Part 1

"Anak ingat ka dun ha? Lagi kang sumulat o mag email kung nalulungkot ka ah. Wag na wag mong kalimutan sumulat ah?"

"Nay, Wag na tayong masyadong madrama, Mas lalo niyo akong pinahihirapan eh."

"Di mo matatangal sa isip ko yun anak na magalala sayo."

"Nay, Gusto ko, Gustong gusto ko dito. pero syempre. bago ako magpakasal ka Justine, Syempre sisiguraduhin kong, Nagawa ko muna yung gusto ko."

"Bakit mo ba kailangan pumunta ng England Ate?"

"Eh kasi, Parang di ako sigurado kay Jestine eh. Kasi naman,ang bilis bilis namin"

"Eh bakit sa england pa?"

"Gusto ko kasi sa ibang lugar naman Kiko"

"Ate basta pasalubong ha?"

"Oo naman ikaw pa, Oh. Ano nay? Wag na umiyak masyadong madrama eh. Kailangan ko din maging independent nay."

"Alam ko anna, Sana maging buo yung decision mo anna ha? "

"Nay, Onaman po. Pagbalik ko dito. Pakakasalan ko agad si Justine, At bibigyan ko po kayo ng maraming maraming apo."

"Anak talaga. Basta magiingat ka dun ah?"

"Oo nay, Mahuhuli nako, Osya nay, kayo na bahala ah?"

"Sige anak. have a good trip"

Pumasok na ko sa loob ng airport, Pinacheck ko na yung gamit ko. Kung sakto lang ba yung weight na dala ko. Pagkatapos non sumakay na ako ng eroplano. May nakatabi akong pilipina

"Hi?"

"Hello "

"First time mong pupunta sa england?"

"Oo eh."

"Bakit ka pupunta dun?"

" wala lang, "

"Wow yaman pa trip trip nalang"

"Hindi noh. pinagipunan ko din to"

"Saan ka sa england magsstay?"

"Di ko pa nga alam eh."

"Seryoso? Pupunta ka talaga dun ng walang kaalam alam at kakilala? "

"Oo bakit naman?"

"Wala lang. Maliligaw ka lang dun"

"Seryoso?"

"Oo girl."

"Wala talaga akong ka idea idea eh"

"Sumama ka nalang saakin"

"Sige"

"Dun ka nalang sa tutuluyan ko."

"Ano bang trabaho mo dun?"

"Tagalinis ng kwarto sa isang biggest hotel sa england"

"Seryoso?"

"Oo, Gusto mo tulungan kitang makapasok dun?"

"Kahit hindi na basta matutulugan lang okay na"

"Osige"

"Ano nga pala pangalan mo?"

"Achi"

"Anna nga pala"

Nang makarating kami sa Apartment na Inuupahan niya, Agad kaming Naglagay ng gamit

"Nako po! Malalate nako. pwedeng pakisuyo? Pabantay nang gamit ko pwede?"

"Oo saan ka pupunta ka rarating palang ah?"

"Sa Trabaho."

"Seryoso ka?! Di ka ba pagod?"

"Sanay na ako eh"

"Sige, Una na muna ako. Ikaw na bahala dyan "

Nilihpit ko na din yung mga gamit niya, Bakit ang bilis niyang magtiwala kaya sa mga tao?

Natulog ako pagtapos kong magayos
Pagkagising ko umaga na, Katabi ko si achi, tumayo agad ako at pumunta sa kusina para magluto. Nang makaluto nako naghain nako ng mga plato.

"Annaaa!!"

"Achi bakit?"

"Bakit di mo ako ginising?"

"Bakit? Di ka naman nagsasalita na nagpapagising ka eh"

"Malalate nako. Onga pala" sabay lagay ng sapatos at nagmamadaling umalis

"Di ka kakain?"

"Salamat anna, pero mauuna muna ako kasi malalate nako" sabay alis

"Hanep ah. walang kainkain ah"

Kumain na ako kahit ako lang magisa. Pag katapos ko kumain, Lumabas ako agad ng apartment dahil gusto ko mag explore dun.

Nakapunta ako sa isang sobrang daming building at ang gaganda ng mga desenyo. kinuha ko yung Camera ko at Pinagpipicture yung kung ano ano.

Nang pipicturan ko na yung Isang orange na building sa kabilang kalye nakatutok na yung mata ko sa camera at nang pipindutin ko na may dumaan na tao at ngumiti sa camera at nasaktohan ng pagpindot ko. Pag tagal ko ng Mata ko sa camera, Agad ko tinignan yung tao, Pero nagmamadali siyang naglalakad, Ang daming taong parating at sinusundan yung taong yon. Ano kaya yun? Snatcher? Agad akong sumakay ng taxi at Lumipat ng ibang lugar. habang nasa daan ako Tinignan ko yung Camera ko kung nakunan ko yung building na maganda. pero

"HINDIIIIIIIIII!! LETCHE ANO TO?"

"Mam? " Driver added

"Nothing nothing,"

"Okay mam"

Letche bakit ba ang kapal ng tao dito sa bansang to? Di naman sila kinukunan bakit nagfefeeling tong tao na to.

Pagkatapos kong maglibot badtrip na badtrip parin ako sa nangyari kaya mas pinili kong umuwi na.

"Ohh Anna saan ka naman galing?"

"Dyaan dyaan lang"

"Bakit parang badtrip ka? May mens lang?"

"Baliw. Hindi noh."

"Eh ano?"

"Achi kasi badtrip yung mga tao dito"

"Oh ano naman ginawa ng mga tao dito sayo?"

Umupo ako sa lamesa kung saan nakaupo si Achi.

"Isipin mo yun. Nagpipicture ako tas biglang sisingit tapos magpopose akala mo kung sino"

"Yun lang ba? "

"Oo"

"Ang babaw mo naman"

"Nakakainis lang kasi"

"Okay lang yan. pwede ka naman pumunta ulit dun"

"Eh. ayoko na makita ko pa yung bwisit na yun"

Phone ringing....

"Wait lang achi ah. si mama natawag"

"Sige lang anna"

"Ma oh ano kamusta na?"

"Anong kamusta ka dyan. Ikaw yung kamusta dyan?"

"Okay naman ako ma. Kayo ba?"

"Ay. ayos naman kami dito. Anak andito nga pala si Justine gusto ka raw makausap."

"Sige lang ma"

"Oh. hello babe"

"Oh. Babe musta ka na?"

"Okay lang. excited sa paguwi mo kelan ka ba talaga uuwi?"

"Kapag handa nako babe"

"Babe wag ka maghahanap dyan ah? "

"Babe ano kaba. papakasalan na nga kita maghahanap pa ako"

"Babe seryoso ako."

"Babe hindi nga promise ko"

"Eh. ayoko ng promise nabrobroke yan eh"

"Edi patutunayan ko nalang"

"Sige babe ha?"

"Oo nga babe"

"Babe ah"

"Ay ang kulit. Sige na babe may gagawin pa ako i love you"

"Ay sige babe i love you fb agad ha?"

"Sige babe"

"Shota mo?"

"Hindi Mapapangasawa ko"

"Seryoso anna?!"

"Oo, Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Magpapakasal ka na pero nandito ka sa england?"

"Ano naman?"

"I mean, Bakit ka pa pumunta dito?"

"Para makapagisip isip at maging ready"

"Bakit di ka pa ba ready? "

"Gusto ko muna magawa lahat ng gusto kong gawin eh"

"Bakit di mo sinama siya?"

"Ayoko muna magpakatali ano kaba"

"Lalandi ka muna?"

"Sira. di ko ugali yun."

"Eh ano?"

"Gusto ko maenjoy life muna"

"Bakit di mo ba maeenjoy kapag nandyan siya?"

"Hindi naman, Parang siya na nga makakasama ko buong buhay tapos itong sandaling part ng pagkadalaga ko kailangan parin siya?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top