2
Bitbit ang isang supot na may lamang Soju at Korean barbeque ay tinahak ni Jasmine ang isang lumang apartment. Wala nang nangungupahan doon.
Hindi iyon kalayuan sa dorm na tinutuluyan niya. Madalas niyang tambayan iyon lalo na kapag gabi. Kitang-kita kasi mula sa rooftop ang city lights. Kapag kasi pinagmamasdan iyon ng dalaga ay gumagaan ang kaniyang kalooban. Coping mechanism niya iyon sa stress.
Pangiti-ngiti pa niyang sinasamyo ang dalang barbeque nang may matanaw siya ilang dipa ang layo mula sa kaniya.
May isang tao na nakaupo sa paborito niyang puwesto!
Sanay naman siyang makakita ng ibang tao sa rooftop pero hindi siya makapapayag na may umagaw sa matagal na niyang inuupuan. Kahit ang ibang mga tumatambay rito ay tila ba alam na para sa kaniya lang iyon kaya walang nagtatangkang umupo roon.
Ngayon lang.
Pinakalma ni Jasmine ang sarili. Nag-isip muna siya ng salita na puwedeng sabihin sa lalaki.
Mayamaya ay dahan-dahan siyang lumapit sa lalaki. Nang ilang hakbang na lang ang layo niya ay napatigil siya. Para bang masyadong malalim ang iniisip nito, base sa kaniyang obserbasyon.
Pinagmasdan pa niya ang lalaki. Hindi niya labis na maaninag ang mukha nito dahil sa facemask at dahil malamlam ang ilaw sa parteng iyon. Magkagayonman ay malakas ang pakiramdam ni Jasmine na guwapo ito base sa hugis ng mukha nito.
Tila ba lumukso nang bahagya ang puso ng dalaga. Agad niyang sinawata ang pilya niyang puso. Bakit nga naman siya makararamdam ng ganoon e hindi pa nga niya nakikita nang lubos ang lalaki?
Akmang pipihitin ni Jasmine ang katawan. Sa dorm na lang sana niya iinumin ang biniling alak. Mukha naman kasing may mabigat na dahilan ang lalaki kaya nandoon ito kaya pagbibigyan niya muna ito.
"Anjda."
Hindi natuloy ang paghakbang ni Jasmine nang marinig ang sinabi ng lalaki. Pinauupo siya nito.
"Muhyo?" tanong ng dalaga.
"Yaegihal salam-i pil-yohae." I need someone to talk to.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jasmine sa hawak na supot at sa lalaki. Sa huli'y napagpasyahan niyang lapitan ito.
Sa una’y tahimik lang ang dalawa. Nabasag ang katahimikan nang magsalita ang lalaki. "Dangsin-eun yeong-eoleul hal su issseubnida?"
Tinatanong nito kung marunong raw mag-English si Jasmine. Tumango ang dalaga.
In-stretch ng lalaki ang mga binti sabay tingala. "I want to share something but is it okay if we don't know each other's names?"
"I think that will work. They say that sharing something to someone you don't know makes you more comfortable than sharing it with someone you know. At least your secrets will be safe with me."
Kinuha ni Jasmine ang isang bote ng soju sabay abot sa katabi. Wala namang pag-aalinlangang kinuha iyon ng lalaki.
"I work in the KPop industry," pagsisimula ng lalaki.
Kumuha ng isang karne si Jasmine at nginuya iyon. "To be honest, I am not aware how KPop industry works. I'm more inclined to Western music but I am interested to know some information about the KPop music. Continue."
Muling nagpatuloy ang lalaki. "I love this job but it's making me burned out. My bandmates don't know about this. I'm afraid that they'll laugh at me." Nilagok nito ang soju. Halos makapangalahati iyon. "We were overworked. After we perform, we will go to the studio to practice unceasingly. We barely have time for ourselves."
"But why are you here?"
Nilingon siya ng lalaki. "I sneaked out."
Napatawa ang dalawa sa sinabing iyon ng lalaki.
Sa pagkakataong iyon ay naging komportable na sila sa isa't isa. Hindi nila namalayang ilang oras na pala silang nag-uusap. Napatigil na lang sila nang maubos na ang hawak nilang soju.
"I really had a great time with you. I'll try to sneak out again if I could to meet you here."
Napangiti ang dalaga. Sa loob-loob niya ay nasasabik na siyang maulit muli ang pag-uusap nila ng estranghero.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top