7

Sa mga sumunod na araw ay hindi nakakasipot si Taehyung sa lumang apartment. Siguro, kung hindi marunong magkutingting ng internet si Jasmine e baka kung ano-anong pag-o-overthink ang ginagawa niya. Buti na lang ay nakikita niya sa Twitter na may concert pala ang BTS sa mga panahong wala ang binata.

Kapag gano’n ay umuuwi na lang siya. Either magke-KDrama o manonood ng KPop songs sa YouTube.

Upon meeting Taehyung, changes became evident to her. Kung dati, Oppa Gangnam Style ni Psy at Fire ng 2Ne1 lang ang KPop song sa Spotify niya e puro gano’n na ang nasa playlist niya. Palihim din siyang nagfa-fangirl sa grupong kinabibilangan ni Taehyung. Ayaw lang niyang ipaalam sa binata. Siguro kung sasabihin niya e saka na lang.

Madalang na rin siyang manood ng Western movies. Puro KDrama na ang pinanonood niya.

Mahilig na rin siyang bumili ng merch ng KPop groups. Isa sa nakakahiligan niya ay ang bagong girl group na Blackpink. Kade-debut lang nito dalawang buwan ang nakaraan.

Isang gabi ay nadatnan ni Jasmine si Taehyung sa rooftop. Nakatalikod ito sa kaniya. Gugulatin nga sana niya kaso nang malapit na siya e napansin niya na parang nagpapahid ito ng luha gamit ang braso.

Napatuwid sa pagkakatayo si Jasmine. Napalitan ng pag-aalala ang pilyang itsura niya kanina.

"Taetae?"

"Jah," Taehyung responded in a weak tone. Hindi na nito nagawang itago pa ang pag-iyak.

Gusto sanang magtanong ni Jasmine pero pinangunahan siya ng hiya.

Baka isipin ni Taehyung pinanghihimasukan ko siya. Hihintayin ko na lang siyang mag-share. ani Jasmine sa sarili.

"Big Hit Music is planning to enlist all of us as soon as possible."

Sinalakay ng lungkot ang puso ng dalaga sa pagkakataong iyon. Parang nakaramdam siya ng panghihina sa buong katawan.

Ibig sabihin noon, dalawang taon na hindi sila magkikita ni Taehyung sa rooftop.

Ni hindi pa nga siya sigurado kung nasa South Korea pa rin ba siya pagkalabas ng BTS sa camp, eh. Matatapos na kasi ang kontrata niya next year. Hindi pa niya napagdedesisyunan kung magre-renew siya o hindi.

Kung magpapa-enlist na ang binata, baka sakaling ito na ang huling pagkakataong magkikita sila. It pains her. A lot. Ayaw lang niyang ipahalata sa binata.

"They said that it would be better that way so all of us will finish the enlistment at the same time. It’s career-wise according to the management," paliwanag ni Taehyung.

Totoo naman. Mas mabuting kung kailan pabukadkad palang ang karera e magpa-enlist na sila. Para kung sakaling makalabas sila nang sabay-sabay e dire-diretso na ang pag-angat ng career nila. Hindi kasi naging maganda ang naging resulta ng paisa-isang enlistment sa ibang boybands. Hindi nga nadi-disband ’yong grupo but the audience always feel like something is missing whenever the remaining members perform.

Eh bakit ka umiiyak? Nais iyang itanong ni Jasmine. Gusto niyang malaman kung takot bang magpa-enlist ang binata o may mas malalim pang dahilan?

"Enlistment means I will also stop seeing you, Jah." 

Napapitlag si Jasmine nang hawakan ni Taehyung ang kamay niya. Madali lang iyon. Binitiwan niya rin. "If you only know how I always look forward to see you every night."

Kung alam mo lang, Taehyung. Ganoon din ako sa iyo. Nais sanang isatinig ni Jasmine.

"I don't know how to stop or if there is a way to postpone your enlisment, Taetae. But I know how to create memories before your admission in the military camp."

Nag-usap ang mga mata ng dalawa pagkatapos noon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top