Chapter 2: Kidnapped
"DOC MAY BISITA PO KAYO." napaangat ang kanina ko pang nakadukdok na ulo sa mesa dahil sa sinabi ni Nurse Gella.
"Who is it?" tinatamad kong tanong.
Kaninang umaga pa ako walang gana sa lahat. Pagkatapos kong matapos asikasohin lahat ng pasyente ko kanina ay bigla na lamang akong nawalan ng gana, kaya heto ako ngayon nakahalukipkip sa sariling mesa habang pinipilit na lamang ang sarili na matulog.
"A-ah eh..." kamot ang ulong parang hindi makapagsalita si ni Nurse Gella, nag-aalinlangan kaya napairap na lamang ako. Nang sumagi sa isip na bibisita si Adrian ay sinabihan ko itong papasokin.
"Papasokin mo na lang Nurse Gel,"
"Dadalhan ko po ba kayo ng meryenda Doc?" Nurse Gella is not only a Nurse here but my assistant.
"H'wag na, hindi din naman 'yan importante. Aalis din agad 'yan," akmang aalma pa ito ng sinenyasan ko nang lumabas kaya wala na itong nagawa.
Marahan nitong isinara ang pinto, kaya nang bumukas itong muli ay pinagsawalang bahala ko na lamang ito. Hindi ako nag-abalang iangat ang ulo ko dahil alam ko namang uupo din agad iyon sa sofa.
"Wala akong gana baks, kung binabalak mo akong bwesitin ngayon please lang bukas mo na ipagpatuloy." wika ko at mas isinubsob pa lalo ang mukha't ulo sa mesa.
Nakarinig ako nang isang pamilyar na tawa na siyang ikinaahon muli ng aking ulo. Nanginginig na inangat ko ang aking ulo at dahan dahan tumingin sa direksyon nito. Halos lumuwa ang mata ko sa nakitang hindi inaasahang tao sa loob ngayon mismo ng opisina ko.
"W-wha-what are y-you d-doing here?!" hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa sobrang pagkautal. Tumawa itong muli bago napagpasyahang pumunta sa aking gawi.
"Baby, a fucking 5 years is enough. That fucking 5 years is the most hellish days of my life. Without you by my side? Oh c'mon i can't take it anymore." nang makarating ito sa aking pwesto ay agad akong umatras. Hinawakan nito ang nanginginig kong kamay bago ako hapitin papalapit sa kanya. Agad ko itong tinulak ngunit hindi ito nagpatinag.
"A-aaron, kung ano man 'tong mga binabalak mo. Please, stop it!" pinagpasalamatan ko ang aking sarili nang hindi ako nautal.
Naupo ito sa aking swevil chair kasabay ng pag-upo ko sa kandungan niya dahil sa paghila niya sa akin. Akma akong tatayo ng ilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang hita ko upang ipermi ako. Malalim akong naoabuntong hininga dahil sa mga ginagawa niya.
It reminds me of our past, he used to do this sweet gestures of him when we're back then. And now he's doing it again. I don't understand him. Sinaktan ko na siya, sinira ko na siya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit tratohin niya ako ngayon ay parang wala lang.
I know he's up to something, hindi ko alam kung anong mga pinaplano niya pero hindi dapat ako mahulog sa mga matatamis niyang ginagawa. Hindi dapat ako mahulog sa bitag niya. Ngayon pa lang dapat ihanda ko ja ang sarili ko.
"What? Do you think i am planning something against you?" tumawa ito, tawa na siyang hindi ko narinig ng halos limang taon. Ang kanyang hininga ay tumatama sa aking batok dahilan upang magsitayuan ang aking balahibo doon.
Alam kong nararamdaman niya ang reaction ko sa kanya. And i hate it! I hate the fact that he still have that freaking effect on me! I don't want this feeling, i don't want it. Not again.
"Let me go Aaron, just pushing this bell can alarm our security on this hospital."
"Baby your hurting me again," binitawan ako nito. Tumayo ako at lumayo sa kanya, as in malayo. I am now in the corner of my office while he's proudly standing there beside my table.
"If you don't want to get hurt, leave this place. Now!"
"You are still not know how capable i play on this game." tumagilid ang ulo nito at ngumisi sa akin.
"This is not a game Aaron, you're hallucinating things again." i know i should't say that word but i can't help it! He's getting into my nerves.
"Today, i declared that the game between us is now officially started." ngumisi ito, ngising may kahulogan.
Sa isang pitik ng kaniyang mga daliri ay siyang pagpasokan ng mga hindi armadong mga lalake ngunit malalaki ang katawan at alam kung tauhan niya ang mga iyon.
"A-aaron i'm t-telling y-you. S-stop this n-nonsens of yours!" hindi ito nakinig at humarap sa mga tauhan niya.
"Tie him, don't let him escape... again. Dalhin niyo siya sa mansyon ko, kung saan siya nababagay."
"Baliw ka na!" sigaw ko sa papalayong bulto nito. Huminto ito saglet at nilingon ako.
"Yes baby, i'm indeed crazy. Crazy over you..."
NAGPUMIGLAS ako sa hawak ng mga tauhan ni Aaron ngunit hindi nila ako hinayaang makawala man lang. Alam kong wala akong laban sa kanila lalo na't doble at triple ang mga pangangatawan nila kumpara sa akin. But still, i am trying my best to escape from Aaron's bullshits.
Baliw na siya! At alam ko 'yon, noon pa man baliw na siya. He's sick! He's mentally ill. He's always obsessed of something, of someone. Palagi siyang nao-obsessed sa mga bagay o taong bago sa kanya, bago sa paningin niya. At hangga't hindi siya nagsasawa hindi niya iyon itatapon.
"Mga kuya, maawa po kayo sakin may pamilya po akong binubuhay, ang mga anak ko po ay naghihintay sa akin. Papadedein ko pa po ang bunso ko-"
"Sir wala po kayong gatas sa dede," kamot ulong wika ng isa sa mga tauhan ni Aaron sabay tawa.
"Alam ko! Kaya pakawalan niyo na po ako. Kuya kase, baliw po 'yang amo niyo. Kaya ko po kayong bayaran nang triple pa sa pinapasahod niya sa inyo."
"Sir, kahit walong ipit pa po ang ibayad mo sa amin hindi namin iyon matatanggap kahit pa gusto namin. Mabait po si Boss Aaron at malaki po ang utang na loob namin sa kanya at sa buong pamilya." nanlumo ako sa sagot ni kuya number 1.
"Sir huwg na lang pong matigas ang ulo niyo para hindi kayo saktan at pahirapan ni Boss Aaron. Mabait naman po siya eh, kahit palagi po iyong galit." ani pa ni kuya number 2. Hindi ko alam ang mga pangalan nila kaya numbering na lang muna.
"Mga kuya kase hindi niyo ako naiintindihan, kapag hindi niyo po ako pinakawalan ngayon sisirain niya ako! Sisirain niya ang buhay ko, sisirain niya ang lahat sa akin." pilit kong ipinapaintindi sa kanila ang sitwasyon ko ngunit masyado silang loyal kay Aaron.
"Pasensya na po talaga Sir, payo ko lang po, huwag na huwag lang po kayong gagawa ng kung ano mang bagay na ikakagalit niya."
Rumehistro iyon sa akin, rumehistro ang sinabi ni kuya number 1 sa utak ko. Kabaliktaran ng sinabi niya ang gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para lang magalit siya, kahit saktan niya pa ako wala akong pake, basta makaalis lang ako sa puder niya.
Dahil kapag nagalit siya ng sobra o nainis man lang, maiirita siya sa akin. At iyon lang ang tanging paraan na naiisip ko upang itapon niya na ako.
Alam ko, kapag nagsawa na siya sakin. Itatapon niya na ako, and for him to do that i will definitely annoy him to the fullest level.
Wait for it Aaron, even if i still love you. I will do this shit to you just for you to set me free as your toy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top