c h a p t e r 8
LULAN sa sasakyan ng sumundo sa akin patungo sa charity's party, hindi ko maiwasang mamangha sa mga ilaw na galing sa naglalakihang gusali. It gives light in the darkness. Yet sometimes, light can be blinding too.
Sa buhay, darating talaga ang panahon kung saan masyado ka nang nasanay sa dilim na hindi mo na makilala ang liwanag. O di kaya'y nasasanay ka na sa liwanag at hindi mo na batid kung ano ang dilim.
May mga taong gugustuhin nalang ang manatili sa dilim dahil naging komportable na sila doon. Pero hindi rin naman natin masisi ang ibang tao na nagkukumahig makapunta lang sa liwanag.
We don't know what others have been through and don't have the right to judge their choices, but still, we can do something to change their mind.
Fresh winds with dust combined from the pollutions of Manila embraced my face as I open the car's window. I let out a heavy sigh when my conversation with Mel yesterday started to replay in my mind.
"I—I don't know what to do anymore, She. Masyado na akong naguguluhan sa mga bagay-bagay. Alam ko namang nagkakamali ako eh, aminado ako do'n. Pero ang lokohin ako dahil lang nakipagtalik ako sa iba? Hind—i ko kakayanin 'yon, She. Nagloko siya matapos niyang malaman na buntis ako." Utal-utal na paliwanag ni Mel habang humihikbi. Kanina ko pa siya kino-comfort, dahil pagbalik ko ng apartment ay naabutan ko siyang umiiyak na naman.
"Ni hindi man lang niya ako kinausap at nakipaghiwalay ng maayos. Akala ko pa naman aakuin niya ang bata." Suminghot siya at kumuha ng tissue. "Katulad lang pala siya sa karamihan. Marupok at one-sided palagi ang utak. Hindi ko nga alam kung talagang minahal ba ako ng gagong 'yon. Eh pera lang ata ang habol no'n sa akin." Pagpapatuloy niya pa. Hinayaan ko lang siyang magkwento at hindi nalang ako umeksina pa.
Maya-maya pa ay tumahimik na siya at mahinang sumisinghot-singhot pa rin. Kaya kinuha ko na ang pagkakataon na tanungin siya. "Mahal mo pa?" Tanging tanong ko ngunit sapat na iyon upang umiiyak na naman siyang muli.
Umiiyak siyang tumango-tango. "Kahit sinaktan niya ako, oo, m-mahal ko pa rin eh. Ang tanga-tanga ko, She. Ang tanga ko..." Humihikbi niyang pagpapatuloy. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap.
"Hindi tanga ang nagmahal, Mel. If we're in love, we felt pain because we also felt love, and pain is where the growth started." I said, trying to ease her pain and lessen the blame she put to herself.
"Kaya ka ba naglalasing dahil gusto mong malaglag ang dinadala mo, Mel?" Diretsahan kong tanong sa kaniya. Natigilan siya at nag-iwas ng tingin. "Huwag mo naman sanang idamay 'yong bata, inosente siya. Please be responsible enough as a future mother, don't be so heartless." Dugtong kong sabi.
Dahan-dahan niyang hinihimas ang kaniyang tiyan. "I'm sorry, baby. I'm sorry, mommy's just confused. Please, patawarin mo si mommy, ha?" Kausap niya rito at umiiyak na namang muli.
"May balak ka bang sabihin ang sitwasyon mo sa lalaking 'yon? Or do you even know him, Mel?" I asked again. Mabilis at matigas naman ang ginawa niyang pag-iling, reaksiyon na inaasahan ko sa kaniya.
"Wala akong balak sabihin sa kaniya. Magiging ama at ina ako sa batang ito. Baka nga i-di-deny niya pa na may nangyari sa amin ng gabing 'yon. He's big time, She. At suntok sa buwan kung iisipin kong ako lang ang babaing nakatalik niya." Desmayado niyang sagot habang ang mga mata'y sumasalamin ng malalim na kalungkutan.
"Naiintindihan ko ang naramdaman mo, Mel. Ngunit hindi pweding lumaki ang bata na walang kinikilalang ama. Magtatanong at magtatanong talaga 'yan pagdating ng panahon. Isa pa, hindi lang ikaw ang nasarapan sa ginagawa niyo no'ng gabing 'yon. Kaya pati siya may responsibilidad rin. Huwag mong akuin lahat." Talak ko sa kaniya.
"Ano naman ngayon kung big time siya? Dapat nga bago ka niya dinaganan iniisip niya muna ang kaniyang reputasyon, eh sa nangyari na eh, anong magagawa niya? As if naman meron? Kung tatakasan niya ang kaniyang responsibility, then he's not a true man, but just a freaking coward boy." Dagdag ko pa na ikinatahimik niya.
"I hope you'll reconsider telling the father of your child. He deserves to know, and your child deserves a father." Huli kong sabi sa kaniya bago ko siya iniwan sa kwarto.
"You're Lance's what again?" Bumalik ang isipan ko sa kasalukuyan nang marinig ang biglang pagsasalita sa boses ng tao sa aking harapan. Napatingin ako sa nagmamaneho ng kotse.
"Secretary." Tanging sagot ko sa kaniya. Nakita ko siyang sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Not bad. I guess Lance has a good taste in women after all. Even your dress suits you pretty well. You look amazing, by the way." Sagot niya. Mukha naman siyang mabait kaya nginitian ko nalang siya ng maliit.
"What do you think of your boss? Lovable, isn't he?" Tuya niya pa maya-maya. Ayaw siguro niyang maging mabaho ang kaniyang hininga kaya salita siya nang salita. Tiningnan ko siya ng diritso sa mga mata at sumagot.
"Mahangin, arogante at piling gwapo." Sagot ko sa kaniya. Natigilan siya sandali at tumingin sa akin. Ngunit nagulat nalang ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. Aliw na aliw siya sa sinabi ko na talaga namang pinagtataka ko. Halos maiyak na siya sa kakatawa at hinawakan pa ang kaniyang tiyan.
"Did I tell you a joke or something? Bakit tawang-tawa ka diyan? Mamaya mabangga pa tayo dahil sa kakatawa mo." Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Tumigil naman siya ngunit maya-maya ay tatawa na naman ngunit mahina lang.
"Sa lahat ng babaing nakilala ko na nagkaroon ng pagkakataong makalapit kay Lance, sa 'yo ko lang narinig ang sagot na 'yan." Namamangha niya pang sabi. "Other girls would even throw their selves to him, ganiyan sila ka desperada. But you...tsk tsk tsk, you're a first." Dagdag niya pang sabi habang umiling-iling. Hindi ko nalang siya sinagot at nananatili na lamang na tahimik hanggang sa makarating kami sa hotel kung saan gaganapin ang charity party.
I was wearing a pastel green V-neck corset dress with floral design and paired it with a silver one inch sandal. Melissa did my makeup and just lightly curled my hair. I must say, I am the most beautiful girl in my eyes tonight.
A minute later, we arrived at the hotel. Inakay ako sa lalaking hindi ko kakilala na sumundo sa akin papalabas ng sasakyan hanggang sa pagpasok.
Pagkapasok namin ay mas nalula ako dahil sa ganda ng design. It was full of mint green colour. Kahit saang banda ako tumingin, lahat ay kulay mint green talaga. And I find it so relaxing for my eyes.
When I looked at the front, there was a big screen that contains an image of two lovely couples, whom I assumed had loved each other's so much. Tumagal ang titig ko sa mukha ng matandang babae.
Napakunot ang noo ko nang makitang parang pamilyar sa akin ang mukha ng matandang babae. Saan ko nga ba ito nakita?
"I'll guide you to your table, Miss. Please follow me po." Anang isang lalaki na sa tingin ko'y staff sa hotel na 'to. Tahimik akong tumango at sumunod sa kaniya. Namataan ko ang aking pangalan sa isang bilog na mesa dahil may nakasulat doon na 'Miss Montecalvo'. Walang pagdadalawang-isip akong umupo doon at taas noong tiningnan ang ibang bisita nang makaupo na ako.
I've been in different gatherings like this, rich among richest, elite among elites. What can I say, marami talagang tao sa mundo ang hindi magpapahuli. Maging sa bagong uso na damit, sapatos, alahas, bag at iba pa. Kung pwedi nga ay baka pati buhay nila kaya nilang itaya huwag lamang mahuli.
I really hate that kind of mindset wherein people tend to compete with other people to the point they already forgot the word 'contentment'. Some people would even kill, steal, and lies just to have what they've wanted. In my part, I always believe that our desires can sometimes make us evil, when we are already a slave to it. But in the end, we can no longer be happy because we knew that we got that through dirty ways.
"Ladies and gentlemen, a pleasant evening to all of you!" Nagulat ako at nabalik ang isip ko sa kasalukuyan nang biglang magsalita ang host ng event.
"Family, and friends! What a joy it is to have you all here tonight to celebrate this incredible milestone – a 75th wedding anniversary! That’s right, 75 years of love, laughter, and lifelong memories. Let's give a round of applause to our guests of honor, the ever beautiful and lovable couple, Mr. and Mrs. Galvez!" Punong-puno ng enerhiya na sabi ng host.
Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang tao. Matandang lalaki at babae. The old woman was wearing an offshoulder mint green gown, while the old man wears a three piece suit. They walked in the red carpet smiling to one another, holding each other's hand, and also waving their hands to their guests as a sign of showing gratitude. Nagsipalakpakan ang lahat hanggang sa makaupo sila sa harapan.
The woman sweetly smiled when they reached to the front. That's when I realised that it was the same woman I've helped earlier at the cafe.
Galvez? Galvez din si Lance ah. Ibig sabihin...oh my goodness! Ibig sabihin ang tinutukoy niyang apo ay si Lance? Tapos kung ano-ano pa ang sinasabi ko tungkol sa kaniya. Nako, patay kang bata ka, sana hindi na niya iyon maalala pa.
"75 years… Can we just take a moment to appreciate that? This beautiful couple has shared 75 years of commitment, through thick and thin, in good times and challenging ones. Their love story is nothing short of extraordinary, a beacon of inspiration to all of us here tonight."
"As we celebrate this diamond anniversary, we celebrate not just the years but the love, patience, and understanding that have carried this lovely couple through every day of their remarkable journey." Pagpapatuloy ng host.
"Mr. Carlito and Mrs. Esmeralda Galvez, you’ve seen the world change in unimaginable ways, and yet, through it all, your love has remained a constant. You’ve built a family, friendships, and countless memories that are cherished by everyone in this room. Can you tell us once again, how the two of you meet? Or more likely, how and when does your love story begins?" Tanong ng host sa kanilang dalawa.
Someone handed the old man a microphone, which he gladly accepted. The old man cheekily smiled to the crowd and scratched the back of his head. "Parang hindi ko na maalala." Sabi niya sa host. Umani naman ito ng halakhakan mula sa mga bisita. Pati ako ay natawa na rin.
"Aba'y hindi pwedi 'yan, Carlito. Alalahanin mo dahil kung hindi, nako! Walang magaganap na honeymoon ngayong gabi, sige ka!" Pabirong sagot naman ng kaniyang asawa na si Mrs. Esmeralda. Mas lalong lumakas ang tawanan ng lahat.
"Ano ba naman 'yan, sige na nga." Ani ng kaniyang Mister. "Maniniwala ba kayo na nakikilala ko ang aking asawa sa pinakahihiyan na sitwasyon? Pero huwag muna kayong matatawa. It is still fresh and vivid in my memory, kahit matanda na ako, kung paano kami nagkakilala ng asawa ko." Pagpapatuloy niya. I can sensed that everyone in the room were very attentive at listening, even his wife, Mrs. Esmeralda. She had this very sweet and gentle smile in her lips while listening and looking lovingly to her husband.
"I was in my third year high school that time, umuulan no'n ng sobrang lakas. Tapos, itong tiyan ko na ito," sabi niya pa at tinuro ang kaniyang medyo may kalakihan na tiyan. "Aba'y nag-aalboroto ng malala. You know what I mean, tae ako ng tae." He paused and laughed hardly at his own statement.
"Tapos, no'ng pauwi na ako, sumakay ako ng jeep. Pero alam niyo ba, lahat ng mga mata ng nakakasabay ko sa jeep na 'yon ay nakatutok sa akin. 'Yon pala dahil amoy tae pa pala ako." Tumigil na naman siya sa pagsasalita at tumawa ng malakas kasabay ng lahat ng bisita.
"Parang hanggang ngayon nga eh, nangangamoy tae ka pa rin." Her wife teasingly said. And just like that, the guests bursted into laughter once again.
NATAPOS na ang kainan at sumasayaw na lamang ang iba. It's already 9 pm in the evening kaya heto ako ngayon, nakatutok sa cellphone number ni Tim. I was reluctant enough if I'm going to call or text him or not.
I drew a deep breath at tumingin sa paligid. Inisa-isa ko ang lahat ng bisita. At ng wala naman akong nakitang Tim ay tumigil narin ako. Pumunta pa naman ako dahil nagbabakasakali akong nandito din siya.
Since it's their grandparent's wedding anniversary, Tim supposed to be here, attending the event. I shoke my head when I can no longer think of any reason kung bakit wala si Tim.
"You having fun?" Bigla akong napapitlag at napatalon pa sa aking upuan nang may bigla akong narinig na boses na bumulong sa aking tenga. Nakiliti ako sa hininga niya kaya hindi ko napigilang hindi magulat.
Mabilis akong lumingon at nakita ko ang isang taong inaasahan kong sisira sa aking gabi.
I displayed a fake smile. "Magandang gabi rin sayo, Sir Lance." I nonchalantly replied. Natawa siya sa naging sagot ko, and he seemed to enjoy what he does right now.
"Alam mo, maganda ka ngayon. Kaya kahit nagtataray ka, sige, pagbigyan na kita." Sabi niya. Pagkatapos ay inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. Kunot ang noo kong tiningala siya.
"My grandparents want to know my secretary. Come on." Dinaga bigla ang aking dibdib nung sabihin niya iyon. Ayaw kong mabuko, baka sasabihin ng Lola niya kung paano ko i-di-describe siya no'ng araw na 'yon.
Naging malikot ang mga mata ko. I need to find an alibi.
"Ahmm huwag na. Siguro next time nalang, medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Gusto ko na sanang umuwi." Kinakabahan kong sagot sa kaniya. Ngunit manatili lamang na nakalahad ang kaniyang kamay at sinuri ako ng kaniyang mga mata mula ulo hanggang paa.
"It won't take an hour for me to introduce you to my grandparents. You're just faking it, come on." Ani niya pa. Wala akong nagawa kundi sumama sa kaniya.
Habang papalapit kami sa mesa kung saan nakaupo ang kaniyang pamilya ay mas lalong dumoble ang aking kaba. Halos pagpawisan narin ako. Mabuti nga at hindi ako humawak sa kamay niya kundi malalaman talaga niyang natatakot ako sa kaniyang pamilya.
"Abuelo, Abuela, Tita Sha, Dad, I want you to meet my temporary secretary. Miss Shevanee Leigh Monte—" Hindi pa man natapos ni Sir Lance ang kaniyang sinasabi ay mabilis na tumayo ang kaniyang Lola at lumapit sa akin.
"Hija, ikaw pala ang secretary ng apo ko. Kaya pala kilalang-kilala mo siya noong nagkita tayo." She enthusiastically remarks. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at gumanti ng beso.
"O-opo Lola, medyo hindi pa naman masyado na kilala ko ang iyong apo." I awkwardly answered and let out a fake laugh.
"What do you mean, Abuela? You two already knew each other?" Naguguluhang tanong ni Lance. Kahit napakaliit lang na bagay na iyon, binubusisi niya pa.
"Yes Lance, siya ang nabanggit ko sa 'yong babae na tumulong sa akin. And she said something nice about you. " Ngumiting aniya ng kaniyang Lola.
"But you said she's beautiful and look like a goddess?" Tanong niya ulit. Nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ng kaniyang Lola.
"She is, apo, she is. Bulag lang siguro ang hindi makakita sa kagandahan niya." Her Abuela answered and looked at me lovingly. "Oh, before I forgot, how about you two dance before this beautiful lady go home." Suhestiyon ng kaniyang Lola.
Mabilis na nanlaki ang aking mga mata. "No!" Magkasabay naming sagot na ikinagulat ng kaniyang Lola. Natawa naman ito at piningot si Lance sa tenga. "No one disobey my command, even your Lolo." She said sternly.
Wala kaming nagawa kundi magsayaw. Pumunta kami sa harapan. Humawak ako sa balikat niya habang ang mga kamay niya ay nasa bewang ko. I can sensed that the atmosphere is getting awkward between us. Hindi kami makatingin ng diritso sa isa't-isa. We looked like a shy teenagers who had a crush on each other.
I was about to forget the other people in my surrounding and was about to focus in my partner, when someone effortlessly caught my attention. Bigla akong napabitaw sa paghawak ko sa balikat ni Lance at nakatayo na lamang na tumingin sa kanila.
It's Tim and Trixxie, happily dancing like they were in their own little word. My heart begin to throb as I've felt my eyes heat up, tears are slowly forming. Bago pa man may malaglag na luha sa aking mga mata ay mabilis na kinuha ni Lance ang aking kamay at binalik niya sa kaniyang balikat at ang kaniyang mga kamay naman sa aking bewang.
I felt his warm hand at the back of my head. He slowly pushed my head, letting me hide my face in his chest. "You can let it out. I won't mind and I don't judge either." He gently said, almost became a whisper. Ang mga salitang 'yon lang pala ang hinihintay ko upang mag-unahan ang aking mga luha.
Right there and then, I wouldn't think that there will come a time that I will once appreciate the presence of my not-so arrogant boss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top