Chapter 16: Cut The Ties
MASAKIT ANG AKING ulo ng imulat ko ang aking mga mata. Agad akong napapikit dahil sa sakit na dala ng liwanag. Napakurap-kurap ako at niadjust ang aking paningin sa liwanag.
Puting kisame ang siyang unang bumungad sa akin. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng kwartong tinutuluyan ko, this is not my room and besides, i can smell the scent of alcohol. Nakita ko din ang dextrose na nakakabit sa akin.
Hospital. Napadaing ako ng mapunta ang aking tingin sa aking palapulsuhan.
"Damn..." pinikit kong muli ang aking mga mata. "Bakit hindi pa ako namatay?" wala sa sariling tanong ko.
"Dahil hindi pa ako ready mabyuda kaya ‘wag kang tatanga-tanga ulit." halos mahulog ako sa kama habang hawak-hawak ang aking dibdib dahil sa gulat ng bigla na lamang magsalita itong lalakeng hindi ko naman kilala. Hindi siya pamilyar sakin, i don’t even think i've meet him before.
He chuckled at my reaction which made me glare at him. Inalalayan ko ang sarili upang makaupo mula sa pagkakahiga sa kama. Alerto niya naman akong tinulungan ngunit agad kong tinapik ang kanyang kamay kaya natatawa niya akong hinayaan na lamang at itinaas pa ang dalawang kamay na parang umaaktong sumusuko. Inirapan ko ito.
"Who the hell are you and what the hell are you doing here?"
"I’m hell— este ano ba kase puro ka hell-hell mukha ba akong impyerno—"
"Oo," walang pag-alinlangan kong putol sa kanya. But of course that’s a freaking lie. Damn ackla he’s so damn hot, cute and freaking gorgeous! He looks like a walking green flag. But no, don’t trust on men’s appearance.
"Grabe ka naman sakin, by the way i’m Green. I’m Adrian’s friend. Pinabantayan ka muna niya sakin kase bumili pa sila ni Lawreen ng makakakain."
"I’m okay and alright, you can go now." walang gana kong ani ngunit umiling lang ito.
"Nope, if something bad happens to you i will be the one to blame. So no, hindi muna ako aalis hanggang wala pa sila. Kapag nandito na sina Adrian mamaya, aalis na ako, don’t worry." hindi ko ito pinansin at tinalikuran na lamang.
Marami pa itong sinasabi ngunit wala akong ganang makinig sa mga hinaing niya sa buhay. Tumalikod ako sa kanya at humarap sa kaliwa ko.
Napapikit ako ng maalala ang ginawa, hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Hindi ko alam kung ilang araw akong walang malay. Dumapo ang aking tingin sa palapulsuhan na ngayo’y may nakapulupot ng bandage. Napabuntong hininga ako. Why the hell i didn’t even die? Sa dami ng dugong nawala sa akin, sa dami ng dugong iyon na tumulo mula sa aking kamay hindi parin ako namatay?
Bakit pa ba niya ako pinapahirapan ng ganeto? Sobrang sama ko ba talaga sa past life ko kaya ito ang ginaganti niya? Damn, i really hate my self if that’s the truth.
Dinadaldal ako ng dinadaldal ni Green ngunit hindi ko ito pinansin. Napakunot ang aking noo ng tumahimik ito, narinig ko ding bumukas ang pintuan kaya sa inaakalang sina Adrian at Lawreen ito ay agad akong bumangon at sasalubongin na sana sila ng tanong ngunit agad akong napakapit sa bed sheet ng kama ng ang taong hindi ko inaasahang makita ang pumasok mula sa pinto.
"Baby..."
Akala ko wala na akong mailuluha pa, akala ko tamad na ang mga mata ko sa kakaluha ng tatlong araw pero heto ako ngayon. Parang tangang umiiyak na naman dahil lang sa nakita ko siya. Ang taong hindi ko inaasahang bibisitahin ako nandito ngayon sa harap ko. Gulo ang buhok, napakalaki ng black circles sa ilalim ng mata at pati damit ay gusot-gusot.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Green mula sa pagkakaupo sa sofa. Nagtungo ito sa aking pwesto at tumayo sa kaliwang bahagi ng kama kung saan kasalungat ng kinakatayuan ni Aaron. Pinahid nito ang mga luhang naglalaglagan sa aking pisnge bago magsalita.
"He needs to rest for now, he’s not mentally stable so if you want to visit or talk to him, just wait for a day or two." napatingin ako sa kanya, hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon kay Aaron mismo.
Ang mga mata ni Aaron na kanina’y sa akin lamang nakatutok ngayo’y lumipat na kay Green. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-igting ng kanyang panga ng bumaba ang kanyang tingin sa kamay ni Green na ngayong nakahawak sa balikat ko.
"I don’t need your opinion, i’ll talk to him if i want to. And who the fuck are you huh? You’re not even his friend nor his lover." nakangisi ito ng i-wika nag huling salita na animo’y nang-uuyam. Hindi naman nagpatalo si Green at nginisihan din ito.
"Lover? Hmm, not yet. But i heard that you’re his ex lover. Ex, it means expired ka na bro." sinundan pa nito ng nakakauyam na tawa. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Aaron at ang pagsalubong ng kanyang kilay, ang pagkunot ng kanyang noo at ang pagkawala ng emosyon sa kanyang mga mata. Senyales na wala na talaga siyang pasensya na natira, he’s an impatient man. At hindi parin talaga siya nagbabago. Akala ko nagbago na siya dahil hindi naman niya na iyon pinapakita sa akin nong kami pa.
Nakakatawa talaga ang tadhana, darating at babalik talaga ang mga bagay na hindi mo inaasahan na siyang ikakasakit ng damdamin mo.
"Shut the fuck up asshole. Clarke is mine, mine alone. So don’t you dare if you don’t want me to kill you right here, right now." bago pa makasagot si Green ay nagsalita na ako.
"You’re not in the position to tell that to him, we’re over Aaron. We’re not in a relationship anymore because of you, because of your stupid decision. So don’t blame me if i will love someone new. Hindi mo hawak ang buhay ko at mas lalong hindi mo hawak ang puso’t damdamin ko. Mamahalin ko ang gusto kong mahalin, at wala kang magagawa doon.
You cheated first, you lied first, you fucking make me like a fool! Ginawa mo akong tanga, ginawa mo akong bobo! Pinaglaruan mo ang damdamin ko, pinaglaruan mo ang isip ko. Tangina mukha ba akong laruan sayo ha? Masaya bang paglaruan ako Aaron? Masaya bang lokohin ako at ipagpalit sa iba huh? Bakit? Kesyo babae siya? Kesyo kaya ka niyang bigyan ng anak? Tangina Aaron! Kung ‘yon naman pala nag gusto mo sana nong una pa lang ay sinabi mo na sa akin, hindi ‘yong pinagmukha mo pa akong tanga!" mahabang lintanya ko na siyang ikinalambot ng kanyang awra. Nakatitig ako sa kanyang magagandang mga mata, at hindi ako sigurado kung tama ba ang nakikita kong emosyon doon.
"Please let me e-explain first b-baby hmm? I-it’s not like w-what you think..."
"Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo Aaron huh? Na inakit ka niya tapos nadala ka kaya mo siya napaupo sa kandungan mo tapos hinalikan ka niya kaya tumugon ka? Na bigla na lang siyang nawalan ng balanse at napaupo siya sa kandungan mo sabay lapat ng labi niya sa labi mo? Tangina ano! Sagotin mo ‘ko dahil ayoko sa lahat ay ang pinapahula ako."
"It’s just a bet baby okay? Hindi ko alam na uuwi ka, i thought doon ka talaga natulog sa apartment ng mga kaibigna mo dahil iyon ang sinabi at itinext ko. He’s father is my uncle and at the same time my business partner. Humingi siya sa akin ng pabor kung pwede ko daw bang sunduin sa airport ang anak niya, and as his niece and because i respect him, i agreed. Pero hindi ko alam na sa bahay ko siya pala tutuloy kaya hindi kita pinauwi kase baka magalit ka. Baka iba ang isipin mo." napatawa ako dahil sa walang kwenta niyang eksplinasyon.
"Nagpapatawa ka ba Aaron? Hindi mo ako pinauwi dahil baka magalit ako, dahil baka iba ang isipin ko? Tangina pwede mong sabihin sa akin ang totoo! Bakit naman ako magagalit kung iyon lang ang dahilan, kung matutulog lang naman siya doon. Pwera na lang kung may gagawin kayong masama! Tangina Aaron pwedeng-pwede mong ipaliwanag sa akin hanggang sa maintindihan ko. Pero hindi eh, mas pinili mong kayo lang dalawa doon. Mas pinili mo ang walang kwentang option na ‘yon."
"Please, intindihin mo naman ako Clarke. Ginawa ko lang iyon para sa atin okay? Para hindi tayo masira—"
"Gago! Kagagohan! Hindi naman talaga ‘yon ‘yong problema dito eh. Ang problema dito bakit nakaupo sa kandungan mo ang babaeng ‘yon? Bakit kayo naghahalikang dalawa? Wala akong pake at wala sanang problema kung doon lang siya natulog. Kung natulog lang siya doon, pero parte pa ba ng pabor ng tiyuhin mo ang umupo ang anak niya sa kandungan mo at maglampungan kayo?"
Huminga muna ito ng malalim at napatingala na animo’y pinipigilan ang sarili. Na animo’y pinapahaba ang pasensya dahil ako ang kausap niya.
"As what i'be told you it’s just a bet, walang malisya ‘yon Clarke. Please baby look at the other side," hinawakan nito ang kamay ko ngunit agad ko iyong tinabig.
"May karelasyon kang tao Aaron! Tapos ginawa mo ang potanginang bet na ‘yon kahit alam mong masasaktan mo ‘ko! Bago mo ginawa ‘yon inisip mo man lang ba ako? Inisip mo man lang ba na may boyfriend ka na masasaktan kapag pinaupo mo siya sa kandungan mo at kapag naglampungan kayo?" napaiwas ito ng tingin. I gotcha.
"Let’s stop this nonsense conversation of ours Aaron. Walang papatunguhan ito, patuloy lang tayong magkakasakitan sa mga bibitawan nating salita. Umalis ka na at huwag ka na ulit babalik pa dito. Umalis ka na at huwag ka na ulit magpakita pa sa akin, ayoko ng makita ka, ayoko ng masilayan pa kahit anino mo."
"From now on, let’s cut the ties between us. We’re no longer in a relationship, we’re no longer a lover. Let’s cut our ties. You’re a smart person, i hope you understand."
Muli akong nahiga sa kama kasabay ng pagtalikod ko sa kanya at ang paglaglagan ng luha sa aking mga mata. Naginginig ang aking kamay na humawak sa kamay ni Green. Tila naiintindihan niya naman ang ibig kong iparating kaya nagsalita ito.
"Narinig mo na ang dapat mong marinig De Vieda. Hayaan mo ng mamuhay ulit ng payapa si Clarke, masaya na siya noon, tahimik na ang buhay niya noon. Pero bigla ka na namang dumating at pinaghimasukan iyon, ginulo, tapos ngayon sinaktan mo na naman siya. Umalis ka na habang nagtitimpi pa ako sayong gago ka." humigpit ang hawak ko kay Green dahil sa mga salitang binitawan nito.
"Aalis ako, pero huwag kang magpakampante Ferrera. Dahil sa pagbabalik ko akin parin si Clarke, remeber that. He will be always mine, forever."
"Remeber this also De Vieda, sa pagbabalik mo akin na siya. At hinding-hindi mo na siya makukuha pa. You can’t get him back to your arms again once i got him."
Napapikit ako sa sagotan ng dalawa. Hindi ko alam kung seryoso ba si Green sa mga pinagsasabi niya o sadyang sinabi niya lang iyon para umalis na si Aaron. Pero hindi ko maiwasang isipin dahil parang may mga laman ang mga sinabi niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagsarado nito. Akala ko umalis na si Aaron ngunit agad akong napapikit dahil sa lakas ng boses ni Adrian at Lawreen. Magkasabay pa talaga silang nagsalita.
"Anong ginagawa ng gagong ‘yan dito?"
"What the fuck? What the actual fuck are you doing here Aaron?"
"Clarke cut the ties between them, but he’s still persistent. Leave now De Vieda, if you don’t want me to call the guards."
"I’ll leave, no need to do that. Hahayaan kitang mahawakan ang taong mahal ko ngayon, pero sa pagbabalik ko putol na ‘yang mga potanginang daliri mo."
"I’ll be waiting for that day to come De Vieda. Now leave."
Muli kong narinig ang pagbukas at pagsarado ng pinto kasabay ng pagtahimik ng buong kwartong kinalalagyan namin ngayon. I guess he already left.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top