c h a p t e r 6
"PSST! Mel, may alam ka ba kung bakit tayo pinatawag rito?" Aligaga kong tanong kay Mel nang mahanap ko siya sa gitna ng maraming co-workers na kasama namin.
Trabaho ko dapat ang malaman kung anong rason bakit kami narito ngayon sa maliit na social hall ng kompanya. Samo't-saring mga mukha ang nakikita ko na parehas lamang na bago at hindi kilala ng aking mga mata. It's already Friday, and thank God dahil nakakasurvive naman ako for the past four days bilang isang temporary secretary.
"Aba'y ewan ko rin. 'Diba dapat alam mo 'yon? Secretary ka diba, like hello?" Pilosopo niyang sagot sa akin na iwinagayway pa ang kaniyang kamay malapit sa aking mukha.
"Ganiyan ba talaga kayong mga buntis, nagiging pilosopo?" I fired back at her. Mabilis naman niya akong nilapitan at halos mapasigaw pa ako nang bigla niya akong kurutin ng pinong-pino sa aking braso.
"Tumahimik ka! Ayaw kong maging headline ng chismis bukas, please lang!" Naiiritang sabi niya sa akin. I just rolled my eyes at her.
Habang nasa gitna ng paghihintay at pagtatayo ay kinalikot ko na lamang ang aking cellphone. Mabilis akong naglog-in sa Facebook at nag-scroll-scroll lang dito. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng isang post nang biglang paghahampasin ni Mel ang aking braso. Malakas akong napasinghap at binalingan siya ng may nagtatanong na mga mata.
"Ano ba?!" Mahina ngunit pasigaw kong asik sa kaniya. Mukha siyang kilig na kilig na parang natatae habang may tinuturo sa harapan. Naguguluhan kong sinundan ang kaniyang tingin para lang masurpresa sa aking nakita.
Pumasok lang naman ang kaisa-isang Ralph Timothy Villanueva suot ang kanyang doctor gown kasama ang aroganting CEO na nasa kaniyang likuran.
Napalunok ako ng wala sa oras nang makitang tumigil sila sa harapan naming lahat. Halos magkasabay na nagtilian ang mga babae nang maglabas ng isang gwapong ngiti si Tim. Kilig na kilig sila rito at halos naging peryahan na ang loob ng social hall.
Panay kuha rin sila ng pictures na animo'y isang artista at minsan lamang nila masisilayan ang taong nakatayo sa kanilang harapan. They stand there mightily, stealing the heart of every girl, making every male specie envy of the beauty they possess.
"Ano, nakalimutan mo na bang huminga?" Bulong na tanong sa akin ni Mel. Inikutan ko na lamang siya ng aking mga mata at ibinalik ang aking tingin sa harapan.
Pinilit kong pakalmahin ang aking pusong nagwawala na sa loob. I drew a deep breath to calm it. Tiningnan ko si Tim na nakangiti parin sa mga tao at ganoon na lamang ang paglakas muli ng tibok ng aking puso nang magtama ang aming mga mata.
I let out a small awkward smile.
For a moment, gusto kong itanong sa aking sarili ang tanong na 'naalala niya kaya ako?' How I wish he did, but no. Dahil nilagpasan lamang ako ng kaniyang mga mata. There's no hint of recognition in his eyes. Gumuhit ang pamilyar na hapdi at sakit sa aking puso.
All of a sudden, para akong dinala pabalik sa mga panahong aligaga akong naghahanap kay Tim, a day after our graduation. Doon ko napagtanto na hindi pala ako mahirap iwanan. Dahil napakabilis lang para sa kaniya ang iwan ako sa ere na wala man lang paalam.
"A pleasant morning to each and everyone here." Saka pa lang ako bumalik sa kasalukuyan nang lukupin ng baritonong boses ng CEO ang buong social hall.
"This young man over here is our company's doctor. He will have a monthly check-ups to monitor every one's health. That includes everything, your BP, if your having a maintenance or anything else. Kung may karamdaman man kayo, huwag kayong mahiya na lumapit at magtanong sa kaniya. Dahil hindi naman siya mangangagat." Umani ng halakhakan ang huling pangungusap na binitawan ni Sir Gaven.
Nang-iiwan nga lang. Gusto ko sanang idagdag.
"His name is Doctor Ralph Timothy Villanueva, my cousin. Ladies, I know his handsome, but I'm afraid he's not available anymore, am I right?" Bumaling pa siya rito at nang makita itong tumango ay ngumisi ito at tsaka hinanap ako ng kaniyang mga mata. Nang makita niya ako ay mas lalong lumaki ang kaniyang ngisi. Tila ba nang-aasar. Argh, bwesit na Lance 'yan!
"By the way, his clinic is in the right floor, third room from the left. So, he will be starting today. Kindly form a line, and wait for your turn to sit." He authoritatively gives an instruction. "Oh, and ladies, you can flirt with him. Mahaba ang pasensiya ng isang 'yan." Dagdag pang hirit ni Sir Lance at tatawa-tawang lumabas.
Sumali kami sa linya at halos manlaki ang aking mga mata sa haba nito. Sa isipang pwedi kong makausap si Tim ay nagtiis akong maghintay. Pero nakakayamot at ang tagal pa bago matapos ang isa. Karamihan pa naman namin dito ay mga babae.
Think of a way, She. Kailangan mo siyang makausap ng solo.
Lumiwanag ang aking mukha nang may ideyang pumasok sa aking utak. Mabilis ko na kinulbit si Mel na nasa aking harapan at mahinang bumulong sa kaniya.
"Kailangan kong makausap si Tim ng solo at masinsinan. Baka sakaling may maalala siya once I get to talk to him." Sabi ko sa kaniya.
"Like hello, imposible 'yan. Ang bagal umusad nito at ang layo pa natin kay doc." Sagot niya na para bang wala ng pag-asa.
"I have an idea, and I badly need your full cooperation with this." Mabilis na tumango si Mel kaya ibinulong ko sa kaniya ang aking plano. Mukhang nagustuhan naman niya ito kaya binigyan niya ako ng isang thumbs up.
Ang plano ay aakto akong kunwari ay nahihilo at dahan-dahan na matutumba. Pipilitin ako ni Mel na magising hanggang sa lalapit sa amin si Tim at kakargahin niya ako papunta sa kaniyang clinic. At doon ko isasagawa ang aking plano, ang kausapin siya.
Nang limang tao na lamang at si Mel na ang susunod ay doon na namin isasagawa ang plano. Tiningnan ko ang paligid at nang makitang busy ang lahat ay doon na ako umaktong nahihilo.
I put my hand in my forehead, pretending that I'm dizzy. Kinuha ko ang atensiyon ni Mel at umakto itong natataranta.
"She, what happened?!" Nagugulantang niyang tanong sa akin.
"I—I'm di—" hindi ko na tinapos ang dapat kong sabihin at dahan-dahan kong itinumba ang aking katawan. Narinig ko ang malakas na singhapan ng lahat at biglang natahimik sa loob.
"She, wake up. Please, ano ba?! Gumising ka sabi. Tulong! Tulungan niyo po ang kaibigan ko—Doc! Tulungan niyo po ang kaibigan ko, please..." Ramdam na ramdam ko sa boses ni Mel ang panic at pagmamakaawa. Ang galing ah!
"Okay, everyone. I am very sorry for the inconvenience, but I had to bring this woman to my clinic so I can do some further check ups on her. We'll continue our check-ups tomorrow at the same time." Narinig ko ang boses ni Tim. Umugong ang malakas na reklamo ng nakararami. Ang iba ay nagpapakita ng simpatya habang wala namang pakialam ang karamihan.
Nakarinig ako ng papalapit na yapak ng sapatos at hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang katawan kong umangat mula sa floor. Sa hula ko ay kinarga niya ako in a bridal style.
Para akong kiniliti sa ginagawa niya ngayon. Kahit alam ko namang nangyari ito sa sarili kong paraan, kinililig pa rin ako. Sa ikling panahon at oras, sa aming pagkikitang muli, hinayaan ko na ulit ang aking sarili na kiligin pansamantala.
"Ano ba 'yan! Sinadya niya kaya 'yon para masosolo niya si doc."
"Oo nga, alam ko ang ganiyang style. Nagdadrama lang 'yon."
"Panigurado, lalandiin niya ng lalandiin si doc. Sabi na ngang hindi na siya available eh!"
Rinig na rinig ko ang mga kasama kong wala ng magawa kundi ang magreklamo nang magreklamo. Bahala kayo, basta sosoluhin ko si doc.
"Hoy! Hindi malandi ang kaibigan ko. Bakit, siya lang ba ang nanglalandi, ha? Eh ano bang rason kaya ang hina ng pag-uusad nitong pila, diba dahil sa panglalandi nung mga nauna? Aba! Maghinay-hinay kayo sa mga pananalita niyo ha!" Bago kami makalabas sa social hall ay narinig ko pa ang malakas na boses ni Mel na pinagtatanggol ako.
I felt a warm touch in my heart because of what she did. Hindi talaga ako nagkakamali sa pagpili ng maging kaibigan.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang medyo malambot na kama sa aking likod. Narinig ko ang pagsarado ng pinto at ang paglagitgit sa paa ng upuan na sa hula ko ay nasa tabi lang ng kama.
"Why do I find your face so familiar?" Narinig kong sabi niya na sa sobrang hina ay halos hindi ko na marinig.
I mentally gasped. Did he finally remember me now?
That thought brought tears to my eyes. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at ang gwapong mukha na may maikling ngiti ni Tim ang unang bumungad sa akin.
Mabilis siyang tumayo ng makita niyang gising na ako at aligaga akong sinalubong ng maraming tanong.
"Are you okay? How are you feeling? May masakit ba sa 'yo? Come on, tell me." He gently asked. Ganito rin kaya siya kung mag-alala kay Trixxie?
Tahimik akong umiling-iling. Nananatili akong nakatitig sa gwapo niyang mukha at sa maikling ngiti sa kaniyang mga labi. I used to admire that smile a long time ago.
At ngayong nakita ko na ulit ito't namasdan muli, napagtanto kong hindi naman pala naputol ang paghanga ko sa kaniya. Naitigil lang sandali, ngunit heto't magpatuloy ulit.
Walang sabi ko siyang niyakap. I felt him stilled and caught his own breath. "Ang tagal kitang hinintay, Tim. Kung saan-saan ako pumunta para hanapin ka ngunit palagi akong bigo. Ilang taon rin kitang hinintay na umuwi. Buti nalang talaga at napagdesisyonan kong pumunta ng Manila. This is my last hope in finding you, and I thank God that our path had crossed again..." I paused for awhile and continued.
"Saan ka ba kasi pumupunta? At ano ba kasing nangyari sayo? Bigla ka nalang naglaho eh, tapo—" natigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang kumalas sa aming pagyayakapan.
Nagtataka at puno ng katanungan ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. "I'm confused, miss. Who are you, really? And why do you sound like you knew me very well?" Naguguluhan niyang tanong. Ang mga mata'y taimtim na nakatitig sa akin. Na para bang sinisiyasat niya kung nagsinungaling ba ako o hindi.
"B-because I do. I do know you very well. Tim, it's me, Shevanee Leigh Montecalvo, your childhood best friend..." Naluluha kong sambit sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal ngayong nasa harap ko na siya.
Inaasahan ko na ito ang magiging reaksiyon niya. Hindi naman ako nagkamali at dahil doon, naramdaman ko na naman ang kirot sa aking dibdib.
Mas lalong lumalim ang pagkunot ng kaniyang noo. He hardly shoke his head. "Maniwala ka man o sa hindi, Miss, ngayon lang talaga kita nakita. I swear, I didn't know you." Giit niyang muli.
Umatras siya papalayo sa akin ngunit sakto lang ang naging distansiya niya upang hindi ko na siya mayakap ulit nang biglaan.
"Diba sabi mo kanina na... na pamilyar sa 'yo ang mukha ko? Ibig sabihin dun na nakita mo na a-ako once in your life. S-siguro nakalimutan mo lang, o baka sakaling nagka-amnesia ka, wala ka bang maalala?" Tanong kong muli sa kaniya.
"Baka gusto mong isa-isahin sa 'yo ang mga patunay na magkakilala talaga tayo ever since we were kids? Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong si Trixxie ay iyong ex-girlfriend?" Hindi ko na napigilan ang mga salitang 'yon na lumabas sa aking bibig.
Nakita ko kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa pagkagulat. Ilang beses siyang kumurap-kurap, tila hindi pa rin makapaniwala.
Wala akong pakialam kong naging desperada na ako sa kaniyang paningin. Sinubukan kong abutin ang kaniyang kamay ngunit mabilis niya itong inilayo.
I swallowed hard while feeling the pain in my heart getting deeper and deeper. Hindi ko na namamalayan na umiiyak na pala ako. Mas ramdam na ramdam ko na tuloy ang sakit dulot ng pagkikita namin.
Sana pala hindi na ako sumubok, ako tuloy ang nasaktan ngayon.
Suminghap ako at huminga nang malalim. "I'm so sorry if I made you confused. Gustong-gusto lang talaga kitang makita at makausap muli. Ang tagal na kasi eh, alam mo 'yon? " I paused and take a long breath while holding back my tears that was about to fall again.
"It's been four long years...at ito lang ang makukuha ko? Hahaha...sa buong apat na taong hinintay kong lumipas," sabi ko sa kaniya habang patuloy na lumuluha. I tried so hard not to cry in front of him, which I already did. Iminuwestra ko sa kaniya ang aking mga kamay.
"Heto...heto ang naging resulta. Ang galing, ano?" Naluluhang tanong ko sa kaniya. Nakita ko siyang nakatungo at naging tahimik na lamang na nakatayo. "If you think of me as a crazy nobody at nag-imbento lang ng kwento-kwento para lokohin ka, don't be. Trust me when I say that I don't waste my precious time for nonsense things, except for this one." Makabuluhan kong sabi sa kaniya.
Umangat ang kaniyang ulo at nagtagpo ang aming mga mata. For a second, it felt like a dream. To be with the guy that I've been waiting for so long to come back. And here we are, holding each other's gaze as if we're reading each other's soul.
Hinintay ko siyang magsalita ngunit lumipas na lamang ang thirty seconds ay hindi pa rin siya kumibo. Nakatungo na siyang muli na parang nasa malalim na pag-iisip.
Iyon ang naging hudyat ko upang tumayo mula sa pagkakahiga at umalis na doon. When I'm just two steps away from the door, it suddenly opened, revealing the arrogant CEO.
"Ralph, I'm here to fetch my secre— oh! There you are!" Bungad na sabi ni Sir Lance at mabilis na hinawakan ang aking kamay at walang pasabing kinaladkad ako palabas.
"Babe, I bought some snacks for you!" A woman suddenly appeared, which happens to be Trixxie. Nakasunod lang pala siya ni Sir Lance na dumating.
Mabilis kong iwinaksi ang kamay kong hinawakan ni Sir Lance at mabilis na nilapitan si Trixxie. Nang magkaharap na kami ay biglang kumunot ang kaniyang noo, hanggang sa purong gulat ang bumalatay sa buo niyang mukha.
Malakas siyang napasinghap at nabitawan pa ang supot na kasalukuyan niyang bitbit. "Oh, bakit parang nakakita ka ata ng multo diyan? Trixxie..." Sinadya kong bagalan ang pagsambit ng kaniyang pangalan at muntik na akong magdiwang sa loob ko nang makitang halos takasan ng kulay ang buong mukha niya.
That's right, Trixxie. You have every inch of right to be horrified.
Lumapit ako sa kaniya at tumingkayad upang makalapit sa kaniyang tenga. "Enjoy things while it lasts, 'cause you don't know when it'll ends." Mahinang bulong ko sa kaniya. I can almost hear her shaky breathing that made my smile even wider. I slowly tapped her shoulder bago ako umalis.
Sumunod naman sa akin si Sir Lance, na sa tingin ko ay may ideya na sa mga pangyayari.
Nagsisimula pa lang ako, Trixxie. Expect more plot twists to come.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top