Chapter 14: What A Beautiful View

"ARHHH AT LAST nakapagpahinga din." napaungol ako ng maupo ako sa aking swivel chair dito sa loob ng aking office.

Tambak at sunod-sunod ang pasyente kanina. Hindi ko nga alam kung paano ako naka survive sa maladagat na mga pasyente ko for today’s video. Napatingala ako at napapikit, pinapahinga ang sarili pati ang mga mata mula sa walang katapusang kapaguran. I know after a minute may kakatok na naman sa pinto ko at sasabihing may pasyente na naman akong dapat tingnan.

It’s passed 9 in the evening at wala paring pagbabago sa hospital. May sandamakmak na pasyente paring dinadala ang mga rescuer. I didn’t know where they pick the patients, at hindi ko din alam kung anong nangyayare sa mundo at ganito karami ang pasyente ngayong araw— well gabi na pala so gabi.

Buwan na din ang nagdaan pagkatapos ng masaya at exhausted naming bakasyon. At sa mabuting palad ay nagpapasalamat ako kay Aaron at pinayagan na niya muli akong magtrabaho. Akala ko mabobored lang ako sa bahay niya.

Napapapikit pikit na ang mga mata ko dahil sa kulang na tulog at pagod ng biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko na siyang ikinaungol ko sa inis. Tangina wala ba talaga akong pahinga?

"Pasok," inayos ko ang postura ko, isang nurse ang pumasok at bahagya pang ngumiti na siyang ikinairap ko sa aking isipan. Hindi pa ha sila aware na baklush ako? "Is there anything you need?"

"The director wants to talk to you right away Doc." naguguluhan ko naman itong tinignan dahil sa kanyang sinabi.

"Excuse me? I think you enter the wrong office Nurse. I am not close to the director—"

"Sorry to cut you off Doc, and that’s what the director want. Hindi kayo close sa kanya kaya hindi niyo ho siya maabuso." ngumiti ito ng malapad na siyang ikinairap ko. Mukha naman itong nagulat sa pag-irap ko sa kanya dahil sa napalaki masyado ang kanyang mga mata.

"Where and when?" mukhang hindi pa ito nakakabawi kaya nagsalita akong muli. "Nurse?"

"A-ah ngayon na p-po D-doc, sa o-opisina po ng d-director." natawa ako ng mautal ito, napailing na lamang ako at pinalis na ito.

"You can leave now, thank you for the info." inayos ko ang aking coat bago tumayo. Ininat ko ang aking katawan bago napagpasyahang lumabas ng aking opisina at tumungo sa director.

Nakasakay ako sa elevator ng marinig ko ang usapan ng kapwa ko mga Doctor tungkol sa akin. Siguro nga pinanganak ako upang hindi mapagod sa irap dahil inirapan ko lang naman sila. Hindi ba sila aware na nandito ako sa harap nila? Hindi ba sila aware na naririnig ko sila? O sadyang gusto lang talaga nilang iparinig sa akin? Tusukin ko ‘yang nga mata nila at busalan ang mga maduduming bibig nila eh, naku! Kapag talaga ako nainis ihuhulog ko sila sa building na ‘to at ililibing ng buhay. 6 feet below the ground, huh!

Napatingin ako sa cellphone na bitbit ko ng magvibrate ito. Napangiti naman ako ng makita ang pangalan ni Aaron sa screen ng phone ko.

‘I can’t fetch you later baby, something came up, and don’t sleep on my house, i’ll be gone for a night and i will not be able to sleep with you. Doon ka na lang muna matulog sa apartment ng mga kaibigan mo ngayon. Take care.’

Napakunot ang aking noo ng mabasa ang text ni Aaron. Bakit ayaw niya akong matulog sa bahay niya mamaya? And he mention ‘my house’ hindi niya naman ugaling sabihin ‘yan ah? He used to say ‘our house’. Tapos palagi naman akong natutulog sa bahay niya kahit ako lang mag-isa at walang kasama, wala naman siyang naging problema doon. Pero bakit ngayon sa apartment namin niya ako pinapatulog? I’m not complaining though makikita at makakasama ko sina Lawreen at Adrian pwede kaming magbonding and spend to time to each other later but, hindi ko mapigilan magtaka.

And he didn’t say the magic word too! Hindi naman siya nawawalan non ah. Kapag nagtetext o tumatawag siya he’s always saying that! He didn’t missed saying that in any aspect, in any single minutes, hours, days, nights he talks to me. Iwinaksi ko na lang ang iniisip. Kasabay non ang pagbukas ng elevator hudyat na nasa 15th floor na ako kung nasaan ang office ng director.

Yea right, iwaksi mo muna ang nasa isip mo Clarkie. Masyado ka lang nag-ooverthink. Siguro nag-aalala lang talaga sayo si Aaron. Pilit kong pagpapagaan ng aking loob. Kahit mabigat ang dibdib ay inayos ko ang aking sarili bago tumungo sa table ng secretary ng director.

"Whoo! You can do it! Bakit ka ba kinakabahan ackla? Kakausapin ka lang ng director, it’s not like she will fired you." pagkausap ko sa sarili.

Humugot muna ako ng isang malim na hininga, oo malalim, kayang abutin ‘yong hukay mo. Cheka. Bago ako tumungo sa table ng secretary ng director. I plastered a sweet smile before talking to her.

"Excuse me, good evening, is the director is here?"

"Good evening Sir, are you Mr. Clarke Daniel Resol?"

"Ah, yes." ngumiti ang babae bago ako inalalayan patungo sa pinto kung saan panigurado ang opisina ng direktor.

"This is the director’s office. Please open the door, she’s waiting to you inside." nagpasalamat ako sa babae. Kumatok muna ako bago pumasok bilang paggalang.

Nang makapasok sa loob ng opisina ng direktor ay halos mamangha ako sa ganda ng mga design niya. Mula sa carpet, sa table niya, meron din siyang mini table, sa kurtina, shit! Ang angas!

"Good evening Doc Resol, i guess you already know kung bakit kita pinatawag right?" napatingin ako sa director’s table ng magsalita ang director. Ang magandang director na asawa lang naman ng isang sikat na Architect at CEO sa buong Asya. Oo Asya, our director is none other than, Doctor Ziara Fate Hades— Dela Fuentes.

Agad akong napaayos ng tayo at binigyan ito ng isang malapad na ngiti.

"Magandang gabi din po Doc Zia. But can you enlighten me? Hindi ko po alam kung bakit niyo ako pinatawag, kahit ako nga din po ay nagtataka sa biglaan niyong pagpapatawag sa akin." magalang kong wika habang medyo nakayuko pa tanda ng paggalang. Nang silipin ko ito ay bahagyang nakakunot ang kanyang noo na tila naguguluhan din.

"Did Nurse Ann didn’t told you?"

"Hindi po si Nurse Ann ang nagsabi sa akin na pumunta dito Doc." nakakunot noo kong ani na siyang mas ikinakunot din ng noo niya.

"Oh righ, whatever. Please be seated first before i discuss you something that you would love. And i’m sure you won’t decline my offer." minuwestra nito ang upuan sa harap ng kanyang table kaya umupo ako doon.

"Salamat po Doc, pero  maaari ko po bang malaman kung ano pong kailangan niyo o maitutulong ko sa inyo?"

"No Doc Resol, for some reason ako nga ang may maitutulong sa iyo." pinapanood ko lamang ang galaw ni Doc Zia. May kinuha ito sa kanyang drawer, isang brown envelope, bago ito ilapag sa aking harapan.

"Ano po ito Doc Zia?" nagtataka kong tanong.

"See it for your self." nakangiti nitong ani.

Kinuha ko ang brown envelope. Mayroon itong white bondpaper sa loob, kinuha ko ito at binasa.

Isang kontrata… isang kontrata galing sa Russia! Tangina sistur! Napakaling opportunity nito para sakin. They want a Filipino Doctor from our hospital para i-exchange temporary sa kanilang Doctor. They want to exchange Doctors for better partnerships. Gusto nila ng Doctor ng hospital namin na magtrabaho sa kanila, at gusto din nila ng Doctor mula sa kanila na magtrabaho sa amin. At ako ang napili! Ako ang napili ng direktor para i-exchange Doctor sa Russia. Oh my god!

Tumingin ako kay Doc Zia na malapad ang ngiti sa akin.

"Is this… really for real… Doc Zia? Hindi ba ‘to scam? Prank? Gosh!" natatawang umiling si Doc.

"No, this isn’t a prank neither scam or a piece of joke. This is for real Doc Resol, and you, you’re the one i think and capable for this one." omg! hindi talaga ako makapaniwala. The director it self told me that i’m capable of this, that does mean she trust me. Omg! Geez, wait let me inhale first.

Tumingala ako saglet bago lumanghap ng hangin. Inhale... exhale... Woah, omg, i can’t. The feeling is so surreal.

"Thank you so much for the trust Doc Zia, i will promise that i will do my best para hindi ka  mapahiya lalo na ang hospital, at mas lalo pang tatatag ang partnerships ng dalawang hospital." ngumiti ako kay Doc Zia at ganon din ito sa akin.

Pagkatapos nang konteng usapan namin ni Doc Zia ay nagpaalam na ako dito. My god, I really can’t still believe it! I will be an exchange Doctor in Russia. I will immediately tell this to Aaron, i’m sure he will be proud of me.

Nang makabalik sa sariling opisina ay napatingin ako sa maliit na stictch na orasan na nasa lamesa ko. It’s passed 11 na pala, ahh, thank god, off ko na.

Masaya akong nagliligpit ng aking mga gamit. Damn! Para na akong baliw kakangiti dito. Kahit sino naman sigurong bigyan ng ganong klaseng opportunity kahit natulog ay ngingiti diba? Hays, sobra pa ‘to sa promotion, mas igagrab ko pa ang opportunity na ‘to kaysa sa promotion. If ever papiliin ako kung promotion or maging exhange Doctor mas pipiliin ko ‘to. Paulit ulit ko ‘tong pipiliin kahit ano pang mangyare.

Pagkatapos kong magligpit ay napagpasyahan ko ng umuwi. Kahit sinong nakakasalubong ko ay ngininginitian at binabati ko. Kahit ang mga matataray at striktong kasamahan ko ay nginingitian at binabati ko kahit naman noon ay iniismiran ko ang mga ito, nagtataka nila akong tiningnan na binalewala ko na lamang.

Nang liliko na sana papuntang parking lot ay naalalang wala pala akong dalang sasakyan. At doon ko din naalala na wala din pala akong sundo. Napatapik na lamang ako sa aking noo bago bumaba sa ground floor at lumabas ng building. Habang naglalakad palabas ng building ay tumawag ako ng grab para less hassle, pero walang available na grab ngayon kaya nagshare-ride na lang ako. Hindi din naman nagtagal ay dumating na ang sasakyan. Bubuksan ko na sana ito ng nauna itong buksan ng matandang babae kaya pinauna ko na lamang ito.

Nang makasakay ay agad akong napatingin sa kanya para sana tingnan ang kanyang mukha. Ngunit nagulat ako ng si Mrs. Guazon pala ang nakasabay ko.

"Mrs. Guazon! Ikaw pala akala ko kung sino." napatingin ito sa akin dahil sa pagbati ko.

"Oh Clarke hijo ikaw pala, hala pasensya kana kanina nagmamadali kase ako. Mabuti na lang at ikaw ang kashare-ride ko."

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang po Mrs. Guazon, naiintindihan ko naman po. Lahat naman po tayo nagmamadaling umuwi lalo na’t malalim na ang gabi at delikado lalo na sa inyo."

Nag-usap kami ni Mrs. Guazon ng kung ano-anong topiko. Tungkol sa trabaho, pamumuhay, at marami pang iba hanggang sa dumating na ako sa bahay ni Aaron. Oo dito ako nagpahatid, aba! Hindi pwedeng parang parati lang siyang boss at kung tratuhin niya ako ay tauhan niya lang. Tsaka wala din namang masama kung dito ako tumuloy ngayon, it’s okay too dahil makakatulog ako ng mapayapa. He gave me his spare keys so i don’t have to worry about it anymore.

"Nandito na po ako Mrs. Guazon, mauuna na po ako sa inyo. Mag-iingat po kayo." hindi ko alam kung anong reaksyon ang mayroon si Mrs. Guazon. Mukha siyang natatakot na nanenerbyos na ewan.

"Dito ka nakatira hijo? Hindi ba’t ito ang De Vieda’s Residence? Dito ka ba nagtatrabaho? Ang ikalawang trabahong sinasabi mo?" tumango ako sa tanong nito kahit hindi naman iyon totoo. "Ikaw ang mag-iingat kung ganon, delikado ang lugar na ito para sa iyo." napangiwi ako sa kanyang sinabi.

"Mabait po ang nakatira dito Mrs. Guazon, huwag po kayong mag-alala." dati kong teacher si Mrs. Guazon, at kahit na strikto ito ay napakaalaga nito sa kanyang mga estudyante, palagi itong may pake kaya kahit na terror ito ay malaki ang respeto ko sa kanya.

"Huwag ka magpakampante hijo, kilala ko ang mga kinikilalang magulang ng batang iyan. Hindi sila mapagkakatiwalaan."

Hindi na lamang ako nagsalita at nagpaalam na lamang muli sa kanya.

Nang makapasok sa gate ng bahay ni Aaron ay agad na naagaw ng atensyon ko ang hindi pamilyar at nag-gagandahang mga sasakyan na nakapadara malapit sa may fountain. Agad ding napakunot ang aking noo sa pagtataka dahil nakabukas lahat ng ilaw sa bahay. I thought hindi siya umuwi ngayon? Ang sabi niya ay hindi siya uuwi.

Kahit nagsimula ng kabahan ay inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa pinto ng kanyang bahay. Habang papalapit ng papalapit sa pinto ay ganon din dinadaga ang aking dibdib dahil sa kaba. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, tila ba, may isang pangyayareng hindi ko inaasahan na mangyayare ngayon. Pangyayareng hindi ko mapahayag kung ano nga ba talaga.

Kinuha ko ang susi ng kanyang bahay sa loob ng aking bag. Palagi ko itong dala-dala dahil ibinigay niya ito sa akin in case of emergency or rush thingy kagaya sa mga ganitong sitwasyon.

Tinry ko itong buksan ng hindi pa nasususian, iniisip na bubukas ito dahil nga bukas ang mga ilaw sa loob at baka nandito nadin siya. Pero hindi ko inaasahan na bukas nga talaga ang pintoan niya.

Mahihina hanggang sa naging malakas na tawanan ang aking narinig pagka-apak at pagka-apak ko pa lamang papasok sa bahay, sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay na iyon at dinala ako ng aking mga paa sa living room ng bahay ni Aaron kung saan kitang-kita ko ang pangyayare, ang lahat ng pangyayareng nagaganap na kanina ay sa isipan ko pa lamang naglalaro. Imahinasyon na ngayon ay sinampal na sa akin ng reyalidad.

Para akong natulos sa aking kinakatayuan ng makita ang napakaganda ngunit masakit na tanawin. Si Aaron nakangiting nakaupo sa sofa habang mayroong babaeng supistikada, maputi, mahaba ang buhok, balingkita ang katawan at nakakandong ito sa kanya.

Parang pinipiraso ang puso ko dahil sa nasaksihan. Ito ba ang sabi niyang hindi niya ako masusundo? Ito ba ang dahilan niya? Ito ba ang sinasabi niyang hindi siya matutulog dito? Ano nang nagyare sa pinagsasabi niya. Bakit siya nandito ngayon sa bahay niya, nagtatawanan at may babae sa kanyang kandungan? He can even explain that shit?

Para akong tanga na nanatili parin dito, nakatingin sa kanilang masayang inoman at nakikinig sa kanilang masasayang tawanan at kwentuhan. Para akong tanga na nakatingin lamang kay Aaron at sa babaeng nakakandong dito. Nang umayos ng upo ang babae sa kandungan nito at pinalitan ang kanyang pwesto ay kitang-kita ko ang mukha ng babae. Kitang-kita ang maamo nitong mukha na siyang unang sumira sa amin ni Aaron.

And at the second time, she ruined us again. At the second time, siya parin ang pinili ni Aaron, at the second time, siya parin ang mamahalin niya, at hinding-hindi magiging ako.

"What a beautiful view." hindi ko alam kung saan nanggaling ang matapang ngunit may pait na boses kong iyon.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Wala akong kakilala sa mga nakaupo sa sofa maliban na lamang sa mga tauhan ni Aaron na nakasama ko na, sina CA, JM, JE at nandito din pala si IR. Nakatayo lamang siya malayo sa sofang kinauupuan nina Aaron masama ang kanyang tingin sa babaeng nasa kandungan ni Aaron na ngayo’y nakangisi sa akin. Hindi niya pa ako napapansin ngunit ng makitang nakatingin sa akin ang lahat ng mga taong nakaupo sa sofa ay napatingin din ito sa akin. Gulat at lungkot ang nakarehistro sa kanyang magandang mukha.

"C-clarke baby—" i cut him off.

"Aren’t you disgusted to your self for calling me like that in front of your friends and…" i trailed off. "Girlfriend?"

Hinawakan nito sa bewang ang babae at marahang inalis mula sa kandungan nito. Napapikit ako dahil sa nakita, napapikit ako dahil sa sakit at napaiwas na lamang ng tingin. Tumayo ito at akmang lalapit sa akin ngunit agad ko siyang sinenyasan.

"Stop! Don’t come near me. Really Aaron? Sa lahat ba naman ng babae siya parin?" tumawa ako ng pagak at tumingala upang pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.

"Sinira niya na tayo noong una. Siya ang sumira sa atin, siya ang pinili mo, siya ang minahal mo… Pati ba naman ngayon siya parin Aaron? Sa ikalawang pagkakataon sinira niya na naman tayo, ang kung ano mang merong tayo! Sa ikalawang pagkakataon siya na naman ang pinili mo! Tangina mas matatanggap ko pa kung iba ang nasa kandungan mo ngayon at kalampungan mo eh, pero siya? Pinatunayan mo lang sakin na hindi ka parin nagbabago." mahabang lintanya ko habang nakatingin mismo sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ko at hindi ako nautal. Tumayo ang babae at hinawakan ang dibdib ni Aaron upang ipaharap sa kanya.

"Sweetheart, i thought you want us to have a peaceful night that’s why you told me na pinaalis mo ang katulong mo?" parang nalulungkot na arte ng babaeng ito. Ang sarap niyang jumbagin sistur, nanggigigil si em tangina.

"Aaron..." marahang banggit ko ng pangalan nito upang kunin ang kanyang atensyon ngunit hinawakan ng babae ang kanyang mukha.

"Y-you lied to m-me... N-nagawa mong m-magsinungaling sa a-akin para m-makasama s-siya... Y-you s-said..." tuluyan ng nabasag ang aking tinig. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ngayon ay nag-uumpisa naring kumawala.

"S-sa i-ika-kalawang p-pagkakataon…" tumigil muna ako at napayuko. "H-hindi kita gustong p-papiliin Aaron... P-pero t-tangina ‘yong g-gnagawa at p-pinapakita mo sa akin n-ngayon... p-para mo naring s-sinabi na siya na t-talaga. N-na mas p-pi-pinipili mo siya, p-pero ang t-tanong ko… S-s-sa ikalawang p-pa-pagkakataon... s-siya parin ba? S-siya p-parin ba ang p-pipiliin at m-ma-mahalin mo?" umiwas ito ng tingin kaya napatawa ako ng pagak.

"O s-sadyang h-hindi lang t-tlaga n-nawala ang p-pagmamahal mo sa k-kanya?"

Hindi ito nakasagot at akmang maglalakad papunta sa akin ngunit agad ko itong pinigilan. Sa ginawa niyang hindi pagsagot ay nakapag-isip at nakagawa na ako ng isang desisyon na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba sa huli o hindi.

"Silence means yes. I guess you already made up on your mind who you really love is."

"Baby—"

"I think you already choose who..."

"B-baby that's n-not—"

"Stop it Aaron, thank you for the beautiful view that you let me see tonight." hindi ko na hinintay ang sagot nito, pagkatapos na sabhin iyon ay agad ko na itong tinalikuran bago ako tumakbo ng mabilis paalis sa lugar na iyon. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa. What for? To hurt my self more?

What a beautiful view. Thank you for that Aaron. I will never forget that.

A beautiful yet a painful view indeed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top