Chapter 9: Disaster Date
A/N: Merry Christmas and Happy Holidays rares, mga baliw ko!
If ever ako si Santa, anong wish mo ngayong pasko? Drop your wishes in the comment section, malay niyo magkatotoo. Hindi man ako ang magbibigay pero baka ibang tao. :))
Drop your wishes na, babasahin ni Santa mga wish niyo mamaya!<3
KASALUKUYAN AKONG nag-aayos ng aking sarili. Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin. Tinitingnan ang aking sarili kung presentable ba akong tingnan.
Ngayon ang date namin ni Aaron. At kinakabahan ako pero at the same time ay nai-excite din. Ito ang una naming date simula ng magkabalikan at nang maging okay kami. Kaya sana ay maging memorable sa amin ang araw na ito.
Piniksi ko lahat ng mga iniisip ko at pinasok lahat ng pwede naming gawin mamaya ni Aaron. Hindi ko hahayaang masira ang date namin dahil sa pagproblem ko ng problema ng iba.
Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko si Lawreen na may hawak-hawak na pinggan sa kaliwang kamay na naglalaman ng tatlong pirasong pizza, sa kanan naman ay isang pitsel ng juice at sa bibig niya naman ay may isang pirasong pizza na kagat-kagat niya. Alright, as usual Lawreen is Lawreen.
"Eyy ganda ng bakla namin ah, saan punta mo?" hindi pa ito makapagsalita ng maayos dahil sa may laman ang bunganga.
"Roadtrip, to the moon. Sama ka?" pabalya kong sagot kaya akma niya akong babatukan ngunit naalala sigurong may pagkain siyang hawak.
"Gaga! So saan nga ang punta mo?" niluwa nito sa pinggan ang pizza na nasa bunganga niya kaya tiningnan ko naman ito ng nakakasuka. "Tutusokin ko ‘yang mata mo, tangina neto. Anong tingin ‘yan ha?"
"You’re so gross, yak! Ang dugyot mo kumain pwede ba? Alis na nga, may date ako oh, period." sinimangotan ako nito bago maglakad. Hindi pa ito tuluyang nakakaalis ng banggain ako nito sa balikat kaya muntik na akong matumba.
"Amp, tarantado!" tumatawa tawa naman itong umalis na akala mo’y nanalo sa luto. Ang baboy na ‘yon!
Pumunta ako sa kusina para sana uminom nang tubig dahil marami pa naman akong oras. Naabotan ko doon si Adrian na kumakain ng pizza at umiinom ng juice. Kapal ng mukha ng mga baklang ‘to. Nag-order, kumain pero hindi ako inaya. Mga traidor! Mga pekeng kaibigan!
"Sarap na sarap kayo sa pagkaing dalawa ah, bati na kayo?" kumuha ako ng pizza sa box, buti may isang slice pa na natira.
Tumango si Adrian at sumubo ng pagkaing hawak. "She already apologized,"
"That’s good, huwag niyong hayaang masira tayo dahil sa konteng bagay. I know it’s a big deal on your side, pero be open minded. Lawreen is just concern, may kasalanan din siya pero hindi mo dapat siya ginanon. Mahal ka niya, tayo kaya niya ‘yon nagawa." tumango-tango ito at hindi ako sinagot. Hmp! Snobber.
Kumuha ako ng baso at pumunta sa ref para uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay nilapag ko ito sa sink at hinugasan nadin.
"I heard you’re going for a date?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. Pagkatapos niya akong isnob? Huh!
"Oo," cold ferson tayo kunyare.
"Just..." he trailed off. "Just be careful, hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon." tuluyan na akong napatingin at napaharap sa kanya dahil alam ko na kung saan ito patungo.
"Hindi niya ako sasaktan hangga’t hindi ako gumagawa ng bagay na ikaka-trigger ng sakit niya. Lawreen is right, i know Aaron more than anyone else."
"Hindi mo parin sigurado. Mas mabuti na iyong nag-iingat ka." tumayo ito at itinapon sa basurahan ang mga basura, nilagay sa sink ang pinagkainan at hinugasan.
Tumango na lamang ako bago magpaalam. "Sige salamat, aalis na ako." tango din ang sinagot nito kaya tuluyan na akong umalis.
SA ISANG MAMAHALIN at magarbong restaurant ako dinala ni Aaron. Hindi ko alam pero naoover whelmed ako dahil sa ginagawa niya sakin. Kanina niya pa ako asikasong-asikaso.
Para na akong pinagsisilbihan dahil sa maya’t maya niyang tanong kung may gusto pa ba akong kainin, may gusto pa ba akong gawin, kung may gusto pa daw ba akong puntahan. Tapos na akong kumain at siya hindi pa dahil sa pag-aasikaso niya sa akin kanina kaya malaya ko siyang natitignan ngayon.
My heart is full of an unidentified emotion right now. Lahat ng mga hindi niya nagawa sa akin noon, ngayon siya bumabawi. And i really appreciate it. Umahon ang gwapo nitong mukha at tinitigan ako. Ang kanyang nga mata ay puno ng pagmamahal.
"Do you need something else? Do you want something?" sunod-sunod ang iling na ginawa ko bago siya nginitian.
"No, nothing. Nasasayahan lang akong tingnan ka habang kumakain ng masagana at mapayapa." tumawa ito kaya muntik na namang malaglag ang panty ko sis!
As if may panty ka. Hindi ko pinansin ang kontrabida kong utak.
Tinuloy nito ang pagkain niya kaya nagpaalam muna akong magc-cr. Masaya akong nagtungo doon habang iniisip kong ano pang pwede naming gawin mamaya pagkatapos naming kumain.
I’m planning to ask him to watch a netflix with me. Pwede ding k-drama, as far as i remembered he loves k-drama too. Siguro ‘yong Revenge of Others na lang. Kakatapos lang nila i-upload ‘yong episode 12. Hindi ko muna ‘yon pinanood kase ayokong mabitin, and since date naman namin ‘to pwede sigurong ‘yon na lang gawin namin.
Naghuhugas ako ng aking kamay, kakatapos ko lang ilabas ang tawag ng kalikasan. Isang bulto ang tumabi sa akin habang naghuhugas ako ng kamay, hahayaan ko na sana ito pero agad akong napaangat ng tingin sa kaniya ng magsalita ito.
"Woah, again, niyaya ka na niyang magdate ha. In a fancy and expensive restaurant pa. Hanep talaga ang baliw na ‘yon." nangitngit ko ang aking ngipin dahil sa inis. How dare him to call Aaron like that?
"May date ka din?" kunyareng binalewala ko ang kanyang pang-iinsulto sa kanyang pinsan.
"Meron, babae." hindi ko alam kung bakit niya sinabi ‘yon. Kailangan pala specific na magsabi ng mga bagay sa buhay mo ngayon? "Maganda, sexy, mabait, at higit sa lahat may matres." agad dumapo ang aking palad sa kanyang magaspang na mukha.
Nakangisi itong nakaharap sa akin, kita ko ang aliw sa kanyang mga mata na animo’y aliw na aliw siyang nagagalit ako sa kanya dahil sa pang-iinsulto niya sa kaibigan ko. He’s not the Erox i know, hindi siya si Erox na palaging iniisip ang mararamdaman ng iba bago siya magsalita o gumawa ng mga bagay-bagay.
"Hindi ko alam kung anong palabas ‘tong ginagawa mo. Walang kwentang palabas. Insulting my betsfriend and my boyfriend infront of me really Erox? What a good choice." tumawa ito na parang baliw.
"You wanna know a secret? More secret to be exact." dahan-dahan itong lumapit sa akin na ikinahakbang ko paatras. Ginawa ko ‘yong hanggang sa maramdaman ng likod ko ang pader.
"Lumayo ka nga sakin! Naasiwa ako sa pagmumukha mo!" inis na sigaw ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig.
"I never love you bestfriend. I only want him to warm my bed. Pinaniwala ko siyang mahal ko siya para matira siya—"
"Enough!"
"—Ginamit ko lang siya para makuha ang gusto ko. Para makuha ang kayamanan at mga properties niya—"
"I said enough! Enough is enough." tinulak ko ito pero hinawakan niya ang magkabila kong kamay at isinandal sa pader. Agad akong nagpumiglas pero mas malakas siya kumpara sa akin.
"I never love him, and i will never do that shit. Because do you want to know whom i love?" ngumisi ito bago inilapit ang mukha sa akin. Para akong kakapusin ng hininga ng dahan-dahan niyang binanggit ang mga salitang iyon.
"You, ikaw ang mahal ko. At ikaw lang ang mamahalin ko."
"No—" marahas nitong sinunggaban ang aking labi. Nagprotesta ako upang hindi niya ako tuluyang mahalikan ngunit mariin niyang kinagat ang aking pang-ibabang labi sanhi ng pagdaing ko’t pagbukas ng aking mga labi.
Go signal iyon para sa kanya upang ipasok niya ang kanyang dila. Nalalasahan ko ang sariling dugo, nandidiri ako sa sarili ko, nandidiri ako sa kanya!
Isang malakas na pwersa ang humiwalay sa aming dalawa. Agad akong napaupo at niyakap ang aking sarili. Parang bigla akong nawalansa sarili at hindi alam ang gagawin. It’s obvious that Erox harrased me!
Naiiyak ako sa frustration. How come? Paano niya nagawa sa akin ito? Nandiyan ako sa tuwing kailan niya ako, kailan nila ako ni Adrian dahil sa muntik na nilang masirang relasyon na tuluyan namang nasira dahil sa kanya.
Malabo ang aking mga mata dahil sa walang tigil na pag-agos ng aking mga luha. Pero nakikita ko ang pamilyar na bulto ng lalake na walang sawang pinagbubugbog si Erox.
Walang awa niya itong sinusuntok, tinatadyakan hanggang sa makita kong sumuka ito ng dugo. Parang bigla akong natauhan dahil don. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha at akmang dadaluhan siya ng isang matipunong kamay ang humablot sa akin bago ikulong sa kanyang mainit at matipunong katawan.
"Hush baby, he will never touch you again." parang bata akong napaatungal dahil sa pang-aalo niyang iyon. Sa dibdib niya ako umiyak hanggang sa wala na akong luhang mailabas.
"A-aaron..." humihimbi kong tawag sa pangalan niya.
"Hush... Shhh, stop crying na. He can’t touch you anymore, and he will never can." wika niti upang gumaan ang aking pakiramdam ngunit sunod-sunod akong umiling.
"H-he w-will surely... b-babalikan niya a-ako!"
"No one can hurt you anymore, not until i’m alive. Kailangan muna nila akong patayin bago ka nila masaktan muli."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top