Chapter 4: Family Gathering
HINDI KO alam kung saan ako patungo. Namalayan ko na lang ang sarili kong umupo sa bench malapit sa fountain na nasa likod ng bahay nina Aaron.
"So, he finally brings you here-"
"Potangina!" gulat na saad ko at muntik pang mahulog mula sa pagkakaupo ng mayroong magsalita sa likuran ko. Nang harapin ko ito ay mas lalo lnag akong nagulat ng makita kung sino ang nagsalitang iyon.
Kaya pala pamilyar ang boses kaya siya nga talaga.
"What are you doing here?" gulat at may halong pagtataka kong tanong. Tumawa naman ito sa reaksyon ko bago suklayin ang kanyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
"Family gathering i guess?" sagot nito na siyang ikinakunot ng aking noo.
"Family gathering?-" ng mapagtanto ang kanyang sinabi ay mas lalo lang nadagdagan ang inis ko kay Aaron.
He kidnapped me para maka-attend ng family gathering nila? That crazy asshole! Bakit ba gustong-gusto akong ipahamak ng gagong 'yon?
"Stop that Clarke, 'yang pagkunot ng noo mo at pagsalubong niyang makakapal mong kilay alam ko ng pinapatay mo na ang pinsan ko sa isip mo." sa lahat ng sinabi niya wala akong pinansin maliban sa isang salita.
Pinsan.
What the hell is he talking about?
"Pinsan? Kayo? Kayo ng hudyong 'yon magpinsan? ha! ha! haha!" sarkastiko kong tawa at tinapik tapik pa siya sa balikat.
"No wonder why you two hage the same attitude." inis na saad ko.
"I guess Adrian already told you," napabuntong hininga ito na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Kung makapagbuntong hininga ka naman diyan akala mo talaga ikaw pa 'tong ginago eh no?" naiinis ako sa inaasta niya. Akala mo kung siya pa 'tong agrabiyado eh siya nga 'tong nagiging malamig sa kaibigan ko.
"Hindi niya pa sinasabi sa inyo," hindi iyon tanong kundi isang pahayag.
"Tapatin mo nga ako, ano bang nangyayare sa inyong dalawa ha? Bakit nagkakalamat na 'yang relasyon niyo? Bakit ka na nanlalamig sa kanya? H'wag mong sabihin saking gagaya ka sa pinsan mo kuno?" sunod sunod na tanong ang binitawan ko sa kanya.
Nag-iwas ito ng tingin at tumingin na lamang sa malayo. Nag-aalangan kung sasabihin niya ba sakin o hindi na para bang may malalaman akong ikakamuhian ko ang kaibigan ko-
"I caught him cheating on me." nasagot non ang iniisip ko. Adrian is cheating on him?
"H-how..."
"I'm fucking devastated and frustrated at the same time! Fuck! I can sleep peacefully at night thinking where did i go wrong? I know i have a lot of flaws and imperfections, i'm impulsive and not thinking before do something. But fuck..." nagulat ako ng maupo ito sa tabi ko at inilagay ang dalawang palad sa kanyang mukha. Nagsimula itong humikbi hanggang sa nauwi sa hagulhol.
Napakurap kurap ako. Hindi alam ang gagawin, i never imagined him crying like a baby because of my bestfriend! He always act like tough and strong.
"E-ero-" nabitin sa ere ang sasabihin ko ng walang pasabi niya akong yakapin. Hindi ako nakagalaw agad at hindi alam kong itutulak ba siya o aaluin.
"I know this is not a good idea but please let me hug you for a while- fuck!" pareho kaming nagulat sabay pagsigaw ng tumilapon siya dahil sa lakas ng pwersa ng suntok sa kanya ng kung sino.
Handa na sana akong tadtarin ng mura ang kung sino mang hayop- tao na gumawa non sa kanya ng magsalita ang isang pamilyar na boses na hindi ko inaasahang maririnig ko ngayon mismo at sa sitwasyong ito mismo.
Magkasalubong ang kilay, nakakunot ang noo, walang emosyon nag mukha ngunit makikitaan mo naman ng emosyon nag kanyang mga mata. Selos.
"Fuck off Bellamsze." matigas na saad ni Aaron. Natatawang bumangon ang pinsan mula sa pagkakalugmok sa sahig habang pinupunasan pa ang nagdurugong labi dahil sa lakas ng suntok niya.
"What? I am just asking a comfort to my friend here." natatawang ani naman ng isa.
"When will you stop? When will you be taken? When i finally destroy you? Or should i kill you now, for no more pain right?" seryoso ngunit may halong pagkasarkastiko ang pagkakasabi non ni Aaron.
Walang buhay na tumawa naman ang pinsan bago tumingala na hula ko ay paraan nito upang pigilan ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata.
"Really Aaron? Then just kill me..." mahinang anito at tuluyan na ngang tumulo ang mg aluha galing sa kanyang mga mata.
Naaawa ako sa kanya, oo galit ako sa kanya ng mag-open si Adrian sa akin at sinabi ang problema nila. But now that i heard Erox sides, naawa ako sa kanya. He felt betray, pero kailangan ko padin kausapin si Adrian tungkol dito. Kung bakit niya niloloko si Erox. At isa pa, kailangan din nilang mag-usap na dalawa, hindi na pareho lang silang nanghuhula sa isa't-isa.
Napatingin ako kay Aaron ng lumapit ito sa pinsan. Bago pa niya mapagdapatan ng kamay si Erox ay pumagitna na ako sa kanila.
"Aaron stop, for once please be sensitive. You're cousin is hurting. Kahit ngayon lang palagpasin mo muna 'yang inis o galit mo sa kanya. Hindi 'yan ang kailangan niya ngayon. Pinsan mo siya, kaya kahit ngayon lang. Kahit minsan lang intindihin mo naman siya." hinawakan ko si Erox sa kamay at akmang aayain na itong umalis ng magsalita si Aaron na siyang ikinatigil ko.
"You're hurting me Clarke. You're always hurting me. Palagi mong pinapamukha sa akin na kahit saang aspeto hindi ako ang pipiliin mo. Palagi mong pinapamukha sa akin na talagang hindi mo ako mahal, na talagang kahit kailan hindi mo ako minahal."
"Hindi ito ang oras para pag-usapan ang bagay na 'yan Aaron. You're cousin needs help, and if you can't help him, then i will be the one who will do it."
Hindi ko na ito sinagot. Hahakbang na sana ako para umalis ng magsalita itong muli.
"Five steps away from me... At hinding-hindi ako magdadalawang isip na patayin 'yang gagong 'yan sa harap mo mismo." hindi ko siya pinansin at humakbang na lamang. Nakakatatlong hakbang na ako ng tumigil si Erox kaya napatingin ako sa kanya.
"This is not really a good idea Clarke. Uuwi na lang ako. Talk to your man and i will do the same." hinawakan nito ang kamay ko at marahang binaklas ang pagkakahawak ko sa kanya.
Natawa ako sa ginawa niya. "Don't tell me naniniwala ka sa sinabi ng siraulong 'yan?" hindi makapaniwala kong saad na siyang ikinalunok nito ng sariling laway.
"As what you said he's crazy, so he's capable to kill me right here, right now." kinakabahan ito alam ko 'yon. Sa uri ng tono ng boses pa lang nito alam ko ng kinakabahan siya. Naginginig iyon.
Nilingon ko si Aaron na siyang nakataas ang kilay sa akin habang unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi.
"I should go now, see you Clarke. And thank you for the hug." hindi ko alam o kung ako lang ba, pero ramdam kong may laman ang mga salitang binitawan nito. Tumingin pa ito ng makahulugan kay Aaron na siyang ikina-igting ng panga ng isa. "See you cousin!" kumaway pa ito kay Aaron na tinaasan lamang ng gitnang daliri ng isa.
"Leave now, or i'll make you leave." ani pa nito.
"You're such an crazy asshole as always cousin," naiiling na ani pa nito bago magsimula ng humakbang paalis.
"Yes am i, so always be careful of what you're doing to my baby!" gulat akong napatingin dito dahil sa sigaw niya sa pinsan.
"Gago ka!" nilapitan ko ito at akmang hahampasin ngunit agad niyang nasalo ang dalawa kong kamay.
"Why baby?" ramdam ko ang unti-unting pamumula ng pisnge ko dahil sa tanong nito. He's obviously teasing me!
"A-ano ba!" kunyaring inis na saad ko upang itago ang nararamdaman.
"Aww, my baby is blushing." natatawa nitong saad at bahagya pang kinurot ang pisnge ko kaya agad ko siyang binigwasan.
"Tangina mong gago ka!" hinampas ko ito sabay irap bago naglakad palayo sa kanya.
Ramdam ko ang pagsunod nito habang tatawa-tawa pa kaya minsan ko itong inis na nililingon at iniirapan.
Ang gagong 'yon! Arghh!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top