CHAPTER 2

CHAPTER 2

HAWK can't stop looking at Dust and Hailey on the terrace, talking. Mukhang masaya ang pinag-uusapan ng dalawa kasi pareho ang mga itong nakangiti. He can't stop feeling worried over his sister. Hindi niya masyadong kilala si Dust, paano kung babaero pala ito?

Like you? Anag boses sa isip niya.

Hawk groaned and looked at the duo again. Mukhang masaya ang kapatid niya habang kausap si Dust, at ganoon din naman ang Bodyguard niya.

Unconsciously, his eyes dropped to Dust's lips. They look soft and inviting.

Marahas na umiling si Hawk. Holy shit! Bakit ba yon ang pumasok sa isip niya? Nagsitaasan ang balahibo niya sa sobrang pagkadisguto sa naiisip.

He was mentally kicking himself when Hailey looked at him.

"Kuya, puwede ko bang hiramin si Dust?" Tanong ni Hailey na may matamis na ngiti. "He owes me dinner."

Natigilan si Hawk, nagsalubong ang kilay, at tumingin kay Dust. "Aalis ka? Paano kung may pumasok dito sa bahay? Could your team protect me?"

Hawk saw uncertainty in his Bodyguard's eyes.

"Hindi naman kami magtatagal." Kapagkuwan ay sabi ni Dust. "Babalik din kami kaagad."

His face grimed. "What if someone tries to assassinate me? Nakakalimutan mo bang dito ako sa bahay muntik nang mabaril?"

Dust's lips thinned in irritation. Nakikita din niya ang pagtatagis ng bagang nito. Walang pakialam do'n si Hawk.

"Hindi ko kinukuwestiyon ang kakayahan ng team mo na protektahan ako, but isn't it your job to protect me?" May sarkasmo sa boses niya.

Dust expression remains impassive. "Fine. Hindi na ako lalabas." Humarap ito kay Hailey at tipid na ngumiti. "Sorry, I can't, Hail. Your brother is being an asshole."

Umawang ang labi niya sa narinig. "Anong sinabi mo?!" Mag galit sa boses niya.

Humarap ito sa kaniya at naglakad palapit sa kaniya saka tumigil sa harapan niya. "Ang sabi ko," matiim itong nakatingin sa mga mata niya, "you're being an asshole."

Hawk's heart did a weird flip as Dust's eyes looked into his. May kakaibang kislap sa mga mata nito na nakakapagapsikip sa dibdib niya. At hindi lang iyon, may mabango itong amoy na humahalimuyak at nanunuot sa ilong niya at naaapektohan niyon ang parting iyon ng katawan niya.

Fuck this! Fuck! Fuck!

Hawk steps away, but he never averted his eyes. "Ayokong sumama ang kapatid ko sayo. I don't trust you, Dust."

Hawk knew that it wasn't his reason alone.

"Wala kang tiwala sa taong nagbabantay sayo para hindi ka mapahamak?" Tumaas ang sulok ng labi nito na parang nang-uuyam, "bummer."

Dust walk pass him and left him irritated.

Lumapit sa kaniya si Hailey at hinaplos ang dibdib niya saka sinuntok siya sa balikat.

"Asshole move 'yon, kuya." Sabi ni Hailey. "Mabait naman si Dust, e."

"So kasalanan ko?" Hawk sighed. "Hindi ko siya kilala para pagkatiwalaan kong kasama mo."

Kinunotan siya nito ng nuo at napapantastikuhang tumingin sa kaniya. "Really, kuya? That's a low blow for someone who's guarding you. Kung wala ka naman palang tiwala sa kaniya, e di, paalisin mo siya rito sa bahay."

Mas lumalim pa ang pagkakakunot ng nuo niya. "Hailey, paano mo ba nakilala si Dust Montreal, ha? And why are you so close to him? Kilala ko lahat ng naging boyfriend mo, at hindi kasama do'n si Dust Montreal."

Ngumiti lang ang kapatid niya saka hinalikan siya sa pisngi. "Goodnight, Kuya. Sleep tight."

Hailey left him alone. And Hawk gritted his teeth in annoyance.

Ano ba ang mayroon kay Hailey at Dust? Kailangan niyang malaman.

HAWK LAXAMANA is a certified jerk! Ano ba ang problema ng lalaking yon sa kaniya? May nagawa ba si Dust na hindi nito nagustuhan? Teka lang, baka naman may nagawa siyang hindi angkop sa akto ng isang lalaki?

Shit! Was it her sarcasm on the Airport? Or was it her rude attitude towards him? Masama din naman kasi ang ugali nito e.

Hindi mapakali si Dawn kaya naman lumabas siya ng kaniyang silid at hinanap si Hawk. Nahanap niya ito sa beranda habang may hawak na kopita na may lamang alak.

"Hindi ka dapat umiinom dito." Wika niya sa panlalaking boses ng makalapit dito. "Isa itong open space, baka ma-snipe ka bigla. Siguradong mamamatay ka kaagad."

Kumuyom ang kamao ni Dawn ng nanunuot sa ilong niya ang mabangong pabango no Hawk. Shit! She is just a woman, at kahinaan niya ang mga lalaking may mababangong amoy sa katawan.

Good gracious! Keep yourself together, Dawn Montreal!

Hawk chuckled softly. "Hindi ako papatayin ng mga 'yon hanggat hindi nila napapasakamay ang software na ginawa ko."

Nagkibit-balikat si Dawn at pinanatiling mababa ang boses niya na tonog panlalaki talaga.

"Kung iinom ka, doon sa loob, huwag dito." Wika niya kapagkuwan.

"Paano kung ayoko?"

"E di bahala ka sa buhay mo. Hindi naman ako ang mamamatay kung sakali." Sabi niya saka iniwan ito sa beranda.

"Hey!" Tawag nito sa atensiyon niya ng bahagyan siyang makalayo sa beranda.

Nilingon niya ito. "What?" Puno ng iritasyon ang boses niya.

"Iyan ba ang dapat na sagot ng isang Bodyguard sa binabantayan niya?" Naguguluhang tanong nito.

Nagsalubong ang kilay niya. "Anong ibig mong sabihin?" Kinabahan siya.

Nakakahalata na ba 'to? Shit! Ito ang unang araw niya sa pagpapanggap at nahuli kaagad siya? Grabe naman ang pakiramdam ng isang 'to.

"You seem different." Obserba nito sa kaniya habang naglalakad palapit sa kaniya. "You act different."

Palakas ng palakas ang tibok ng puso niya habang sumusuray itong naglalakad palapit sa kaniya. Pero hindi siya umatras. Hindi siya nag-iwas ng tingin. Hindi gawain ng isang lalaki ang magbaba ng tingin. Kahit sumisigaw ang bawat parte ng katawan niya na umatras at mag-iwas ng tingin, hindi niya ginawa. She has to keep in mind that she is now Dust, not Dawn.

She's now a man, not a woman.

"Hawk, step back." Aniya na pilit na itinatago ang kabang nararamdaman.

"No. Something is different..." mas tumiim ang tingin nito sa kaniya. "Something is not right..."

Dawn froze when Hawk cupped her face.

"Mr. Laxamana, your hand please." She said, still frozen in place.

His hand felt warn on her skin. And it's making her heart beat thunderously.

Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa mukha niya, nanunuri ang mga mata.

Bago pa makalapit ito ng tuluyan, hinawakan niya ang ugat nito sa batok at pinisil iyon para mawalan ito ng malay.

Hawk dropped unconscious on the floor.

Doon lang nakahinga ng maluwang si Dawn. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya, hinahabol niya ang hininga.

"Shit." Mura niya bago umuklo at hinila si Hawk sa paa patungo sa kuwarto nito.

"WE'RE HERE." Anang boses ni Dust na pumukaw kay Hawk sa malalim na pag-iisip.

Tumingin siya sa labas ng bintana at napabuntong-hininga ng makitang nasa labas na nga sila ng Laxamana's TechWare Company.

Itinulak niya pabukas ang pinto saka lumabas, kaagad na nakasunod sa kaniya ang bodyguard niya hanggang sa makapasok sila sa elevator.

"Kailangan ba talagang nakasunod ka sakin palagi?" Naiinis niyang tanong kay Dust na nasa unahan niya.

Ayaw niyang nakasunod ito palagi sa kaniya. Naaamoy kasi niya ang mabango nitong pabango.

Bahagyan siya nitong nilingon at tumango. "Trabaho kong sundan kayo kahit saan magpunta, Mr. Laxamana. Masanay ka na sa presensiya ko."

Kumuyom ang kamao niya. Fuck! Get use to Dust beside him? His stomach twisted and churned. Fuck! He hopes he can erase in his mind what happened last night.

He cupped Dust's face for Pete's sake! That was embarrassing! That wasn't manly at all and he is a man!

Maingat siyang nagpakawala ng malalim na hininga. "About what happened last night..." hindi niya kayang ituloy.

"No worries." Dust's voice sounds cool and collected. "Lasing ka kagabi kaya ganoon. Next time, don't get drunk."

"I won't." Mabilis niyang sabi.

Tumango ito at nanatiling nakatalikod sa kaniya. And it give Hawk an opportunity to study Dust.

Dust is tall and lean, medyo magkapareho ang tangkad nilang dalawa, lamang lang siya ng isang pulgada. Manipis ang pangangatawan nito pero hindi naman matatawag na patpatin. May kulay ginintuan itong buhok na parang napakalambot haplosin na nababagay lang sa balat nitong moreno.

Hawk leaned closer to Dust and he inhaled.

Dust smelled so good, like a sweet fresh air after the rain. It's a weird scent for a man. O baka naman imahinasyon niya lang yon?

He was still sniffing him when the elevator opened. Parang siyang napaso na napahakbang paatras.

Ihinarang naman ni Dust and kamay sa pinto ng elevator para hindi iyon sumara at bumaling sa kaniya. "Sir?"

Hawk gulped and hurriedly steps off from the elevator to his office.

"Maya, this is Dust Montreal, my Bodyguard," pagpapakilala niya kay Dust sa sekretarya niya. "And all the monthly reports; put it on my table." Pagkausap niya sa sekretarya niya. "And call Mr. Tan, we're going to talk about the software he developed for Android Phones."

Akmang papasok na siya sa private office niya ng marinig niya ang boses ni Dust.

"Mind if I check the perimeter?" Tanong nito.

"Suit yourself, Mr. Montreal." Sabi niya na hindi lumilingon dito saka pumasok sa opisina niya.

"CAN I OFFER YOU a drink?" Pukaw ng sekretarya ni Hawk kay Dawn na pinapalibot ang tingin sa kabuonan ng opisina.

Bumaling siya sa babae. "A coffee will do." He smiled.

Maya smiled back, a little flirty. "Just coffee?"

Pinipigil ni Dawn ang maduwal sa pagkadisgusto, nagsisitaasan ang balahibo niya. Goodness! A woman is flirting with her! That's a first and hopefully the last.

"Just coffee." Dawn replied politely and continues to look around the place.

Habang nagtitimpla ng kape si Maya, sinusuri naman ni Dawn ang bawat sulok ng opisina. At nang ibigay ni Maya sa kaniya ang kape, umupo siya sa sofa na naroon at dahan-dahan iyong inubos.

"May nangyari na ba sa inyo ni Mr. Laxamana?" Hindi napigilang tanong ni Dawn kay Maya na panay ang ngiti sa kaniya.

That was a very bold question, but she can't help it.

Kaagad na napansin ni Dawn na nag-iwas ito ng tingin sa kaniya at naiilang ang ngiti sa mga labi nito.

"It's okay." Pagpapakalma niya rito. "I'm just asking."

Maya smiled again. "Yes. Pero isang beses lang 'yon, nuong nalasing siya sa isang Business Party at kasama niya ako."

"He took advantage of you?"

"No." Mabilis na umiling ang babae at parang nahihiyang ngumiti. "It was the other way around."

Napanganga siya. "Woah."

Maya smiled again, this time, it was force and nervous. "Sana manatili tong sekreto, ayokong pagtsismisan ng mga empleyado rito. Hindi ko nga alam kung bakit ako umamin sayo, e."

Napangiti si Dawn saka naglakad palapit sa mesa ni Maya habang sumisimsim ng kape.

"It's okay. Wala akong pagsasabihan." Wika niya na nakangiti. "Just a piece of advice though, Mr. Laxamana is a playboy, wala kang future sa kaniya. Maghanap ka nalang ng iba."

"Ikaw nalang kaya."

Napaubo si Dawn at muntik na niyang maibuga ang kapeng iniinom. "No. No. No. Not me. Iba nalang. Tulungan pa kitang maghanap."

Namilog ang mga mata nito. "Tutulungan mo talaga ako?"

"Yes." Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at ibingay iyon kay Maya. "Here. Put your number. Tatawagan kita kapag na-i-set up kita ng date sa isa sa mga kaibigan ko. Don't worry; they are all a good catch."

Maya giggled. "Thank you." Inilagay nito ang numero sa cellphone niya saka ibinalik iyon sa kaniya. "Here you go. Hihintayin ko tawag mo, okay? I'm excited."

"Sure." Nangingiting sabi niya. "Tawagan kita mamaya."

Dawn loves playing matchmaker. At masaya siyang may matulungang kabaro niya na maging masaya. Good catch naman kasi talaga ang mga kaibigan niya.

"Maya, hindi kita binabayaran para makipagharutan!" Galit na boses ni Hawk na nagpaigtad sa kanila ni Maya. "Back to work! Now!"

Mabilis na bumaling si Dawn sa pinanggalingan ng galit na boses. Nakatayo doon si Hawk at nakapameywang, madilim ang mukha nito at halatang masama ang mood. Nanlilisik ang mga maya nito habang nakatingin sa kaniya.

"At ikaw naman, Mr. Montreal," ang matatalim nitong mga mata ay nakatuon sa kaniya. "You are here to protect me, I hired you to protect me, not flirt with my secretary. In my office, now!" He barked at her before returning to his office.

Dawn sighed and patted Maya's shoulder. "Have a good day, Maya. Because I sure as hell won't have one." Pagkasabi niyon ay pumasok siya sa opisina ni Hawk.

A/N: Hanggang dito lang muna si Hawk at Dawn ngayon. Hehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top