CHAPTER 9

~ After more than two years, i finally have the motivation to update Captivated. Happy Reading. Sorry for the long wait.

CHAPTER 9

"PLAY nice." Bilin ni Dawn kay Hail bago ito iniwan sa safe house kung nasaan ang kakambal niya na halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya. Hail wasn't thrilled to say the least. Ginagawa lang nito ang sinabi niya dahil para naman iyon sa kaligtasan nito.

And of course, she begged Hailey on the way to cooperate.

At hindi man aminin ni Hail sa kaniya, alam niyang hindi ito komportableng makasama ulit ang kakambal niya na ex-boyfriend nito.

The reason behind their break up is still unclear to her. Well, its their issue. Labas siya sa kung ano man ang issue ng best friend niya at kakambal niya.

Nang makabalik siya sa mansiyon ni Hawk mula sa paghahatid kay Hail, inikot muna niya ang paligid bago pumasok sa loob. Dumeretso siya sa kuwarto niya kung saan alam niyang naroon si Hawk.

Hindi niya ito pinalabas doon hanggat hindi niya nasisiguro na ligtas ito sa sariling bahay.

Bumuntong-hininga siya bago pinihit ang doorknob at itinulak pabukas ang pintuan.

Natigilan si Dawn nang makitang mahimbing na natutulog si Hawk habang hawak pa rin ang baril na iniwan niya rito kanina.

Dawn sighed before walking towards the bed and sitting on the edge. Pinakatitigan niya ang guwapong mukha ni Hawk. Kung hindi lang siya nagpapanggap ngayong si Dust, inilapit na niya ang mukha niya rito at hinalikan ito.

Hawk has the most inviting lips she had ever seen. And not just inviting, delicious as well. Natikman na niya ang halik nito, alam niya kung paano humalik ang binata at inaamin niyang gusto niya kung paano nito inaangkin ang mga labi niya ng huling magtagpo ang mga labi nilang dalawa.

That hungry kiss they shared, It blows her mind and she wants more of it.

But she's Dust now. Her brother. And she can't keep acting like a girl because Dust will soon be called gay again because of her.

And my brother will kill me for sure.

Hinawakan niya sa balikat si Hawk at niyugyog ito para magising.

Kaagad namang humahangos itong bumangon at mabilis na itinutok sa kaniya ang baril.

"Its me." Kalmado niyang sabi.

Kaagad naman nitong ibinaba ang baril na hawak saka hinilot ang sentido. "How's my sister?"

"Safe." Maikli niyang sagot sa tanong nito. "You okay?"

Tumango si Hawk saka tumingin sa kaniya. "Thanks for taking care of my sister, though I don't like you near her, i'm still grateful."

Nangako siya sa sarili na aakto na siyang si Dust pero ang hirap palang kalaban ang sariling ugali kasi natagpuan nalang niya ang sarili na nakataas ang sulok ng labi at sinalubong ang tingin ni Hawk.

"Jealous?" She can't help but tease him. "Don't worry, i'll take care of you too."

But Hawk didn't replied angrily like he used to, he just sighed. "I'm tired. Puwede ba akong matulog ulit dito?"

Tumango siya saka umalis sa pagkakaupo sa kama. "Go on." Lumipat siya ng upo sa sofa na nasa kanang bahagi ng silid.

Itinabi muna ni Hawk ang baril na hawak sa bedside table bago ito nahiga ng patagilid at pinikit ang mga mata. Siya naman ay nanatiling nakaupo sa sofa at pinakatititigan ang guwapo nitong mukha.

If someone would see her now, as Dust, she will really look like a gay.

Napailing siya pero hindi niya inalis ang tingin kay Hawk.

Akala niya ay nakatulog na ito kaya naman nahiga na rin siya sa sofa ng patagilid, paharap sa kama para mapagmasdan pa rin niya ang binata.

Hindi niya alam kung bakit pero natutuwa siyang pagmasdan ang guwapo at maamo nitong mukha kahit pa ngang alam niyang nakakairita ito kapag gising.

Dawn was still staring while lying on her side when Hawk spoke.

"Your pillow smells like you." Wika nito saka nagmulat nang mga mata. "Hindi ako makatulog ng maayos."

Kumunot ang nuo niya. "Hindi ka makatulog dahil sa amoy nang unan ko?" She scowled. "Mr. Laxamana, mabango ako—"

"I know." Pagkasabi nito niyon ay dumapa ito at isinubsob ang mukha sa unan niya. "Could you please leave? I can't sleep with you here."

Ipinikit niya ang mga mata. "Nakalimutan mo na kaagad ang sinabi ko sayo kagabi?" She tsked. "Hindi ba sabi ko hinding-hindi ako aalis sa tabi mo para masiguro ang kaligtasan mo? And I promise Hail i'll take care of her brother, so this is me doing that."

"And Dawn? Will she be okay?"

Bigla siyang napamulat ng mga mata at natigilan ng makitang nakatagilid na ulit ng higa si Hawk at nakatingin sa kaniya.

"Will Dawn be okay?" Anito ng hindi siya umimik. "I mean, sabi mo may bali siya sa paa..."

"She'll be fine." Ipinikit ulit niya ang mga mata. "My sister is one hell of a woman."

"She is."

Hindi nakatakas sa pandinig niya ang paghanga sa boses ni Hawk na lihim na nagpangiti sa kaniya.

"Hindi ka ba nahihirapan diyan matulog sa sofa?" Tanong ni Hawk kapagkuwan. "Malapad naman itong kama. Dito ka na matulog."

Tumihaya siya habang nanatiling nakapikit ang mga mata. "Mabuti nang malayo ako sayo. Baka mawala na naman ako sa tamang huwisyo, mahirap na—"

"—mahirap na baka halikan mo na naman ako?" May panunudyo sa boses nito na hindi niya inaasahan.

If i'm Dawn now, I will gladly hop on the bed with you, Mr. Laxamana. "I'm not gay, Mr. Laxamana."

"I'm not either."

"Good." Sagot niya saka tumahimik.

Ganun din si Hawk na hindi na umimik. Pagkalipas ng maraming minuto, iminulat niya ang mga mata at bumaling sa gawi ng binata.

Parang nagkabuhol-buhol ang hininga niya ng mapansing titig na titig ito sa kaniya.

"What?" Umakto siyang parang hindi apektado pero ang totoo ay parang ginigiba ang dibdib niya.

"For a man," mas tumiim ang titig nito sa kaniya. "You have such soft features. And your adam's apple, it's ahm, not visible."

Shit! "Oh, tapos?" She have to be haughty. "Hindi naman siguro nakaka-isturbo sa'yo kung hindi mo nakikita ang adam's apple ko."

Hawk stared at her for a long time before speaking, "you look like Dawn from here."

Her heart continued beating so fast but she acted calm in the outside. Hindi nito puwedeng makitang kinakabahan siya. "Malamang. Magkambal kami kaya normal lang na magkamukha kami."

Napatango-tango ito saka tumihaya ito at tumitig sa kisame. "May boyfriend ba ang kakambal mo?"

Pasimple niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Why the hell is he asking? Interesado ba ito sa kaniya?

"Hailey said she's a tease and a player, so i'm assuming she's not single." Dagdag pa ni Hawk ng hindi siya umimik.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Damn you, best friend. Siraan ba ako sa kuya nito?

Dawn sighed. "My sister is single." Tumikhim siya dahil bahagyang nananakit ang lalamunan niya dahil sa pagpapababa niya sa sariling boses. "Bakit mo natanong?"

"She's pretty."

Her heart nearly leaped out from her chest. She knew she's pretty, but hearing Hawk Laxamana say it? Damn. It feels nice.

"And?" She urged him to talk more.

Yes. She's fishing for more compliments.

"And this is the part where you threaten me not to talk about your sister."

Natigilan siya. Kung si Dust siguro, oo, kanina pa nito sininghalan at tinakot si Hawk. But she's Dawn and she doesn't mind at all.

"Anong gusto mong agahan?" Tanong niya para maiba ang pinag-uusapan nila. "Pinauwi ko muna ang mga kasambahay mo para makapag-focus ako sa pagbabantay sayo. Its just me and you, Mr. Laxamana."

"Its Hawk." Anito na ikinakunot niya ng nuo. "Call me Hawk."

Walang imik siyang tumango kapagkuwan ay wala ring imik na lumabas ng kuwarto.

Kahit anong pilit niya na maging si Dust, hanggat nakikita niya si Hawk, hindi niya kayang maging si Dust at umaktong si Dust.

She's a girl who's attracted to Hawk Laxamana whose only meters away from her and he has her weakness.

He smell so good. That's her weakness. At hindi puwedeng magpatuloy 'to. Hindi niya sisirain ang reputasyon ng kakambal niya.

I have to do something.

KUMUNOT ANG NUO ni Hawk nang lumabas si Dust sa kuwarto. For some reason, he wanted to go after him but he held himself back. Hindi niya dapat ito nararamdaman sa kauri niya.

For fuck sake, he is a male! Never in his life did he feel attracted towards his own kind... but fuck! He can't stop himself. He's barely controlling himself!

And he's weak... because he find himself leaving the room to look for Dust.

Habang hinahanap ang bodyguard niya, bumalik sa ala-ala niya ang hitsura nito kanina habang nakapikit at malaya niya itong natitigan.

He really looks like Dawn. Maybe because they're twins?

Napahilamos siya sa sariling mukha nang may maalala.

I really am in a deep shit! He and Dust kissed. And he and Dawn also kissed. And Dust and Dawn are twins!

"This is so fuck up." Bulong niya saka napasabunot sa sariling buhok.

Gulong-gulo pa rin na dinala siya ng mga paa sa kusina dahil nagugutom siya. Papasok palang siya pero naririnig na niya ang boses ni Dust na may kausap sa cellphone.

"Yes... Thank you." Anito sa kausap na nasa kabilang linya. "Gagawin ko kaagad, Sir. Don't worry about him. I'll work something out. Hindi ko pababayaan ang kleyente natin kahit pumayag ka sa gusto ko, Sir. I'm good at my job and he is my job."

I'm his job. Ulit ni Hawk sa isip niya sa sinabi ni Dust.

That's right. He is Dust's job. Nothing more and nothing less. He knows that, but why does he feel irritated because he is just a job?

For fuck sake! What is happening to me?!

Of course he knew what's happening to him! Ayaw lang niyang aminin kasi hindi niya maamin-amin 'yon kahit sa sarili niya.

"I'm not gay..." bulong niya sa sarili bago humakbang papasok ng kusina.

Pero ang paghakbang niya ay napatigil ng makasalubong niya si Dust na papalabas naman ng kusina.

At halos gahibla nalang ang distansiya ng mga mukha at katawan nila.

And being this close to Dust, seeing him up close, he really has soft features for a man. Mahahaba ang pilik mata nito at parang pambabae ang labi nito.

Is my mind playing tricks on me? Dahil ba hindi niya matanggap na nagkakagusto siya sa lalaki kaya ginagawang babae ng isip niya si Dust?

Hawk wanted to step away, to get away from Dust, but he couldn't make himself move.

Ganun din si Dust na parang natulos sa kinatatayuan at nakatitig lang sa kaniya.

At nang bumaba ang titig nito sa mga labi niya, malinaw na nakita niya ang pagnanasa sa mga mata nito.

Fuck! He should be creeped out! But he's actually thinking of Dust's lips.

Holy fuck! I'm so screwed!

"Dust." His voice was a whisper. Move before I do something i'll regret.

I'm. Not. Gay!

"I don't swing that way." Biglang sabi ni Dust na parang nagbibiro saka ngumiti. "But i'll kiss you if you don't move. I know you want me too."

His words made him still. "What?"

Hawk knew Dust is fibbing but why the fuck is he affected?!

"I said," tumingin ito sa mga mata niya, "I don't swing that way—" he tsked, "this is so hard. Fuck! Ano bang espesyal sayo?!" Iritado nitong tanong bago umalis sa harapan niya.

Sumunod ang tingin ni Hawk kay Dust ng lampasan siya nito at lumabas ng kusina.

"Anong espesyal sakin?" Kumunot ang nuo niya. "What the fuck is wrong with him? I'm Hawk Fucking Laxamana and that makes me special!"

Iritadong pinag-timpla niya ang sarili ng kape saka binuksan ang Ref para maghanap sana ng makakain dahil wala naman siyang alam sa pagluluto pero wala siyang nakita.

"Great." He said in sarcasm before slamming the Refrigerator door's close. "Fuck this."

Lalabas sana siya ng kusina ng pumasok ang isa sa mga tauhan ni Dust.

If he remembered correctly, its Agent Cole. Ito ang pumalit kay Dust noon nang may ginawang importante si Dust.

"Mr. Laxamana." Bahagyan itong yumukod ng makita siya at may inilapag na paper bag sa ibabaw ng lamesa. "Pinabili ho ito sakin ni Sir Dust kanina at pinabibigay niya ho sayo."

Tahimik siyang tumango saka tiningnan ang laman ng paper bag.

Pagkain. Sapat na pagkain para sa buong araw.

"Thanks." Aniya kay Agent Cole.

Tumango si Agent Cole at hinintay niyang umalis ito pero nanatili itong nakatayo sa kusina.

He frowned. "Makakaalis ka na."

"My apologies, but i'm not allowed to do that."

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng nuo niya. "And why is that?"

"I'm your body guard."

Umiling siya. "No. You're not. Dust is my bodyguard so leave."

Tumingin si Cole sa kaniya. "Sir Dust told me to replace him as your bodyguard, Mr. Laxamana." Kalmado nitong sabi sa kaniya. "But he's still part of the team."

Napuno ng iritasyon ang mukha niya. "What's that supposed to mean?! Nasaan ba siya?!"

"Outside." Sagot ni Cole. "Doing my job, Sir. Mula ngayon, ako na ho ang makakasama niyo rito sa loob dahil iyon ang utos sakin si Sir Dust."

Nagtagis ang bagang niya. "Tell Dust that I said fuck you."

Bahagyang napangiwi si Cole saka tumikhim ito at tinapik-tapik ang bluetooth earphone na nasa tainga nito. "He heard you perfectly, Sir."

"Good. What did he say?"

"Nothing." Agent Cole replied.

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Nothing?"

"Yes. Nothing—" napatigil si Cole sa pakikipag-usap sa kaniya saka kinausap ang nasa kabilang linya ng bluetooth speaker nito. "—yes, Sir Dust, copy that. Yes. You can count on me. Of course. I'll do that."

"What did Dust say?" Tanong niya, gusto niyang malaman kung anong pinagsasasabi ng lalaking 'yon at kung anong iniisip nito na nakipagpalit ito ng posisyon kay Cole.

"Nothing for you, Mr. Laxamana."

Nagtagis ang bagang niya. Dust is really trying his patience!

"DAWN, I heard what you asked from my boss." Wika ni Dust sa kabilang linya habang nasa likod siya ng truck na nasa labas ng bahay ni Hawk at kausap ito sa cellphone. "You promised me you'll take care of Mr. Laxamana personally!"

Dawn sighed. "Nahihirapan ako, Kuya." Pag-amin niya.

"Since when?" Hindi makapaniwalang tanong ng kakambal niya. "You're a badass, Dawn. Come on. Do this for me. Hindi mo puwedeng ipasa sa iba ang trabaho ko."

"I can." Aniya saka bumuntong-hininga. "Its that or, your reputation will be on the line."

Natahimik ng ilang segundo ang kakambal. "Meaning?"

"Meaning, Hawk Laxamana might think that you're gay."

Namayani ang katahimikan sa kabilang linya bago bigla nalang sumigaw ang kakambal.

"What the fuck did you do, Dawn?!"

Napangiwi siya. "Chill. It was an accident."

"W-what accident?" Her brother's voice was shaking. "Holy fuck, Dawn, please don't tell me you didn't do what I think you did."

"Then I won't tell you." Nakangiwing sabi niya.

"Dawn!" Dust hissed at her. "Oh, fuck! Bakit hindi mo kinontrol ang sarili mo, ha?!"

"He's very handsome." Simpleng sagot niya at alam niyang gets na 'yon ng kakambal niya. "Can't resist. His lips... they're so inviting."

Dust blows a loud breath. "And you kissed him while playing dress up?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Yes. Kaya nga nakipagpalit ako kay Cole. Your reputation is safer this way. Magpagaling ka na kasi."

"Paano ako magpapagaling kung kahahatid mo pa lang sakin nang isa pang sakit sa ulo?" Iritadong sabi ng kakambal. "Really, Dawn, Hailey? Alam mo naman ang nangyari samin diba?"

"Nope. I don't know and I don't care." She smiled. "Basta bantayan mo siya habang ginagawa ko ang trabaho mo."

"Huwag kang papalpak." Galit na sabi ng kakambal niya. "Go fix your mess!"

Dawn rolled her eyes. "Its not like I can un-kiss him, duh." Puno ng sarkasmo niyang sabi.

"Dawn." Matigas ang boses ng kakambal. "Fix this."

She sighed. "How am I gonna do that? Its not like I can just come clean and say, hey, baby, i'm actually a woman and not a man."

"Fuck! Fuck! Fuck!"

Alam niyang iritado na ang kakambal niya pero ewan ba niya, hindi naman big deal 'to para sa kaniya.

Kung sasabihin ng kakambal niya na sabihin ang totoo kay Hawk, sasabihin kaagad niya.

She's very simple minded really.

"Dawn, from now on, you leave Mr. Laxamana alone." Wala siyang marinig na pagbibiro sa boses ng kakambal.

"Pero Kuya—"

"Leave him."

Natigilan siya. "What? Why? Sinong magbabantay sa kaniya?"

"I'll fix it so get the fuck out of there before this turns into a big pile of mess."

"P-paano mo 'to aayusin?"

"Hindi pa masyadong magaling ang paa ko pero nakakapaglakad na ako." Anito. "Bumalik ka nalang dito sa safe house at ikaw na ang magbantay kay Hailey. God knows I don't like being around her."

"And Hawk?"

"I'll take care of him."

"And the gay thing?"

Dust sighed. "I'll take care of that too. Just do what I say."

Dawn sighed. "Fine." Long paused. "Sorry because I messed up, Kuya. I told you its gonna be piece of cake, but, I messed up."

"That's okay." May bahid na ngiti ang boses nito pero napabuntong-hininga ito kapagkuwan. "Ayos lang sana pero ang halikan mo siya habang nagpapanggap na ako? That's fuck up, Sis. Really fucked up. What were you thinking?!"

Napangiwi siya. "That his lips looked so inviting?"

"And his response?"

"He said it doesn't mean anything."

"Holy fuck." Bulong ng kakambal niya. "I think i'm gonna puke."

Lihim siyang natawa. "He is a good kisser though."

"You think I care about that?!" Dust snapped. "That's it... get out of there."

"Yes, sir." Natatawang sabi niya saka pinatay niya ang tawag.

Kapagkuwan ay sinilip ang bahay ni Hawk.

Well... it was fun knowing you, Mr. Hawk Laxamana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top