Chapter 10: The Real Him

HAVING A BOYFRIEND who have a mental illness is not a hassle for me. Actually i found it challenging. I already saw how he got mad, sad, happy, cry, frustrated and other mix emotions on him.

I thought i already knew him. The real him. But no, not exactly when he killed someone infront of me. I was shocked and scared, pero imbis na magpaliwanag ay malademonyong ngumiti lamang ito sa akin na animo’y proud na proud sa kanyang ginawa.

Akala ko hahayaan niyang ang batas ang humatol sa kagagohang ginawa ni Erox sa akin. Akala ko hahayaan niyang mabulok na lamang si Erox sa kulungan. But then, again, i’m wrong. He killed Erox. He killed Erox infront of me while having this creepy smile plastered on his lips. Andiyan na ako sa puntong gusto ko na lamang tumakbo para iwasan at iwan siya. Pero tila may mga sariling isip ang utak ko na manatili sa tabi niya at intindihin siya.

Ilang linggo na ang lumipas simula ng mangyare ang insidenteng iyon. Pero heto ako, hina-hunting parin ng pangyayareng iyon. Patuloy parin akong hinahabol hanggang sa aking panaginip na parang ako ang may gawa non.

Today is sunday. And we decided to go to church and attend the mass. Niyaya ko si Aaron, nong una ay ayaw pa nito, nahirapan pa akong pilitin siya hanggang sa sumang-ayon na lamang ito dahil sa pagpupursige kong pagpilit sa kanya.

"I hope your fine with this. If ayaw mo talaga binbigyan kita ng chance na magback out ngayon. Hintayin mo na lang ako sa bahay, uuwi ako agad." Aaron decided to take me home. Parang jollibee lang may patake-home.

Napagdesisyonan ni Aaron na sa bahay niya na lang muna ako pansamantala dahil sa insidenteng nangyare. Gusto niya daw akong bantayan at masiguradong wala ng iba pang makakapanakit sa akin. Pero dahil matigas din ang ulo ko ay hindi ako pumayag, but knowing how hard-headed is he too hindi na ako nakapalag nang lahat ng gamit ko pinakuha niya na sa apartment namin at dinala sa bahay niya.

Lawreen and Adrian got mad at me, dahil bakit daw ako nagpapa-under. Ang sabi ko naman ay hindi ako nagpapa-under, it’s just that he’s too hard-headed. And besides mas maganda nadin ‘to para mas mabantayan ko siya, mas mabantayan ko ang mga galaw niya.

"I’m fine baby, pumasok na lang tayo mainit dito sa labas." ang arte ah.

Pumasok kami sa loob. Mayroong nagbibigay ng sobre na nag-aabang pagkapasok mo sa gate ng simbahan. Akala ko ay hindi iyon tatanggapin ni Aaron, ngunit kinuha niya ito at inilagay sa likurang bulsa ng pantalon niya.

Inakay ako nito papasok, sa loob kami ng simbahan naupo. Gusto ko sanang sa labas na lang dahil masyadong dim ang light sa loob pero wala na akong nagawa nang akayin ako nito. Sa bandang gitna kami nakapwesto, marami nang tao dahil nga naka-umpisa nadin ang misa.

Taimtim kaming nakikinig sa sinasabi ng pari ng bigla ko na lamang napansin na parang hindi mapakali si Aaron. Hindi ito mapakaling tumitingin sa kanan tapos sa kaliwa tapos sa likod na naman.

"Aaron okay ka lang ba ano bang nagyayare sayo?" hindi ko maiwasang hindi siya tanongin.

Humarap ito sa akin at agad na ngumiti bago umupo ng maayos. Akala ko ay sasagotin niya ako, pero nang tumingin ito sa kaliwang bahagi ng simbahan ay bigla na lamang ako nitong binulongan.

"Let’s get out of here baby, baka maraming madamay kapag hindi pa tayo umalis dito ngayon." hinawakan nito ang kamay ko at pilit pinapatayo. Hindi ko siya maintindihan, ano ba talaga ang nangyayare?

"Ano bang nangyayare Aaron? Care to tell me?" naguguluhan kong tanong.

"Let’s get out of here first. Please baby listen to me, kahit ngayon lang." tumayo ako at sumunod sa kanya. Hawak-hawak niya parin ang kamay ko. Mabilis ang paglalakad niya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng simbahan.

Nang makapasok kami sa loob ng kotse niya ay agad niyang pinaandar ang sasakyan mabilis itong pinaharurot. Tiningnan ko ito pero deritso lang ang kanyang tingin habang umiigting ang kanyang panga. Ang mga ugat sa kanyang kamay ay naglalabasan dahil sa sobrang higpit ng kanyang hawak sa steering wheel ng kotse.

Malalim akong napabuntong hininga bago siya napagpasyahang tanongin. "Now tell me Aaron, ano ba talagang nangyayare at kanina ka pa balisa?"

"May sumusunod sa atin. At kung hindi pa tayo umalis doon paniguradong maraming madadamay."

"May sumusunod sa atin na ano? Hanggang ngayon ba nakasunod padin siya? Sila? Anong kailangan nila satin?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"They want my head—fuck!" kasabay ng malutong na mura na iyon ni Aaron ang pagkawala din ng isang matinis na sigaw sa aking bibig dahil sa biglaan niyang pagpreno.

Napatingin ako sa harap upang tingnan kung may nasagasaan ba siya o ano dahil sa biglaan niyang pagpreno pero wala. Imbis ay dalawang itim na van ang nakita kong nakaharang sa amin. Nagsimulang kumabog ang puso ko dahil sa kaba.

Iyan na ba ang mga humahabol sa amin? Anong kailangan nila samin? Bakit nila kami hinahabol? Mga katanungang gumugulo sa aking isip.

"A-aaron…"

"Hey, hush. Don’t worry they can’t hurt you. Andito ako okay?" tumango tango ako kahit na kinakabahan.

Nakita kong may kinakalikot ito sa kanyang tenga bago magsalita.

"Hey are you still there," akala ko ay ako ang kausap nito. Akmang sasagot na sana ako ng magsalita siyang muli.

"Track my car, nandito sila ngayon sa harap namin. I’m with Clarke, and i can’t risk his life right now. Okay lang sana kung ako lang, kaya kong makipagputukan sa kanila." what is he talking about? Makipagputukan? Sino bang kausap niya?

"A-aaron ‘y-yong—ahhh!" isang putok ng baril ang nagpasigaw sa akin ulit kasabay ng bigla kong pagyuko. Diyos ko! Ano ba naman ‘tong nangyayare sa amin ngayon?

"Fuck it! Hold on baby, the rescue is coming. Damn it!" hindi ko alam kung pasasalamatan ko bang tinted ang kotse ni Aaron o hindi. Para na akong aatakihin sa puso dahil sa sobrang kaba at nyerbos dahil sa nangyayareng ito.

"A-aaron h-hindi ko n-na ‘t-to kaya! B-bababa na a-ako. O-open t-the door!" pilit kong binubuksan ang pinto ng kotse niya kahit na alam ko namang lock ito.

"No, it’s too dangerous outside baby. Do you want to die huh? Stop panicking, please trust me…"

"Tell me how can i stop panicking if someone out there is trying to shoot us? Paano ako kakalma ha? Paano ako hindi magpapanic?" ang mga luha sa aking mga mata ay parang waterfalls kung umagos. Tuloy-tuloy at masagana.

Lumapit si Aaron sa akin at pinunasan ang luha sa aking mga mata pababa sa aking pisnge. Hindi ko alam kung kinakabahan rin ba siya o sadyang sanay na siya sa ganitong sitwasyon.

"All i want you to do is to trust me. Can you… trust me? Are you willing to trust me baby?" umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nahihirapan akong magdesisyon kahit alam ko naman sa sarili kong may tiwala ako sa kanya.

"J-just don’t hurt your self." tumingin ako sa bintana at muntik na akong malaglag sa aking kinauupuan ng makita ang mukha ng lalakeng hindi ko kilala.

"Damn it! Baby, go to the passenger’s seat and lower your head." utos nito sa akin na agad ko namang sinunod.

Minuto ang lumipas ng bigla na lamang may kumatok, agad naman akong napatingin kay Aaron ngunit parang wala lang itong narinig. Sa akin lamang ito nakatingin gamit ang rearview mirror.

"A-aaron…" tawag ko sa kanya pero parang wala lamang itong narinig.

"Let's the game started." parang nag-aanunsyo nitong ani kasabay non ang sunod-sunod na putukan sa labas.

Napaatras pa ako ng bigla na lamang tumalsik ang dugo nang lalakeng kanina pa nasa labas ng bintana ng kotse ni Aaron. Nagulat ako ng bigla na lamang umuga ang kotse, pero mas nagulat ako ng bigla na lamang magpalabas ng baril si Aaron.

"Stay here, and please, don’t do stupid things that can harm you." lumabas ito ng sasakyan, sinundan ko ito ng tingin.

Saan niya nakuha ang baril na ‘yon? Paano siya nagkaroon ng baril? Ano pa bang hindi ko nalalaman sayo Aaron ha?

Kitang-kita ko kung paano siya makipagbarilan, makipagsuntukan, makipagsipaan, at ilagay ang sarili niya sa gitna ng dagat ng bala ng baril. How dare him to asked me to don’t do stupid things when he’s the one who’s doing it!

Kay Aaron lang ang atensyon ko. Ang kanyang mga galaw ay pinong-pino at mukhang pro. Dito ko nakita ang kabrutalan niya, hindi ko inaasahan ang nakikita. Kung paano niya baliin ang kamay ng kalaban niya, kung paano niya tapakan ang tuhod ng kalaban niya hanggang sa mabali ito, kung paano niya barilin ang mga kalaban niya sa sensitibong katawan. Napapikit ako ng itutok ni Aaron ang kanyang baril sa ilalim ng baba ng kanyang kalaban. Hindi ko alam na ganito siya kabrutal. Umalis ako sa bintana at nakayukong umiyak dito sa backseat.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras nagtagal ang putukan. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras bago ito matapos. Naramdaman ko na lamang na bumukas ang pinto ng kotse ni Aaron pero hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino man ito. Kung may pumatay man sa akin ngayon, okay lang, kahit ipagduldulan ko pa ang sarili ko sa kanya.

Isang mainit na yakap ang bumungad sa akin ng bumukas ang pinto. Hindi ako gumalaw o sinuklian man lang ang yakap niya. Wala akong ginawa kundi ang yumuko kahit na wala naman nang luha na umaagos sa aking mga mata.

Inangat niya ang aking ulo at pinatong sa kanyang dibdib bago iyon inalalayan. Ang kanyang isang kamay ay nakapalibot sa aking katawan habang ang isa naman ay nakaalalay sa aking ulo.

"Rest baby… we’ll talk about this tomorrow." he kissed the tip of my head.

So this is the real him, this is the way he live.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top