8

Nag-halfday lang si Jasmine sa trabaho dahil sa lakad nila ni Taehyung mamayang gabi. Mabuti na lang at nasa mood ’yong supervisor niya kaya pinayagan agad siya.

Paalis na sana siya sa dorm nang may bumusina sa tapat. Dali-dali niyang inusisa kung sino iyon.

"Taetae."

Dali-daling pumasok si Jasmine sa sasakyang dala ng binata. Akma niyang tatanungin si Taehyung nang pangunahan na siya nito.

"Relax. I just rented this car. No one will notice me." Kinindatan ng binata si Jasmine.

Wala nang pinalipas pang oras si Taehyung. Pinaharurot niya ang sasakyan palabas ng Seoul.

•••


Halos madaling-araw na nang maihatid ni Taehyung si Jasmine sa dorm. They were both drunk. Talagang sinulit nila ang gabing magkasama sila.

Sa isang araw na kasi ang enlistment ni Taehyung. Ito na ang huling araw na magkikita sila dahil bukas ay magiging abala na ang binata sa pag-aasikaso ng mga dadalhin sa kampo.

"My head hurts so bad.." ani Taehyung. "Damn that four bottles of soju."

"Me too," Jasmine responded. "Naeil mos deul-eogal geos gat-a."
Hindi yata ako makakapasok sa trabaho bukas.

Inangat ni Taehyung ang baba ni Jasmine. "Then don't come to work, sweetie. Just rest."

Ang mukhang pinapula ng alak ay lalong pumula dahil sa itinawag sa kaniya ni Taehyung.

Sweetie. Kay sarap pakinggan.

"Tingnan n’yo itong Koreanong ito, nakainom lang, nilalandi na ako nang pailalim," kunwa'y bulong ni Jasmine sa sarili.

"Mueos?"

Umiling-iling si Jasmine. "I said let's come inside, I'll get you a cup of coffee."

"I like cold mocha instead."

Pinahiga muna ng dalaga si Taehyung sa sarili niyang higaan. Gegewang-gewang niyang tinungo ang kusina. Ipagtitimpla niya ang lalaki ng nire-request.

Dumodoble na ang paningin ng dalaga pero pinipilit pa rin niyang makarating kay Taehyung.

Konting lakad na lang. Konting lakad na lang.

And she made it. She was able to reach Taehyung and handed him the iced mocha.

"It's hot here, Taetae. I don't have aircon, only electric fan. Would be better for you to unbutton your long-sleeved polo," inosenteng sabi ni Jasmine. Walang malisya iyon. Nag-aalala lang talaga siya kasi baka nga naiinitan na ang binata.

Taehyung smiled sheepishly. "Unbutton it for me, sweetie."

Ay, palaban. Gusto ko ’yan.

What comes next is something both of them didn't expect to happen.

•••

Tirik na ang araw nang magising si Jasmine. Totoo ngang hindi na siya nakapasok, at dahil doon ay hinahanap na siya ng supervisor niya.
Napayapa naman ang huli nang mag-send si Jasmine ng late notice of absence. Nagdahilan siyang masakit ang katawan, which is totoo naman.

Babangon na sana ang dalaga nang mapansin niyang nakasuot siya ng maluwang na t-shirt at cycling shorts sa baba. Never siyang natutulog nang nakaganon. Lagi siyang naka-terno pajamas.

Sa puntong iyon ay bumalik ang lahat ng alaala niya sa nagdaang gabi.

Lahat-lahat.

Napalabi siya.

"Taehyung and I slept together on my bed last night..."

Muling ibinagsak ng dalaga ang sarili sa higaan habang tinatampal nang paulit-ulit ang sariling mukha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top