Chapter 11: Vacation Part 1
"TALAGA BA CA? Edi sana pina billboard, powerpoint, dineclimite, pinoster, inislogan, pinaprint, pina xerox, chinismis, pinalapida, pinabaranggay, pinapulis, pinarally, pinabroadcast, newspaper, newscast, tattoo, magazine, tarpaulin, lettering, calligraphy, winallpaper, nilockscreen, cinoverphoto mo yang mga pinagsasabi mo. Parang tanga ampota."
"Galit na galit, gustong manakit?"
"Shut the freaking up people. Boss A’s boyfriend is here. He may think you all are crazy bastards."
"Grabe ka naman samin IR,"
"Oo nga palaging straight forward amp— ang ganda hehe."
Kanina pa ako pabalik balik ng tingin sa mga taong nasa harap ko, hindi ko sila kilala. Hindi ko alam kung kakampi ba sila o kalaban. Pero dahil hindi pa naman nila ako sinasaktan, so i guess, they’re an ally of us.
Ngumiti sa akin ‘yong tinawag ng lalake na IR kaya nginitian ko rin ito.
"Hi, pasensyahan mo na ‘yong mga ‘yan, ganyan lang talaga sila makipag-usap sa isa’t-isa." inilahad nito ang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. "By the way, i’m IR."
Napangiwi ako, siguro sobrang bait ng mga magulang niya na ayaw siyang pahirapan isulat ang pangalan niya sa pre-school kaya dalawang letra lang pinangalan sa kanya.
"I’m Clarke," i trailed off. Nahihiya pang magtanong. "Uhm… i’m just wondering, is it your real name?" ngumiti ito habang naiiling-iling.
"No sistur, it’s just my codename. Ganon din kina CA, JM, KC, JC at iba pa." napatango tango ako.
"Ganon ba, ang unique naman pala ng codename niyo. Siguro ayaw kayong pahirapan ng boss niyo kaya tigdadalawang letra lang ginawa niyang codename sa inyo." napatingin ako sa kanya ng tumawa siya.
"Hahahahahahaha…. Aaron, your boyfriend is our boss, and yes knowing how lazy he is to talk, kaya siguro tigdalawang letra lang ang code name namin."
Naging mahaba ang pag-uusap namin ni IR, sobrang ganda at bait niyang kausap. Sobrang saya niya din kausap, ‘yong tipong mawawala stress mo sa kanya, tapos ang dali niya pang pakisamahan. Siguro kung hindi lang ako vakla siguradong napatos ko na siya. Ems, kay Aaron parin kakalampag.
Bumukas ang pintong pinasokan ni Aaron kanina nang magpaalam siya saking kakausapin niya lang ang mga tauhan niya. I’m aware that he’s a boss of an what they called elite fraternity, at marami siyang tauhan. Pero hindi ko inaasahan na makakatungtong ako mismo sa headquarters nila.
Nang magkasalubong ang aming tingin ay agad ako nitong nginitian at lumapit sa akin. Nang makarating sa aking pwesto ay agad nitong pinulupot ang kanyang matitigas na kamay sa aking katawan at hinalikan ako sa noo.
"Arghhh… this is refreshing… this is what you called home…" nang tumingin ako sa kanya ay nakatingin pala ito sa akin. Ang kanyang mga mata ay namumungay at titig na titig sa akin.
Nakarinig kami ng pekeng ubo.
"Ehem baka matunaw ‘yan boss." ani ng isang babaeng hindi ko kilala. Natawa naman ang iba habang si Aaron ay parang walang narinig at wala man lang pake.
Hinalikhalikan pa ako nito sa buong mukha, sa aking labi, pababa sa aking leeg na siyang ikinapula ng aking pisnge dahil sa kahihiyan. Hindi naman sa ikinahihiya ko siya pero maraming tao dito! At isa pa hindi ba siya nahihiyang gawin ang bagay na ‘yan sa harap ng mga tauhan niya?
Again, nakarinig ulit kami ng pekeng ubo hanggang sa naging sunod-sunod na iyon kasabay ng kani-kanilang mga parinig.
"Ehem! Respeto naman dito sa single oh!" diniin pa talaga ni IR ang salitang single.
"Paano naman kaming mga walang jowa dito sa HQ boss? Tatanga lang ba kami dito habang ikaw nakikipagtukaan diyan?" kunyareng malungkot na ani pa ni KC.
"Okay lang kahit wala akong jowa, pero ‘yong harap-harapang landian boss? Tang— tang juice na orange tapos pineapple pala ‘yong lasa."
Tiningnan sila ni Aaron ng malamig pero hindi man lang sila natinag. Patuloy parin ang parinig nila kaya naibaon ko na lamang ang aking mukha sa dibdib ni Aaron na ngayo’y mahinang natawa dahil sa aking ginawa.
"That’s why i told you to find your own loml."
"Loml?" sabay-sabay pa nilang tanong.
"Oh c’mon! Nasa 2023 na tayo tapos loml lang hindi niyo pa alam?" hindi makapaniwalang tanong ni Aaron kaya kinurot ko ito sa tagiliran na siyang ikinangiwi niya. "Loml means love of my life. So if i were you, maghanap na kayo ng loml niyo, dahil ako nahanap ko na ‘yong akin."
"Eww!"
"Yakk!"
"Tangina ang cringe! Pota,"
Kanya-kanya silang arte na kunyare ay nandidiri sila sa sinabi ni Aaron. Agad naman silang nakatanggap ng makamatay tingin sa isa na ikinatigil nilang lahat.
…
"May mission pa ba tayo ngayong buwan boss?" tanong ni JM habang kumakain kami sa long table nila dito sa kanilang HQ. Hindi ko alam na may long table pala sila dito. Taray ah, dinaig pa si Adrian sa arte eh.
"Wala naman, why did you ask?"
"Wala naman boss, naisipan lang kase namin kanina na kung wala na tayong mission bakit hindi na lang tayo magbakasyon? Since stress naman tayong lahat dahil sa mga mission natin at dinagdag pa ‘yong kanina, naisipan naming magpaalam sayo kung pwede kaming magbakasyon. Kung gusto niyo po pwede din kayong sumama, isama niyo po si Sir Clarke." tumingin sa akin si Aaron na para bang hinihintay ang sagot ko.
"W-what?"
"What do you think baby? I have an abandoned house in Iloilo City. We can have a vacation there, mababait at humble ang mga tao don. Masarap at bukal sa loob din silang tumatanggap ng bisita. Stress free City and have a lovable people." para itong nagpapahayag ng kanyang business proposal sa akin.
I think of it, maganda din naman sa Iloilo City, naresearch ko na iyon and i somehow remember a friend there. Gusto ko din siyang mabisita.
"Sure, may friend din ako doon. At gusto ko nadin siyang mabisita. So it’s okay for me." tinuro ko ang mga tauhan niya. "Sila, kung saan nila gusto doon din naman ako."
Nag-oo ang karamihan kaya napagpasiyahan nilang bukas na mismo umalis. Karamihan naman kase sa kanila ay umu-o na bukas ang alis kaya ang iba ay wala na lang nagawa.
Nagpatuloy ang kainan, syempre hindi mawawalang hindi tumahimik ang lamesa habang kumakain. Bangayan dito, bangayan doon, chismis dito, chismis doon. May kanya-kanya silang mundo habang kami ni Aaron ay mayroon din. Ang kanyang isang kamay ay nasa ilalim ng lamesa habang nakapatong sa aking hita at hinihimas himas ito.
"You can bring Lawreen and Adrian with you. Kung sino pang mga kaibigan mong gustong dalhin pwede mong dalhin." dinala nito ang aking kamay sa kanyang labi at pinatakan ito ng mga mumunting halik.
"Pwede kong dalhin kahit sino basta kaibigan ko? Sure ka? Mga maingay ‘yon lalong lalo na si Kay-C." panglalaglag ko sa kaibigan ngunit tumawa lang ito.
"Hindi mo ba nakikita ‘yang mga ‘yan baby? Naririnig mo ba kung gaano ka ingay ang mga ‘yan? They are noisy as fuck, so don’t worry about your friends. Baka nga magkasundo pa ang mga iyan."
"Okay, i’ll tell my close friends later."
Natapos ang kainan ng hindi mapayapa syempre. Ang iingay ng mga tauhan ni Aaron. Ang ending pagkatapos ng kainan ay nag-inoman sila.
Nang magsapit ang alas diyes ay inaya ko nang umuwi si Aaron na agad din namang sumama. Marami rami rin siyang nainom kaya ako na lang ang nagmaneho ng kotse.
"Honestly, i don’t want to go to Iloilo City." napatingin ako sa kanya ng magsalita ito habang nakapikit.
"Hmm, why?"
"My Mom… live there." sa simpleng sagot na iyon ay alam ko na kung ano ang ipinapahiwatig niya.
"Pwede naman tayong magchange route tomorrow kung hindi mo kayang tumungtong doon Aaron." umiling ito at hinagilap ang aking kamay kaya binigay ko naman ito sa kanya. Kaya isang kamay na lang ngayon ang gamit ko sa pagmamaneho.
"I’ve seen your search history on your phone, at nakita ko doon na nisearch mo ‘yong Iloilo City so i think na gusto mong pumunta don kaya ‘yong lugar na ‘yon din ang sinuggest ko kanina." i don’t know how to react, he’s sacrificing his own feelings just to fulfill my dreams.
Yes, one of my dreams is to go to Iloilo City. Isa iyon sa pinakagusto kong lugar na puntahan. At bukas na bukas din ay makakatungtong na ako doon. Oh my god! Hindi ko alam ang mararamdaman, naghahalo halo na lang ata lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Thinking that Aaron cares for me, thinking that he’s willing to sacrifice his feelings for me, my heart melts.
Paano ko pipigilang mahulog sayo kung ganyan ang trato mo sa akin Aaron? Tell me, how can i stop this familiar feelings of mine for you?
Why?... Am i not allowed to love a person like you? Am i not allowed to care and understand a person who’s mentally sick?
Of course i am! I’m allowed, and i’m willing to risk for this feelings too.
Tiningnan ko si Aaron ngunit nakapikit na ang mga mata nito. Ang kanyang mahahabang pilik mata ay sa wakas nakapagpahinga narin. Mahimbing na itong natutulog kaya malaya ko itong napagmamasdan. He maybe acting like a strong person but i know… deep inside he’s weak.
I love you… and i’m willing to sacrifice everything for you too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top