Chapter 6
Frixiah P.O.V
“Hello, Miss Beautiful Sexy.” Ang ganda naman ng alarm clock ko ang ganda ng boses.
“Hindi ka ba nakatulog nang maayos?”
Unti-unting kong iminulat ang mga mata ko saka inilibot ang tingin sa paligid, Nasa loob pa rin ako ng villa at may nakatayong lalaki sa harap.
Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang kami ni Hazzel sa villa na iyon kaya nga naisipan namin magkasama sa isang kwarto since dalawa naman ang kama.
Napatayo ako agad nang ma-realize na may ibang tao sa loob ng villa.
Hindi ko gaanong makita nang malinaw ang mukha ng lalaki dahil wala akong suot na salamin o contact lens.
Sa nanlalabong mga mata ay tiningnan ko ang kabuuan ng lalaki parang ito isang lalaki na lumabas mula sa magazine dahil sa kakisigan ng katawan.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang humakbang ito palapit sakin kaya awtomatikong akong napaatras.
“Huwag kang lalapit!” saway ko sa lalaki.
Pero imbes na sundin ang aking sinabi ngumiti lang Siya at humakbang palapit.
Tumingin ako sa paligid para makita kung may mahihingan ako ng tulong pero mukhang nasa malayong parte kami ng resort dahil wala akong makitang tao.
“Umalis ka, tatawag ako ng security.” banta ko pa pero hindi man lang ito natakot.
Was that amusement I saw in his eyes? Namamangha ba ito na napagbantaan ko siya?
“Are you scared of me? Hindi naman ako rapist, Magnanakaw siguro pwede pa.”
Natulala ako sa boses niya parang narinig na niya ang boses na iyon pero hindi ko maalala kung kailan, Basta ang alam ko ay masarap pakinggan ang boses niya. So smooth and clear that I could listen to him all day.
Hoy, Frix, anong pinagsasasabi mo riyan? Magnanakaw ang nasa harap mo!
Nagising pag iisip kosa pagmumuni-muni at agad na inihampas sakanya ang iPad.
My mind was telling me to smash the gadget on his face but my heart was telling her not to do it.
Aaminin kong kinakabahan ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ako makaramdam ng takot at iyon ang mas kinatatakutan ko, lalo na at hindi ko kilala ang lalaki.
“Pistooool! Anong ginawa mo?” hiyaw ng lalaki habang hawak ang nasaktang noo niya.
“Dapat lang iyan sayo dahil sino ka ba? Magnanakaw! Pasok ka nang pasok sa cottage nang may cottage!”
“I don’t care, woman! I’m not in the wrong cottage at wala akong pakialam kung magsumbong ka pa because my family owns this resort!” Nagulat ako sa sinabi niya pero agad ding nakabawi.
“Ano ngayon kung pamilya mo ang may-ari nitong resort? Pamilya ko ang may-ari ng buong Cebu at kaya kitang ipadampot dito!”
Sa panahon ngayon ay marami na ang manloloko baka miyembro ito ng bagong modus ek ek ngayon, Iyong puro guwapo ang mga miyembro para madaling mauto ang mga babae ganun yun.
“Umalis ka na dito kung ayaw mong makulong.” banta ko.
“Damn it! Hindi mo ba talaga ako kilala? Ako si Jay Vincent Tolabing.” naiinis na sabi ng lalaki habang hinihimas ang noo niya napamura pa ito at tiningnan ang kamay kung may bahid ng dugo.
“Ano ngayon kung ikaw si Jay Vincent?” Muli kong itinaas ang iPad para hampasin sana uli ang lalaki pero agad nitong napigilan ang aking kamay.
Naalarma ako hindi dahil hawak ng lalaki ang kamay ko kundi dahil sa naramdamang kakaibang kuryenteng nagmumula sa palad niya.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin sinubukan kong bawiin ang mga kamay ko pero hinigpitan lang ng lalaki nato ang pagkakahawak doon.
Masyado nang malapit ang mukha niya sakin kaya malinaw ko ng nakikita ang mukha ng lalaki, Pinagmasdan ko ito.
Ang pamilyar na makakapal na kilay na ngayon ay nag-isang linya na at ang mala-tsokolateng mga mata na nakatingin sa kanya.
Napalunok ako nang maalala ang isang picture na ipinakita sakin ni Acy bago siya umalis, Binigyan kasi niya ako nito ng mga litrato ng banda para papirmahan kosa kanila.
The only difference was the stubble that was starting to grow in his jaw, Pero imbes na magmukhang marumi ay mas gumuwapo pa ang lalaki saking paningin.
“J-JayVT?” Ngumisi naman ito.
“The one and only.”
Nanghina ako saking narinig kaya nabitiwan ko naman ang iPad, Sabay kaming napatingin sa sahig at nanlaki ang aking mga mata nang makitang ang litrato niya ang naroon.
Iyon ang hinihintay kong matapos mag-loading bago ko ipinikit ang mga mata ko.
Lumipad agad ang aking tingin sa lalaki na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatutok ang mga mata sa iPad ko na para bang tinitingnan kung sino ang nasa litrato. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang yuyuko ito para kunin ang gadget pero inunahan ko siya.
Nakahinga ako nang maluwang nang makuha iyon pero eksaktong pagtayo ko ay tumama ang ulo ko sa panga ni JayVT.
“Damn! Papatayin mo ba ako?! Nagpapanggap ka pang hindi mo ako kilala, eh.... kita na ang ebidensiya na pinagpapantasyahan mo ang picture ko.”
Pinagpapantasyahan?
“A-ano. Hindi. M-mali…” I groaned in frustration, Hindi ko kasi matapos-tapos ang gustong sabihin.
Hindi ako sigurado kung namumula ang mga pisngi ko dahil sa hiya o inis. Hiya dahil nahuli ni JayVT na may picture siya sa iPad o maiinis dahil naasar ako sa sariling katangahan?
Ah, ewan! Bakit ba kasi hindi ko ito agad namukhaan? Dahil ba mas guwapo ito sa personal?
Iniwan na siya dahil baka kung ano pa ang masabi ko, Kumunot Naman ang noo ko nang makita si Hazzel na nakatulala sa harap ng isang lalaki.
Iyon ba ang Joseph ng buhay niya?
“And you are…?” narinig kong tanong ni Joseph.
“Your future girlfriend.” sagot ni Hazzel na mukhang nananaginip,
Nanlaki naman ang mga mata ko saking narinig.
Alam kong gusto ni Hazzel si Joseph pero hindi ko akalain na patay na patay pala ito sakanya, Tumayo ako sa harap ni Hazzel.
“Hazzel! Naririnig mo ba ang pinagsasasabi mo?” tanong ko.
“H-huh??” Lutang na sagot niya sakin.
Bumuntong-hininga ako at napailing, Mukhang mas lutang pa ang isip nito kaysa sakin.
“Sorry if nag-trespass kami at dumeretso sa cottage niyo at natulog. We thought na nasabihan kayo ng staff.” hinging-paumanhin ni Joseph.
Bakit ba kasi ang guguwapo nila at ganito na lang ang epekto nila sa mga babae?
Naiintindihan ko na kung bakit naroon ang dalawa nakalimutan yata ng mga staff na sabihin samin.
Akala ko pa naman mabuti ang serbisyo mana lang pala sa amo.
Teka! bakit nadadamay na ang mga staff sa pagkainis ko?
“O-okay lang. Mas okay nga kung dito ka sa puso ko matulog at hindi kana lumabas.” nakangiting sabi ni Hazzel.
Napatingin ako sa dalaga.
“Hazzel!” saway ko hindi man lang yata ako nito napansin.
“I like your humor, Miss…?”
“Beautiful, Hazzel, Haze, Honey, whatever you call me.” parang wala pa rin sa sariling sabi ni Hazzel.
“Haze!”
“Mabuti pa iyang kaibigan mo, marunong mag-appreciate ng magagandang bagay sa paligid. Hindi katulad—”
“Heh! Eh...Bakit? magandang bagay ka ba na kailangan kong i-appreciate? At sorry, lutang lang ito dahil nakita niya ang kanyang ultimate crush.” agad na kontra ko kay JayVT na nakatayo na pala sa tabi ni Joseph.
Hinila ko si Hazzel pabalik sa kwarto namin at iniharap sa malaking salamin kung nakita lang nito ang hitsura kanina, mahihiya ito at nakaharap ang crush sa ganoong ayos.
Hindi ko pinansin ang pagmumura ni Hazzel. Nanlaki pa ang aking mata nang makita ang sariling repleksiyon.
Pwede na akong mag-extra sa isang pelikula bilang aswang dahil sa sabog kong buhok, dagdagan pang hindi nasuklayan iyon.
Mukhang nasayang lang ang oras ko sa pag-aayos kahapon dahil iyon lang naman pala ang mabubungaran ni JayVT.
Teka nga! ano bang pake ko?
*End Of Chapter 6*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top