CHAPTER 5


CHAPTER 5

"THANKS FOR saving me." Sabi ni Hawk ng makapasok sila sa loob ng bahay nito.

Nagkibit-balikat si Dust. "Trabaho kong iligtas ka."

"Salamat pa rin."

"Okay." Inayos niya ang nagusot na damit dahil sa pagsakay ng motorsiklo. "Pero sa susunod magsabi ka kung saan ka pupunta at kung anong gagawin mo do'n. What you did tonight is stupidity. You put your life on the line and that pissed me off."

Hindi ito umimik. Umingos naman si Dust.

"Matulog ka na." Sabi niya.

"Ikaw, matutulog ka na rin?"

"No. I'll check the perimeter first before sleeping." Kinusot niya ang mata na mahapdi na dahil sa antok. Tatlong oras ba naman siyang naghintay sa labas ng Hotel room nito. "Matulog ka na."

"Okay."

Nang makaalis si Hawk patungo sa silid nito, lumabas siya ng bahay at sinuyod ang bawat sulok niyon. Para makasiguro siya na wala makakapasok at makakapanakit kay Hawk, doon siya nagkampo sa Security Camera room. Nag-uumpisa nang umatake ang kalaban, baka mapahamak ito kung hindi niya seseryusohin itong pagbabantay dito.

Nadagdagan ang paghanga niya kay Hawk habang nakatingin sa Monitor ng mga computer na gamit nito sa security room. Hindi lang pala ang kaguwapuhan nito ang dapat hangaan at ang masarap nitong labi. May taglay din itong katalinuhan na kahanga-hanga.

May heat sensor ang buong bahay at naka-program sa mga camera ang profile ng lahat ng tao sa bahay na yon at kung may makakapasok na kahit na sino na hindi naka-program ang profile, madi-detect yon ng Camera at mag-iingay ang alarm system.

And Hawk designed it himself. Matalino talaga ito. No wonder hinahabol ito ng masasamang loob dahil sa ginawang software.

Ang tanong, anong klaseng software kaya ang ginawa nito?

Nakatulogan ni Dawn ang isiping yon.

HAWK feels the grumpiness coating his mood as he walked to the kitchen. Ang aga-aga, masama kaagad ang mood niya. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi mawala sa isip niya ang babaeng nakahalikan niya sa elevator.

Fuck it! Those sweet lips of hers keep him up all night. Mas okay na yon kaysa si Dust ang laman ng isip niya.

Speaking of which... Dumaan siya sa kuwarto ni Dust at kumatok. He has to thank this man again for saving his life last night.

Nakakailang katok na siya, hindi pa rin nito binubuksan ang pinto ng kuwarto. Napilitan si Hawk na pihitin ang door knob pabukas saka sumilip sa loob.

He stilled when he didn't saw Dust. Mayado pang maaga para magising ito. Isinara niya ang pinto at malalaki ang hakbang na tinungo ang Security room niya. Mas madali niyang malalaman kung nasaan ang bodyguard niya kung gagamitin niya ang software na dinisinyo niya na inilagay niya sa Security system ng bahay niya.

Hawk pushed the door to the security room open and stilled. Bahagyang umawang ang labi niya ng makita si Dust na nakaupo sa swivel chair sa harap ng monitor at mahimbing itong natutulog.

"...the fuck..." he whispered.

Anong ginagawa nito rito at bakit dito ito natulog?

Maingat at walang ingay siyang lumapit dito at pinakatitigan ang mukha nito. At dahil tulog ito, nabigyang laya siya na pagmasdang mabuti ang mukha ng bodyguard niya.

Mas tumiim ang tingin niya sa mukha nito sa bawat segundong lumilipas. Dahil malapit siya sa mukha nito, ngayon lang niya napansin ang mahahaba nitong pilik mata at kulay rosas nitong mga labi na hugis puso. And not to mention the sweet scent that is invading his nostrils again.

This guy is really beautiful. Anang isip niya habang nakatitig sa mukha nito.

Then his eyes move down to Dust's lips. They look soft and inviting.

Hawk gulped when his throat went dry. Pero hindi niya maalis ang tingin sa mala kulay rosas na labi ni Dust. At napapansin niyang paunti-unti ay lumalapit ang mukha niya rito.

He cannot stop himself from moving his face close to Dust. Para siyang nahihipnotismong mas inilalapit pa ang mukha sa bodyguard niya. Hawk can feel his body burning while his mind shouts at him to get a hold of himself.

But before the unthinkable happen, Dust's eyes open and he stared at his.

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot ang tanong nito.

Mabilis siyang tuwid na tumayo saka tumikhim. Nararamdaman niyang nag-iinit ang taenga niya at batok sa sobrang hiyang nararamdaman dahil nahuli siyang nakatingin dito.

Holy shit!

"Anong ginagawa mo?" Ulit na tanong ni Dust sa kaniya.

Tumikhim siya. Pakiramdam niya ang batok niya ay naglalagablab dahil sa init niyon. "Wala. I'm just checking if you're really asleep."

Dust's eyebrows furrowed. "Hindi ba halata sa malayo?" May sarkasmo sa boses nito saka parang naiilang na nag-iwas ng tingin. "Sa susunod huwag mo nang gagawin ulit yon."

"Copy that."

Bumaling ulit ito sa kaniya. Hindi nakalampas sa mga mapanuri niyang mata ang pagbaba ng tingin ni Dust sa mga labi niya. It nearly knocked off his breath from his lungs. Especially when he saw a flash of desire on his eyes.

Impossible!

Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair, nagpantay ang mukha nilang dalawa ay parang mapupugto ang hininga niya. Their faces were so close. Fuck!

Inaasahan niyang si Dust ang unang hahakbang palayo pero doon siya nagkamali. Dust stood still as his eyes stared intently at his lips.

Hawk couldn't move, hindi sumusunod ang katawan niya sa dinidikta ng isip niya. He wanted to move away from Dust. Pero ang katawan niya at nanatiling nakatayo at parang hinihintay ng kaniyang mga labi na lumapat doon ang labi ni Dust.

He can feel his body burning with eagerness and desire. He can feel his blood pulsing as he waited.

Dust's lips. So near. It's so ... near... he can almost taste him.

This isn't right! His mind is shouting but his body is not listening. May sariling isip ang katawan niya.

Hawk's eyes dropped close as Dust's lips softly pressed against his. The sensation is numbing every rational thought in his mind. He was in bliss. Dust's lips feels like the soft kiss of the rain on the drought land.

Pero kaagad ding nawala ang sensasyong nararamdaman dahil parang napasong kumawala ang labi ni Dust sa labi niya.

Their eyes met and he can see fear on Dust's eyes. Humakbang ito palayo sa kaniya, puno ng pangamba at pagsisisi ang mga mata.

"I, ahm, d-didn't..." marahas nitong pinilig ang ulo. "I, ahm, i-i'm sorry." He looks shocked and confused. "I-i h-have to g-go." Nauutal nitong sabi saka malalaki ang hakbang na lumabas ng Security room.

Napahawak naman si Hawk sa nakaawang niyang mga labi. Nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni Dust na parang nakalapat pa rin doon. That made him gulped in confusion.

Holy... fuck. Nasapo niya ang bibig ng magsink in sa utak niya ang nangyari.

Dust just kissed him. He's a guy! And he, a man, like it!

"Oh, hell, no." Marahas niyang pinilig ang ulo saka mariing ipinikit ang mga mata niya. "Oh, god... why am I feeling like this? Why did I let that fucking kiss happen? It was a mistake. A very big fucking mistake!"

Puno siya ng frustrasyon ng lumabas sa Security room at wala sa sariling bumalik sa kaniyang silid at naligo, na para bang sa pamamagitan niyon ay makakalimutan niya ang halik na hinayaan niyang mangyari.

He could have step away. He could have pushed him away.

Fuck! Fuck!

"I'm not gay!" Sigaw niya saka umigkas ang kamao niya at tumama iyon sa tile na pader ng banyo.

"I'm. Not. Gay." nagtatagis ang bagang na ulit niya.

Sigurado siyang hindi siya bakla. Alam niya kung sino at ano siya. He doesn't swing that way, fuck it!

Pero bakit mo hinayaan na halikan ka? Tanong ng boses sa likod ng isip niya.

Hawk stilled.

Bakit niya ako hinalikan? Balik tanong niya sa kaniyang isip.

"Is he gay?" Tumingala ang mukha niya sa shower at sinalubong ang malakas na buhos niyon habang nakapikit ang mga mata. "Does he like men?" Napasabunot siya sa sariling buhok. "Fuck it!"

DAWN wanted to kick herself! That was a very wrong move. Very wrong! Ano nalang ngayon ang iisipin ni Hawk patungkol sa kaniya? Na bakla siya?

For fuck's sake! She kissed him while she is pretending to be Dust! Oh shit! Siguradong iniisip nito ngayon na baka bakla siya.

"Babae ako!" Sigaw niya habang naliligo sa loob ng banyo. "Babaeng-babae ako!"

But he doesn't know that. Her mind snickered at her.

Bumuga siya ng marahas na hininha. Yes. Hawk doesn't known that she is a woman dressing up as a man. At kapag nalaman nito at may pinagsabihan ito at malaman ng ina niya, tiyak na malaking kaparusahan ang aabutin niya.

The last time she dressed up as a man, she was grounded for a year! No phone, no laptop, no social life and lots of chores! Ano naman kaya ngayon ang magiging kaparusahan niya? Siguradong mas malala pa sa nauna. Iyon ang kinakatakot niya.

Hinilamos niya ang palad sa basang mukha dahil sa tubig na galing shower saka napabuntong-hininga siya.

"Shit! I'm screwed!"

Bakit naman kasi hinalikan niya si Hawk?

Bakit?!

Maybe it's because when she looked at his sexy lips, her mind drifted off to what happened between them in the elevator. At nakaramdam siya ng kagustuhang halikan ang mapupula nitong mga labi. And her body and mind just went along and kissed him without thinking of the consequences.

Pinatay niya ang shower saka nagbihis sa loob ng banyo at lumabas. She wore a rugged jeans, white shirt and black leather jacket. Pinarisan niya iyon ng leather boots na pag-aari rin ni Dust na masikip na rito pero kasya pa sa kaniya.

Nagmamadali siyang lumabas ng bahay, nangangamba na baka makasalubong si Hawk. Kailangan niya itong iwasan pansamantala habang hindi pa siya nakakabawi sa katangahang ginawa.

Lumabas siya sa gate ng bahay ni Hawk saka sumakay sa likod ng truck kung saan naroon ang team niya.

"Gentlemen." Bati niya sa mga ito sa panlalaking boses. "Sandali akong mawawala." Tinuro niya si Agent Cole na pumapangalawa sa kaniya sa misyong iyon, "ikaw na muna ang pumalit sakin doon sa loob. Naka-input naman ang Profile mo sa security system kaya hindi mag-iingay ang alarm. May importante lang akong aasikasohin." Pagpapaliwanag niya. "I'll be back before sun down, if not, I'll be back at dawn."

"Yes, Sir."

Sinamahan niya si Agent Cole papasok sa loob ng bahay ni Hawk saka ipinakilala ito sa Mayordoma. Nang maipakilala ito, kaagad siyang umalis gamit ang motor ng kakambal at nagtungo lugar kung saan palaging siyang pumupunta kapag gusto niyang makapag-isip.

NAG-ISANG LINYA ang kilay ni Hawk ng pumasok siya sa hapag-kainan at nakita niya ang isang lalaking matuwid na nakatayo sa gilid at nakasuot ng Tuxedo.

"Sino siya?" Nagtatakang tanong niya sa kapatid na nauna nang kumain ng agahan sa kaniya.

Nagkibit-balikat si Hailey. "Kapalit daw si Dust."

Natigilan siya sa paglalakad at nakaramdam ng pangamba. "Did he resign?"

Hailey just shrug and continued eating.

Magsalubong ang kilay na sininyasan niya ang bagong bantay niya na lumapit na kaagad naman nitong sinunod.

"Nasaan si Dust?" Kaagad niyang tanong ng makalapit ito.

"May importante daw ho siyang pupuntahan, Mr. Laxamana, kaya ako muna ang pansamantalang magbabantay sa inyo."

Para siyang nakahinga ng maluwang. Chill, Hawk. Dust will be back. Fuck!

"Kailan naman daw siya babalik?" Iritado ang boses niyant tanong.

"Kapag hindi raw siya makabalik bago mag takip-silim, bukas na bukang liwayway daw ho, Mr. Laxamana." Sagot ng bago—no, hindi bago—pansamantala niyang bodyguard.

"Okay."

Umupo na siya sa silya at ang bodyguard naman niya ay bumalik sa kinatatayuan nito kanina.

Naglagay siya ng kanin at ulam sa plato kapagkuwan at napakunot ang nuo ng makita si Hailey na sa halip ay ibuhos ang buong atensiyon sa agahan ay sa cellphone nito ito nakatingin.

"Hailey." He used his big-brother voice on her. "Itago mo nga muna iyang phone mo at kumain ka. Irespito mo naman yong pagkain na nasa harapan mo."

"Sorry, kuya." Nakangiwing ngumiti ito at itinago ang cellphone. "Ka-text ko kasi si Dust, e."

He stilled. "Si Dust?" Kaagad siyang naging interesado sa kung anong pinag-usapan ng dalawa. "Ano pinagusapan niyo."

Hailey continued eating. "Wala naman masyado. Nagpaalam lang siya sa akin na aalis muna siya pansamantala."

Nagkasalubong ang kilay niya at hindi makapaniwalang umawang ang mga labi. "... the hell? Nagpaalam sayo, sakin wala? Baka nakakalimutan niya na bodyguard ko siya."

Tumaas ang sulok ng labi ni Hailey, "baka nga, kuya. Magmamadali daw siya kanina, e. Magkikita daw kasi sila ni Cali at Denver, e."

Nagdilim ang mukha niya. "Sino naman tong si Denver na mukhang mas importante pa sakin? Should I remind him that my life is in danger and—"

"Boyfriend niya si Cali at Denver." Pabulong na sabi ni Hailey pero bawat letra ng katagang sinabi nito ay dinig na dinig niya.

Hawk's jaw went slack. "He is with his what?"

"Boyfriend." Hailey smiled at him then she stands up. "Happy breakfast, kuya." Pagkasabi no'n ay iniwan siya nito sa hapag-kainan.

Parang sasabog ang isip ni Hawk sa nalaman. Dust's boyfriend? So he is gay? Dust is gay? Mabilis siyang napakurap-kurap kapagkuwan ay nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya.

So pagkatapos siya nitong halikan, pupunta ito sa ibang lalaki? Are they kissing now? Are they touching each other?

The idea grosses him out. But why does he can picture himself kissing Dust back?

Double fuck! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top