chapter 8
Tahimik lang ako dito sa Auditorium, habang hinihintay kung sino ang captain na sinasabi nila. Tinignan ko din ang palibot at wow! Halos lahat ng studyante ng Nakahurra mukhang andito manonood ah. Parang may totoong laban lang kasi ang daming manonood.
“KKYYYYYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!”
“WOOOOOOOOOOOOO!!!!”
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat, ano bang meron ba’t kung makasigaw ang lahat kala mo may art— Wait? S-She’s here.
Gulat akong napalingon don sa babaeng naka jersey na red at may pang ilalalim na soot na kulay black , then short na black naka white shooes, meron ding nakasoot sa kamay n'ya na kulay puti.
Ang cool n'yang tignan, ang angas din ng dating kung maglakad. Iyong buhok n 'ya nakatali pero iyong bangs nakalabas.
Wala itong reaction na naglakad papunta sa court at kinuha ang bola. Lahat ng basketball player lumapit sa kan'ya saka nakipag apir. Huwaahh!
Sana ol, paapir nga din? Char.
Hindi n'ya ako nakikita, kasi midyo nasa gilid lang ako naka upo habang ako halos tumulo na laway ko sa sobrang ganda n’ya. At saka hindi sa pagiging maganda n'ya ako nahulog kundi sa pagiging cool n'ya ang lakas kasi ng dating saming mga lalaki.
“Ang ganda noh? Basketball Captain natin iyan.”
Walang reaction ako na tumingin kay Harvey na kakarating lang saka kumuha ng tubig. “Weehhh?!”
“Yeah, She’s Ryu Cole Santiago Lopez. Sarcastic na babae Captain sa Varsity, matalino laging nasasangkot sa gulo at pinapangarap ng kalalakihan isa na ako don.”
“Alam na alam Ah, stalker kaba? Ba’t di mo ligawan? Bakit babae captain sa basketball?”
“Dude, hindi naman kasi s‘ya iyong tipo ng babae na kapag nakita mo liligawan mo agad, parang exam lang iyan pag aralan mo muna kung san ka tatama.”
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito? Iyong totoo ano connect sa tanong ko don sa sagot n‘ya.
“Bakit babae captain? Ba’t di lalaki? Magaling ba iyan?”Sunod sunod na tanong ko, tinitigan ko ng mabuti iyong Ryu daw.
Bakit hindi ko kaagad napansin na si Lopez at ang sinasabi nilang captain ay iisa. Tinignan ko ulit ito.
She’s cool,
Hot,
Maangas ang dating halatang di mapapasa‘kin.
“CALLING ATTENTION OF THE SSG PRESIDENT UNO PLEASE PROCCED TO THE PRINCIPAL OFFICE!”
“CALLING ATTENTION OF THE SSG PRESIDENT UNO PLEASE PROCCED TO THE PRINCIPAL OFFICE!”
Sinundan ko ito ng tingin ng tumayo ito saka nilagay sa gilid ang bola.
“San punta non? May training tayu diba?” takang tanong ko.
“Btw She’s our Ssg President Ms Uno.”
“WHAT!”
halos mapanganga ako. Amputik ang angas ah ang talino pa HAHAHA wohhhh! Mukhang inlove ang isang badboy na tulad ko sa kan‘ya.
“Teka nga!” pigil ko kay Harvey ng tumayo din ito. “Eh, bakit di ko iyon nakita nong lumipat ako dito? Akala ko ba pag ssg president s’ya ang nagwewelcome sa mga new student? Bakit s‘ya wala dito?”
“Alam mo kung nasan s‘ya?”
“Saan?” takang tanong ko.
“Suspendido ng isang buwan, napagbintangan s‘ya na nakipag away pagkatapos ng Laru sa N.U at A.U kaya s‘ya di pinapasok muna.”
“Owwwss!! Ano daw sabi ng parents nito?” tanong ko ulit.
Oo may pagkachismoso ako kunti lang naman. “Iwan, Di naman namin alam kung mayaman ba s‘ya o mahirap eh. Ang alam lang namin matalino at maganda s‘ya.”
“Tssskk!! Buti pagbalik n‘ya ssg president padin s‘ya?” tanong ko ulit.
“Malamang, s‘ya lang kasi ang may kakayahang patinuin ang mga studyante dito.”
“Pero sarili n‘ya di n‘ya kayang patinoin? Dapat patinuin n‘ya muna sarili n‘ya bago ibang tao. Pano s‘ya susundin n‘yan?”
“Pre, palaaway si Ryu pero alam n‘ya ginagawa n‘ya. At tama na kakatanong dude nakakasawa kang sagutin.”
“Upakan kita gusto mo?” paghahamon ko dito.
“Bakit kakasa ka?!”
“Bakit hindi ba?”
“OYYYY MGA PRE MAGSISIMULA NA ANG TRAINING!” sabay kaming napalingon ng dumating isa naming tropa. Sa amin kasing pito tatlo lang ang intirisado sa basketball and the rest iba na HAHAHAHA.
“CAPTAINNN I MISS YOU!” napalingon muna kami don sa mga cheer leader ng sabay sabay itong nagsalita.
Kaya lumingon din iyong Ryu daw saka kumindat at umalis, ay wowww.
“Oyy, andito na pala si Bestfriend.” biglang saad ni Zyrus.
“BESTFRIEND?!” takang tanong namin ni Harvey.
“I mean Bestcaptain.” saad nito na kinatango namin.
Halos matawa nalang din ako, HAHHAHAHA ang galing ko pala magtago hindi nila napansin na si Ryu iyong nakadate ko sa Streets foods.
“Hoyyy!”
“ANO NA NAMAN!” inis na sagot ko tapus ako nitong sapukin. “Bakit kaba nananapok.” tanong ko.
“Ba’t interisado ka sa captain natin ha? May balak kabang ligawan ito?” tanong ni zyrus.
“Pwede ba, at saka nakadate kuna s'ya sa streets food.” saad ko.
“ANO!” gulat nilang tanong , tinaas taas ko naman ang dalawa kung kilay saka ngumiti.
__
•RYU POINT OF VIEW•
“Oh, Ms Lopez. Welcome back!” saad ni Mr Dean ng makapasok ako sa office.
Napatingin naman ako don sa gilid at tila uminit nalang ang ulo ko sa nakita ko. Ano bang ginagawa n'ya dito? “Hindi pa ako nakakabalik, I’m here para iguide ang mga atleats. Maglalaru din ako para sa L.U kailangan kung talunin ang P.U at A.U sa mga nangyari.”
“At gaganti ka naman?”
“Ano bang paki alam mo?” tanong ko dito.
“Ryu! Irespito mo naman ang chairman. Hindi ka pinalaki para sumagot sagot lang sa nakakatanda sa’yu at Ama mo pa.” pag susuway ni Dean sa'kin.
“Kung wala na kayong sasabihin babalik na ako sa court. Masyado na kayong sagabal sa oras ko.”
“RYU!”
napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako nito.“Kung pumunta ka dito para pabalikin ako sa bahay, huwag kana mag abala pa. Sabi ko naman diba? Hindi ko tanggap na bukod kay mama may iba kapang minahal. Kalimutan munang anak mo'ko , kasi simula nong ipagpalit mo kami ni kuya sa bago mong asawa na may anak sa iba. Kinalimutan na kita.” iyon nalang ang sinabi ko at hindi nagtangkang lumingon pa dito.
“Ryu!”
“Kung magmamatigas ka, mahihirapan ka. Anong klaseng utak ba ang meron ka bakit hindi mo matanggap na wala na ang mama mo. Anak, bigyan mo'ko ng pagkakataon para ipakita sa'yu na mabait ang step mother at step sister mo.”
“Mabait?” inis na sagot ko saka galit na lumingon dito.
“Mabait ba, iyong palihim ka nilang pinagnanakawan?”
“RYU, SUMUSUBRA KANA! WALA KANG IBIDENSYA. STEP MOTHER MO ANG PINAGBIBINTANGAN MO!” sigaw sa'kin ni Chairman.
“Lintik na.” tanging saad ko saka tumalikod ulit.
“RYU, KAPAG HINDI KA BUMALIK SA BAHAY NGAYON HUWAG NA HUWAG KANANG MAGPAPAKITA SA'KIN. AT LAHAT NG MANA MO SA STEP SISTER MO KUNA IBIBIGAY! TANDAAN MO IYAN.”
“Kaya kung magtapos na hindi pera mo ang gamit. Do what you want chairman. Ibigay mo lahat sa kanila kung ano ang meron ka. Pero huwag ang Pagmamay ari ni Mama. Tapus na tayong mag usap pakiusap lang din tigilan muna ako.”
Saad ko saka tuluyang lumabas ng office. Tsskkk! Kuntinto na ako sa buhay na meron ako.
Tanggap ko naman na alam ng iba na mahirap ako, at masaya iyon. Nag iinjoy ako sa bubay na meron ako. At ayuko nang magulo ulit dahil sa issue na walang kwenta.
Saka ko nalang ihahanda ang sarili ko pag kumalat na ang lahat na anak ako ng isang nvm. Di ako intirisado magsabi. At huwag n'yo nading alamin. Wala naman na kwenta kung malalaman n’yo pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top