Part 2

"Eto hula ko lang anna ha? Feeling ko hindi kayo magkakatuluyan niyan"

"Bakit naman?"

"Madaming pogi dito beh anokaba dami kang makikita"

"Hindi ako ganun"

"Paano kapag yun talaga yung nakatadhana sayo?"

"Edi pipilitin kong siya"

"Bahala ka, Ano nga palang gagawin mo dito sa England? Mamasyal lang? Bakit nagsawa ka na ba sa luneta?"

"Baliw ka talaga achi no? Wala lang. di ko nga din alam eh"

"Gusto mo magtrabaho? "

"Ayoko. Di ko feel"

"Wow richkid"

"Baliw kaba, Nakakatamad kasi"

"Ang laki mong tamad talaga"

"Wala ganun talaga"

"Sige na anna, tutulog nako."

"Osige achi. Bukas maaga kapa"

"Oo nga eh, Sige na goodluck sa kasal niyo sa future"

"Hay nako Achi matulog ka na"

"Sige, Pupusta ako ha? Limang daan!"

"Bahala ka kung ano gusto mo"

Pagkatapos ko kumain, Natulog na din ako. Pagising ko, As usual, Wala na si Achi trabaho na ng trabaho. Pumunta ako sa iba pang lugar na hindi ko pa npupuntahan,

Pag uwi ko nakita ko si Achi umiiyak.

"Achii?"

"Annaaa"

"Bakit anong nangyari" Agad kong nilapitan

"Anna, Tinangal ako sa trabaho ko."

"Bakit daw? "

"Kasi May nakalimutan akong kwartong linisin eh"

"Dahil dun lang?"

"Oo, Ganun sila kahigpit."

"Seryoso ka ba dyan? "

"Iiyak ba ako nang ganito kung hindi?"

"Sabagay. Edi maghanap ka nalang nangibang trabaho."

"Anna. Highschool lang natapos ko"

"Bakit pag hindi ba college graduate di nila tinatanggap?"

"Hindi. Paano na sila papa at mama "

"Bakit wala na bang inaasan na iba sainyo?"

"Wala na. Ako nalang. May sakit pa si papa"

" Ano balak mo ngayon Achi?"

"Hindi ko din alam anna,"

Hanggang sa matutulog na kami naiyak parin siya. Nakahiga nako iniisip ko din yung problema niya, Naisip ko na Bakit hindi nalang ako muna yung magapply habang wala pa siyang trabaho? Tutal naman wala akong ginagawa, Atsaka part na din ng pagiging independent yun ang mag trabaho, Bakit di nalang kaya ako? Ay. Sige. Ako nalang bukas magaapply ako sa Isang hotel.

Nagalarm yung alarm ni Achi, kaya bumangon nako para maghanap ng trabaho. Nang makadamit na ako. Nakita ko si Achi tulog na tulog parin Nang maalipungatan siya nakita niya akong naglalagay ng relo

" Saan ka pupunta?!"

"Maghahanap"

"Maghahanap naman ng ano?"

"Ng trabaho."

"Para saan?"

"Para sayo."

"Huh? Di ko maintindihan"

"Magaapply ako ng trabaho para sayo, Habang di ka pa nakakahanap ng bagong trabaho"

"Bakit naman para saakin?"

"Kasi yung sweldo ko para sa pamilya mo."

"Seryoso ka ba dyan anna?"

"Kung makakahanap ako"

"Promise ko maghahanap din ako tapos ibabalik ko lahat ng maibibigay mo. Teka, Saan ka naman magaapply? "

"Hindi ko nga din alam eh"

"Dun sa hotel na pinagtratrabauhan ko!"

"Saan naman yun?"

Binigay ni achi yung address nung pinapasukan niya at agad akong pumunta don

"Yes mam?" Sabi ng isang empleyado sa hotel

"Is there is any available job here?"

"Uhmm. Mam, I can't answer that"

"Where will i go?"

"Mam, you can wait for sir joel, You can sit there first i call you when he is here"

"Ohh. thanks"

Umupo ako sa isang table malapit sa Pinagtanungan ko para agad niya akong makilala, Nagbabasa ako ng dyaryo Ilang minuto nung ibaba ko na yung dyaryo may nakita ako sa harap ko na nakaupo din sa kabilang upuan

"Parang kilala ko to eh di ko lang talaga maalala"

Tinitigan ko yung lalaking yun ng ilang minuto para matandaan ko, Naalala ko yung camera ko baka nawala sa bag ko.

Pagkacheck ko sa bag nakita ko agad yung camera ko. May naalala ako sa camera, Di kaya siya yung lalaking humarang sa Kinukunan ko? Agad kong binuksan at tinignan

"Nabura ko ba yun? Saan .... nasan na yun.... saan... Ayun!" pagkakita ko sabay tingin sakanya

Nang mapansin niyang nakatingin ako tumingin din siya, at ang kapal pa ha. Nag hi pa.

"Hi"

"Ikaw nga! Ikaw nga!" Sabay palapit ng palapit

"What miss?"

"Wag mokong mamimiss miss ha," sabay duro sakanya

"Sorry miss i can't understand you."

Ay.. Oo nga pala nasa ibang bansa pala ako

"You! You!"

"Me?"

"Of course you! "

"Why?"

Palapit ako ng palapit na nakaturo sakanya

"You are the reason why i...AYYYYYYYYYYYYYYY!" Natalisod ako at di ko inaasayan na mapapadpad ako sa lalaking yun, Nakadikit ako sakanya, Pag taas ng noo ko nakita ko muka niyang nakatingin saakin

"Hi?"

Biglang may bumuhat saakin na dalawang lalaki at Ilalabas nila ako. Buhat buhat nila ako, Tauhan ata nung lalaki na napicturan ko,

"Let me go! Let me go"

"No, You should go out."

Nang makita kong walang pake yung lalaking nakaupo, Eh malamang siya yung dahilan kung bakit ako binuhat. Binato ko yung Camera ko sa kanya.

Natamaan siya at Huminto kami.

"Yes!"

Biglang may lalaking papasok na nakakita ata ng nagawa ko at umeksena

"What is happening here?"

Lahat ng tao nagsitinginan saakin.
At lumapit yung lalaking kapapasok lang

"You two! Put her down!" Sabi sa dalawang lalaking buhat ako

Nang makababa na ako kinausap ako nung lalaking nagpababa.

"You threw this camera? "

"Uhmm. yes sir"

"But.. Why?"

"Because that guy is the worst person i ever met!"

"Do you know who's that guy?"

"No."

"So why you throw a camera on his face? Without knowing him?"

"Look! Look at the camera. "

Tumingin sila sa camera, Nang makita nila yung lalaki na yun na nandun sa picture

"What's wrong?"

"What's wrong?! I tried to capture the view, And there he is "

"Louis?" Sabay tingin sa lalaking binato ko

"Sorry i didn't know "

" let say he did this, Why you need to throw his face? "

Naspeechless ako. Wala na akong masabi

"Okay. what are you doing here? "

" I try to apply a new job"

"Here?"

"Yes."

"Sorry, I can't because of this incident"

"What?"

Biglang lumapit yung empleyado na nakausap ko kanina

"Sir joel, She's anna. "

"I'm not interested. You may go now"

"Sir joel, Wait!"

"I'm done with this"

Umalis na ako sa hotel, Di ko narin kinuha yung camera ko. Kasi napahiya na ako eh, Pwede naman akong bumili pa non. Kaso si Achi, paano yung pamilya niya na?

Nang makauwi na ako, Nadatnan ko si Achi nanonood, Nang makita niya ako agad niya akong Pinuntahan.

"Bukas maaga ka gigising ha? Ako nalang gigising sayo"

"Achi.."

"Bakit? Di ka ba masaya?"

"Hindi ako natanggap"

"Anong hindi?"

"Hindi ako natanggap"

"Panong hindi? Eh katatawag lang dito ni sir joel? Bukas daw magstart kana ha?"

"Huh? Paano nangyari yun? "

"Huh? Wala ako magets. Pero basta, Bukas ako na magluluto ng almusal at ako ma din ang gigising sayo"

Paano nangyari yun? Eh, Sabi kanina hindi daw nila ako tatanggapin eh halos Ipagtabuyan naako dun. pero ang naalala ko lang binigay ko yung resume ko dun sa babae.

Natulog na lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top