Chapter 3: Meet His Family

NAGISING ako sa hindi pamilyar na silid. Gray na kisame, gray and black na pinta sa pader, malambot na kutson at unan. Ang sikat ng araw na tumatama sa maganda kong mukha, ahhh, refreshing. Magandang bungad sa umaga lalo na kapag may makisig na kamay na nakabalot sa bewang mo—

Teka bewang? Makisig na kamay? Sa bewang ko? Amp—

"What the hell?!" napabalikwas ako ng bangon ng marealize ang sinasabi ng utak ko.

I heard a familiar groaned coming from the person beside me.

"A-am i h-hallucinating t-things?"

"O-oh my g-god!"

"T-tangina! No, t-this can’t b-be—" naputol ang lahat ng sasabihin ko dahil sa tinig na nagkumpirma na totoo lahat ng nasa utak ko. Na totoong may tao sa tabi ko.

"Tsk, ingay!"

"AHHHHHH!" napatili ako sa disoras at agad na gumulong-gulong sabay tadyak-tadyak ng kung ano-ano hanggang sa isang matigas na katawan ang natadyakan ko na siyang ikinahulog nito.

Napangiwi ako ng marinig ang malakas nitong ungol dahil sa sakit mula sa paglahulog niya. Umalis ako sa kama at akma itong tutulongan nang bigla niya akong bigyan ng isang makamatay at masakit na tingin. Agad akong napalunok at napaatras.

"S-sorry... I didn’t mean it," tumayo ito na masama parin ang tingin sakin.

"Ikaw naman kase eh! Bakit ba kase ako nandito sa kwarto mo?" wala naman akong natandaan na kusa akong pumasok dito, ni hindi ko nga matandaan ang lahat ng nanguare kahapon bago ako mapunta dito maliban na lang sa pangyayareng nasa sasakyan pa ako kasama sina kuya number 1 at kuya number 2.

"So kasalanan ko pa? Ikaw na nga tong nakasakit ikaw pa matapang." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nito, hindi ko alam pero masyado akong natamaan sa sinabi niya.

I didn’t know if it has a double meaning or what. Pero para sakin, meron.

Matagal kaming nagtitigan hanggang sa napagpasyahan kong yumuko dahil sa hiya. Tama naman siya, ako na nga itong nakasakit ako pa ang may ganang magalit.

"I’m sorry," sensiro kong ani. Bumalik ako sa kama at patalikod na umupo doon.

Narinig ko ang kanyang malalim na buntong hininga bago ko narinig ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Lumingon ako at nakitang wala na siya don sa kinakatayuan niya kanina.

"Umalis siya..." pagak akong natawa, ang kaninang magandang bungad ng umaga, sa isang iglap biglang napalitan ng lungkot at lumbay.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nakipagtitigan sa kisame. Pilit na ikinakalma ang sarili at pinipigilan upang hindi maiyak.

Nang tuluyang bumagsak ang isang butil ng luha mula sa aking mga mata ay agad kong kinutusan ang aking sarili.

"Ano ka ba? Ba’t ka umiiyak? You are strong independent woman kaya."

‘Strong independent woman na walang kipay’ pagkokontra ng utak ko.

"Atleast kaya kong lumuhod ng higit pa sa isang oras,"

‘Hindi mo naman malalasap ang tunay na flavor ng hotdog kase puro ka lang subo!’

"Mas malalasahan mo ang totoong sarap sa bibig tanga ka!"

Para na akong tanga kakausap sa sarili ko. Nang matapos ang pakikipag-sagotan sa puke kong utak— este sa utak kong wala namang laman— tangina ano ba? Nanadya ba ang author na ‘to at ako ang nadiskitahan sa dami ng characters niya?

N/A: Sorry Clarke, but i’m just telling the truth. Pasalamat ka nga binabawi ko pa eh.

Hayaan natin si author broken ‘yan, let’s just go back to the main topic.

Para akong baliw na umaatungal dito sa silid ni Aaron habang nagpapagulong-gulong. Para akong batang hindi binigay ang gusto dahil sa sobrang pagtatantrums. Ilang beses akong nahulog dahil sa likot ko hanggang sa napahinto na lamang ng kusa dahil sa kapaguran.

Bumukas ang pinto na siyang ikinalingon ko dito. Iniluwa nito si Aaron na bagong ligo, fresh from the bathroom. Hmm, yummy fafa! Cherep— tangina hindi ko pinangarap maging marupokpok sa buong buhay ko. Pero kung ganyan ka gwapo’t maraming pandesal kahit ilang beses pa akong lumuhod sa umagang ito tatanggapin ko.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang katawang walang saplot, para namang tutulo ang mga panis kong laway na hindi pa na-toothbrush-shan dahil sa kakisigang angkin nito. Ang kanyang mga pandesal na siyang putok na putok sa kanyang tiyan— oh daddy!

Hindi ko namalayang napakagat labi na pala ako habang tinitingnan ng malaya ang walang saplot nitong pang-itaas. Hindi sinasadyang bumaba ang aking tingin sa kanyang short na mayroong maladragon na laman na ngayo’y kitang-kita ko kung gaano ka galit. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"Oh bakit ka pa bumalik? Sana nalunod ka na lang sa CR!" singhal ko sa kanya upang mapagtakpan ang walang hiyang pagpapantasya ko dito. Tumawa ito at naiiling-iling pa.

Tawa-tawa ka pa huh, sige sulitin mo dahil huling tawa mo na ‘yan!

"Breakfast is ready baby, we’ll wait downstairs." pagkatapos nitong sabihin iyon ay muli nitong isinara ang pinto. Napapadyak na lamang ako sa inis at naiiritang tumayo.

Bago bumaba ay nagtungo muna ako sa CR niya dito sa loob ng kwarto niya. Naghahanap ako ng toothbrush na pwedeng gamitin ngunit wala akong ibang makita maliban sa isang nagamit na na malamang ay sa kanya.

Walang hiyang kinuha ko ito at nilagyan ng toothpaste bago ikuskos sa ngipin ko. Huh! Kala niya ha, serves him right! Siya pa lugi niyan? Mabango kaya hininga ko, ‘yong tipong parang palagi akong kumakain ng fresh.

Pagkatapos kong magsipilyo ay agad akong nanghilamos. Ginamit ko ang lahat ng pwedeng gamitin na nasa banyo. Mamaya na lang ako maliligo, wala naman akong damit dito, baka mamaya sabihin ni Aaron inaabuso ko na mga gamit nita sa bahay niya.

Inayos ko ang sarili bago napagpasyahang lumabas ng kwarto. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang staircase dahil pagliko ko sa kaliwa ay nakita ko na ito agad.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng buong bahay. Ang ganda, ang expensive halatang hindi ko afford. Hays, bakit kase nong umulan ng kayamanan pinatulog ako ni Mama, tinakot pa akong papaluin ang pwet ko kapag hindi natulog, ayon tuloy kukuba kuba siya sa ibang bansa para may ipakain samin.

Dahan-dahan akong bumaba sa staircase habang manghang pinagmamasdan padin ang disenyo ng bahay ni Aaron. It’s like a modern style but aesthetic. Huwaw, ede siya na istitik, istitik pero ‘yong average nong highschool kami 75.

Nang tuluyang makababa ay napansin ko ang lalakeng kanina pa nakaabang sa akin. Bale, ginusto ko talagang maghintay siya para feel ko ‘yong ambiance ng pagiging princess ko haha omg! Tanga, princess na dugyot. Loh!

Gusto ko na talagang kutusan ang sarili kong pag-iisip kung sakali mang nag-iexsist siya.

"Naghihintay na po sina boss Aaron sa inyo sa dining Sir, let me company ko." loh taray ng tauhan ni Aaron english speakining. Pero teka, sinong sina?

"Sina?" naguguluhan kong tanong. Ang alam ko ay kami lang ni Aaron ang tao dito sa mansyon niya. Well, malay ko ba don sa baliw na ‘yon. Malay ko kung may dinadalang babae ‘yon dito tapos—

"Kanina pa po sila naghihintay Sir. Ang utos po ni boss Aaron ay dalhin agad kayo sa kanya kapag nakita ko kayo." hinawakan ako nito sa siko upang igiya na sana paalis ng agad ko itong tinabig.

Seryoso ko itong tiningnan, walang buhay ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang hinahawakan ako ng taong hindi ko kilala. Tini-trigger nito ang trauma ko.

"Don’t you dare touch me again without my consent. You wouldn’t like it when i’m mad." nakayukong tumango-tango ito.

"I’ll lead the way Sir." nauna itong maglakad, napabuntong hininga muna ako bago sumunod sa kanya.

Sa hindi kaalamang dahilan ay siyang bigla na lamang parang may kung anong mga kabayong nagkarerahan sa dibdib ko— in short, bigla na lamang dinaga ng kaba ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan.

Napahinto ako at hinawakan ito bago marahang hampas hampasin. Napahinto din ang tauhan ni Aaron at naguguluhan akong tiningnan.

"Are you okay Sir?" naguguluhan ngunit bakas ang pag-aalala sa tono ng tanong nito.

"Yea, keep going. Susunod ako." maliit itong tumango bago muling naglakad.

Lumiko ito na siyang sinundan ko, ito na naman ang dibdib ko. Naglilikot na naman ang mga bulate sa dibdib ko kung kaya’t hindi kao makahinga ng maayos. Huminga ako ng malalim at isinantabi ang kabang nararamdaman ko.

Binuksan ng tauhan ni Aaron ang pintoang panigurado ay sa dining room. Pumasok ito at sinenyasan akong sumunod na agad ko namang ginawa.

Unang hakbang ko palang papasok ay nasa akin na ang lahat ng atensyon ng mga mata ng mga taong nasa loob ng kwartong ito. Nakayuko ako kung kaya’t hindi ko nakikita kung sino-sino sila. Ngunit batid kong marami sila dahil narin sa uri ng dala ng init nang kanilang mga tingin.

Itinaas ko ang aking ulo na siyang saktong tumama ang paningin ko sa pamilyar na mukha ng babae. Nagtama ang aming paningin, nakita kong nagulat din iti ngunit agad din iyong nawala.

Napatingin ang lahat sa kanya ng marahas itong tumayo at malakas na hinampas ang lamesa.

"I should have known! You will always being disgrace to our family Aaron!" with that words, tears slowly welled up in my eyes again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top