CHAPTER 7

CHAPTER 7

NAKANGITI si Dawn na bumaba sa sasakyan ni Hawk. Gustong-gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa kalandiang pinaggagagawa pero hindi niya puwedeng palampasin ang pagkakataong ito.

Habang nakasuot siya ng damit panlalaki at nagpapanggap na si Dust, hindi niya magawa ang gustong gawin dito. She had dream of kissing Hawk after that hot kiss they shared on the elevator. Kaya nga nahalikan niya ito nang siya sa Dust dahil sa panaginip na yon. That was a mistake in need of correcting.

Pero hindi muna ngayon. Siya ngayon si Dawn Montreal, not Dust. At sisiguraduhin niyang mag-i-enjoy siya kasama si Hawk. Because she knew, this can't happen again. Kailangan niyang seryusohin ang pagbabantay kay Hawk. Nakatanggap siya ng tip galing sa isang source niya na mas nagiging desperado ang masasamang loob na makuha ang software na yon kay Hawk.

"Saan dito?" Tanong ni Hawk na pumukaw sa kaniyang naglalakbay na diwa.

Hindi niya namalayang nakalabas na pala ito ng sasakyan.

Nakangiting bumaling siya rito saka iminuwestra ang dalawang kamay sa maliit na kubo na ilang metro ang layo sa kanila.

"Tsaran! Diyan tayo kakain." Malapad ang ngiting sabi niya.

Palihim siyang natawa nang makita ang pagkalukot ng guwapong mukha ni Hawk.

"Diyan?" Alam niyang pinipigilan nito ang mga komento ng negatibo.

"Oo, diyan." Hinawakan niya ito sa pulsohan. "Halika na."

Nagpahila naman sa kaniya ang binata patungo sa maliit na turo-turo restaurant kahit halata ang disguto na hindi maipinta nitong mukha.

"Magandang tanghali po, Manang Inday." Nakangiting bati niya sa babaeng abala sa paglilinis ng mesa.

Bumaling ito sa kaniya at agad na ngumiti ng makita siya. "Kayo ho pala ma'am Dawn." Kaagad nitong pinagpag ang kamay sa likuran at pinaghila siya ng upuan. "Upo ka, ma'am Dawn."

Sinimangutan niya si Manang Inday. "Manang, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag niyo akong i-special treatment."

Nahihiyang ngumiti ito. "Pasensiya na, hija."

"Ikaw talaga, manang." Hinila niya si Hawk at pinaupo sa bakanteng silya. "Siya nga pala, si Hawk, ka date ko ngayon."

Natigilan si Manang Inday at hinagod ng tingin si Hawk. "Hija," bumulong ito pero naririnig naman ni Hawk sigurado, "parang hindi naman yan ang mga tipo mong lalaki manamit."

Mahina siyang natawa. "Para maiba naman, Manang." Umupo siya sa kaharap na upuan ni Hawk. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa binata na nahuli niyang nakatitig sa kaniya.

Hawk shrugged. "I don't know. May menu ba sila rito?"

Tumawa siya. "Menu?" Hindi niya talaga mapigilang tumawa ng malakas. "Hawk naman, kaya nga turo-turo diba kasi ituturo mo ang gusto mo. Pupunta ka don," tinuro niya ang estante na maraming lamang pagkain, "saka ituturo mo ang gusto mo. I-order mo na rin ako, ha?"

Naiilang man, tumayo si Hawk saka nilapitan ang estante pagkatapos ay tinuro ang Ginisang baboy at Bistek tagalog.

"I pick that and that." Wika nito sa tindera na anak din na Manang Inday.

Tumango ang dalagita. "Ilang cup ng rice?"

Bahagyang kumunot ang nuo ni Hawk. "Ahm, ilan ba dapat?"

Kinunotan ito ng nuo ng dalagita. "Kayo po, Sir, ikaw naman ang kakain, e."

Lihim na natawa si Dawn sa pag-uusap ng dalawa. Nakamasid lang siya. Halatang-halata na hindi sanay ang binata sa mga ganitong klaseng kainan. Well, he was raise with a golden spoon on his mouth. What does she expect?

Tumayo siya at tinulungan na ito. "Neng, apat na cup na rice saka pahinge na rin ng malamig na tubig sa pitsel saka dalawang baso." Nginitian niya ang dalagita. "Salamat."

"Sige ho, Ma'am Dawn."

Hinawakan niya si Hawk sa braso saka hinila pabalik sa mesa nila at pinaupo ito. Siya naman ay bumalik para sa tray nila na may lamang pagkain na inorder nila saka inilapag iyon sa mesa at binalikan ulit ang pitsel at baso saka kutsara at tenidor.

And Hawk was staring at her the whole time.

"What?" Nagtatakang tanong niya ng makaupo siya sa kaharap nitong silya.

"Nothing." Kumunot ang nuo niya at mas tumiim ang titig sa kaniya. "I'm just trying to read you."

"Read me?"

"Yes." Sumandal ito sa likod ng kinauupuan. "Mukha kang may kaya sa buhay. Halata iyon sa pananamit mo at pananalita. Pero bakit ka kumakain sa mga ganitong kainan? Not that I'm belittling this fine restaurant."

Nawala ang sigla niya. "Hindi mo minamaliit pero halata naman sa mga mata mo." Umingos siya. "Mr. Laxamana, kumakain ka sa isang Restaurant para makatikim ka ng masarap na pagkain. And that is what this small Restaurant is offering. Hindi man pang mayaman ang ambiance, wala mang aircon, wala mang waiter na mag aasikaso sa lahat ng kapretsohan mo sa buhay, pero nasisiguro ko namang masarap ang mga luto rito at malinis. Kung ayaw mong kumain, e di huwag. Sinisira mo ang lunch ko."

Inis na tinusok niya ng kaniyang tinidor ang isang karne saka kinain yon.

Tumaas ang kilay niya ng mag-umpisang kumain si Hawk.

"Oh, bakit ka kumakain diyan?" Mataray niyang tanong.

"Kasi ayokong masira ang lunch mo." Sagot nito. "Saka masarap pala ang luto nila."

Inirapan niya ito. "Mabulunan ka sana."

Bigla itong umubo at parang nabubulunan. Kaagad namang nagsalin siya ng tubig sa baso saka inabot iyon dito.

"Drink." Sabi niya.

Hawk stops coughing and he smiled teasingly at her. "Thanks."

Tumalim ang mga mata niya. "Hindi ka nabulunan?"

"Nah. I'm just messing with you."

Inirapan niya ito. "Gago."

Hawk just chuckled and continued eating.

HAWK CANT stopped himself from staring at Dawn. Sobrang nagagandagan talaga siya sa dalaga. May taglay itong mukha na hindi nakakasawang titigan kahit buong araw pa.

"Stop staring at me, Hawk." Wika ni Dawn pagkatapos nitong uminom ng tubig.

"Hindi naman krimen na titigan ka, kaya titigan kita hanggat gusto ko." Aniya.

Sinalubong nito ang titig niya. "Huwag mo akong masyadong titigan, Hawk, bebe, baka ma-in love ka sa akin."

He stilled. "What?"

Ngumisi ito. "Wala." She puckered her lips at him. "Mwah."

Napailing-iling siya. "Tinititigan kita kasi nagagandahan ako sayo." Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. "And I have this strong urge to kiss that puckered lips of yours."

Her lips form a seductive smile. "Then kiss me."

"Masyado kang straight forward." Komento niya.

"Anong masama ro'n?" Tumaas ang kilay nito. "It's a good trait actually. Kesa naman maging pa-bebe ako. Gusto ko pero aayaw-ayaw naman. Kaartehan ang tawag do'n."

"At hindi ka maaarte?"

"Depende." She smiled mysteriously. "Depende sa taong kaharap ko."

Napatitig lang si Hawk kay Dawn. Iba ang ugali nito sa mga babaeng nakasama niyang kumain. Noon, akala ni Hawk na lahat ng babae, diet palagi kasi kaunti lang ang kinakain. But he was enlightened a minute ago.

Dawn eat like nobody's business. And it's so refreshing to eat with a woman who doesn't give a shit about their figure.

Napatigil siya sa pag-iisip ng marinig niyang may nag-ingay.

It was Dawn's phone.

"Hey. Wazzup?" Sabi ni Dawn ng sagutin ang tawag.

Lihim siyang napangiti. She's really very different from the socialite women that he dated.

Dawn rolled her eyes. "Ano mo ako, utusan? Sasakalin kita mamaya kapag nakita kita, Kuya. Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko ng dahil sayong lintik ka?" Napasulyap ito sa kaniya kapagkuwan ay nagpatuloy sa pakikipagusap sa nasa kabilang linya. "Nandito pa ako sa kainan ni Manang Inday. Katatapos ko lang kumain. Ikaw, kumain ka na ba?" Nalukot ang mukha nito. "At bakit hindi ka pa kumakain? Sakalin kaya kita." Paused. "Sige, dadalhan kita." She smiled. "Sige. I'll be there in a minute. Bye, kuya. Love yah."

Ibinalik nito ang cellphone sa bulsa saka ngumiti sa kaniya. "Sensya na. Kuya ko 'yon."

"May kapatid ka pala." Aniya.

"Yeah. Medyo ilang minuto ang tanda sakin."

"Kambal mo?"

"Yep." Itinaas nito ang kamay para kunin ang atensiyon ni Manang Inday. "Manang, pa take out naman po ng Dinuguan saka Chicken ala King. Samahan niyo na rin po ng apat na cup ng rise. Matakaw kasi ang pagdadalhan ko e." Binuntutan nito iyon ng bungisngis.

Tumalima naman kaagad si Manang Inday saka ihinatid sa mesa nila ang pagkain na nakalagay na sa cellophane.

"Heto, hija. Para ba ito kay Sir Dust?"

Hawk's breathing stops and his questioning eyes fell on Manang Inday.

Sinong Dust ang tinutukoy nito? Impossible! Hindi lang naman si Dust ang may pangalang ganoon, di'ba?

"Oo, Manang." Sagot ni Dawn. "Hindi pa raw kasi siya kumakain. Busy siguro yon."

"Pakisabi sa kaniya na dinalhan ko siya ng pagkain nuong isang araw, wala naman pala diya doon sa penthouse niya." Anang Manang Inday.

"Wala siya doon." Ani Dawn. "May ginagawa kasi si Kuya. Alam mo naman yon."

"Oo nga. Sige, hija, aasikasohin ko tong mga bagong dating na kakain."

"Sige, Manang." Dawn smiled. "Thanks po, Manang."

Mang makaalis ang ginang, nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Dawn. "Anong apelyido mo?"

Tumaas ang kilay nito. "Bakit?"

"Just tell me."

Binasa nito ang mga labi. "Montreal."

Hawk chuckled to himself. "... the fuck."

"Anong problema mo?" Tumayo ito saka nilapitan si Manang Inday at pasimpleng nilagyan ng one thousand pesos ang bulsa nito. "Salamat po, Manang, ha? Keep the change."

"Ma'am Dawn naman, e. Huwag niyo nang bayaran."

Ibabalik sana ng ginang ang pera pero hindi iyon hinayaan ni Dawn.

"Keep it. Dagdag pasalamat ko yan dahil pinalinis niyo yong motor ni kuya na iniwan niya rito kaninang umaga." Kapagkuwan ay tinanguan siya nito. "Halika na."

Hawk stands up and walked towards the exit. Nang makalabas sila ni Dawn, humarap siya rito.

"Ihahatid na kita." He wanted to see where Dust is.

"No need." Pinara nito ang papalapit na Taxi. "Kaya ko na." Ngumiti ito. "Salamat sa Lunch."

"Ikaw nga ang nagbayad e." Namulsa siya.

"E di bayaran mo ako sa ibang paraan."

"How?"

"Come here."

Wala sa sariling naglakad siya palapit dito. Nang makalapit siya niyakap siya nito sa leeg saka sinakop ang labi niya at mainit siyang hinalikan.

Bago pa niya matugon ang halik nito, binawi na nito ang mga labi, kinindatan siya, saka pinaandar ang motor saka sumakay sa Taxi.

Natulos si Hawk sa kinatatayuan. That wink. It looks familiar and it fucking felt familiar.

Dust!

A/N: Hawk will see you next week. LOL

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top