11
"Mommy, mommy. Sabi ni Eunice kamukha ko raw po 'yong nagkanta ng Nanananana. Laytitap naynamayt."
Kinarga ni Jasmine ang anak na si Kim Maynard. "Huh? Anong kanta 'yon, anak?"
"Dynamite daw, ate," singit ni Kier na nakarinig sa usapan ng mag-ina. Kinuha nito ang remote at inilagay ang screen sa YouTube. Pinatugtog niya ang Dynamite ng BTS.
Napatda si Jasmine. Sa parehong pagkakataon ay lumitaw ang kaba sa dibdib niya.
Marami na ang nakapapansin ng resemblance ni Kim Maynard sa ama nito. Minime version nga raw ni Kim Taehyung, 'ika nila.
Ang apat pa niyang anak ay may pagkakahawig din naman sa Koreano pero itong si Kim Maynard talaga ang pinakamalapit.
Kinakabahan tuloy siya. Ayaw niyang dumating ang panahong matuklasan ng social media ang kaniyang anak. Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang nagva-viral. Gusto lang niya ng pribadong buhay.
Pinaiba niya ang gupit ni Kim Maynard. Pina-clean cut niya ito. And that is her best decision ever. Medyo humupa kasi ’yong hype na inihahalintulad ang anak niya kay Taehyung.
•••
May 2022, nag-uumpisa nang mag-announce ang pagkakaroon ulit ng concert sa Pilipinas. Jasmine already decided to watch her favorite boybands– The Script and Boys Like Girls. Nakabili na siya ng Gen Ad ticket para sa concert ng dalawa.
As she was scrolling down her Facebook newsfeed, there was a big announcement that she stumbled upon.
BTS to return in PH for a Permission to Dance concert in September.
Literal na nawindang ang ARMY fandom sa Pilipinas. Kahit group chat nila ng mga kapwa TLs pati managers niya sa trabaho e nagkagulo rin.
Mga lowkey fans din pala. ’ika ni Jasmine sa sarili.
Ticket selling date was announced as well as the ticket prices. Marami ang napaiyak sa presyo ng ticket. P45,000.00 ang SVIP, wala pa ’yang meet and greet. P7,000.00 naman ang Gen Ad. Sa isang linggo na ang ticket selling.
Jasmine was torn between going to the concert or not. There was a part of her that tells her it is now the right time to see Taehyung even from a distance.
Titingin lang naman, hindi naman siya lalapit.
Dumating ang ticket selling date e wala pa rin siyang nagiging pinal na desisyon, hanggang sa tuluyan na nga siyang hindi nakabili.
Hindi ko nga siguro tadhana na makita ang BTS ngayon.
Iyon ang akala niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top