CHAPTER 8

CHAPTER 8

HINDI NA nagtaka si Dawn— na nakadamit panlalaki na naman—ng makapasok siya sa bahay ni Hawk at nakita niya ang binata sa sala na mukhang may hinihintay. Paano niya nasabi? Dis-oras na kasi ng gabi kaya alam niyang may hinihintay ito.

At mukhang siya 'yon dahil tumayo ito at humarap sa kaniya ng maisara niya ang pinto.

"Where have you been?" Kaagad nitong tanong na parang nag-i-interrogate ng krimenal.

Namulsa siya at tumikhim bago sumagot. "May inasikaso lang akong importante."

"Like going to a Hotel?" May sarkasmo ang boses nito.

Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang makumbensi ang binata na lalaki siya. Kailangan niyang kumbensihin si Hawk na ang halik na nangyari sa kanila ay isang pagkakamali na hindi na dapat maulit.

"May kinatagpo lang ako sa Hotel." Naglakad siya patungo sa hagdanan. "It’s none of your business—"

"You're my bodyguard, Dust. You are my business." Matigas ang boses nitong sabi.

Bumuga siya ng malalim na buntong-hininga saka humarap kay Hawk. "Look, Hawk, hindi lang ikaw ang may pangangailangan bilang lalaki. May pangangailangan din naman ako."

Natigilan ito. "You... had sex?" Pabulong nitong tanong pero dinig na dinig niya.

Lumunok siya. "Oo." Pagsisinungaling niya saka sinalubong ang tingin nito. "Yong nangyari sa Security room, isa iyong pagkakamali. Inaantok pa kasi ako no'n e. Wala ako sa tamang huwisyo."

Nakita niyang gumalaw ang bagang nito habang ang mga mata ay matiim pa rin na nakatingin sa kaniya.

"That kiss didn’t mean a thing to me." Wika ni Hawk. "Siguraduhin mo lang na hindi ka na ulit mawawala sa tamang huwisyo."

Tumango siya saka tuluyan nang umakyat sa hagdanan at naglakad patungo sa silid niya.

Nang makapasok sa kaniyang kuwarto, binuksan niya ang mini-microphone na nakakabit sa kuwelyo ng polo niya saka nagsalita.

"This is team leader, check the perimeter and report." Wika niya.

"Yes, Sir." Kaagad na sagot ng nasa kabilang linya.

Pinatay niya ang mini-microphone saka pabagsak na ihiniga ang katawan sa kama.

Bumuga siya ng marahas na hangin habang nakatitig sa kisame. At habang nakatingin doon, bumalik sa ala-ala niya ang sinabi ni Hawk.

The kiss didn’t mean anything to him. Bakit ba siya nasasaktan? Para naman kay Dust ang sinabi nito?

Marahas niyang ipinilig ang ulo saka bumangon at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis siya kaagad at akmang matutulog na nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at napakunot ang nuo niya ng makitang numero iyon ni Hawk. Naka-save ang numero nito sa cellphone niya in case of emergency.
Bakit naman kaya tunatawag ito?

Naguguluhang inabot niya ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello?" Aniya bored na boses.

"Could you check my room?" Mabilis nitong tanong. “Someone tried to shoot me.”

Kinabahan siya bigla. "Coming."

Pinatay niya ang tawag saka binuksan ang pinto ng closet at kinuha mula doon ang attaché case na naglalaman ng Dragunov Sniper.

"Team, stand by." Aniya sa mikropono.

"Sir?"

"Check the perimeter again. Suyurin niyo ang bawat sulok ng bahay pagkatapos ay may report kayo kaagad." Utos niya sa mga ito.

"Yes, Sir."

Dawn assembled the sniper before going to Hawk's room.

Namilog ang mga mata ni Hawk ng makapasok siya sa silid nito at nakita ang sniper gun na dala niya.

"What the hell, Dust?" Hindi nito maalis ang mata sa dala niyang sniper.

"Anong nangyari?"

Itinuro nito ang nakasarang bintana na may butas ng bala ng baril. "Someone tried to shoot me but miss. Pero tumagos ang bala sa salamin."

Inayos niya ang pagkakahawak sa Sniper saka nilapitan ang bintana nito na nakabukas. Doon niya pinuwesto ang sniper gun saka sumilip sa teleskopyo.

Inilagay niya ang daliri sa gatilyo habang sinusuri ang paligid gamit ang teleskopyo ng baril. Nagtagis ang bagang niya ng makita ang isang lalaking patakbong naglalakad palapit sa motorsiklo na naroon, may nakasukbit na sniper sa leeg nito.

"Huli ka." Itinutok niya ang baril sa braso ng lalaki saka kinalabit ang gatilyo, kapagkuwan ay kinausap niya ang team niya na naka stand by lang. "Men, go to the east. Twenty meters from the house. Hindi ko siya pinurohan, sa balikat at sa binti ko siya binaril. Hulihin niyo kaagad, kailangan ko siyang makausap."

"Yes, Sir." Tugon ng nasa kabilang linya saka narinig niya ang mabibilis na yabag ng mga ito.

Pinatay niya ang microphone saka humarap kay Hawk. "May kuwarto ba rito sa bahay mo na walang bintana?"

Umiling ito, bahagyang namumutla. "Wala. Lahat may bintana maliban sa kuwarto mo na nasa banyo ang bintana."

Napatango-tango siya saka hinawakan ang pulsohan nito. "Halika."

Nagpahila naman sa kaniya ang binata patungo sa kuwarto niya.

"Dito ka lang." Iniwan niya rito ang Sniper Gun niya. "Kapag may pumasok sa kuwarto na to na kahina-hinala, barilin mo. Kailangan kung puntahan si Hail."

"O-okay." Tinanggap nito ang baril at umupo sa gilid ng kama niya. "Keep her safe, please."

"I will." Pangako niya saka malalaki ang hakbang na tinungo ang kuwarto ni Hailey.

"Hail! Hail!" Tawag niya sa pangalan ng kaibigan, nang hindi ito sumagot, binuksan niya ang pinto ng banyo at napamura ng hindi doon nakita si Hailey.

Tumakbo siya patungo sa Security Room para doon hanapin si Hailey. Kaagad naman niya itong nakita sa Monitor. Nasa Harden ito ng bahay.

"Shit." Open place ang lugar na 'yon.

Mabilis siyang tumakbo patungong harden ng bahay.

"Hailey!" Hinihingal na tawag niya sa pangalan ng kaibigan ng makita niya itong nakaupo sa bench. "Hailey."

Nakakunot ang nuong nilingon siya nito. "Dawn, bakit parang hinihingal ka?"

"I want you safe." Hinawakan niya ito sa kamay.

"Bakit?" Mas lumalim ang gatla sa nuo nito. "May nangyari ba?"

"Someone tried to shoot your brother."

Nasapo nito ang bibig at namilog ang mga mata. "Oh, god, no." Nanghihilakbot nitong ani.

"Hindi ko kayang protektahan kayong dalawa ng magkahiwalay." She tugged her hand. "Halika na. Nasa kuwarto ko ang kapatid mo."

"Okay."

Sabay silang tumakbo ni Hailey patungo sa silid niya habang magkahawak ang kamay. Nang makapasok sila sa kaniyang silid, nakatayo si Hawk habang hawak ang Sniper Gun niya.

"Kuya, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Hailey sa kapatid.

Sa halip na sumagot, tumuon ang mga mata ni Hawk sa magkahawak nilang kamay ni Hailey.

Mabilis niyang binitawan ang kamay ni Hailey saka kinuha ang Sniper Gun na pinahawakan niya kay Hawk.

"Don’t hold my sister's hand." Pagalit na bulong sa kaniya ni Hawk ng magkalapit ang katawan nila.
Siniguro nitong mababa ang boses para hindi marinig ni Hailey ang usapan nila.

Nag-angat siya ng tingin sa binata. "Why? Jealous?" Nakakaloko niyang tanong.

"At bakit naman ako magseselos?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Bakit ka nga ba magseselos?"

Naumid ang dila nito at napangiti siya. Inayos niya ang baril na hawak saka humarap kay Hailey.

"Dito muna kayo ng kapatid mo, kailangan kong lumabas ng bahay."

"Para ano?" Nag-aalalang tanong ni Hailey sa kaniya. "Huwag ka nang lumabas. Hayaan mo na ang mga kasama mo do’n."

Nginitian niya ang kaibigan. "I'll be fine. Kailangan kong masiguro na ligtas kayo ng kapatid mo." Pagkasabi niyon ay kinuha niya ang revolver na nakatago sa ilalim ng unan niya saka ibinigay iyon kay Hawk. "Barilin mo ang sa tingin mo ay may masamang balak sayo."

Hinawakan ni Hawk ang baril saka tumango. "Copy that."

Bumagsak ang balikat ni Hailey. "Pero Dust—"

"Dito ka lang. Babalik ako kaagad." Aniya saka lumabas ng silid at malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay.

"DO YOU think he'll be safe?" Tanong ni Hailey kay Hawk na nakatitig sa nilabasang pinto ni Dust at mahigpit ang hawak sa baril.

Huminga ng malalim si Hawk saka bumaling sa kapatid. "Magiging okay lang si Dust." I trust him. "I trust him with my life."

Napatitig sa kaniya si Hailey kapagkuwan ay napangiti. "May tiwala ka talaga sa kaniya?"

"Oo."

Nanunudyo ang kislap ng mata nito. "Kuya, pili lang ang taong pinagkakatiwalaan mo."

Nawalan ng emosyon ang mukha niya. "Anong pinapahiwatig mo?"

"Na baka gusto mo siya."

Nalukot ang mukha niya. "Anong gusto? Baka nakakalimutan mong lalaki si Dust. Hindi ako bakla, Hailey."

Mahinang natawa ang kapatid niya. "Ikaw ang may sabi niyan, hindi ako." Umikot ang mga mata nito. "Saka ang ibig kong sabihin ay baka magustuhan mo siya bilang isang kaibigan. You need one. Wala ka kasing maraming kaibigan e."

Nagtagis ang bagang niya at mas humigpit pa ang paghawak niya sa baril. "Tigilan mo ako, Hailey. Ayokong makipaglaro ng mind game sayo."

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Bakit naman Kuya? Dahil pinagkakanulo ka ng sarili mong isip at bibig?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin at hindi na umimik. Hahaba lang ang usapan nila ni Hailey at siguradong siya ang unang mauubusan ng pasensiya sa kanilang dalawa.

"Hailey, not now." Mariin niyang sabi.

Umirap ito sa hangin. "Masyado kang defensive, Kuya. Para kang si Dawn."

Natigilan siya ng marinig ang pangalang binanggit nito. "Dawn?" Gagad niya. "Dawn Montreal?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "Kilala mo si Dawn?"

He just don’t know her, he had kissed her. "Oo. Kilala ko siya. Kilala mo rin siya?"

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Hailey. "She's my best friend."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Ano?" Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit hindi ko siya kilala? Bakit hindi ko alam na kaibigan mo siya?"

"Kasi sinadya ko talagang hindi ipaalam sayo." Umupo si Hailey sa gilid ng kama at nginitian siya ng matamis. "Dawn is a different kind of woman. Kung noon mo pa siya nakilala o kung pinakilala ko siya sayo, baka pinaglalamayan mo na ngayon ang puso mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dawn likes to play with men's feelings. Ayokong mahuli ka niya sa kaniyang lambat, dahil alam kong masasaktan ka lang sa bandang huli."

Mas lalo siyang na curious sa mga pinagsasabi ni Hailey. Alam niyang ibang klaseng babae si Dawn. Hindi ito kaladkarin pero hindi rin naman ito mahinhin. She knew how to play and tease a man. Iyon ang ginawa nito sa kaniya.

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" Gusto niyang makita ang dalaga.

Isang mesteryosong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Hailey at hindi na ito nagsalita pa ulit. Nanatiling tikom ang bibig nito hanggang bumalik si Dust.

"We're clear." Sabi ni Dust ng makapasok sa kuwarto at inilapag ang Sniper Gun na dala sa kama. "Isang tao lang ang pinadala nila para pagtangkaan ang buhay mo." Bumuga ito ng malalim na buntong hininga saka kinuha ang revolver na hawak niya at ibinalik ang mga baril sa closet.

"So safe na kami?" Kapagkuwan ay tanong ni Hailey.

Nameywang si Dust saka humarap sa kanilang magkapatid.

Bumuntong-hininga ito. "Yong totoo? Hindi. I can’t protect you both. Hindi puwedeng nahahati sa dalawa ang atensiyon ko."

"Kung ganoon, anong gagawin natin?" Tanong niya.

Gusto niyang maging safe ang kapatid niya. Isang pagkakamali ang pag-uwi nito sa Pilipinas.

Tumingin si Dust kay Hailey. "May safe house ako, puwedeng doon ka muna habang hindi pa natatapos 'to. Nandoon ang kapatid ko kaya ligtas ka do'n at hindi ka mababagot."

"Si Dawn?" Sabad niya.

Nakita niyang natigilan si Dust at napatitig sa kaniya. "Si Dawn?"

"Yeah." Tumikhim siya. "Nakilala ko siya few days ago at alam ko ring kapatid mo siya."

Itinikom nito ang nakaawang na labi saka bumaling kay Hailey. "Dawn will be there. Alagaan mo siya, may bali siya ngayon sa paa e."

Napasinghap si Hailey. "Okay lang ba siya? Oh my god, what happened to him—her?"

"Siya nalang ang tanungin mo." Sagot ni Dust saka bumaling naman sa kaniya. "Ihahatid ko si Hailey bukas na bukas din sa safe house. Ikaw naman, masanay ka na sa presensiya ko dahil sa pagkakataong ito, hindi talaga ako aalis sa tabi mo para masiguro kong ligtas ka."

Tumango lang siya at hindi nagkomento. Dust knows what's best for him. And it’s not like he wants Dust away from him. Saka may tiwala siya rito na gagawin nito lahat maprotektahan lang sila ni Hailey.

"Thank you." Aniya.

Tipid itong ngumiti. "It’s my job."

"Kahit na, salamat pa rin."

Tango lang ang tinugon nito saka nilapitan si Hailey at may ibinulong ito sa taenga ng kapatid.

Kumunot naman ang nuo niya ng makitang namula ang pisngi ng kapatid niya sa kung ano man ang binulong ni Dust dito.

Nagtagis ang bagang niya sa nakita.
Looking at Dust and Hailey again, their face so close, parang naninikip ang dibdib niya. Fuck! Hindi niya dapat nararamdaman 'to.

AUTHOR'S NOTE: My only update. Sorry, na busy talaga kasi ako after nang meet up. Tapos nang makauwi ako dito samin, masakit ang katawan ko. Kaya ito lang muna update ko. Promise, babawi ako sa mahigit isang buwan na wala akong update. Hehe. Pasensiya na ha?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top