CHAPTER 6

CHAPTER 6

ANG BAGONG bodyguard ang nagmaneho kay Hawk patungong opisina ng araw na yon. Walang naging problema si Hawk sa pansamantalang kapalit ni Dust. Ang nakakairita lang ay hinahanap niya ang ugali ng bodyguard niyang palasagot at sarkastiko kung makipag-usap sa kaniya minsan.

His new bodyguard bores his mind off.

"Park the car on that Restaurant. Doon nalang ako kakain." Sabi niya sa Bodyguard niya na pinagmamaneho siya para maghanap ng makakainan.

Ipinarada ng bodyguard niya ang sasakyan niya. "I will check the perimeter for your safety, Mr. Laxamana."

Bahagyan siyang natigilan. Palagi niya iyong naririnig kay Dust. "Matatagalan ka ba? Sumama ka na sa aking kumain."

"Busog pa ho ako, Sir." Napaka-pormal ng pakikipag-usap nito sa kaniya.

"Sige. Ikaw ang bahala." Kung si Dust siguro 'to, mas nauna pa ito sa loob ng Restaurant.

That thought made him smile. Iba talaga si Dust sa mga normal na bodyguard.

Lumabas siya ng sasakyan saka malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng Restaurant. Kaagad siyang nilapitan ng maître 'de at iginiya sa pina-reserve niyang mesa. Pagkatapos ay lumapit sa kaniya ang isang waiter para kunin ng order niya.

After he ordered, his eyes roamed around the place. Délicieux Restaurant is indeed a very popular and high class Restaurant in the country.

Natigilan si Hawk ng tumuon ang mga mata niya sa isang lalaki na masayang kausap ang isa pang lalaki na kasama nito. Sa mga mata ng mga tao, normal lang yon, pero sa kaniya, nakakairita iyon sa paningin niya.

So ito ang pinagkakaabalahan ni Dust? Ang lalaking yon ang mas inuna nito keysa sa kaniya?

Nalukot ang mukha niya ng bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Fuck those two love birds!

"Hey, handsome? Is this seat taken?" Anang boses na pumukaw sa galit niyang diwa. "Mind if I join you?"

"Yes. I would mind." Tumayo siya saka inayos ang Suit na suot. "It's all yours."

Pagkasabi niyon ay naglakad siya palapit sa table ni Dust at ng kasama nitong lalaki na tiyak niyang boyfriend nito.

"YOU KNOW, it's really weird to see you dress like a man. Lalo na't alam kong babae ka naman talaga." Natatawang sabi ng kaibigan ni Dawn na si Cali Sudalga habang magkaharap sila sa isang mesa sa Délicieux Restaurant.

She and Cali had been friends for years. They grew up in the same neighborhood. Mas matanda nga lang ito sa kaniya ng tatlong taon. Kaya naman ng tumawag ito kanina at sinabing may emergency ito, kaagad siyang nakipagkita dito ng hindi nagpapalit ng damit.

"Huwag mo nalang pansinin." Inirapan niya ito. "Anyway, ano yong emergency mo?"

Nawala ang masayang kislap sa mga mata nito saka may iniabot sa kaniyang folder. Nang tanggapin ang buksan niya iyon, napakunot ang nuo niya.

"Anong mayroon sa babaeng 'to?" Tanong niya kay Cali habang nakatingin sa larawan ng isang magandang babae sa folder.

"Puwede mo bang alamin ang lahat ng tungkol sa kaniya?" Tanong nito.

"Puwede." Aniya. "Pero baka maasikaso ko to pagkatapos ng ng misyon ko ngayon."

"It's okay." Cali is now smiling. "I understand. Basta kapag may oras ka na, alamin mo."

"Why not let Mr. Kim investigate it for you?" Alam niyang kaibigan nito si Shun Kim, isa sa magagaling na Agent na kilala niya.

"Tsismoso ang isang iyon." Natatawang sabi ni Cali. "Saka may bayad, sayo libre."

Inungusan niya ito. "Ang kuripot mo, akala mo naman kung sinong mahirap."

Tumawa si Cali na agad na naputol ng may lumapit na lalaki sa mesa nila. Tiningala naman ni Dawn ang bagong dating at napaawang ang labi niya.

"Hawk." Sambit niya sa pangalan ng lalaking nasa tabi ng mesa nila. "Anong ginagawa mo rito?"

"Kakain." May sarkasmo ang boses nito. "Mind if I seat here?" Ipinatong nito ang kamay sa likod ng upuan na bakante. "Puno na kasi e."

"Sure, man." Si Cali ang agad na sumagot saka inilahad ang kamay. "Cali Sudalga. You are?"

"Hawk Laxamana." Nakipagkamay ito kay Cali saka umupo sa bakanteng upuan. "Are you Dust's boyfriend?"

Napanganga si Dawn sa tanong ni Hawk, samantalang napabunghalit naman sa tawa si Cali.

"You're funny." Cali said between laughs. "But no, not boyfriend." Tawa ng tawa pa rin ang dumuho habang pasulyap-sulyap sa kaniya. "We're friends. And Dust doesn't swing that way, right Dust?"

Nakikita niya sa mata ni Cali na pinagti-tripan siya nitong asarin.

"Hindi ako bakla kung iyang ang pinupunto mo." Walang emosyon niyang sabi habang pinipilit ang sarili na lunukin ang kinakain.

"That's not what I meant—"

"E bakit iyon ang tanong mo?" Nag-angat siya ng tingin kay Hawk. "Don't let what happened get into your mind. Hindi. Ako. Bakla."

"Chill." Cali was still chuckling, clearly enjoying her and Hawk's conversation. "Mr. Laxamana, Dust is not gay. I would know. Magkababata kami e."

"Then who's Denver?" Hawk asked.

Her eyes squinted. "Sinong nagsabi sayo tungkol kay Denver?"

"Si Hailey." Mabilis nitong sagot.

Dawn blows a loud breath. "Denver is a female." Si Denver ang flavor of the month ng kapatid niya.

"Oh." Hawk sounds relieved.

"Yes. Oh." Naiinis niyang sabi.

"Speaking of which," Cali grinned at her and wink. "Humanda ka. May pugita sa likod mo."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano?"

Before Cali can explain further, she heard that very annoying voice of a woman. Fuck! Not her!

"Dust, baby." Anang matinis nitong boses na akala siguro nito ay nakakaakit na hindi naman talaga. "I miss you. Bakit hindi mo na ako tinawagan? I miss your kisses and your touch."

Dawn shivered in disgust on the inside when Denver hugs her from behind and kissed her neck.

"Denver, umayos ka nga. We're in public." Pagalit niyang sabi gamit ang boses ni Dust.

"Sorry, baby. I just miss you."

Nagsitaasan ang balahibo niya ng dumapo ang labi ng babae sa pisngi niya at muntik na siyang masuka ng halikan siya nito sa mga labi.

Kaagad niyang inilayo ang labi sa labi ni Denver. "We're in Public!"

"Oh." Maarteng tinutop nito ang kamay sa bibig. "Sorry, baby, I just miss your hot kisses." Umupo ito sa nag-iisang bakanteng upuan. "Anyway, makiki-share nalang ako ng table sayo. I miss you. Don't you miss me too?"

Malapit na siyang masuka dahil sa babaeng 'to. "I-i m-miss you too."

Halos mahulog na si Cali sa kinauupuan nito sa sobrang katatawa, habang si Hawk naman ay walang emosyon ang mukha.

"Stop it." Singhal niya kay Cali.

Of course, Cali didn't listen. Nag-excuse lang ito habang tumatawa pa rin at nagtungo sa Men's Restroom.

Bumaling siya kay Hawk. "Nasaan na ang order mo? Naka order ka na ba?"

"Nawalan na ako ng ganang kumain." Sabi nito saka tumayo at umalis.

Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang papalayong likod ni Hawk. Anong problema no'n?

"Dust," 'yon na naman ang matinis na boses ni Denver. "Bakit hindi mo ako tinawagan these past few days?"

"Busy kasi ako, e."

Hinaplos nito ang balikat niya na para bang maapektuhan siya.

"Should we skip lunch and go to a Hotel?"

Akmang hahalikan na naman siya nito pero kaagad siyang naka-iwas. "Tapos na akong kumain actually." Pilit siyang ngumiti. "Sa Restroom lang ako."

Nagmamadali siyang tumayo lumayo sa kanilang mesa. In that moment, she only has one goal: get away from Denver.

Sa halip na sa restroom ay lumabas si Dust ng Restaurant. Napatigil siya sa sanay pagtawag ng Taxi ng tumigil ang pamilyar na sasakyan ni Hawk sa harapan niya.

Bumukas ang backseat no'n.

"Get in." Anang boses ni Hawk.

Nakahinga siya ng maluwang saka mabilis na sumakay.

"IBABA MO nalang ako riyan sa gilid ng Hotel." Sabi ni Dust sa pansamantalang Driver slash bodyguard ni Hawk. "Diyan lang ako."

"Ano naman ang gagawin mo riyan?" Walang emosyon niyang tanong.

"Mambababae." Sarkastiko nitong sagot na mas lalong nagpa-irita sa kaniya.

"Babae o lalaki?"

Tumaas ang sulok ng labi nito saka bumaling sa kaniya. "Why do I have this feeling that you would kill just so you'll know which one I prefer?"

"Don't flatter yourself."

Nagkibit-balikat ito. "Okay." Binuksan nito ang pinto ng kotse na nakatigil sa harap ng isang Hotel. "See yah later, Mr. Laxamana."

"I don't want to see you." Hawk grumbled.

Tumawa lang si Dust saka lumabas ng sasakyan niya saka nilapitan ang driver slash bodyguard niya at may ibinulong dito pero dinig na dinig naman niya.

"Bantayan mong maigi si Mr. Laxamana, kapag may nangyaring masama riyan, yari ka sakin. Ibibitin kita ng patiwarik at ipagdarasal mo na sana hindi ka nalang nabuhay sa mundong ito."

Namutla ang lalaki. "Yes, Sir."

"Good."

Tinapik nito ang balikat ng driver niya saka sumilip sa kaniya sa loob. Nang mahuli nitong nakatingin siya rito, kinindatan siya nito at parang may sumipa sa dibdib niya sa ginawa nitong iyon.

Holy fuck! What was that?!

"Bye, Mr. Laxamana. See yah!" Sigaw ni Dust saka patakbong pumasok sa Hotel.

"Igilid mo ang sasakyan." Utos niya sa Bodyguard niya.

"Sir?"

"Igilid mo ang sasakyan." Utos niya ulit.

Naguguluhan man, ipinark nito ang sasakyan. "Tapos po, Sir?"

"Huwag kang maingay."

"Yes, Sir."

Bumuga siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaling sa pinto ng Hotel na pinasukan ni Dust.

Hindi mawala sa isip niya ang katanungang 'sino ang katagpo nito sa Hotel?' Was he or she a good kisser than him?

Marahas niyang pinilig ang ulo. Don't go there, Hawk! That's inappropriate, fuck it.

Hawk took a deep breath. "It's not right." Sabi niya sa kaniyang sarili. "Huwag kang mag-isip ng ganoon."

Wala sa sariling napatitig siya ulit sa pinto ng Hotel. Tumigil ang paghinga niya ng makita ang babaeng nakahalikan niya sa elevator. Hinding-hindi niya ito makakalimutan. From her hair down to the curves of her body.

Kasing bilis ng kidlat na lumabas siya ng kaniyang sasakyan saka patakbong nilapitan ang babae na nag-aabang ng Taxi.

"Hey!" Tawag niya rito.

No reaction.

"Hey, woman." Tawag niya rito saka hinawakan ito sa braso at pinihit paharap sa kaniya.

Hawk is sure as hell that it's the same woman who kissed him on the elevator.

"You..." his stare dropped down to her slightly parted lips. "Ikaw yong babae sa elevator diba?"

Tumaas ang kilay nito at tinarayan siya. "Paano kong sabihin kong hindi?"

"Liar."

Pinagkrus nito ang braso sa harap ng dibdib saka mataray ang mukha na humarap sa kaniya. "Yon naman pala e. Yes. Ako nga. Why are you asking? You want another kiss?" She puckered her lips at him. "Just tell me."

Napakurap-kurap siya. This woman is very straight forward. Not his type, but his body is reacting differently.

"I don't want another kiss." He gulped.

Nanunudyo itong ngumisi. "Really? Why do I find it hard to believe?"

"Kasi yon ang totoo."

"No, it's not."

"Hmmm," namungay ang mga mata nito at dumukwang palapit sa kaniya, gahibla nalang ang pagitan ng kanilang mga labi. "Ayaw mo talaga akong halikan?"

He was tempted to lean in and claimed her puckered lips. "No." He gulped again to restrain himself. "I want to have lunch with you though."

Kumunot ang nuo nito at tiningnan ang relong pambisig. "Hmm..." she tapped the screen of her wrist watch. "Two P.M. pa naman ang appointment ko kay Kuya." Matamis itong ngumiti sa kaniya. "Sure. I'd love to have lunch with you."

He smiled. "Great."

Sinuklian nito ang ngiti niya. "Saan naman tayo magla-lunch?"

He doesn't do it often, pero gagawin niya ngayon. "Ikaw, saan mo gusto?" Ito ang papipiliin niya.

"Hmm..." nag-isip nito saka tumingin sa kaniya. "Ikaw, saan mo gusto?"

"Kahit saan."

"Kahit sa turo-turo?"

Natigilan siya. "Bakit naman do'n? Marami namang Restaurant dito, ah."

Napangisi ito. "Sige. Sa turo-turo tayo. May paborito akong turo-turo, malapit lang yon dito. Don't worry, masarap do'n saka malinis."

"How'd you know?" Nagdududa niyang tanong.

"Kasi suki ako nila doon."

May pagdadalawang isip pa rin sa kaniya kung sa turo-turo sila kakain. "Sige. Subukan natin."

Lumiwanag ang mukha nito. "Talaga?" May nakaguhit na gulat sa mukha nito. "Akala ko yong mga tulad mong mayaman ay ayaw sa turo-turo?"

"Paano mo naman nasabing mayaman ako?"

Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "You dress like one."

Hinagod din niya ito ng tingin. She looks so damn sexy in her short denim jeans and hanging blouse. "You do too."

Ngumiti lang ito. "So, aalis na tayo?"

"Sure." Hinawakan niya ito sa siko saka iginiya ito patungo sa kotse niya at binuksan ang back seat. "Hop in."

Sumakay naman kaagad ito, siya naman ay sumunod dito saka isinara ang pinto.

"Saan ba itong turo-turo na sinasabi mo?" Tanong niya ng bumaling sa babae.

"Diyan lang." Tinuro nito ang unang kanto. "Iliko mo riyan saka itigil mo sa ikalawang maliit na bahay. Yong may malaking kulay red na refrigerator sa labas."

"Yes, ma'am."

Nginitian nito ang driver niya saka bumaling sa kaniya at inilahad ang kamay. "Hi. I'm Dawn."

"Dawn." Sambit niya sa pangalan nito. "Nice name." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "I'm Hawk Laxamana."

"Nice to meet you, Hawk." Dumukwang ito palapit sa kaniya saka ginawaran ng halik ang mga labi niya. "It's really nice meeting you." She whispered over his lips.

Parang tumigil ang paghinga niya dahil sa simpleng halik na yon.

"Yeah." Tumikhim siya. "It's nice to meet you too." Parang kinakapos ang hiningang sabi niya.

Dawn smiled. "Charming." Umayos ito ng upo saka nanatiling nakangiti.

Hawk can't keep his eyes away from Dawn's beautiful face. From the back of his mind, may nagsasabi sa kaniyang nakita na niya ang mukha nito sa kung saan pero hindi lang niya maalala kung saan at kailan.

But Hawk is sure, he already met Dawn somewhere. Hindi doon sa elevator ang una nilang pagkikita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top