Captured


Gulat na gulat ako nang makita ang sariling nakakulong sa loob ng isang kwarto. Halos mabaliw ako sa kakasigaw at paghingi ng tulong, umaasang makalabas dito. Baka hinahanap na ako nina Nanay at Tatay. Puno rin ng dugo ang katawan ko, napakahapdi sa pakiramdam nang makita itong mga sugat na sobrang laki.

Nakarinig ako ng mga yabag kung saan kaya napatayo ako, naramdaman kong nasa likuran ko lang siya kaya hinarap ko ito.

Sobrang laki ng ngiti niya dahil sa sitwasyon ko, kagaya ko ay punong-puno rin ng dugo ang katawan niya— siya ang may gawa nito sa 'kin.

Palagi nalang, palagi nalang siyang tama, palagi nalang siyang galit sa 'kin, palagi nalang niya akong sinasaktan. Nasa kaniya ang lahat ng pansin ng mga magulang ko.

"Hayop ka!" Buong lakas na sigaw ko at sinugod siya.

Bahala na, wala na akong pakialam basta magbabayad na siya ngayon sa mga ginawa niya sa 'kin. Maghihiganti na ako. Pinulot ko ang isang kutsilyo na punong-puno ng dugo, handang- handa na akong ipadama sa kaniya ang sakit na nadarama ko ngayon.

Kagaya ko ay sumugod din siya. Ang kapal niyang maglakas loob na lumaban sa 'kin ngayon, sigurado akong matatalo siya ngayon.

Pero nang masaksak ko siya sa mukha ay nag-iba ang lahat. Unti-unti siyang nawawala sa harap ko na parang buhangin na inihip ng hangin.

At nakita ko ang sarili sa harap ng puting dingding ng kwarto. Natatapakan ko na ang mga bubog— bubog na nagmula sa salamin.

Pinulot ko ang isa at tinignan ang sariling repleksiyon.

"Ikaw. Ikaw ang may kagagawan nitong lahat! Kaya ako iniwan ng mga magulang ko dahil sa pinaggagawa mong hayop ka!"

At sinaksak ko ito sa aking leeg at binaon ng ubod ng lakas.

Wala na.

Wala na ang taong umagaw sa 'king kasiyahan, wala na ang taong kalaban ko, wala na siya.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top