CHAPTER 1
CHAPTER 1
HUMINGA MUNA ng malalim si Dawn bago kumatok sa pinto ng opisina ni Mr. Laxamana sa bahay nito. Ito ang unang beses na makikita siya nito— no— ito ang unang beses na makikita nito si Dust.
Stay cool, Dawn. Pagkausap niya sa sarili. You have done this before, remember? You already play dress up before. So it's no big deal.
Yes, she already did. Walang nakahuli sa kaniya noon maliban sa mommy niya na galit na galit sa ginawa niya. Apat na tao lang ang nakakaalam sa ginawa niyang iyon, siya, si Dust na siyang pasimuno tulad ngayon, ang ina niya at ang matalik niyang kaibigang si Hailey.
"Come on in." Anang baritonong boses mula sa loob ng opisina na pumukaw sa pag-iisip niya.
Maingat na humugot siya ng malalim na hininga bago pinihit ang door knob ng opisina. Inayos muna niya ang suot na leather jacket bago pumasok sa loob ng silid. Masikip ang dibdib niya dahil kailangan niya iyong itago sa pamamagitan ng pagpapalibot ng tela para maging flat 'yon! That is plain torture to her breast.
Nang makapasok sa loob, her eyes automatically search for Mr. Laxamana.
Tumigil ang mga mata niya sa lalaking may kulay brown na buhok na nasa likod ng isang mesa na puno ng maraming papel sa ibabaw. Halatang abala ito dahil hindi manlang ito tumingin sa kaniya.
Dawn knew every angle of Mr. Laxamana's face. He knew that he has steel grey eyes, an aristocrat nose, a kissable sexy lips and proud jaw line. Ilang oras din kasi niyang tinitigan ang larawan nito nang isang araw.
Kaya kahit hindi mag-angat ng tingin sa kaniya ang lalaking kaharap, alam niyang ito si Mr. Laxamana. She studied everything about him, every file about him, every photo in the internet and newspaper and every article about him. She knew every corner of his house, every in and out of her Company's Building. She knew everything about him. Ayaw niyang magkamali siya. Her brother's job is at stake. She has to take this dressing up seriously.
Tumikhim siya at sinigurong mababa at panlalaki ang boses niya ng magsalita.
"Good Morning, Mr. Laxamana." Aniya sa boses na parehong-pareho sa kapatid niya. "My name is Dust Montreal, your Bodyguard from International Protection Agency."
At last, he looked up at her. And Dawn's breath was knocked out from her lungs. Those steel grey eyes looking at hers, making her heart skips a beat! Damn, boy! She can see danger ahead. Guwapo ito sa larawan pero mas doble naman ang kaguwapohan nito sa personal.
"So ikaw ang pinadala nila sakin?" Tanong nito na isinadal ang katawan sa likod ng swivel chair na kinauupuan nito. "Hindi naman sa kinukwestiyon ko ang kakayahan mo, pero sigurado ka bang kaya mo akong protektahan?"
Tumaas ang dalawa niyang kilay. "You are questioning me, Mr. Laxamana."
Nagkibit-balikat kita. "Kaya mo ba?"
"Yes. I can."
Tumango-tango ito pero ang mga mata ay nakatingin pa rin sa kaniya. "Siguro nga." Ang tanging sinabi nito bago ibinalik ang atensiyon sa mga papeles. "Anyway, magpahinga ka na muna. Hanapin mo si Manang Yolanda, siya ang mayordoma ko, alam niya kung saang kuwarto ka patutuloyin."
Nakahinga siya ng maluwang dahil hindi na ito nakatingin sa kaniya. "Yes, sir."
Tumango ito at tuluyang ibinalik ang atensiyon sa ginagawa bago pa siya dumating.
Dawn steps back and walk out of the room. At dahil nakatalikod ito, hindi nito nakita ang kunot na nuo ni Hawk habang nagtatakang nakatingin sa likod nito.
Kaagad na hinanap ni Dawn si Manang Yolanda. Hindi naman siya nahirapan. Itinuro nito sa kaniya ang silid na uukupahin niya.
Malalaki ang hakbang na tinungo ni Dawn ang silid na nakalaan para kay Dust. Nang makapasok siya, kaagad niyang ni-lock ang pinto at tinawagan ang kakambal.
"Hey, sis." Bungad sa kaniya nito ng sagutin ang tawag niya. "How's your first day with Mr. Laxamana?"
She took a deep breath. "Okay naman. Nothing happened. Pero hindi tayo nakakasiguro, baka makahalata siya. Anyways, alam mo ba kung secure ang bahay na 'to? Nakabisado ko ang blueprint na kasama sa mga files niya pero yong security ng bahay, hindi ko pa nakikita." Tanong niya hanang pinapalibot ang tingin sa kabuonan ng silid.
Maginang tumawa lang ang kakambal niya. "Chill, Dawn, Mr. Laxamana won't notice a thing, okay? Remember, you are me, act cool. Kung pumalpak ka, hindi si Dawn ang papalpak kundi si Dust. Get it?"
She groaned. "Fine."
"Great." He chirped. "And yes, the whole house and that room are secured. May CCTV ang bawat silid maliban sa silid ni Mr. Laxamana. Ang walang CCTV lang ay ang mga C.R. Always keep that in mind, Sis."
Bumuga siya ng marahas na hangin. "Bakit ba ako pumayag sa kalokohan mong 'to?" Nagsisisi na siya.
Tumawa lang ang nasa kabilang linya. "It's because you love me."
She rolled her eyes. "Yeah. Yeah. Whatever. I'm hanging up."
Hindi na niya hinintay ang sagot nito, pinatay niya ang tawag at itinapon ang cellphone sa ibabaw ng kama, pagkatapos ay binuksan ang closet at inilagay ang mga panlalaking damit na dala niya na pag-aari ni Dust.
It's a good thing na magka-height sila ni Dust. Sa pangangatawan naman, hindi sila masyadong magkaiba. Dust has a lean body, with just an exact amount of muscle. Siya naman ay lean, kaunti lang ang muscle.
Pumasok siya sa banyo saka nag bihis, nang makalabas siya, pakiramdam ni Dawn siya na nga si Dust. When she looked at in the mirror, she shivered. Kamukhang-kamukha talaga niya si Dust. Mula ulo hanggang paa. Ang pinagkaiba lang niya ay may mayayaman siyang dibdib. But Hawk Laxamana doesn't know that, right?
This is a piece of cake. Yes, a nice piece of cake.
Napatigil si Dawn sa pagtingin sa salamin ng may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Mabilis niyang inayos ang sarili saka binuksan ang pinto.
Natigilan siya ng makita si Hawk na nakatayo sa labas ng pinto.
"Yes?" Her voice drop down low, just like a male's voice.
"I'm sorry to disturb you, pero kailangan ko palang sunduin ang kapatid ko sa Airport. Nakalimutan kong ngayon ang dating niya. I need you to guard me and my sister."
"Yes, Sir." Mabilis niyang sagot saka lumabas ng silid niya.
Sabay sila ni Hawk na bumaba sa magarbong hagdanan at lumabas sa bahay nito. Dumeretso sila sa garahe. Nawala sa isip niya na siya si Dust, naamoy kasi niya ang mabangong pabango ni Hawk na nanunuot sa ilong niya, naisip lang ulit niya na nagpapanggap siya ng makitang sa backseat sumakay si Hawk.
Get a hold of yourself, Dawn!
Sumakay siya sa Driver's seat saka binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad iyon palabas ng malaking gate.
Never in her life did she became a driver, ngayon lang! Siya ang pinagda-drive, not the other way around!
Habang minamaneho ang sasakyan palabas ng gate, ini-open niya ang linya ng microphone na naka-konekta sa taenga niya para makausap ang team ng kapatid niya na nasa labas ng gate.
"This is team leader, over. We are exiting the house, check the perimeter and follow us undetected." Sabi niya sa mini-microphone.
"Copy that, team leader." Sagot ng nasa kabilang linya.
Pinatay ni Dawn ulit ang mini-microphone saka itinuon ang atensiyon sa kalsada.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'yon?" Anang boses ni Hawk na nagpaigtad sa kaniya.
"Ano?" Pasulyap-sulyap siya sa review mirror para makita ang ekspresyon ng mukha nito.
"Kailangan ba talagang isang team kayo na nagbabantay sakin?" May iritasyon sa boses nito. "I only ask for one bodyguard."
Dawn sighed in annoyance. "I know you don't like it, pero para naman ito sa kapakanan mo at sa kapatid mo. So I suggest you get used to it."
He frowned at her. "Isa nga lang ang hiningi kong Bodyguard." Pamimilit nito.
"I have a team and we move as one." Naiinis niyang sabi. "Masanay ka na, para din naman to sayo."
Hawk blow a loud breath. "Fine. Sana nga may gamit kayo kapag may nagtangka sa buhay ko ulit."
"It's my job to dodge the bullet that is meant for you." Wala siyang pakialam kung nakapa-insensitive ng mga sagot niya. "Kung mabaril man ako, hindi mo kasalanan yon. Now, if you have a conscience at all, get use of my team tagging along, it's for your own safety." And for mine.
Napuno ng katahimikan ang buong sasakyan.
Nagpatuloy nalang siya sa pagmamaneho patungong Airport. She has to restrain her mouth. Hindi pala-salita si Dust, lalo na kung kleyente nito ang kausap.
Shit! She has to be very careful.
Dawn smiled to herself when they reached the Airport's parking lot. Success na hindi siya nagsalita sa daan, that's Dust, no talking, just working, at dapat ganoon din siya. Kailangan niya rendahan ang dila niya.
"Nandito na tayo." Sabi niya.
"I can see that." May sarkasmo sa boses nito.
Tumalim ang mga mata niya at humigpit ang hawak niya sa manobela. Ang sarap nitong sagutin, pero pinigilan niya ang sarili.
No. Stay calm, Dawn. Stay calm before you kill your brother's client.
"Sabi ko nga." May sarkasmo ding wika niya.
Shit, mouth! Stop talking!
Nakita ni Dawn mula sa review mirror na magdilim ang mukha ng binata. Nang makalabas ito sa sasakyan, napangiti siya ng lihim. Akala siguro nito... gago! She is Dawn Montreal, for God's sake. No one talk to her like that.
Lumabas na siya sa sasakyan at sinundan si Hawk patungong waiting area. Nang tumigil ito sa paglalakad, tumigil din siya sa likod nito pero ang mga mata niya ay sinusuri ang kapaligiran nila.
Isa lang ang nasa isip ni Dawn sa oras na yon. Keep Hawk and his sister safe, kung papalpak siya, si Dust ang papalpak at hindi si Dawn. She won't be her brother's downfall. She promised him that.
Unconsciously, napabaling siya kay Hawk at nahuli niyang nakatingin ito sa kaniya.
"Ano 'yon?" Kaagad niyang tanong.
HAWK CANNOT stop staring at his Bodyguard. Parang hindi normal na isipin niyang guwapo ito. But Dust Montreal really has a beautiful handsome face for a male.
Pasimple siyang napailing. Nahihibang na siya. Siguro dahil ito sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. He's losing his mind, for God's sake.
He sighed and looked away. "Nothing."
Ibinalik niya ang atensiyon sa unahan at hinanap ng mga mata niya ang kapatid na babae.
It is a very wrong timing. Pero ang tigas ng ulo ni Hailey. Sinabi na niyang huwag itong umuwi, umuwi pa rin. Hindi nito naiintindihan na nanganganib ang buhay nito sa bahay niya. And his Bodyguard cannot protect both of them. Yes, wala siyang tiwala rito.
He gritted his teeth in anger. Bakit ba kasi dinivelop pa niya ang software na 'yon? He should destroy it, but he couldn't. It's his baby, his legacy. Hindi niya kayang sirain ang pinaghirapan niyang gawin.
"This is Jupiter, earth is secured beside me. Secure the whole area and report back immediately, over." Narinig niyang pagkausap ni Dust sa mga tauhan nito na siguradong nakabantay sa kanila.
Kumunot ang niya ng mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito.
Binalingan niya si Dust at nakakunot ang nuong nagtanong. "I'm earth?"
Dust gives him an arch look. "Bakit mo natanong?"
"Earth is supposed to be a woman." He glared at Dust. "Mother Earth, remember?"
Tumaas ang sulok ng labi nito at hindi iyon nakatakas sa paningin niya.
He's laughing at him?!
His mood darkened. "Pinagtatawanan mo ba ako?"
Umiling ito at naging seryuso ang mukha. "Should I call you Pluto?"
"Hindi na siya planeta ngayon." Sikmat niya rito.
"Kasalanan ko ba kung hindi siya planeta?" May sarkasmo sa boses nito. "For the sake of our conversation, we can call it Father Earth. Happy?"
Nagtagis ang bagang niya saka tinalikuran ang kausap. He is not use of people being sarcastic with him. He is Hawk Laxamana after all, the owner of one of the most renowned Technology Company in Asia. Sanay siyang pini-please siya ng mga tao para pagbigyan niya ang hiling ng mga ito.
Oh, well...
"Huwag mo akong tatawaging Earth." Sabi niya kapagkuwan.
"Copy that, Pluto."
Talagang sisinghalan na niya ito ng marinig niya ang pamilyar na boses ng kapatid niya.
"Kuya Hawk! Kuya!"
Tumuon ang mata niya sa kapatid niyang tumatakbo palapit sa kaniya.
"Hailey." Tipid siyang ngumiti saka niyakap ng mahigpit ang kapatid ng makalapit ito sa kaniya. "Kumusta ka na?"
"I'm fine, kuya." Masaya nitong tugon saka kumawala sa yakap niya. "Ikaw, kumusta ka na?"
"Ayos lang ako." Aniya.
Hailey smiled and her eyes settled on Dust. Humarap siya sa Bodyguard niya at ipapakilala sana ito sa kapatid ng makita niya ang masaya nitong ngiti para sa Bodyguard niya.
"Dust!" Hailey beamed at him, ang bodyguard niya naman ay namimilog ang mata sa gulat. "Oh my God, Dust, I miss you. It's nice to see you again." Hailey was grinning happily, her eyes shining in delight as she looked lovingly at Dust. "You look handsome as ever."
Napakurap-kurap si Dust habang nakatitig sa kapatid niya. Shock and confusion is visible on Dust face.
"Hail," Dust whispered softly, "you're here. Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"Yes and I'm really sorry. Surprise ko sayo, e." Ini-angkla nito ang braso sa braso ni Dust at hinila ito patungo sa parking lot ng Airport. "Ang dami kong iku-kuwento sayo, Dust." Hailey giggled. "Gosh, I miss you."
Dust couldn't talk. Tumango lang ito kay Hailey habang hinihila ito ng kapatid niya.
And Hawk couldn't look away from Dust and Hailey's locked arms. What the hell is going on here?
#TheInnocentMeeting
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top