Chapter 8: What's the truth?
"CAN YOU please hand me the tomato sauce?" ang utos na iyon ni Lawreen ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. "You’re always spacing out ackla, okay ka lang ba? Don’t tell me you’re still thinking about what Erox said?"
"Yea, i just can help it. It’s always bothering me." napabuntong hininga ako bago iabot sa kanya ang hinihingi niya.
It’s been days since sinabi ni Erox sa amin iyon. Pero ito ako, alalang-alala. Who wouldn’t be? My life is in danger, who in the earth would chill his ass off if sa bingit na ng kamatayan ang buhay niya?
Magdadalawang linggo pa lang na magkaayos kami ni Aaron, tapos malalaman kong may ganon siyang sakit? Worse ay kaya niya pang pumatay ng tao! Hindi naman pwedeng komprontahin ko siya out of the blue kase magtataka iyon, and i’m sure it can also trigger him.
"Hay naku ackla, you know what mukha ka nang matanda. Pwede bang huwag mo munang istress-sin ang sarili mo sa sinabi ni Erox? Ikaw ang mas nakakakikala kay Aaron, and whatever everyone says about him, hindi ka dapat ganyan ka affected. You should be there beside him through his ups and down. You should be there beside him when people are pulling him down." hindi ko alam na magaling siyang magpayo dahil puro lang naman kabalastugan ang ginagawa niya. But at the same time she have a point.
"Actually he texted me last night if we could hang out." yes, Aaron texted me kung pwede ba daw kaming magdate since simula nang magkaayos kami ay hindi pa kami ulit lumalabas na dalawa.
Pumalakpak ito bago pinatay ang stove. Nagluluto kase siya ngayon ng pasta, well, Lawreen is a good cook. Syempre, kapag hindi siya mag-aaral magluto kawawa mga dragon sa tiyan niya.
"That’s it! Enjoy yourself. Ienjoy niyo muna ang relasyong meron kayo, tsaka niyo na problemahin ang mga problema kapag dumating na talaga at nasa harapan niyo na." she giggled.
Hays, buti pa siya kahit saang anggulo ilagay parang walang problema sa buhay. Palagi lang masaya. Eh ako? Stress na nga sa work, stress pa sa mga bagay na dumadating ngayon tapos palagi pang inaatake ng anxiety. God! Nang umaluan yata ng kamalasan nagshampoo at nagsabon pa ako eh.
God, saan na lang ako lulugar?
Inihain ni Lawreen ang kanyang nilutong pasta. Kumuha siya ng apat na pinggan na siyang ikinataka ko.
"Are we having a visitor?" takang tanong ko, kumunot naman ang kanyang noo at umiling.
"Wala naman, bakit mo natanong?"
"Eh bakit apat na pinggan kinuha mo?"
"Ah, ito ba? Ihahampas ko sana kay Adrian para matauhan. His boyfriend is problematic, alam mo bang naaawa ako sa kanya? Naging toxic ang relasyon nila lately dahil problemado si Erox tapos sa kanya binubunton ang galit." pabalyang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Adrian. He looks mad and ready to kill.
"LAWREEN FAITH ARELLANO!" agad namang tumawa ng malakas si Lawreen na animo’y nababaliw na. Hindi man lang ito natakot sa malakas at may galit na sigaw ni Adrian.
Taka naman akong napatingin sa dalawa dahil hindi ko alam ang nangyayare.
"What? You should be thankful to me, i help a friend here." parang proud na proud pa nitong ani, pero kahit isa sa sinabi niya wala akong naintindihan.
"You’re just ruining me! Can you please mind your own business? Kami nga hindi nakikialam sa buhay mo eh, tapos ikaw nakikialam ka samin. You should always know your limitations." mukhang seryosong galit si Adrian dahil sa mga binitawan nitong salita.
"Hey…" sinubukan ko siyang awatin ng lumapit siya kay Lawreen pero hindi ito nagpaawat.
"You’re always meddling with our lives! You’re always doing things on your own para sa amin kuno. Pero nanghingi ka ba ng permiso? Inaalala mo ba ang magiging reaksyon namin? Ang mararamdaman namin dahil diyan sa walang pag-iisip mong mga ginagawa? Palagi mo na lang akong pinapakailaman Lawreen! And i hate it! I hate the fact that you’re too much pakailamera na." aalis na sana ito at lalagpasan ang kaibigan ng magsalita si Lawreen.
"Is it wrong to help a friend? Pabor na nga sayo ‘yo nalaman mong ginagamit ka lang niya eh. Mali ba ako dahil hindi ko sinasadyang madiskubre na he’s into your money and properties?"
"Yes it's very wrong! You should ask about my opinion first. You should ask a permission first before you do stupid things!" naiiyak na si Adrian sa galit. Pero si Lawreen nakatingin lang sa kanya ng walang emosyon.
"Lahat na lang kase ng ginagawa ko para sayo puro mali. Hindi mo iniisip na ginagawa ko lahat ng iyon para sayo, para hindi ka masaktan. Well, hindi ko naman intensyon na gawin ‘yon eh. I just accidentally know that he’s just using you, that he’s into your wealth." mahinahong nakikipag-usap si Lawreen pero ni isa wala talaga akong naiintindihan. I’m frustrated as hell!
"Excuse me mga friendships, kaibigan niyo din ako, oo ano? Ano bang pinag-aawayan niyo, it’s seem serious." kay Lawreen ako tumingin pero inirapan ako dito. Ay gaga talaga ‘tong babaitang ‘to kahit kailan.
"Kausapin mo ‘yang kaibigan mo Clarke, she’s always meddling with my own business." pinagdiinan pa talaga ni Adrian ang salitang ‘own’ bago umalis, bago kami tinalikuran at bumalik sa kanyang kwarto. Napapikit pa ako sa lakas ng kalabog ng pintong sinirado niya.
Tiningnan ko si Lawreen pero nagkibit balikat lang ito bago umpisahan ang pagpapak ng pastang niluto niya. Sarap na sarap ang babaeng ‘to pero hindi man lang ako pinansin o di kaya’y inaya. Like ‘You want some?’ kahit ‘yon na lang sana.
"Lawreen." may pagbabanta kong tanong.
"What? Even if i tell you the truth aawayin mo din naman ako kagaya ni Adrian. Palagi naman kaseng mali mga ginagawa ko para sa inyo." nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses nito kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Sinong may sabi niyan? C’mon tell me the truth. Makikinig ako, iintindihin ko."
"Sinong may sabi? Syempre ako, ganyan naman kase talaga kayo. Lahat ng ginagawa ko minamasama niyo na para bang palagi ko kayong inaagrabyado."
"Sabihin mo kase sakin, para makausap ko si Adrian. At para magkalinawan kayo. I think we should start having a open forum for the three of us."
"Ginagago lang naman kase siya ng ex niya. Tsaka hindi ko naman intensyon na alamin, sadyang narinig ko lang si Erox na may kinakausap sa phone telling that he's into Adrian’s wealth. Bakit kase nandito ‘yon? Kayaman yamang tao nakatira sa apartment, i know he can afford his self a luxury penthouse, pero ito siya, nagtitiis sa apartment." pumalatak ito at sumubo ng pasta. Lumulubo pa ang baba niya dahil sa rami niyang isinubo sa sarili.
"It’s because he wants to be with us. And what’s with Erox? Is he really into Adrian’s wealth?"
"I don’t know the truth but i just said what i heard, and then Adrian gets mad of me like it was my fault. Dang ackla, hindi ko naman kase sinasadya marinig ang kagagohan nong gago niyang ex." sarkastiko nitong ani.
"Pero alam mo ba? Lately napapansin kong nagiging weird si Erox. Nong sila pa ni Adrian palagi kong napapansin ang pagkabalisa niya, parating napapraning na dinadaan lang sa joke o kaya tawa. Pero i know there’s something wrong."
"Ay napapansin mo din pala ‘yon teh? Akala ko ako lang hahaha." tumawa ito pero ito ako iniisip kong ano ba talagang totoo.
"Ang weird lang no? They’re in a long time relationship na. Pero never ngang pinabayad ni Erox si Adrian sa pagkain nila sa labas, siya pa ang sumusustenso kay Adrian sa mga luho nito. He’s always spoiling that ackla. Kaya parang may mali talaga."
"Hayaan mo na nga lang ‘yan, stop thinking about him or what’s wrong about him. Baka mamaya ikaw pa awayin ni Adrian, magkasira sira pa tayo dahil sa gagong lalakeng ‘yon." parang wala itong kabusogan, hindi ko alam kung nakailan na siya.
"Hindi ka pa ba busog? Pang ilan mo na ba ‘yan?" puna ko sa kanya pero umiling lang ito.
"Gaga, try mo kaya hindi ‘yong pinoproblema mo ‘yong problema ng iba. Oh," binigyan ako nito ng pinggan at nilagyan ng pasta, pinuno nito ang pinggan ko na siyang ikinanganga ko.
"Gaga! Para naman akong bibitayin nito, anong akala mo sakin kagaya sayo kumain?" tumawa lang ito at walang pakeng kumakain ulit.
Napabuntong hininga ako at pumasok na naman sa isip ko si Erox.
Ano ba talagang totoo Erox? Are you up to something? Or you’re just thorn between two things?
What exactly is the truth?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top