c h a p t e r 3

NAALIMPUTAGAN ako sa sikat ng araw na dumadampi sa aking pisngi. Kasabay ng pagbukas ko sa aking mga mata ang walang mailahantulad na sakit ng aking ulo.

Parang mahahati sa dalawa ang ulo ko. Napahawak ako rito at napapikit muli dahil sa sakit.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Mel. Nakabusangot siya habang may dala na parang tabletas at isang baso ng tubig.

Padabog niyang inilagay sa aking bedside table ang dala niyang gamot. "Oh, inumin mo 'yan," pabalang niya'ng utos.

Walang sabi kong ininom ito. Pagkatapos ay ipinikit kong muli ang aking mga mata at hindi na nagtanong pa ng dahilan sa likod ng kaniyang nakabusangot na mukha.

"Huwag mo akong idaan sa tulog, She. We need to talk." Seryosong ani ni Mel.

Nanatili akong nakapikit. "Ano ba 'yon? Pwedi bang mamaya na lang? Ang sakit ng ulo ko eh," sagot ko sa kaniya nanghihina na boses.

"I'm not dumb. Kaya nga kita binigyan ng gamot dahil alam kong may hangover ka." Paglilitanya pa niya. Naramdaman kong hinawakan niya ang aking braso at niyugyog.

Hindi parin ako tumalima at nanatili parin akong nakahiga. "Shevanee Leigh Montecalvo, alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginagawa mo kagabi?" Malakas niyang tanong sa akin. Her voice roared and filled the whole room.

Para akong nabingi sa naging tanong niya at kusang bumalik sa aking isipan ang nangyari kahapon. Naalala kong naglilibot pala ako sa malapit hanggang sa makita ko sina Tim at Trixxie. Kinagabihan naman ay pumunta naman ako ng bar at naglalasing doon.

Pagkatapos... pagkatapos...ay ano?

Napatingin ako kay Mel nang wala na akong ibang maalala sa pangyayari matapos kong maglasing sa bar.

"I was just drinking last night, Mel. Malaki naman na ako, at hindi naman kahihiyan 'yon ano? Pwera na lang kung nagwawala ako do'n which didn't happen, right?" Depensa ko sa aking sarili at umaasa na sumagot siya ng 'oo, hindi ka naman nagwawala.'

Ipinikit ko nang mahigpit ang aking mga mata and crossed my fingers.

"Don't tell me, hindi mo na matandaan ang mga ginawa mo kahapon, She?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Tiningnan ko siya at parang batang sunod-sunod na umiling-iling.

Nasapo niya ang kanyang noo sa isa niyang kamay at napailing-iling na tumingin sa 'kin. Umupo siya sa silya katabi sa aking kama at bumuntonghininga nang malalim.

"Matapos mong maglasing kagabi, pumunta ka sa DLG Corporation. Hindi ko alam kung ano ang pumasok diyan sa utak mo at nagpunta ka ro'n. Mabuti nga at may nakakita sa 'yo sa hallway. Pinitchuran ka at sinend sa group chat namin. At mabuti nalang talaga at doon ako nagtatrabaho, She, at kasali ako sa gc na 'yon at nakita ko ang picture mo." Mahabang pagsasalaysay niya. Tahimik lang akong nakinig sa kaniya.

Mayamaya pa ay tumayo siya at pinag-cross ang dalawa niyang kamay sa kanyang dibdib. Nagdabog pa ng paa.

"She naman, alam ko namang malaki ka na, pero sana naman huwag kang uminom na mag-isa. Eh kung sakaling hindi ka napadpad doon sa pinagtatrabahuan ko, saan kita hahanapin? Baka magulat nalang ako na isang araw, pupulutin nalang kita sa kangkongan na wala ng buhay dahil sa mga pinagagawa mo." Mel hysterically said.

Nakatungo lang ako at magalang na nakinig sa mga seremonyas niya. "I'm really sorry, Mel. Promise, hindi ko na uulitin," sabi ko sa kaniya at itinaas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa.

"Ano ba kasi ang ginawa mo ro'n?" Nakakunot ang noo niyang tanong.

Bumuntonghininga ako at kinwento sa kaniya ang nangyari. "Nakita ko sina Tim and Trixxie kahapon sa isang cafe. Sinundan ko silang dalawa at nakita kong doon sila pumasok sa DLG Corporation." Ipinikit ko ang aking mga mata nang maalala kong nahirapan akong kausapin muli si Tim.

"Masyadong masakit para sa akin ang aking nasaksihan, kaya uminom ako. Saktong pauwi na ako no'n at nakasakay na ng taxi, nadaanan namin ang GLC Corporation. Lasing ako kaya naisip ko na baka ito na 'yong tamang panahon na kausapin siya." Tiningnan ko siya sa malulungkot na mga mata.

"Kilala mo ako Mel. I'm only courageous and confident when I'm drunk." Dugtong ko pa at nag-iwas ng tingin. Humugot ako nang malalim na hininga.

"Trixxie Marie Santos? 'Yong ex na nabanggit mo sa 'kin na nang-iwan no'ng namatay ang parents ni Tim? Kasama niya kahapon?" Paglilinaw ni Mel. Tumango naman ako bilang sagot.

"At hindi lang 'yan. Mukhang may relasyon ang dalawa dahil panay ang dikit nito sa lalaki. Alam mo bang kararating lang din ni Tim kahapon? He's out of the country or something. Ni hindi man lang kami pinagtagpo sa airport." Nanghihinayang kong sabi habang bagsak ang aking mga balikat.

Narinig kong bumuntonghininga si Mel. Magsasalita na sana siya nang maisip ko ang aking plano na binuo kahapon pa.

"Anyway, diba sa GLC Corporation ka nagtatrabaho? Hiring ba sila ngayon? Kahit anong klaseng work, susunggaban ko na," dire-diretso kong sabi sa kaniya.

Mukhang nagulat naman si Mel at bumukas-sara lang ang bibig niya. Mayamaya pa ay pinanliitan niya ako ng mga mata. "At ano na naman ang mga binabalak mo?" Mel asked while raising her one brow.

"Well, ahmm...gusto ko lang naman maging memorable ang stay ko dito sa Manila. And I'm not here naman para maging palamunin mo, so, I think, it's much better if I'll find a work here." Sagot ko sa kaniya.

But she even raised her brow higher leaving me no choice but to expose my hidden agenda as well.

"Fine." I said, giving up. "Gusto kong magtrabaho sa GLC dahil baka mas malaki ang tiyansang makausap ko si Tim doon. Even if that means I have to deal with the annoying Trixxie."

Matagal siyang natahimik at mukhang nag-isip. Mayamaya pa ay bumuntonghininga siya.

"Sige na nga. Titingnan ko." Sagot niya na nagpangiti sa 'kin.

"Sabi na eh, hindi mo talaga ako matitiis." I said as I gently punched her shoulder.

Malaki at malawak ang ngiti kong naghintay sa kaniya habang may tinitingnan siya sa phone.

"Oh well, looks like luck is on your side today." Bigla ay sabi niya. "The CEO's secretary is currently on leave. Manganganak raw at magha-hire sila ng pansamantalang papalit rito. For just...three months," sabi niya at nagkibit-balikat.

Napasinghap ako at mas lalong napangiti dahil sa aking narinig.

Yes!

"Mukhang nawala bigla ang hangover mo ah. Tsk, tsk," napailing-iling siya. "Nako, mukhang patay na patay ka talaga kay Tim, ano?" Sabi ni Mel nang makita niya ang ngiti ko. Tumango nalang ako sa kaniya bilang sagot.

"Ang tanong, kilala ka pa kaya ni Tim? If not, kaya mo ba siyang paaalahanin sa memories niyo together in just..." binitin niya ang nais sabihin at tinaas ang tatlong daliri. "Three months?"

Natigilan ako sa naging tanong niya ngunit hindi ako nagpahalata.

Three months is equivalent to 90+ days... I'll see what I can do.

🤎

"BASTA, kumalma ka lang, okay? Be yourself and be honest. Kaya mo 'yan, go! Fighting!" Si Mel habang kausap ko sa cellphone. She's being hype and cheer me up for today's interview.

Kahapon lang ako nagpasa ng resume online, pati ang initial interview. And so far, nakapasa naman ako.

Ngayon naman ay ang final personal interview. May narinig naman akong sabi-sabi na ang CEO raw mismo ang mag-i-interview. Just by that thought, halos hindi na ako mapakali ng makita kong dalawa nalang ka tao at ako na ang susunod.

I breathe in and out to calm my nerves but it's not working. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito katindi. Like it's not even my first time, dahil no'ng nasa Cebu palang ako, ang dami ko ng inaplayan na kompanya at hindi naman ganito ka-severe ang kaba ko, hindi katulad ngayon.

Napatigil ako sa pagpapakalma sa aking saliri nang biglang lumabas ang isang babae na umiiyak galing sa opisina ng CEO kung saan ginanap ang interview. Halos mapatanga ako sa napakaikling palda na sinuot niya at halos lumuwa ang kaniyang dibdib sa hapit na hapit nitonh suot.

What the heck! Bakit ang ikli no'n? Bar ba ito sa pag-aakala niya?

Mabilis na naglakbay ang aking tingin sa suot ko ngayon. Isang light pink na pants pares ang isang puting sleeveless shirt covered by the light pink blazer.

Kailangan ko rin kayang maging sexy katulad niya? Hmm, isa kaya 'yon sa hinahanap ng CEO dito?

Napailing-iling ako sa aking naisip.

"Shevanee Leigh Montecalvo? It's your turn," narinig kong sabi bigla ng isang babae na siyang may hawak sa mga pangalan ng mga interviewees ngayon.

Ngali-ngali akong tumayo at ginawa ko ang sign of the cross habang naglalakad papalapit sa kaniya. Natawa naman ang babae na sa hula ko ay nasa 30's na. I just wanted to smile kindly at her but I ended up smiled awkwardly.

Tumango siya sa akin at iminuwestra ang kamay sa pintuan. Humugot ako ng isang malalim na hininga at hinawakan ang doorknob at binuksan 'yon.

Tumambad sa akin ang isang napakalinis at maaliwalas na kwarto. Naglalaro ang itim  at puti na kulay sa mga kagamitan. Mas lalo akong nalula sa glass wall nito na tanaw ang matatayog na gusali sa labas.

Masyado akong namangha sa paligid na hindi ko napansin ang isang lalaking may hawak na kopita habang ang isang kamay ay may hawak na papel na kasalukuyang tiningnan at binabasa nito. Nakatayo siya sa pinakadulo ng kwarto.

I cleared my throat to get his attention. "Good morning, sir." I greeted him, at malaki ang pasasalamat ko na hindi naman nanginig ang boses ko dahil sa kaba.

"Take a seat," sabi niya sa baritonong boses.

Napaling ko ang aking ulo nang marinig ko ang boses niya. Mukha itong pamilyar sa akin. Saan ko nga ba ito narinig?

I shoke my head when I can't remember a single thing. Then, I made my way in the single seater black sofa and sit there comfortably.

"Miss Shevanee Leigh Montecalvo..." He trailed off. "For the third time around, we met again," he continues and slowly turned to face me. Nanatili parin siya sa kaniyang pwesto kanina.

Kasabay ng pagharap niya ang hindi maipaliwanag na biglaang pagtibok ng aking puso. Kumunot ang aking noo at tiningnan siya sa nagtatanong na mga mata.

I am very sure that I look so confused right now.

Napakurap-kurap ako at hinalukay ang lahat ng tao na nakasalubong ko simula nang dumating ako dito sa Manila.

"I'm sorry, sir, but I don't think we already see each other. I swear, ngayon pa lang talaga po kita nakita." Kinakabahang sagot ko sa kaniya.

"At kung sakaling nagkita naman po tayo, sigurado po akong hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha mo." I paused. "Ang gwapo mo kaya," I covered my mouth nang kusa kong nabigkas ang mga salitang dapat ay sa isipan ko lamang.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi tsaka inubos ang kaniyang ininom. I straightened my back as I tried to hide my nervousness from him.

"Try to remember me well, Miss Montecalvo," giit pa niya. Matikas siyang naglakad papalapit sa kaniyang mesa at suwabing umupo rito.

I tilted my head and did what he say. But there's nothing. Humugot ako ng isang malalim na hininga.

Gaven Lance Galvez - CEO

"I'm so sorry to disappoint you, Mister Galvez, but I'm not changing my statement." Malakas ang loob kong sagot sa kaniya.

Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at nilagay ang kaniyang hintuturo sa kaniyang baba. "Looks like you're having a memory loss..." He looked at me intently.

May hinalukay siya bigla sa kaniyang mesa pagkatapos ay may hinugot na bagay sa kaniyang wallet. Inilapit niya sa akin ang kaniyang laptop.

At ang nakatupi na isang libong pera. "I hope these will help you remember me, Miss Montecalvo." Matigas niyang sabi.

Binalot ng kakaibang kaba ang aking puso at ramdam na ramdam ko ang namumuong pawis sa noo ko. Shoot. Looks like I'm in a big trouble right now.

"I clearly remember your words. Hmmm...what is it again?" He trailed off and lean forward.

"Heto, isang libo. Ipapa-laundry mo nalang." He mimicked my voice at nagsenyas ng quotation marks sa ere gamit ang kaniyang kamay. Pagkatapos ay sumeryoso ang kaniyang mukha na tumingin sa akin.

"Does that ring a bell?" He asked and smirked at me.

Oh no. I'm in trouble, indeed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top