Chapter 5
"My days with you are the best."
HABANG nakatulala ako sa kontrata ng hawak ko ay hindi ko mapigilang mag-overthink.
Paano kung mahuli kami ni Kelly? Paano kung mahuli kami ng mga kaibigan ko? Paano kung mabuntis niya ako? Paano kung... lalo ko siyang mahalin dahil sa set-up na 'to?
Ano ba 'tong pinasok ko?
"Cath, ayos ka lang? Coffee?"
Nag-angat ako ng tingin kay Ranran. Ka-trabaho ko. Masyado na bang obvious nawala ako sa sarili ko?
"Okay lang ako. Thanks."
Itinupi ko iyong kontrata saka inipit sa planner notebook na palagi kong dala saka inilagay sa bag ko. I need to focus on my work. Late na nga akong pumasok kanina dahil nagpunta pa ako kay Lucio but anyway, minsan lang naman ako ma-late sa trabaho.
Hapon na. Hindi na ako halos mapakali dahil nga magkikita na naman kami ni Lucio mamaya. Pupunta kaming bar so expect ko na mag-iinom kami? Siguro dahil nasanay ako sa mga kaibigan ko, kahit may trabaho kinabukasan, nakakaya kong uminom.
Dati, trabaho at apartment lang ako at kapag weekends lang ako nakakagala like sa condo ng mga kaibigan ko or kung saan namin trip pumunta. Depende na lang kung may mga birthday or dapat i-celebrate, nakakalabas ako ng weekdays after work.
Pero ngayon, baka mapadalas na ang paglabas labas ko dahil kay Lucio.
Dati, wala naman akong rason para i-check palagi ang phone ko. Kanina, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit panay ang tingin ko. Feeling ko yata tatadtarin ako ng messages ni Lucio. Gising girl, hindi kayo magjowa.
"Miss Cath, dalhin ko lang 'to sa accounting," sabi ni Gina. Isa sa ka-work ko.
Tumango lamang ako at muling nagmuni-muni. Kadalasan, kahit malapit na ang oras ng labasan, busy pa rin ako sa paperworks pero heto ako ngayon, tulala, wala sa huwisyo at kung anu-anong iniisip.
"Whoa! Natapos din. Labasan na rin!"Sigaw ng isa kong ka-work.
Tumingin ako sa wristwatch ko. Tapos na ang oras ng trabaho. Feeling ko naman naging productive ang araw ko kahit papaano.
Inayos ko ang gamitsa table ko. May ugali akong ayokong makalat ang table ko. Gusto ko palaging organized.
Nang matapos ay binitbit ko na ang bag ko. I checked my keys and phone. Okay, dala ko na lahat. Mamaya ko na iisipin sa sasakyan kung paano pumunta sa Hashtag Bar na sinabi ni Lucio. I think sikat naman iyon so siguro, nasa Google map naman siya.
Sumakay ako ng elevator pababa ng lobby. Kinakabahan na naman ako. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na magiging normal na lang na palagi akong makikipagkita kay Lucio. Self, kalma.
Nang makababa ako sa elevator ay nag-biometric na ako para mag-out.
Kumunot ang noo ko nang mapalapit ako sa may exit door. Nagkukumpulan ang ilang empleyado doon. Anong meron?
Nakiusyoso ako tutal lalabas naman talaga ako dun at jusko, kainin na ako ng lupa ngayon, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sinong dahilan ng commotion.
Gosh, Lucio what are you doing here?! Nasa may harap ng building ang kotse niya and he's standing there wearing his shades. Nakasandal siya sa labas ng kotse niya at nakatayo roon na parang isang Greek God. Seriously, bakit siya narito at paano niya nalaman na dito ako nagta-trabaho? Wala naman akong nabanggit sa kaniya.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalapit ba ako sa kaniya or should I send him a message na wala ako dito sa trabaho?
"He's one of the Palermo's heir, right? Sikat ang family nila at laman sila ng magazines and billboards." Narinig kong sabi ng isang empleyado.
"Wow! Bakit kaya siya narito? Look at him, para siyang artista. Sino bang hindi mapapatigil para lang titigan siya."
Napailing ako. Mas magdudulot ng commotion kung hindi pa aalis si Lucio. Okay, kaya ko 'to.
Huminga ako ng malalim saka tuluyang lumabas sa exit door. Dumiretso ako papalapit kay Lucio. Umayos siya ng tayo nang makita niya ako.
Nakakahiya ako ano ba 'to! Para akong teenager na kinikilig dahil sinundo ng jowa sa school.
Pilit kong hindi lumingon sa mga empleyado. Ayokong makita ang mga reaksyon nila. Halos kilala ako sa company dahil nga pamangkin ako ng may-ari.
"Catherine."
"Lucio, bakit ka narito? Pwede naman akong magpunta sa Hashtag Bar dahil may kotse naman ako," sabi ko.
Seryoso ang mukha niya. Normal face niya naman iyon e.
"It's okay. Get in."
Wala na akong nagawa kundi ang sumakay. Kesa tumagal pa kami sa labas habang pinagpi-piyestahan ng mga empleyado.
"Lucio, kasi, hindi ba nakakahiya? Secret iyong set-up natin at iyong pagsundo mo sa akin, baka ma-issue ako at kumalat iyon."
He started the car engine. Wala na talaga. Hahayaan ko na lang ang kotse ko sa trabaho. Pwede namang iwan 'yon doon.
"The set-up is secret but meeting you and us, being together is not a secret."
"Ha? You mean, ayos lang sa 'yo na may mga makakita sa atin na magkasama sa public? E paano kung ano... paano kung magka-issue at makarating kay Kelly?"
"Save it. Don't worry about it," aniya. "And besides, that's your workplace. Wala si Kelly do'n."
Hindi ko ma-gets ang pinupunto niya. Ayoko lang naman na kumalat na sinusundo niya ako. Ano na lang iisipin ng mga tao?
"Teka, paano mo nga pala nalaman na roon ako nagta-trabaho. Hindi ko iyon binanggit sa'yo"
"I asked Kelly."
Nanlaki ang mga mata ko. "Wait, what? Bakit mo tinanong sa kaniya? Seryoso ka ba d'yan?! Paano kung makahalata siya? Oo tama, magtataka siya!"
Para akong binanlian ng mainit na tubig. Paano na lang kung bigla akong sugurin ni Kelly. Ito na nga ang sinasabi ko. Dahil sa pinasok kong sitwasyon, halos araw araw yata akong mag-aalala na baka malaman ni Kelly.
Nagulat ako ng hawakan ni Lucio ang kamay ko habang nagmamaneho siya. Napalunok ako.
"Hey, don't stress out yourself. Calm down," aniya.
Paano ako kakalma? Sana ako na lang ang tinanong niya pero bakit si Kelly pa?!
"Pero kasi Lucio..."
"We talked about you and she's the one who told me where you work. Tinanong niya ako kung sinong naghatid sa kaniya no'ng nalasing siya and I told her that I sent her home with you."
Mas nanlaki ang mata ko. "What the-"
"Hey." Suwayniya. Pinigilan niya ako sa pagmumura ko. "It was a normal conversation. Do not overreact. I told her that you helped me sending her home. And there, nabanggit niya kung saan ka nagta-trabaho, that you're her bestfriend and you're so kind and helpful. She almost told me your life story."
Nakaramdam ako ng guilt. Kahit naman may pagka-bitch at maarte si Kelly, never naman kaming nag-away. Magkasundo kami sa mga bagay bagay.
Binitawan na ni Lucio ang kamay ko saka tumingin sa akin. "Are you okay? Don't worry about it. She won't think that we have this kind of setup."
"Bestfriend niya ako at heto ako, kasama ang boyfriend niya."Malungkot na sambit ko.
Itinigil ni Lucio ang kotse. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang hawakan niya ang mga pisngi ko. He's facing me.
"Look at me, Catherine."
Tumingin ako sa mga mata niya. "I am not that kind of guy. I won't propose that deal to you if I don't really need it. I'm sorry if you're feeling guilty because I'm your bestfriend's boyfriend but fuck, please think that I'm only staying with Kelly because I have reasons. It's not that I'm so fucking in love with her that I can't live without her. I like her, but that's all. That's far from love."
Huminga ako ng malalim. Ang hirap naman kasi. Kailangan niya ako para sa sword niya tapos si Kelly, kailangan din niya para sa company niya. Bakit kasi nagkasabay pa? Tapos mag-bestfriend pa kami. Ang hiraptuloy.
"Catherine."
Muli akong tumingin sa kaniya. Hinalikan niya ako sa labi saka muling tiningnan ang mga mata ko.
"Whatever happens, I'll be by your side. Hindi kita pababayaan. I won't let anyone hurt you because of me so stop thinking about Kelly."
Ano pa nga ba? Narito na ako sa sitwasyon.
"Para mas gumaan ang pakiramdam mo, I'll tell you one thing," aniya saka nagsimula na ulit mag-drive.
Kumunot ang noo ko. Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya.
"I caught her cheating on me twice."
"H-Ha? Si Kelly?"
"Yeah."
"Paano? Saan? Kelan? Bakit? Teka nga, mahal ka ni Kelly! Hindi ka niya magagawang lokohin."
"Nah." He answered. "She just loves the idea that I am her boyfriend. She's so proud of having me especially when she introduced me to her family."
Pero paanong niloko siya ni Kelly?! "You caught her and then?"
"We talked. She apologized then we're fine about it."
"Seryoso ka? Kung hindi ka mahal ni Kelly, bakit pa siya magloloko? Kung gusto ka niya talaga, bakit hahanap pa siya ng iba?"
He smirked. "There's still one thing I can't give to her."
"Huh?"
"Sex."
Doon ko naintindihan ang lahat. So dahil hindi sila nagse-sex, hinahanap ni Kelly sa ibang lalaki? Jusko ang bestfriend ko!
"You didn't know that? You're her bestfriend."
"Oo nga pero hindi naman kasi ako tsismosa na magtatanong about sa love life niya. Ang alam ko lang boyfriend ka niya. Hindi rin naman niya nakwe-kwento sa akin kung may nakilala siyang ibang lalaki. At never ko rin namang naisip na magagawa niyang mag-cheat sa 'yo."
He grins. "Women still have needs."
"Hindi ba niya alam ang sitwasyon mo? Iyong ano mo..." hindi ko talaga mabanggit 'yung sword niya.
"I still have my pride, Catherine."
"Pero anong sinabi mo saka paano niya naintidihan na hindi kayo pwedeng mag-sex?" Garapalan na sa pagtatanong. May karapatan naman siguro akong magtanong sa mga ganitong bagay.
"I told her that I am a virgin. And I don't want to just fuck girls for fun."
Napalunok ako. "H-Hindi ka na naman virgin 'di ba?"
"No."
Hay, self, nag-assume ka naman na ikaw ang unang nakatikim kay Lucio?
"But I don't fuck girls for fun. I told you, I'm not that kind of guy. I'm just an asshole but not a sex maniac."
Hindi ko akalaing matino pa pala si Lucio?
"So 'yong mga naka-sex mo lang is girlfriends mo?"
Tumango siya habang abala sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung paanong naging normal ang usaping sex sa amin pero wala e, iyon 'yung deal namin kaya dapat open kami sa sex life ng isa't isa.
"Ilang babae na ang dumaan sa akin because I'm still trying to be a good boyfriend to them. It's just that they are the ones who are cheating on me. That's why I can't give my whole life to them. Make them my girlfriend to fuck them everyday, nah. That's not me."
Seryoso ba? Sa tingin ko kasi kay Lucio, playboy siya. Pero kung iisipin, noong college hindi naman siya sikat sa school dahil one of casanovas siya. Sikat siya kasi hearthrob siya noon plus top one pa sa klase. Hindi ko yata nabalitaan noon na nanloko at nantrip siya ng babae.
"Wow, hindi ko akalain," sabi ko na lang.
"Hindi ako naggi-girlfriend para may maka-sex ako. I want to be loved. I want to explore things about me. What I am capable of doing for someone that I like?"
"Hindi ko expected na ganyan ka mag-isip. Akala ko rin kasi iyong nga tulad mo na halos nasa iyo na lahat. Mayaman, gwapo, sikat, lahat lahat na. Makukuha nyo kahit sinong babae, e wala nang pakialam sa nararamdaman ng isang babae na ijo-jowaniyo."
Ipinarada niya ang kotse niya sa parking lot ng Hashtag Bar. I saw the big signage outside.
"I still respect women because I respect my Mom," aniya saka bumaba na ng kotse.
Tama nga yata 'yong nabasa ko sa magazine na mabait na anak siya. Close siguro siya sa nanay niya.
Pinagbukas niya ako ng kotse. Bumaba ako saka napatigil nang harangan ako ni Lucio. Inagaw niya ang bag ko.
"Leave it here."
"Pero kailangan ko 'yung bag ko para if ever mamaya sa pag-uwi."
"Yes, you should leave it there so you have no choice but to go home with me."
I tilted my head. Medyo hindi ko gets iyong sinabi niya. Napailing na lang ako saka sumunod sa kaniya dahil nauna na siyang pumunta sa entrance.
Umaapaw ang lakas ng sounds. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas at marami nang tao dito sa bar. Mukhang sikat nga ito.
Naramdaman ko ang kamay ni Lucio. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay napaka-swerte ko. Oo, sex buddies lang kami pero hindi niya ako tinuturing na parang laruan niya lang. He's taking good care of me. Hindi ko alam kung sweet ba siya sa akin o normal na siya ng ganoon pero gusto ko iyon. Pakiramdam ko, boyfriend ko siya kahit hindi naman. Ang akala kong gago, mabait pala talaga. He's a great guy.
Hindi niya ako ginustong maging sex buddy dahil lang uhaw siya sa sex or what, pero dahili iyon sa kalagayan niya. Si Kelly, he's using her for his company pero hindi niya binabalewala si Kelly. He still likes her and doing his job as a boyfriend to her. Hindi rin siya nagloloko. Siya pa nga ang niloloko.
I didn't expect it. The Casanova that I thought was just a great guy.
"Whoa, bro talagan gsinama mo ang chicks mo."
"Fuck you, Aries. Stop calling her chicks. She has a name. Damn you."
"Double kill, bro. Huwag kasi babastusin ang babae ni Kuya Lucio sa harap niya. We won't like it when he get mad at us. Grounded ang abot natin kahit matatanda na tayo, mga gago."
Umupo si Lucio. Hinila niya ako paupo sa tabi niya. Sila 'yong pinsan ni Lucio at kapatid niya na nagpunta sa condo niya kaninang umaga. Close siguro talaga sila.
"Ludwig, alam ba ni Mom na narito ka?" tanong ni Lucio sa kapatid niya.
"Bro naman, huwag mo na akong gawing bata and besides, syempre alam ni Mom. Takot ko na lang do'n."
"You should," sabi pa ni Lucio. "Aries, Arion, nagpaalam ba kayo sa magulang niyo?"
"Fuck, bro, ginagawamo naman kaming bata. Hindi naman sa lahat ng oras magpapaalam pa sa magulang. Matanda na tayo. Hindi na tayo teenagers."
"Kahit na."Madiin na sabi ni Lucio. "Be responsible. Tell your parents that you're here."
Napakamot na lang ng ulo iyong mga pinsan ni Lucio. Kuyang kuya talaga ang image niya sa kanila. Hay, dahil tuloy nakakasama ko siya, nakikita ko kung gaano ako ka-tama sa taong minahal ko.
"Argh! She's hella crazy! I want to pull her hair and tell her that I'm a bitch compared to her!"
"Oh man." Nasapo ni Aries ang noo niya saka uminom ng beer.
Nagulat ako sa babaeng lumapit sa mesa namin na galit na galit kasama ang isa pang babae. Ang gaganda nila.
"Chan, stop being a bitch. Fuck it," sabi ni Lucio do'n sa babae."
"Why? Kinakalaban niya ako! They don't mess up with me! I can even slap them one by one. Argh, ang papangit nila! And ikaw, nakakainis ka, Choo!"
Choo?
"What did I do?"
"You told me we're going on a date. Pero busy ka na lang palagi sa company mo. You're being workaholic, duh!"
Sino siya? Another woman?
"Ate Chan, stop it. Ang ingay mo. Nakakabingi," sabi ni Arion.
"Shut up, kid."
"Damn it, I'm not a kid. Pwede na nga akong makabuntis."
"You're still the youngest sibling so shut up."
Sino ba ang babae na 'to? Natameme tuloy ako habang nakatingin lang sa kanila.
"And oh, ngayon ko lang napansin. You have a girlfriend?"
Omo, sasabunutan ba niya ako? Babae ba siya ni Lucio? Akala ko ba si Kelly lang ang babae niya.
"She's Catherine," sabi ni Lucio. "This is Arisse Chandria, my cousin. Aries and Arion's big sister."
"Yuck, big sister? Ang bantot!"Maarteng sabi niya saka inilahad ang kamay niya sa akin. "You can call me Chandria. Nice to meet you."
Ngumiti ako saka tinanggap ang kamay niya. "Catherine. Nice to meet you, too."
"So, saan ka naman na-meet ng gwapo kong pinsan?" She asked.
Iyong babaeng kasama niya kanina nawala na lang na parang bula. Baka friend niya.
Hala, saan nga ba? Sa banyo? Nakita niya akong basa at kita ang bra so he asked me to have sex with him?
"Stop interrogating her, Chan."Suway ni Lucio.
"Ate, may isa pang babae 'yang siKuya Lucio," sabi ni Arion.
"What the hell, seriously?! Kailan ka pa naging playboy? Don't tell me you're being Tito Terrence na and all of our Titos? No, no, no! You can't do that, Choo! Ikaw lang ang matino sa mga pinsan ko so please."
Nagtawanan sina Ludwig. Ako naman, nakikinig lang kasi medyo awkward pa. Parang close na close silang lahat pero ako, ayoko namang maging feeling close muna.
Ngayon ko naalala na hindi pa nga pala pinapakilala ni Lucio si Kelly sa family niya kaya siguro kahit ang mga pinsan niya, walang alam.
"I'm not like that. You fucking know me, Chan," sabi ni Lucio saka uminom ng beer.
Dumating iyong lady's drink dala ng waiter. Ipinatong iyon ni Lucio sa harap ko.
"Do you want this?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako. Saka kinuha iyong drinks.
"Of course I know you. Duh! My motto will always be, I want a Lucio in a world full of Aries the fucker."
"Ate! I'm not a fucker!"
Nagtawanan sila.
"Don't call me Ate. Pinapatanda mo ako duh!"
Nakakatuwa sila. Makikita talaga na iba 'yung level ng closeness ng family nila. Ang sarap naman maging part ng family nila.
Pero syempre hindi naman ako nag-eexpect ng something from Lucio. Okay nasa akin iyong set-up namin. Magiging masaya na ako na matulungan siya.
Uminom ako ng drinks saka sinulyapan si Lucio. He's just smiling while looking at his cousins. Bihira kong makita ang ngiti niya. Mga pinsan lang pala niya ang magpapangiti sa kaniya ng ganyan.
"Kuya! Yaaaaa! Sina Dad at Tito Duke parating! Let's go hide!"
Nagulat ako sa sigaw ng babaeng lumapit ulit sa amin na kasama kanina ni Chandria. She looks familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Oh, fuck sina Dad raw."
"Come here, Hershey. Stop being a brat and drink that fucking lemon juice," sabi ni Lucio habang tinuturo 'yung waiter na may dalang lemon juice.
Hershey?
"Hey, my Dad will be here. He'll interrogate us, for sure. She's Hershey by the way, my sister."
Simpleng ngumiti ako kay Hershey. She's smiling at me, too and slightly waved her hand saka kinuha sa waiter ang lemon juice at umupo sa tabi ni Arion. Kaya pala pamilyar siya. Nakita ko na siguro siya sa magazine kung saan nabasa ko iyong about sa family ni Lucio.
Kumunot ang noo ko nang sa isang iglap ay para silang mababait na may sitting arrangements dito sa table namin. Nawala iyong mga alak sa mesa at puro juice ang nakapatong maliban sa beer ni Lucio. Kaniya kaniya sila nang ginagawasa mga phone nila while Lucio is sitting calmly while drinking his beer.
What is happening?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top