3
Siniguro ni Jasmine na bawat gabi ay nakatatambay siya sa rooftop. Na-realize niya kasi na kailangan din pala niya ng kaibigan, at sa estranghero niya natagpuan iyon.
Pakiramdam niya'y mas lalo silang nagiging malapit sa isa't isa sa tuwing sila ay nagkikita.
"Would you like to see what my face looks like behind the mask?" tanong ng binata isang beses na parehas silang nakatingin sa city lights.
"I think of that sometimes, but I think it would be best if you don't." Inilibot ng dalaga ang tingin sa paligid. "You're an idol. Sasaeng might be there anywhere."
'Yung sasaeng ay obsessed fans sa South Korea na buntot nang buntot sa mga artista o KPop idols. Mas malala pa nga sa paparazzis kasi pati private information ng celebrities ay pinanghihimasukan ng mga iyon. Creepy.
"You have a point." Ibinulsa ng lalaki ang mga kamay. "I wish I could reveal my face to you someday."
"The right time will come," saad ng dalaga sabay pukol ng ngiti sa katabi.
•••
"Ano ba ang KDrama na magandang panoorin, beb?"
Napatigil sa pagkain ng choco-filled crackers si Myra nang tanungin siya ni Jasmine. "Himala ah. Parang nagiging interesado ka na sa KDramas, ah!"
Ngumiti nang tipid si Jasmine. "For a change. Wala na rin kasi akong mapanood na American movies."
"Hay salamat. May makaka-relate na rin sa mga pinanonood ko." Kinuha ni Myra ang cellphone at nag-type doon. Ilang minuto pa ang lumipas ay isinend na niya iyon sa katrabaho through Messenger.
"Andami naman. Napanood mo na lahat ito?"
Maganang tumango si Myra.
Natutop ni Jasmine ang bibig gamit ang sariling palad. Paano kasi ay limampung KDrama ang inirekomenda sa kaniya ng kasama.
"Descendants of the Sun... Scarlet Heart Ryeo... Hwarang... Sige, ito munang Goblin ang panonoorin ko."
•••
Pag-uwi ni Jasmine ay hinarap niya agad ang laptop. Na-hook siya agad sa episodes ng Goblin kaya hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Episode 4 na siya nang mapatigalgal siya.
Nawala sa isip niya ang pagpunta sa lumang apartment!
Dali-dali niyang isinara ang laptop at nag-ayos siya ng sarili. Ni hindi niya nga namalayang magkaiba ang tsinelas na suot niya sa taranta.
Hala, baka kanina pa ako hinihintay ng kaibigan ko.
Halos mapatid ang paghinga niya nang makarating siya sa rooftop. Muntikan na siyang mapaluhod dahil halos maubusan na siya ng hangin.
Nang maging ayos na ang pakiramdam niya ay inilibot niya ang tingin. Gano’n na lang ang panlulumo niya nang makitang wala roon ang kaibigan.
"Siguro napagod na siyang maghintay..."
Laylay ang mga balikat na umupo si Jasmine sa paborito nilang upuan ng estranghero. Malungkot niyang pinagmasdan ang mailaw na lungsod ng Seoul.
Lumukob ang lungkot sa sistema ng dalaga.
"Hi..."
Ni hindi lumipas ang isang segundo ay napalingon agad ang dalaga sa pinagmulan ng tinig. Doon niya nakita ang estrangero na nakatayo habang may hawak na plushie doll.
"Oh, hello." Umisog nang kaunti si Jasmine para makaupo ang bagong dating.
"For you." Inabot ng lalaki ang heart-shaped plushie na kulay red na may mga mata at bibig.
"This is cute." Niyakap ng dalaga ang ibinigay sa kaniya ng katabi. "Why did you give me this?"
"We've already met for a couple of times so I planned to give you something that will make you remember me."
Pumorma ang ngiti sa mga labi ng dalaga. "Gamsahamnida!"
Hindi sumagot ang lalaki. Tinitigan lang nito si Jasmine.
Biglang tumahimik ang paligid kaya napatingin ang dalaga sa kasama. Noon niya napagtantong nakapukol pala sa kaniya ang tingin ng lalaki.
"W-Why?"
Kaseryosohan ang makikita sa mga mata ng lalaki. "Don't you still have an idea?"
Napatigil sa paghaplos ang dalaga sa plushie doll na hawak. Sumilay ang pagtataka sa mukha niya. "I-Idea?"
"Nothing." The man smiled a little. Nalipat ang tingin nito sa plushie doll.
"Call it Tata."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top