Chapter 13

Frixiah P.O.V

Tumungga ako ng isang lagok sa dala ko na isang bote ng beer mag-isa ako nakasalampak sa buhanginan ngayon at pinakikiramdaman ang malamig na hangin na dumadampi saking balat.

Sumasayaw rin ang aking buhok sa hangin.

Ine-enjoy ko na ang tahimik na paligid at ang oras habang narito pa akosa Cebu Resort.

Masaya ako dahil nakita ako na  sa personal ang Underground River it was a beauty in darkness  I also amazed by the outstanding rock formations resembling different things.

Hindi ako makapaniwalang may ganoong kagandang bagay na nag-e-exist naturally.

A magnificent scenery that no man could ever create.

Time really flew when you were having fun. Marami ang nangyari ngayong araw pero isa lang ang hindi ko makakalimutan…

Flashback~

Mag-sexy dance ka… Sa harap ni Frixiah.” utos ni Gypsy.

“I like it.”

No way! Gyp, bakit kasama ako?” angal ko pa pero mukhang wala itong balak na pansinin ako.

Ulitin ko, ha? Ang sabi ko, mag-sexy dance ka sa harap niya.” baling niya kay Jay Vincent at inginuso ako.

It was Gypsy's turn to spin the bottle as it stopped in front of Jay Vincent hind ko alam kung bakit pati ako ay kasali sa consequence.

Ano pa ang pinoproblema natin? Mga legal na tayo, makakabuntis na nga, eh.” parinig ni Niel at tumawa nang malakas.

Pinaningkitan ko ito ng mga mata pero walang epekto dahil tinawanan lang niya ako.

Let the show begin!”

Napalunok ako nang biglang pumailanlang ang Disco na kanta ni Flo Rida na “LOW” at naglakad papunta sa pwesto ko si Jay Vincent.

Ewan ko ba kung bakit iyon pa ang napiling patugtugin ni Gypsy.

Watch me, bhe.” bulong ni Jay.

Napapikit pa ako nang maramdaman ang mga labi nito sa gilid ng aking tainga. His voice sent shivers down my spine.

I unconsciously bit my lower lip nang magsimulang gumiling si Jay Vincent kaya nag-iwas ako ng tingin.

Ayaw kong makita ang stick nitong katawan at sumayaw na parang tuod pero alam kong nagsisinungaling ako.

I knew that I  couldn’t take my eyes away from him.

I hissed nang biglang dumilim ang aking paningin and all I could smell was his manly scent.

Ibinato pala Jay Vincent sakin ang T-shirt nito.

Nagkasala tuloy ang aking mga mata dahil hindi na ko naalis pa ang tingin sa katawan niya.

End of Flashback~

Maraming model na ang nakatrabaho ko at mas maganda pa nga ang pangangatawan pero kahit minsan ay hindi ako natulala roon.

Ngayon lang, dalawang beses pa hindi ko kasi  inaakalang magaling ring sumayaw si Jay Vincent, Para tuloy akong tanga na nauuhaw sa isang lalaki.

Sinasabi na ba sakin ng tadhana na panahon na para maghanap ako ng lalaki sa buhay ko?

“Hey, beautiful.”

Lumingon ako sa likuran kung kanina ay nasa isip ko lang  si Jay, ngayon ay nakaupo na ito sa tabi ko.

Ito na kaya ang ipinadala ng tadhana? Sana nga…

Saan ang maganda rito?” tanong ko at luminga-linga pero kaming dalawa lang ang naroon.

Everything is beautiful when you’re around.”

Napabaling ako kay Jay Vincent na agad kong pinagsisihan.

Nakatutok kasi ang mga mata nito sakin and his eyes were telling me that he was telling the truth at alam kong kaunti na lang ay mahuhulog na ako rito.

Mabuti na lang at ang liwanag sa buwan at poste ng ilaw lang ang nasa paligid kung hindi makikita ni Jay na namumula ang aking mga pisngi.

I could swear parang may nagpa-party sa loob ng aking dibdib sa sobrang ingay dahil sa kabog. I needed a drink right now to calm myself.

Nag-iwas ako ng tingin at akmang iinom sa beer nang bigla nitong agawin sakin ang bote at itinungga iyon.

May problema ka ba at umiinom ka?” Ngumiwi si Jay Vincent sa lasa ng beer.

Hindi ka ba umiinom at ganyan ang hitsura mo?”

Wala akong problema kung mayroon man iyon ay ang aking sarili. Iniisip ko kung bakit palaging bumibilis ang tibok ng aking puso kapag nakikita si Jay Vincent o kapag naririnig ang pangalan nitong JayVT.

Kung bakit hinahanap ko siya kapag wala ito saking tabi.

There were so many unfamiliar things that were happening to me.

Not used to drinking. Madali kasi akong malasing." pag-amin ni Jay.

Really?” Si Jay Vincent pa lang ang kilala kong lalaki na hindi umiinom ng Alak. “Bakit ininom mo iyong beer ko kung madali kang malasing?”

“Okay lang sakin na ako ang malasing. Huwag lang ikaw… Alam mo na, baka may pagnanasa ka sakin.” sagot niya at tumawa.

Kung may pagnanasa ako sayo eh...hindi dapat nilunod na kita sa beer.”

Gawin ko kaya? Hoy! Frixiah... nagiging pervert ka na.

Mas lumakas naman ang tawa ni Jay.

Oo nga pala, noh?”

Napuno nang tawa niya ang lugar, I couldn’t believe it... Ang bilis umepekto ng alak sakanya na ikinapula ng kanyang mukha.

You know what? Masaya ako na ikaw ang isa sa nanalo sa raffle.” sabi ni Jay Vincent.

Ako rin, masaya ako dahil nakilala kita.

“Bakit naman?” tanong ko.

Minsan lang ako makakita ng isang babae na hindi sumisigaw sa kilig kapag nakikita ako, tinanggihan ang ino-offer kong friendship... sinipa ako at higit sa lahat, hinampas ang iPad sa ulo.”

I couldn’t see any anger in his eyes instead I  could see an Amazement in it. Naalala ko pa kung paano ang naging una naming pagkikita nakonsensiya ako nang mahagip ng aking mga mata ang bukol niya.

I’m sorry, masakit pa ba?” tanong ko at magaang na hinawakan ang bukol niya.

“Hindi na masakit dahil hinawakan mo.”

Napatingin ako sa kamay ni Jay na nasa ibabaw ng aking kamay.

I didn’t even protest when he took my hand and interlaced our fingers and brought it in his lap.

Why did I feel comfortable even though it sent bolts of electricity into my body?

Hindi ko na alintana ang lamig ng hangin dahil sa malambot at mainit nitong palad.

It felt so right yet so wrong.

Guwapo pa rin naman ako kahit may bukol, hindi ba?”
Hindi ko napigilan at mapatawa nang malakas.

Sinong mag-aakalang ang isang JayVT na parang Greek God nasa kagwapohan ay na-conscious sa hitsura niha?

Kung alam lang niya na kung gaano ito kaguwapo sa paningin ko kahit may bukol pa siya.

Oo naman.” tipid kong sagot.

Finally, akala ko wala talaga akong epekto sayo palagi kasing mainit ang ulo mo kapag kasama ako.”

Eh, kasi may mga nararamdaman ako na hindi pamilyar sakin.

Sabi kopa saking isipan.

“Alam mo, Xiah—”

Pwede ba, huwag mo akong tawaging Xiah? It’s either Frixiah or Frix.” mahinang pakiusap ko.

Why? Maganda naman ang Xiah, It suits you.”

I liked how he pronounced my name. Para kasing binibigkas niya iyon nang may pagmamahal.

Teka, pagmamahal? Napailing ako sa naisip.

Ayaw kong tinatawag ako na Xiah dahil naaalala ko ang isang tao na tumatawag niyan sakin at ayaw  ko na alalahanin pa ang walang kwentang taong iyon.

“Bat ba ang tigas ng ulo mo? Why do you keep on calling me Xiah?”

“Bakit ba kasi ayaw mong tawagin kitang Xiah?” balik na tanong sakin ni Jay Vincent.

Sa halip na sumagot, ibinaling ko nalang ang tingin sa bilog na buwan iyon ang kasa-kasama ko noong mga panahong nasaktan ako.

Ang naging comforter ko ipinakita ng buwan na kahit sa dilim ay may liwanag.

Ano ba itong pinag-iiisip ko?



*End of Chapter 13*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top