko. Gusto kong maging malakas sa harap niya pero sumabog rin ako. Ang sakit sakit kasi.

"Maleha..."

"Alam mo? Mas tanggap pa kita na nakilala kitang may anak e. Pero 'yung habang tayo na magkaka-anak ka sa iba? Punyeta ka talaga! Ang gago gago mo!"

Wala akong pakialam kung sira na ang make up ko. Who cares! I can't stop my tears from falling.

Sinubukan niyang lumapit sa akin pero napaurong ako.

"Mula nang malaman ko 'yon? Gabi gabi kong tinatanong ang sarili ko kung ano bang kulang sa akin? Ano bang hindi ko nagawa para hanapin mo 'yon sa iba? Ni sex hindi ko pinagdamot sa 'yo because I can see my future with you kaya halos ibigay ko ang lahat sa 'yo pero punyeta, hindi ka pa pala nakuntento sa akin. Ang kapal ng mukha mo, Jero!"

"Maleha please..."

"Huwag na huwag kang lalapit sa akin. Nandidiri ako sa sarili ko. Iyong iisipin ko pa lang na naika-kama mo ako habang nay kina-kama kang iba..."

His tears started to fall. "Paninindigan ko lang ang bata, Maleha. 'Yung bata lang."

"Wala akong pakialam sa gusto mong gawin. Sa tingin mo ba tatanggapin pa kita? In your fucking dreams, Jero!"

"Maleha, nagsisisi ako. Sorry... sorry..."

"Tama nga ang sabi nila. Kayong mga cheater never nagso-sorry hindi dahil nagsisisi kayo sa nagawa niyo, kundi dahil nahuli kayo. Sorry, Jero but it happened that I caught you. Go to hell."

Tinalikuran ko na siya pero natiligilan ako saglit saka muling nagsalita.

"This will be the last time na kakausapin kita. There will be no us, Jero. Tapos na tayo at tinuldukan ko na iyon. Wala na, kahit pa anong gawin mo. If you're really feel sorry for me, then get out of my life."

I started walking when she grabbed my arm. Napaharap ako sa kaniya. He tried to hug me pero itinulak ko siya.

"Maleha, hindi ko kaya!"

"Ano ba! Sana naisip mo 'yan bago ka gumawa ng kagaguhan. Leave me alone."

Muli niyang hinawakan ang mga kamay ko. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin.

"Bitaw, Jero!"

"Hindi ko talaga kaya..."

"Sinabi nang bitaw!"

Nag-ipon ako ng lakas saka hinila ang kamay ko but I stopped when someone grabbed my arm na naging dahilan para mabitawan ako ni Jero.

I looked at the guy in front of me. He's facing Jero. Nasa likod niya ako habang hawak pa rin ang kaliwang braso ko.

"Leave."

Napalunok ako. I know his voice, that guy... hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito.

"Sino ka, ha?"

"The father of her baby."

I tilted my head. Hindi ko amsyadong naintindihan ang sinasabi niya.

"Anong sinasabi mo?!"

"Are you dumb? This woman is pregnant and I am the father. So leave while I'm being nice. You know, you won't like it when I get mad."

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong kalokohan ang sinasabi niya pero kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Jero.

Para akong nawalan ng lakas bigla.

"Hindi ako natatakot sa 'yo. Anong sinasabi mong buntis si Maleha?!"

"Shut the fuck up, asshole."

Ayoko nang lumala pa ito. Hinila ko ang kamay ko saka hinarap si Jero.

"Umalis ka na, please. Kahit ito nalang ang gawin mo para sa akin." Pagmamakaawa ko.

Ayokong mandamay ng ibang tao sa gulo namin ni Jero. I don't know the reason of this guy for helping me out pero ayoko ring madamay siya.

"Hindi pa tayo tapos." Pagbabanta niya.

Mabilis siyang sumakay ng kotse niya. Pinaandar niya iyon saka pinaharurot palabas. Naiwan kaming dalawa.

"Thank─"

"I didn't do that to help you. My car is there and because you two were arguing, I wasn't able to go to my car."

Napansin kong nasa harap ng kotse niya ang kinatatayuan ni Jero kanina.

Akala ko tinulungan niya ako. For a moment nakalimutan kong wala nga pala siyang modo.

"Okay fine, sorry." I rolled my eyes and walked out.

Nagulat ako nang habulin niya ako.

"Ano na naman?"

Iniharap niya s amukha ko ang cellphone niya. Nakapatay iyon and I can see my reflection on the screen.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagkalat na ang mascara at eye liner ko! I looked like a mess!

"Maawa ka sa mga makakasalubong mo. Aakalain nilang holloween. Tch." Aniya saka umalis na at bumalik sa kotse niya.

Bwisit na lalaking 'yon!

Sa halip na damdamin ko ang pag-uusap namin ni Jero ay sinakop niya ang isip ko.

"Hey, you!"

Nilingon ko siya. "What? Hindi ka pa tapos?!"

"Nakaharang ka sa dadaanan ng kotse ko. Tangina, lutang ka ba?"

Inirapan ko siya saka tumabi sa gilid. Broken ako, broken but he just ruined the moment!

Bwisit ka talaga, Arion Chase Palermo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top