Chapter 15: Escaped From The Pain
TW: SELF HARM / SUICIDAL
"CLARKE… Alam ko namang nasasaktan ka pero maligo ka rin naman hoy, tatlong araw ka ng walang ligo." hindi ko pinansin ang sinabi ni Lawreen. Imbis na bumangon ay mas lalo lang akong nagtalukbong ng kumot.
"Let him Lawreen, Clarke’s need more time for his self. Kapag narealize niya na ang lahat pati nadin ang kagagohan ng gago niyang boyfriend magiging okay din siya, sa ngayon hayaan muna natin siyang mapag-isa." rinig kong saad ni Adrian sa kaibigan.
"But he need us right now Adrian, he’s down and… he looks so fragile. I’m worried, he need someone to lean on right now... And that’s us." pinikit ko ang aking mga mata at tinakpan ang aking mga tenga dahil ayokong marinig ang mga sinasabi’t mga pinag-uusapan nila. Naaawa lang sila sa akin, obviously…
"He’s really guillible, let him be. You knew him, he’s still not healed from the past and then ito na naman, sinaktan na naman siya ng gago niyang jowa. You know what? Hayaan na muna natin siya okay? Let him rest and realize first, babalik din sa atin si Clarke... Babalik siya ulit, alam ko ‘yon."
Hindi ko alam kung gaano sila katagal nag-usap at kung kailan iyon natapos. Parang bigla na lamang akong nawalan ng pake sa pagilid, all i want right now ay ang mawala ang sakit na nasa dibdib ko ngayon. Gustong-gusto ko na itong mawala hanggang sa tuluyang hindi na bumalik.
It’s been three days since i saw Aaron with that girl on his lap. Pero hanggang ngayon ang sakit na nararamdaman ko nandito parin, hindi ko alam kung paano ito mawawala, hindi ko alam kung paano ito aalisin. Para na akong mababaliw kakaisip kung paaano maalis ang lintik na sakit na nararamdaman ko.
Gusto ko lang naman sumaya… gusto ko lang namang magmahal at mahalin… pero bakit sa tuwing sinusubukan ko marami ang hadlang? Marami ang ayaw at tutol. Hindi ko alam kung anong mga kasalanan ang pinanggagawa ko sa past life ko at ganito ito ngayon makabawi sa buhay ko ngayon.
Napaupo na lamang ako sa kama bago marahang inalis ang kumot na nakakumot sa akin at bago kinuha ang isang cellphone ko na nasa bed side table katabi lang din ng isa ko pang cellphone na nakacharge. Kahit mugto ang mata ay pilit akong pumunta sa text messages na siyang wala namang text galing sa kanya. Sunod kong binuksan ang call logs at wala ring missed called galing sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ako, ganon na ba talaga ako ka-hindi importante sa kanya na kaya niyang hindi magparandam ng tatlong araw? Siya ang may kasalanan tapos mukhang siya pa ang galit at walang pake sa aming dalawa.
Binuksan ko na lamang ang facebook app ko at tiningnan ang messenger kung may chat galing sa kanya pero nanghihinang napapikit na lamang ako dahil wala din. Nag-scroll pa ako sa facebook, wala rin namang bago. Nirefresh ko ang feeds ko at doon ko nakita lahat ng sagot sa mga tanong ko. He’s with the girl, smiling at her na para bang siya lang ang nakikita nito, na para bang siya lang ang babae sa buhay nito. They look like they enjoying each other’s company. Napatingala na lamang ako bago ipikit ang mga matang ngayo’y mayroon na namang mga luhang umaagos.
Walang emosyon akong napatawa. He abandoned me that easily huh. Ganon na ba talaga ako ka walang halaga sa kanya? Napangiti na lamang ako ng mapait, i guess narealize na ni Aaron na gusto niya ng bumuo ng pamilya, gusto niya ng mag-asawa, magpakasal at magkaroon ng anak na siyang hinding-hindi ko kayang ibigay sa kanya.
Siguro nga hindi niya ako minahal, he’s just obsessed with me. He just saw me as his possession kase palagi akong nandiyan sa kanya kahit noon pa. Isang tawag niya lang sa akin, isang request kayang-kaya kong ibigay, nandiyan ako palagi. Palagi niya akong takbuhan sa t’wing kailangan niya ng sandigan. Siguro pinagtatyagaan niya lang ako kase komportable siya sakin, because he saw me as his comfort zone but not his home.
Sa sobrang naghalo-halong emosyon sa puso’t isip ko ay walang pasabing binato ang cellphone ko sa pader, malakas ang pwersang ginamit ko roon kung kaya’t nagkahiwahiwalay ang mga piraso nito, hindi na magamit pa dahil sirang-sira din ang screen. Napahilamos ako sa mukha dahil sa frustration at inis. Naiinis ako sa sarili ko.
"W-why do i n-ne-need to s-suffer like t-this?" nanghihinang napahiga akong muli sa kama.
"D-do i even deserve t-this? G-gi-ginawa ko naman ang l-lahat… g-ginagawa ko naman l-lahat ng g-gusto niya ng w-walang r-reklamo at d-dahilan… pero bakit s-siya kung umakto parang n-normal lang? Nakikipagdate pa siya sa b-bqbae niya at m-masayang magkasama. Ede sana hindi niya na lang ako binigyan ng a-assurance kuno at p-pinaasa!" gigil na gigil ako sa unang hawak ko bago ito ibinato sa kung saan-saan.
Tumingin ako sa isang cellphone ko ng magbvibrate ito, pero imbis na kunin ang cellphone at tingnan kung sino ang nagtext ay natuon ang atensyon ko sa asul na gunting na nasa tabi nito. Hindi nag-iisip na kinuha ko ito, nanginginig ang aking kamay na nakahawak dito habang hindi masyadong malinaw na nakatitig dito, malabo ang nakikita dahil sa walang humpay na pag-agos ng luha galing sa aking mga mata.
"A-alam kung hindi ko dapat g-ginagawang mundo ‘yong t-taong mahal ko… ‘yong t-taong walang ibang ginawa kundi s-sasaktan lang din ako... p-pero hindi ko maiwasang g-gawin ‘yon l-lalong lalo na sa mga p-pinapakita at pinaparamdan nito…. He gave me mixed signals… he g-gave me a-assurance... p-pinaasa’t pinaniwala niya a-ako pero nasaan ako n-ngayon?"
I’m already fucked up before he came… i’m on my healing stage... Tapos babalik siya na parang walang nangyare, babalik siya na parang hindi niya ako sinaktan. Pagkatapos niyang bumalik, pinaibig niya akong muli tapos sasaktan na naman! Paulit-ulit na lang tangina nakakasawa na! Nagsasawa na akong masaktan ng ganeto... Nakakasawa ding umiyak gabi-gabi... Nakakapagod ding mahalin ang taong wala namang ibang ginawa kundi saktan ako...
Noong nasa Iloilo City pa lang kami alam ko ng may mali eh. Alam ko ng may mali, nararamdaman ko pero pilit kong winawaksi sa isip ko dahil may tiwala ako sa kanya. Pero tangina! Tangina talaga! Hindi ko ine-expect na ganeto kasakit. Mas masakit pa ‘tong ginawa niya sakin ngayon kaysa sa ginawa niya sakin noon.
Nanghihinang inangat ko ang aking kamay habang naginginig. Inilapat ko ang gunting sa aking palapulsuhan at pinikit ang aking mga mata. Napapagod na ako. Ayoko na ng ganetong pakiramdam. Pikit mata kong hiniwa ang aking balat, napapikit ako sa sakit at napakuyom ang aking kamao.
Nang minulat ko ang aking mga mata ay kitang-kita ko kung paano tumulo ang dugo mula sa aking palapulsuhan papunta sa bed sheet ng aking kama. Nanginginig ang aking kamay habang patuloy na hinihiwa ang aking balat. Nanghihinang napahiga ako sa kama bago itapon ang gunting. Hinahayaang umagos ang dugo sa aking palapulsuhan, hindi man lang nag-abalang tapalan ito.
Napatawa ako ng walang emosyon. "Tangina walang talab... M-masakit parin... N-nandito parin ‘yong s-sakit."
Nang hindi makuntento sa gunting ay pilit akong bumangon kahit nahihilo. Tinungo ko ang banyo at hinalughog iyon upang hanapin ang cutter o hindi kaya’y blade. Mas masakit iyon kaysa sa gunting. Siguro kung iyon ang gagamitin ko ay baka makatakas na ako sa sakit na ito.
Nang makita ang cutter ay agad ko itong kinuha. Naglakad pabalik sa aking kama bago umupo doon. Tinitigan kong maigi ang aking palapulsuhan na nagdurugo. Muli kong hiniwa ang aking palapulsuhan, nararamdaman ko na ang sakit. Napangiti ako, mabuti naman at makakatakas na ako sa mundong ito.
Rinig na rinig ko ang sunod-sunod at nagkukumahog na katok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko pero hindi ako nag-abalang buksan iyon. Wala na akong pakealam, wala na akong pakealam kung mamatay man ako dito ngayon at maubusan ng dugo. Mas gusto ko nga iyon, gusto ko ng takasan ang reyalidad na ito.
Nanghihina at papikit pikit na ang aking mga mata. Rinig ko parin ang mga katok at sigaw nila. Tinatawag nila ang pangalan ko pero pakiramdam ko wala na akong lakas pa para sumagot o tumayo man lang.
Isang malakas na pwersa ang nagpabukas ng pinto ng kwarto ko. Nanghihinang tumingin ako doon ngunit malabo na ang nakikita ko. Malabo pero nakikita kong papalapit sila sa akin. Napapikit ako at pilit silang inaaninag pero sobrang labo talaga. Para akong inaantok, para akong pilit hinihila para ipikit ang aking mga mata. Hindi na ako nanlaban pa, pinikit ko ang aking mga mata.
Isang malakas na sigaw ng pamilyar na boses ang huli kong narinig bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
"Clarke!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top