Chapter 2


Frixiah P.O.V

~THROWBACK~

Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Xiah!” nanggigigil na sigaw ni James nang makarating kami sa dressing room, Nakikita ko ang galit sa mga mata niya.

Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya sumigaw ako ng cut para matigil ang kissing scene ni James sa isang music video, Ayaw kong makitang may kahalikan itong iba kahit acting lang.

James, ayokong makita kang may kahalikan. Hindi ba, ako ang girlfriend mo? Ako lang dapat ang pwedeng humalik sa—”

Hindi mo ba naiintindihan?! Parte iyon ng trabaho ko. Nakakahiya doon sa direktor at kay Raquel ang ginawa mo.” tukoy niya sa katrabaho.

Hindi ko maintindihan kung bakit may kissing scene ang boyfriend ko. Hindi naman ito lead singer at hindi rin artista.

So, why him? He was a singer, not an actor!

Napipikon na ako sa kaartehan mo, Xiah, ha!” sabi ni James at isinuklay ang buhok gamit ang mga kamay na parang nauubusan na ng pasensiya.

Nakagat ko nalang ang aking ibabang labi, Nag-unahan sa pagpatak ang na ang mga luha ko.

Kaartehan ba ang tawag kung ayaw kong makitang may kahalikan ang boyfriend ko?

“Let’s stop this, Xiah. Hindi na magwo-work out itong relasyon natin.”

“N-no. I love you—”

“I don’t love you anymore, Xiah. Masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy pa natin itong relasyon natin.” sabi niya at naglakad palabas ng dressing room.

Hinabol  ko siya at niyakap sa likuran.

No. Hindi na kita guguluhin sa mga GIG mo at hindi na ako magrereklamo kapag isang crew or PA ang pagpapakilala mo sa akin para—”

Stop it, Xiah. I already love Raquel and I’m sorry.”

~END OF FLASHBACK~


Yiee! Naalala mo siya, nuh?” tukso ni Acy na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

Hindi kami inabot ng five years and to make it short, we are not meant to be.” sagot ko at pilit na ngumiti.

I made the story short. Hindi kami nagkatuluyan, as simple as that. Ayaw ko nang ikuwento ang nangyari dahil wala namang magbabago.

We didn’t end up together, in short walang happy ending.

Super short, ha? Kaya ba hindi ka pa nagkaka-boyfriend dahil hindi ka pa naka-move on sa kanya?”

“Ang swerte niya kung ganun. Wala pa akong oras para mag-boyfriend at hindi ko pa nakikita ang para sa akin.”

Nasaktan ako nang sobra pero hindi na iyon ang rason kung bakit wala pa akong Boyfriend.

Oo, mahirap sa una pero sawa na akong magmukmok sa isang tabi samantalang hayun si James at nagpaparami ng pera. Kung ganoon ang ginagawa ng dati kong boyfriend, kaya ko rin iyong gawin.

Iyon na nga ang ginagawa ko hanggang sa nakalimutan kona siya. I had a hard time moving on pero kahit mahirap ay nagawa ko.

Time flies, feelings fade…

Kahit bigo sa unang relasyon, naniniwala pa rin ako na darating din ang lalaki na para sakin, Baka na-traffic lang o nasiraan ng kotse. Hindi por que nasaktan na ako noon ay hindi na ako magmamahal uli.

Kung sino man ang sunod kong makakarelasyon, sisiguruhin kona kagaya ko siya, living in a simple life.

Ang love life ang pinakahuli sa listahan ng priorities ko sa buhay, At the top of the list in my priorities was to have my own studio. Hindi biro ang magkaroon ng studio dahil ang mamahal ng mga equipment, Ultimo lens ng camera ay aabot ng ilang libong piso. Mas mahal pa kaysa sa camera, Kung pwede lang ay tatalunin niya ang kalabaw para lang magkaroon ng sapat na puhunan.

Hindi ka ba talaga nagkagusto sa mga lalaking kinukunan mo ng mga litrato? Kung ako iyon naku, niligawan ko na. Ang guguwapo kaya nila.” Minsan ay nakikiusyoso ang aking kapatid tuwing tina-transfer ko ns ang mga litrato galing sa memory card papunta sa laptop.

Hindi naman ako bulag para hindi makita ang magagandang nilalang na nagkakalat sa mundo, Marunong akong mag-appreciate lalo na at isa akong photographer. Kailangan iyon sa kanyang trabaho, Pero sad to say hindi ko type ang mga ito.

Kung ano-ano na lang ang pinagsasasabi mo. Ang mabuti pa, tapusin mo na iyang ginagawa mo at alalahanin mo—”

“Books before boys.” pagtatapos ni Acy sa sasabihin niya.

Ginulo ko ang buhok ng aking kapatid bago lumabas ng kwarto. Masaya na ako na alam nito ang priorities sa buhay.

Naglakad na ako pabalik sa kwarto pero imbes galawin ang laptop ay sumandal ako sa upuan at pumikit, Four years had passed pero hindi ko maaaring kalimutan kung paano magmahal sa isang tao na hindi naman ako kayang ipagmalaki. Kailangan ko pang magpanggap na isang staff, kaibigan, o personal assistant para lang makasama si James sa mga lakad nito.

Napadilat ako nang may kumatok sa pinto, Napangiti ako nang makita ang si Mama na may dalang isang tasa ng kape.

Ito, oh... Ang sabi ng kapatid mo, nagtatrabaho ka pa raw. Alam naman namin na hindi ka namin mapipigilan kaya ipinagtimpla na kita ng kape.” sabi nito at inilapag sa mesa ang tasa.

Thanks, Ma... at sa makulit kong kapatid.”

“Alam mo, anak, kababae mong tao pero dinaig mo pa ang mga lalaki sa kakatrabaho mo. Hindi ba boring? Ako nga napapagod sa kakatingin saiyo—”

“What?! Nagsasawa ka na sa pagmumukha ko?” Natawa naman ang mama niya at umiling.

Ang ibig kong sabihin, hindi ka ba napapagod? Parang ang boring ng buhay mo, Anak. Hindi pa kita nakitang gumimik kasama ang mga kaibigan mo. Nakaka-adik ba iyang camera mo at hindi mo mabitawan? At tingnan mo itong kwarto mo, parang opisina na.” Pinagmasdan ko naman ang sarili kong kuwarto.

Kung ang kwarto ni Acy ay puro larawan ng banda, ang sakin naman ay ang mga paborito kong litrato na ako mismo ang kumuha. May laptop, iPad, at camera sa ibabaw ng mesa. Nasa isang sulok ang tripod. Nakapatong din sa mesa ang ilang lens ko pero hindi naman makalat tingnan ang kwarto.

Organized was the right term.

Kailangan ko ang mga iyon para matapos ang trabaho hindi talaga ako gumigimik, Wala akong panahon para doon dahil imbes na magsayang ng oras sa isang bar ay gagamitin na lang iyon para mag-edit ng mga litrato o kaya ay matulog. Wala rin akong maraming kaibigan, Ang tanging kaibigan ko lang ay si Nina at ang mga katrabaho sa studio, Natawa si ako sa sinabi ni Mama.

Ma, gusto mo ba talagang gumimik ako? Ngayon lang ako nakakita ng isang ina na gustong gumimik ang kanyang anak. And I’m already happy with my life basta kasama ko kayo at ang camera ko.” Ani ko pa bago humigop ng kape.

Hmm… Coffee.

Natawa rin si mama.

Malaki ang tiwala namin sayo at hindi ka na bata, Nasa tamang edad ka na at alam kong alam mo ang tama at mali. Ako kasi ang napapagod kapag nakikita kitang palaging kaharap ang laptop. Wala kang social life, Parang asawa mo na iyang camera mo. Kailan kaya ako magkakaroon ng apo?”

Naibuga ko pa ang kapeng iniinom ko, Mabuti na lang at hindi nabasa ang laptop. Tumawa naman si mama at hinagod ang aking likod.

Asawa kona nga siguro ang camera, Hindi ko kase iyon ipinahihiram kung kani-kanino lang. Hindi naman  madamot ako, Ayaw ko lang na pinakikialaman ang mga gamit na mahalaga sakin.

Ma!” Hindi ko akalain na mapupunta sa pag-aasawa ang diskusyon ngayon.

Aba! Totoo naman, ah. Nasa tamang edad ka na para magka-boyfriend at mag-asawa, Para naman hindi na damulag ang aalagaan ko.” biro nito.

Bata pa ako, Ma. At marami pa akong gustong makuha bago mag-asawa.”

“Naiintindihan naman kita, Anak. Nag-aalala lang ako dahil wala ka pang naging boyfriend, Ayokong magpakalunod ka sa trabaho at hindi ka na makapag-asawa. Ayokong tumanda kang mag-isa. Malungkot ang mag-isa, anak hindi ko rin naman sinasabing maghanap ka na agad ngayon ng lalaki. Ang gusto ko lang, balansehin mo ang oras mo. Ayaw naming dumating ang panahon na magsisi ka sa pagtanda mo iyong hindi mo nagawa ang mga gusto mong gawin nung kabataan mo pa, Kailangan din nating magpahinga. Ni hindi ka nga nanonood ng sine, May energy ka pa para gawin ang mga bagay na gusto mo kaya hindi namin kayo pinagbabawalan, but know your limits wala naman kaming pinagsisihan ng Papa mo kaya hinahayaan namin kayong gawin ang mga gusto niyo para wala rin kayong masabi.”

Ngumiti na lang ako at tumango, Hindi ko ipinakilala si James sa pamilya ko dahil iyon ang mga panahon na gusto nitong mag-focus ako sa pag-aaral. Ayaw rin ng boyfriend ko noon na marami ang may alam tungkol sa relasyon namin dahil baka raw malaman ng fans nito at kumaunti ang bumili ng album ng bandang kinabibilangan nito.

Sinunod ko ang gusto ni James dahil ayaw kong hiwalayan Niya ako nito ganyan ko kamahal ang dating boyfriend ko kaya nang magkahiwalay kami ay sinarili ko lang ang sakit kahit mahirap.

Naiintindihan ko din si Mama, Ayaw ko rin naman tumandang mag-isa pero ayaw ko din  madaliin ang sarili.

Ayaw kong mauwi na naman sa wala at ayaw kong maranasan ang mga naranasan ko noon dahil hindi kona alam kung ano ang gagawin kung maulit pa uli. Siguro kailangan ko muna mag-enjoy.


*END OF CHAPTER 2*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top