Chapter 8
Frixiah P.O.V
Huminga pa ako nang malalim, Kung pwede lang maubos ang hangin ay kanina ko pa iyon naubos at nakabulagta na kaming lahat sa buhangin hindi ko na maalala kung kailan pa ako nakalanghap ng preskong hangin.
I could stay here forever.
Tiningnan ko ang mga kasamahan kuna naliligo sa dagat, Kinausap ko din ang pamilya ko sa telepono kaya hindi na ako nakahabol pa.
As usual, nakitsismis ang madaldal kong kapatid na si Acy. Gustong kong sabihin na unang araw pa lang ng bakasyon ay disaster na ang nangyari pero mas pinili ko na lang manahimik kahit kating-kati na ang dila ko na ikuwento ang mga nangyari kaninang umaga, I didn’t know what happened pero pinabango ko na lang ang image ng idol niya.
Hindi masyadong maraming tao dahil hindi pa naman kasagsagan ng summer at siguro ay kinontrata ni JayVT ang mga security na limited lang ang makakapasok dahil nga may sikat na personalidad sa loob ng resort.
Kinuha ko nalang ang camera kosa lagayan nito at panahon na siguro para magkaroon ako ng selfie, Mas gusto kong kumuha ng picture ng ibang tao kaysa ang sarili ko pero hindi ko din palalampasin ang pagkakataong ito lalo na at maganda ang View ng Background.
“Mukhang nahihirapan ka. Pwede ka namang humingi ng tulong.”
Napahinto naman agad ako sa ginagawa ko at tiningnan ang lalaking hindi yata marunong ngumuya at nilunok nang buo ang mga pandesal at dumeretso agad sa tiyan.
The man standing in front of me, own a Greek-like body.
Lalo na at tumatama ang sinag ng araw dito.
Sino ang tinutukoy ko?
Walang iba kundi si JayVT.
Hindi lang pala ang mukha nito ang guwapo dahil sumisigaw rin sa ka-sexy-han nang katawan nito, Ngayon lang ako nakakita ng lalaking may bukol na nga ay guwapo pa rin lalo na at wet look ang peg.
Why was I having the urge to touch those wet abs?
“I-enjoy mo na lang ang view, sayang naman lalo na at free viewing, take a also a picture it last longer.”
“Hindi ako nag-e-enjoy. Nakaharang 'yang katawan mo sa view ko.” defensive ko pang sagot.
Halata ba na tinititigan ko ang katawan niya?
“Kung 'yan ang sinabi mo, Ibigay mo na lang ang camera mo sakin at ako na ang kukuha ng litrato para hindi ka na mahirapan.” alok niya.
“No, thanks. I can manage.”
Nagsimula uli ako sa pagkuha ng selfie wala na akong pakialam kung nasa harap kosi JayVT. Ayaw kong isipin nito na nahihiya ako o nako-conscious kahit iyon naman talaga ang nararamdaman ko.
“What do you want? Bakit nakabalandra pa iyang mukha mo riyan?” pagtataray ko.
Ayaw kong pinagmamasdan niya ako dahil para akong natutunaw. I didn’t even know kung ano ang mas mainit, Ang sinag ng araw o ang titig niya.
“If you don’t need some help. Me, I need some. Can you please get my towel?”
“Akala ko ba, sayo itong hotel na ito? Bakit sakin mo hinihingi ang tuwalya mo?”
“Actually nasa likuran mo kasi. Hindi naman siguro nakakahiya kung iabot mo ang towel ko na ilang pulgada lang ang layo sayo, diba? Sorry naman kung naistorbo ko ang pagkukuha mo ng litrato pero nilalamig na talaga ako rito.” Niyakap pa niya ang sarili.
Ano kayang pakiramdam na makulong sa mga braso na iyon?
Ayaw ko sa tono niya, Para kasi itong teacher at ako ang batang estudyante na hindi makaintindi kaya kailangang bagalan ang explanation.
Lumingon ako sa likuran at nakitang nakasampay sa sandalan ng aking inuupuan ang isang puting tuwalya. Padabog kong iniabot sakanya ang tuwalya, saka tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong ni JayVT.
“Nakakahiya naman na ako ang nakaupo dito sa upuan mo kaya aalis na lang ako.” sagot ko.
“It’s okay. Dito na lang ako uupo.” At umupo ito sa katabi ng upuan ko, Hindi ko din maalis ang tingin kosa kanya.
He looked so hot with the water dripping from his hair into his face and down to his body that was made of steel.
Parang kumikinang din ang katawan niya dahil sa sinag ng araw.
Okay, that was a compliment.
“Ito towel.” sabi ni JayVT at inabot sakin pabalik ang towel na tapos nang gamitin.
“Personal assistant mo ba ako o isang staff dito sa resort? Hindi porque ikaw ang may-ari nito, pwede mo na kaming utusan.”
“Ang haba ng sinabi mo. Pinapahiram ko lang ang towel ko dahil tumutulo na ang laway mo, oh...” sabi niya at itinuro ang bibig ko.
Napahawak agad ako sa labi ko at kinapa para tingnan kung tumulo nga ba ang laway dun pero narinig kong ang impit na pagtawa niya.
Naysss, napagtripan ako ng loko!
Bakit naman kasi hindi ko maalis ang tingin dito at naniwala naman agad sa sinabi niya?
“Kapag hindi ka tumigil diyan, sisiguruhin ko talagang hindi lang isa ang bukol mo.” banta ko na pinukolan ito ng masamang tingin.
“I was just kidding. Hindi ko naman alam na maniniwala ka.” natatawang sabi niya.
Ipamukha mo pa na naisahan mo ako nang makatikim ka!
Imbes na sumagot ay kinuha ko nalang ang juice na nasa mesa at humigop doon.
“Sa pagkakaalala ko, ako ang nasaktan at nagkabukol pero wala naman akong ginawa sayo, I just greeted you.”
“Anong ‘I just greeted you?’ Sinabi mo kayang magnanakaw ka.”
“Magnanakaw nga dahil kinukuha ko ang matatamis na oo ng mga babae.” sabi ni JayVT at kumindat sakin.
Napatanga naman ako sa narinig ko. Pinalo ko siya sa pag-aakalang totoong magnanakaw ito pero pinagtripan lang pala ako.
Tumayo ako at sinipa siya. Napahiyaw naman siya at nasapo ang nasaktang binti.
“Aray! A-ano na namang ginawa ko?!”
“Baliw ka! Akala ko totoong magnanakaw ka!”
“Are you crazy? Itong guwapong mukha ko? Teka nga, hindi mo ba ako kilala ha?”
“Hindi kasi kita namukhaan agad.”
“What?” Kumunot ang noo niya.
“Hindi ko suot ang eyeglasses ko kaya medyo malabo ang paningin ko nun at hindi ko pa kabisado ang mga mukha niyo dahil sa totoo lang, hindi ko naman talaga kayo kilala. Di ba, nakita mo iyong mukha mo sa iPad? Sine-search ko uli ang mga mukha niyo.” paliwanag ko.
“Bakit sumali ka sa raffle kung hindi mo kami kilala?”
“My younger sister used my name para makasali sa raffle na ito dahil hindi pa siya pasok sa mechanics niyo since sixteen pa lang siya. Kung alam mo lang kung gaano siya ka-adik sa banda niyo, lalo na sayo.”
“Hindi ka ba talaga pamilyar sa amin? O kahit sa advertisements man lang?”
Umiling naman ako.
“Hindi. Di kasi ako mahilig sa showbiz.”
“Ngayon alam ko na kung bakit sinigawan mo ako sa telepono at pinalo ng iPad. Well, may dalawang araw pa tayong natitira para kilalanin ang isa’t isa.” nakangiting sabi niya at inakbayan ako.
Siniko ko naman agad ito.
“Ano bang problema mo, ha? Napapansin ko, kanina mo pa ako sinasaktan.” reklamo ni JayVT pero hindi ko naman makita ang inis sa mukha nito.
“Bakit mo kasi ako inaakbayan, ha? Pwede namang mag-usap tayo nang harapan hindi iyong sobrang lapit mo.”
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko tuwing malapit si JayVT sakin. Para kasing hindi normal ang tibok ng puso ko at hindi yun makontrol.
Iyong tipong gustong kumawala sa loob ng dibdib ko sa lakas ng tibok.
“Sobrang sensitive mo naman... Hindi naman ako mabaho, ah. Anyway, I’m Jay Vincent Tolabing call me Jay Vincent or Jay for short and you’re Xiah, right?”
Tinaasan ko lang siya ng isang kilay.
“Para naman makilala mo na ako. Getting to know each other kumbaga at sana dumating ang panahon na magustuhan mo rin ang banda namin.” dagdag pa niyang sabi.
Hindi naman siguro imposible kung magustuhan ko ang banda nila. Iyong banda lang naman.
Bakit ano pa ba ang ibang magugustuhan ko? Si Jay Vincent?
Napailing na lang ako sa naiisip ko.
“My name is Frixiah, not Xiah.”
“I like Xiah better.”
I like you, too.
Grabe ka naman, he like the name Xiah, hindi ikaw!
Kontra pa isip ko.
Iyon ba talaga ang epekto ng Banda? Kaya nilang maghipnotismo ng mga babae at mawala sa tamang pag-iisip?
“Hindi kita magulang kaya huwag mo akong bigyan ng bagong pangalan.” sagot ko pa.
“Hindi ko naman binago ang pangalan mo. Hindi naman sinabi na magulang lang ang pwedeng magbigay ng nickname.”
Hindi ko ito pinansin dahil tama naman ang sinabi niya, Sanay akong, Ako ang palaging may huling salita pero napatahimik akosa kanya.
“Ikaw, baka gusto mo ‘Mahal’ na lang ang itawag mo sakin.”
Mahal… That sounds good.
Napailing na lang ako at naglakad palayo dahil baka kung ano pa ang masabi ko.
“Where are you going?” tanong ni Jay.
Nilingon ko siya, I wanted to relax at sa tingin ko ay hindi ako makakapag-relax kapag naroon si Jay Vincent dahil parang nagwawala ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
Parang nahihirapan din akong huminga,
Siguro epekto na iyon ng global warming.
“Why do you care?”
“Because I care for you.” Pabirong sagot ni Jay Vincent at dinala ang dalawang kamay niya sa tapat ng kanyang dibdib, pagkatapos ay itinuro ako.
*End of Chapter 8*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top