4

Yakap-yakap ni Jasmine si Tata habang nanonood ng KDrama. Halos hindi niya iyon mabitiwan mula nang ibigay iyon sa kaniya ng estranghero.

Masyado na siyang naaadik sa KDrama tulad ni Myra. Ngayo’y pangatlo na niyang KDrama ito. Nang matapos niya ang Goblin ay isinunod niya agad ang Doctor Stranger.

Tinapos muna niya ang Episode 10 nito para maipahinga ang mga mata.

Naisip niyang dayuhin si Myra sa dorm. Magkatabi lang naman ang building na tinutuluyan nila.

Pupungas-pungas pa ang katrabaho niya nang pagbuksan siya ito.

"Ikaw pala. Akala ko nama'y kung sino." Inilawig pa nito ang pinto para bigyan siya ng daan.

Walang pagdadalawang-isip na pumasok si Jasmine. "Ayos din pala rito sa dorm mo, noh?"

"Hindi ko pa nga nalilinis, eh." Hinila ni Myra ang isang monoblock chair. "Upo ka rito. Sakto, may panonoorin akong KDrama, eh."

Tiningnan ni Jasmine ang laptop ng katrabaho. "Hwarang? Di ba napanood mo na 'to?"

Tumango si Myra. "Bet ko lang i-rewatch. Ganda kasi, eh."

"Sige, panood nga."

Hinayaan ni Myra na simulan na ni Jasmine ang palabas. Magluluto kasi siya ng ramen para sa kanilang dalawa.

Nasa pinanonood ang atensiyon ni Jasmine. Sa totoo lang ay hindi niya nagustuhan noong una ang palabas. Mas gusto niya kasi ’yong nangyayari sa present time. Pinanood pa rin naman niya. Kung nagandahan ang katrabaho niya ay siguradong magagandahan din siya.

Halos napapapikit na siya nang may isang bagong karakter na ipinakita sa isang scene. At the moment she laid her eyes on him, she couldn't look away. Wari niya ay nakita na niya dati ang lalaki.

"Myra, sino ’to?" tanong ni Jasmine nang hindi inaalis ang tingin sa TV.

Inihaba ni Myra ang leeg para tingnan kung sino ang tinutukoy ng katrabaho. "Ah, si Han-sung 'yan. Why? Pogi 'no?"

Han-sung. Pangalang hindi maalis sa isip ni Jasmine.

Tunay ngang guwapo ang lalaki pero para sa dalaga ay may higit pang dahilan kaya nakuha ng lalaki ang kaniyang atensiyon. Kung ano iyon ay hindi pa niya matukoy.

"Hindi ka na sumagot." Lumapit si Myra dala-dala ang isang tray na may dalawang bowl ng ramen. "Sabagay, ganiyan din ako nang una kong makita si Han-sung. Taehyung, rather."

"Taehyung?"

Humigop muna ng sabaw si Myrna bago sumagot. "Yes." Ibinaba nito ang hawak na bowl. "Member ng BTS. Loka ka. Sikat na sikat sila 'no. Ikaw na lang yata ang bukod tanging hindi nakakakilala sa kanila."

"Sige, ise-search ko mamaya pag-uwi ko. EXO at Super Junior lang kasi ang alam ko, eh."

"Basta, akin si Jin, ha? Walang agawan ng asawa!" pabirong turan ni Myra.

Mahinang pagtawa ang isinagot ni Jasmine. Kapagkuwa'y itinuloy na niya ang panonood ng Hwarang.

Halos pigain na niya ang utak para alalahanin kung saan niya nakita si Han-sung pero hindi talaga niya maalala.

Ah, baka naman nagaguwapuhan lang talaga ako sa kaniya kaya ganito ako. saad niya sa sarili.

Isinantabi na niya ang naiisip para makapag-focus siya sa pinanonood.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top