Chapter 19: Strangers With Memories

"SORRY CLARKE, if you're forced to be with us you can tell me immediately." napalingon ako kay Doc Zia dahil sa sinabi nito.

Nakaupo kami ngayon sa first class na upuan syempre mayaman 'tong mga kasama ko kaya kahit dito man lang naranasan kong makaupo sa first class sa eroplano.

Dalawang araw na ang nakalipas nang masaksihan ko ang insedenteng iyon. At first sobrang nagulat ako because why would Doc Zia and her husband do that to our respected director. But then, Doc Zia tell me that our director is a syndicate.

Hays, hindi mo talaga mahuhusgahan ang isang tao dahil sa magara nitong pananamit, sa estado nito sa buhay at sa kung ano ang trabaho nito. Minsan kung sino pa ang mga mayayaman ay sila pa ang gumagawa ng masama. Ginagawa nilang advantage ang pagiging mayaman para makuha ang sariling interes nila.

"No, it's okay Doc. Mukhang time nadin naman ito para siguro makauwi ako ng pilipinas." marahan akong tumawa ng maalala ang sinabi nina Lawreen at Adrian nong nakaraan.

"Feel ko sis ito na talaga 'yong time para naman umuwi ka ng pilinas. Simula ng pumunta ka dito umuwi ka ba? Diba hindi, kaya siguro sign na 'to."

"Sign na para muli kayong magkita ng ex mo." malakas na tumawa si Lawreen dahil sa sinabi ni Adrian.

Parang tanga ampota, pareho talaga silang baliw eh no. Puro sila sign-sign. Pake ko naman sa sign na 'yan eh sadyang gusto lang talaga akong ibalik ni Doc Zia sa hospital niya hindi dahil may problema dito kundi dahil gusto niya akong ilagtas sa sindikato naming direktor.

Also, sinabi niya rin na kung ayaw ko daw muna bumalik ng pilipinas pwede naman daw. Pero kung magbago ang isip ko, welcome na welcome daw ako sa hospital niya. Hay naku, ayon tuloy nakonsensya ako, ang bait-bait niya sakin tapos tatanggihan ko lang.

"Uyy, natahamik si ackla siguro ini-imagine niya rin 'yong pagkikita nila!" tukso ni Lawreen na siyang agad kong binatukan. Masyado na siyang maingay. Masakit sa tenga.

"Tumahimik ka nga, lumamon ka na lang kaya diyan mabubusog ka pa." inirapan ko ito pero ang gaga humalakhak lang.

"Hey, Clarke." nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Doc Zia. Napakurap-kurap pa ako dahil sa kalutangan.

"Po, Doc? Pasensya na po ano po ulit 'yon?"

"Sabi ko, okay lang ba talaga sa iyo na sumama sa amin? Baka mamaya ay napipilitan ka lang, okay lang Clarke, you can take your time." ngumiti ito kaya agad akong nahawa sa ngiti niya. Hays, ang ganda talaga ng doktorang ito.

"No Doc, okay lang po talaga. Tsaka gusto ko din pong umuwi, siguro tama rin 'yong mga kaibigan ko sa sinabi nilang sign na din 'to para makauwi na ako ng pilipinas. Simula kase nong makatapak ako sa Russia ay hindi pa ako nakakabalik ng pilipinas. And i know, my friends missed me too." ani ko at nginitian ito.

"Sabagay, pwede ding bumisita ka lang din muna sa pilipinas kung ayaw mo munang magtrabaho. If you want to unwind or make time for your self, it's okay Clarke." again, napangiti ako dahil sa sinabi nito. Ang understanding talaga ng babaeng ito kahit kailan, kaya din siguro patay na patay sa kanya ang asawa niya hindi lang dahil sa magandang mukhang meron siya kundi sa maganda din nitong ugali.

How i wish he had the same attitude, kung sana lang mas naging understanding siya ede sana kami pa ngayon. Kung sana lang-

Agad kong ipinilig ang aking ulo dahil sa haka-hakang namumuo sa aking isipan. Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit ko pa ba siya iniisip?

FIFTEEN HOURS and fifty minutes. Sa wakas, sa hinaba-habang byahe ay nakarating nadin kami sa airport. And as usual, ano pa ba, nakasanayan ko na din 'to noon pa, andito ang limousine na sundo nina Doc Zia at ng asawa nito pati ang mga men in black na kay rami. At dahil mabait nga ang magandang doktorang ito ay pinasakay niya din ako at ihahatid na daw ako sa bahay ng isa sa kaibigan kong sabi ko doon muna ako ihatid dahil wala naman akong bahay dito sa pilipinas.

Ayoko din namang maghotel dahil magastos. Hindi pa naman ako mayaman tapos gagastos at gagastos pa ako?

Nasa byahe na kami patungo sa bahay ni Irene na siyang kaibigan ko ng biglang magring ang cellphone ko- hindi pala sakin, kay Doc Zia pala.

"Hello, Ziara Dela Fuentes speaking." rinig kong ani Doc Zia sa kausap.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana dahil ayoko din namang mapagkamalan akong chismosa dito no.

"What the fuck are you talking about huh? Hindi ako tagapanganak kundi surgeon! Ni hindi ko nga alam kung paano ipalabas 'yang bata sa sinapupunan ng ina niya, ni ako nga hindi ko alam kung paano palabasin ang sarili kong anak, anak pa ng iba?" nagulat ako sa sigaw ni Doc Zia, agad naman itong pinakalma ng asawa na mukhang takot din sa kanya. Nakakatakot talaga siya magalit!

"Wife, calm down please..."

"Bitawan mo 'ko Gun nanggigigil ako sa doktor na 'to." agad akong napangiwi. Kay lambing ng asawa nito sa kanya ngunit wala itong pakealam.

"Wife-"

"Tangina! Pumunta na nga lang muna tayo sa hospital ng mabigawasan ko 'tong kutong lupa na 'to." pagkasabi't pagkasabi nito ay agad namang inutusan ng asawa ang driver. Napailing na lamang ako. The most dangerous mafia lord and most respected and known as ruthless CEO in the whole asia, under ng isang doktor? Do you believe that?

Nawala na siguro sa isip ni Doc Zia na ihahatid niya ako. Syempre hindi naman na ako kumibo dahil nakakatakot nga ito kapag galit. Ang asawa nga nito tiklop ako pa kaya.

Magkasalubong ang dalawang magandang kilay nito ng biglang lumingon sa pwesto ko kaya agad ko itong nginitian.

"Clarke, oh my god, i'm so sorry. I'll make sure na ihatid ka, idadaan lang ako ni Manong sa hospital then i will tell him na ihatid ka sa bahay ng kaibigan mo. Pasensya na talaga sa abala, nakakainis kase! Hindi naman ako tagapa-anak pero ako pa tinawagan ng gagang 'yon." umirap ito kaya natawa ako.

"No worries Doc Zia, since pupunta din naman tayo sa hospital gusto ko na lang din bumisita doon. Magko-commute na lang ako mamaya, or grab. Don't worry about me."

"Are you sure? Pasensya na talaga ha." mukha talaga itong guilty.

"Okay lang po talaga Doc." nginitian ko pa ito upang maniwala. Napabuntong hininga na lamang ito at huminge ulit ng tawad.

Nakarating kami sa hospital. Manghang tumingin ako sa gusali dahil mas tumaas ito at mas naging maganda. Nahuli ako sa pagpasok dahil nagmamadali sk Doc Zia kaya agad naman akong humabol. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng hospital, gosh i missed the smell of this hospital.

Nang mawala sa paningin ko sina Doc Zia dahil sa aking paglilibot ay agad ko itong hinanap. This hospital is now bigger than before. I should have known, ano pa ba? Syempre talagang papalakihin at papalakihin ito ni Doc Zia lalo na't lumalago at madami nadin itong pasyente. Kilalang kilala na ito noon paman.

Tinungo ko ang emergency room, nagbabasakaling nandoon sina Doc Zia dahil sa sinabi nitong may gusto daw na siya ang magpaanak sa hindi ko kilalang babae. At hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Doc Zia na sinisigaw-sigawan ang lalaking hindi ko kilala dahil sa nakatalikod ito sa akin. Agad akong pumunta sa pwesto nila, magpapaalam lang naman na ako na uuwi na at itutuloy na lang bukas ang paglilibot.

Malayo pa ako ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Doc Zia. Para itong inis na inis at problemado habang kinakausap ang lalake.

"Hindi ka ba makaintindi ha? Surgeon ako hindi tagapaanak! Naku talaga De Vieda ha, kanina pa ako nagtitimpi sa iyo!" agad akong napatigil ng marinig ang pamilyar at alam kong kilalang kilala kong apelyido.

Malapit na ako ngunit parang gusto ko na lang umurong at hindi na magpaalam sa doktora.

"Gusto ko ikaw ang magpaanak sa kanya. So do your job Ziara or else." tumawa ng pagak ang doktora, ang asawa naman nito ay agad lumapit sa lalake.

"Don't you fucking dare threaten my wife De Vieda, we're friends, but if you want to cross the line i will not hesitate to fucking kill you."

"Then kill me, because i will still fucking insist that Ziara will be the one to-"

"Stop Aaron! Hindi ko nga alam kung paano. Your wife and child's life will only be in danger once ako ang magpaanak sa kanya dahil wala nga akong alam. Hospital ko 'to! You know the rules, so better quit."

Dahil sa sagutan nila ay nakumpirma kong siya nga ang lalakeng iyon. May asawa't anak na, masaya ako para sa kanya. At least, naabot niya na ang pangarap niya. Ang magkaanak at magkaasawa. Ang may babaeng ihaharap sa altar.

Tumalikod si Doc Zia, sumunod naman ang asawa nito kaya kahit nag-aalangan at hindi magkaano ang kaba na nasa dibdib ko ay sumunod ako sa kanila. Ngunit nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang pumihit sa pwesto ko ang lalakeng ayaw ko ng makita sa buong buhay ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata nito ng makita ako, ngunit agad din naman iyong nawala.

And now, Aaron De Vieda is staring at me intently.

Mapait akong ngumiti. Naglakad ako hanggang sa magkatapat na kami ng pwesto.

"Hi," pinagpasalamatan kong hindi ako nautal. Hindi ito sumagot kaya mas lalo akong napangiti ng mapait.

Tinitigan niya lang ako. Hindi ko mabasa ang mga naghahalo-halong emosyon sa mga mata niya. Siguro nga we're just strangers. Siguro nga tuluyan niya na akong kinalimutan. Siguro, he only treat me as a stranger now.

A stranger with memories.

An awful memories.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top