Chapter 5: Ashamed
BUMALIK ULIT KAMI sa loob. At parang gusto kong kutusan ang kasama ko dahil sa pag-akay niya sakin papasok ulit dito sa loob ng bahay niya o nila.
Parang gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa tindi ng sakit ng tingin sakin ng Mama ni Aaron. I never met her before, ni minsan hindi ako pinakilala ni Aaron sa isa sa mga pamilya niya. He only introduced me to his friends.
Nilibot ko ang paningin ko at dumapo iyon sa isang matandang lalake na mukhang nasa 60's na. I assumed it's Aaron's father because they have a lot of similarities. Para siyang older version ni Aaron. Nakangiti ito sakin, at alam kong totoo iyon dahil nakikita ko din ang kislap sa kanyang mga mata. Bahagya akong napangiti ngunit agad din iyong nawala ng magsalita ang isang ginang na hindi ko kilala.
"I thought this is a family gathering? Bakit may sinama kang basura dito-"
"Mom!" agad putol ni Erox sa sasabihin ng ginang. So it's his Mom.
"What? Why son? Don't tell me kakampihan mo 'yang walang kwentang lalakeng 'yan." naiinis ito sa anak. Panay irap ito sa akin kaya yumuko na lamang ako dahil sa pagkakapahiya.
Naramdaman kong humigpit ang hawak sakin ni Aaron sabay bulong. "Don't lower your head baby. Heads up, you should be proud of who you are, especially that you're with me."
Hindi ako nakinig sa kanya. Walang imik lamang akong nakayuko hanggang sa mayroon na namang nagsalita.
"Irina, you should always have known that this son of yours will always be a disgrace to this family. He serve as your downfall. You should ashamed this son of yours! He's always bringing trash, ano pa namang dala-dala niya ang apelyido ng pamilya na 'to pero puro lang naman kahihiyan ang dala niya!" galit na galit na saad nito na siyang sinang-ayonan ng iba pa nilang pamilya.
Gustong-gusto ng kumawala ng mga luha sa mga mata ko ngunit pilit ko itong pinipigilan. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ni Aaron ngunit agad niyang hinigpitan ang pagkakahawak sakin.
"Am i a disgrace to this family, really Auntie? How about you? You cheated to Uncle, at ang mas malala pa dinala mo dito. Ikaw ang nagdala ng basura dito. Ako, taong mahal ko ang nasa harapan niyo ngayon, taong mahal ko ang dinala ko dito at hindi basura lang." tumawa ito ng pagak. Pilit naman itong inaawat ng anak ngunit parati niya itong tinatabig.
"Aren't you ashamed Aaron? You're a boy, at ang dapat sayo babae. Hindi lalake din! Baliw ka na ba? Hindi mabubuntis ang lalakeng 'yan-"
"Hindi niya kailangang mabuntis! If we want a child pwede kaming mag-ampon, simple as that. Mahal ko siya, at wala akong pake kahit wala pa siyang matres, hindi importante 'yon. Ang importante, mahal namin ang isa't-isa." doon umahon ang ulo ko. Tumingala ako upang makita ang mukha ni Aaron, pulang-pula ang mukha nito pababa sa leeg na tanda'y siya'y nagpipigil ng galit.
"Nakakahiya kang bata ka." galit at nandidiring wika pa ng ginang. "Saan ka pa ba magmamana kung hindi sa malandi mong ina-"
"Mom stop it! Stop making a scene, stop meddling with Aaron's life!" alam kong nagpipigil na ding magalit si Erox sa ina. Ngunit ayaw talaga papigil ng ginang.
"-hindi ko nga alam kung bakit andito ka pang bata ka eh. Eh sa bastardo ka lang naman ni Edward. Bastardo ka na nga wala ka pang kwenta!" nagulat man sa sinabi ng ginang pero nanaig parin ang takot ko sa kanya.
Humakbang ito papalapit sa amin kaya agad akong napaatras at nagtangkang aalis ngunit agad akong hinawakan ni Aaron at dinala sa likod niya.
"Dare to hurt him and i will not hesitate to kill you right here, right now." nilingon ako nito at dinala sa harap niya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at ipinirmi sa harap. "Don't turn me to someone who would turn his back to his family just because his family can't accept who he is, and what he is. This man in front of you is the man i love. And no can seperate us apart, not even you, not even your useless opinions."
Napalingon kami sa taong malakas na pumalakpak habang dahan dahan ang hakbang patungo sa amin. Mukhang kakadating niya lang dahil papasok pa lamang siya sa dining. Kikembot-kembot pa ito habang naglalakad kaya napangiwi ako.
"Bravo, bravo, bravo my nephew. That's right, be proud of who you are. Don't let that bruhildang Auntie of you to dictate you, to dictate of what you have to do." umirap pa ito sa ginang bago lumapit sa amin ng tuluyan.
Humalik ito sa pisnge ni Aaron pagkatapos ay bumaling sa akin. Mapapaatras na sana ako ng bigla niya lamang akong yakapin. Dahil sa gulat ay hindi ako nakagalaw, napakurap-kurap pa ako habang natutuod sa kinakatayuan. Mahina itong natawa bago ako pakawalan.
Tumingin naman ako kay Aaron ngunit nginitian lamang ako nito bago marahang tumango.
"You must be Clarke," magalak nitong wika. Hindi ko padin maproseso ang mga ginagawa niya. Why is he acting like this? Is he up to something too like Aaron? Is he trying to-
"Oh darling, stop that nonsense in your head. I'm Avron, you can call me Auntie Ava or just Mami Ava." inilahad nito ang kanyang kamay kaya't nahihiya ko itong tinanggap.
"C-clarke p-po..." ngumiti ito sa akin at hinaplos ang aking buhok. Mapapangiti na sana ako dahil kahit papaano ay may tumanggap sa akin ngunit agad ding naurong iyon ng magsalita muli ang ina ni Erox.
Bakit ba ang kontrabida niya? Wala ba siyang friendssss? Kanina pa siya eepal-epal eh!
"Really Avron? Kinokonsinti mo 'yang batang 'yan?" sarkastikong tumawa ang ginang. "No wonder where that crazy brat inherited his trash attitude."
"Kakagaling lang sa spa nitong kamay ko, pero handang-handa 'tong manampal ng mga panget na mukha lalo na 'yong walang kwenta ang lumalabas sa bunganga." paparinig ni Auntie Ava, hindi ko sure kung anong itatawag ko sa kanya. But as a respect tatawagin ko siyang Auntie dahil doon niya mas prefer.
"Ugaling squatter nga naman," nagpaligsahan sa pataasan ng kilay ang dalawa. Ngunit halatang talo na ang ina ni Erox dahil hindi pa nakataas nag kilay ni Auntie Ava ay sadyang mataas na ito.
"H'wag mo kong hamonin baka makalimutan kong mas matanda ka sakin. Gurang ka na kaya ka nagkakaganyan, baka ulyanin yarn?" sinundan pa nito ng tawa na pang-iinsulto sa ginang.
Hindi matapos tapos ang bangayan ng dalawa kung hindi lang pumagitna ang ama ni Erox. Inawat nito ang asawa at sandaling inakay palabas para palamigin ang ulo. Pero parang hindi lang ang mama ni Erox ang kaaway ni Auntie Ava kundi pati ang mama ni Aaron.
"What are you doing here Avron? Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng mga kagagohang ginawa mo sa pamilyang ito!" agad pinakalma at pinahinahon ng ama ni Aaron ang ina nito.
"I'm just visiting my nephew here, my instinct is telling me na dina-down na naman siya ng magaling niyang Nanay at Tiyahin. So as a beautiful, gorgeous, pretty, and mabait na Auntie. I'm here to protect my nephew from all of your trash opinions." humarap ito sa amin at matamis pang ngumiti.
"Mom please, i invited you to my house to personally and officially meet my love. But if you keep disrespecting him, wala na akong ibang choice kundi paalisin kayo sa pamamahay ko." mukhang unti-unti na ngang nawawala nag pagtitimpi niya.
Ang dapat na family gathering nilang magpamilya ay nauwi sa away dahil sa akin. Ang ending pa ay pinauwi ni Aaron ang sariling pamilya maliban kay Auntie Ava dahil sa hindi mapigilang pambabastos at hindi nila pagrespeto sa akin.
Nahihiya ako dahil sa ginawa niya, dapat ako ang aalis. Dapat ako ang papaalisin dahil hindi naman ako kaaano ano ni Aaron. Pero sarili niya pang pamilya ang pinaalis niya para lang sa akin.
Ano pang gagawin mo para sakin Aaron? Ano pang pwedeng mong gawin?
A/N: Hello rares, so hanggang ngayon mukhang problemado parin si wattpad at ako ang sinisisi, ems. Hanggang ngayon kase marami ng nagsabi sakin na hindi padin daw nagnonotif sa kanila kapag nag-publish ako ng update.
So ito na lang po ang gagawin natin, nag-aanounce naman po ako kapag nakapag-publish ako ng chapter. So pwede pong pindotin niyo na lang ang icon ko at bisitahin ang profile ko at hanapin doon ang story na ito para makita niyo ang bagong updates.
Actually, nasabi ko na ito kanina sa announcement. But let me clarify and tell it again. Thank you! And happy 71 reads rares!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top