Chapter 4

Nasa condo ako ngayon,  pagkagaling ko sa school dumiritsu na agad ako dito.

Hindi ako umuuwi sa bahay,  matagal na. Hindi ko nga alam kung may pamilya pa ako eh. Mukhang wala naman silang pakialam sa’kin.

Napatingin ako sa pinto nong may nag doorbell kaya walang expression ang mukha na tinungo ko ito para buksan.

“OMYGOSSSHH SI RAILEX BA ’YAN?”

“OMYGOOSSHH ANONG GINAGAWA N’YA DITO?”

“ANG GWAPO N’YA TARA PAPIC—.”

hinila ko kaagad papasok ang lalaking ito,  saka umupo sa sofa.“Wala akong sinabing pumunta ka dito.” saad ko.

“I know, pero andito ako para bigyan ka ng pagkain alam kung gutom kana. And can you please alagaan mo naman ang sarili mo. Masyado kanang payat kumakain kaba?”

“Oh.”

“Tss. Kumain kana ano ba kasing nangyayari sa’yu? Ba’t di mo sinabing ate mo iyong namatay nong gulong ikaw ang mapagbintangan?”  pakiramdam ko may kung anong sakit ang kumirot sa puso ko nang madinig ko ang sinabi n’ya.

FLASHBACK
-ONE MONTH AGO—

“oh,  Ryu? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t dapat nasa school ka ngayon at nag aaral? Bakit andito ka nakatambay?”

“May inayos lang ako,  Ikaw ate? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nag aaral kadin?” tanong ko.

Magsasalita pa sana ito pero halos mapanganga nalang ako ng makita ko kung pano tumilapon si ate ng may sumipa dito.

“Dito kalang pala makikita , pinagod mo pa kami sa paghahanap sa’yu. Sabi ko naman sa’yu diba na humanda ka pagnagkita tayu.”

“Naku pre,  mukhang may kasama.” saad nong isang lalaki saka tumingin sa gawi ko.

Nabaling naman ang tingin ko ng tumayo si ate Athena,  hindi ko alam kung anong meron kasi di naman kami magkaklase at sa pagkaka alam ko nasa ibang school nag aaral itong mga lalaking ito dahil sa uniform nila.

“Ayos kalang?” tanong ko dito saka pinatayo.

“Ayos lang,  umalis kana Ryu. Baka madamay kapa dito. Alis na.”

“Ayuko.”

“Umalis kana.”

Hindi ako nakinig , hanggang sa hinawakan ako nong isang lalaki saka itinulak.“Naku,  pre? Captain pala ng Varsity sa L.U itong kasama ng kaaway natin eh. Sakto makakaganti na tayu dito.”

Sinuntok ko iyong isang lalaki dahil sa inis dahilan para tumilapon ito.

“Ryu ano ba! Huwag kana maki alam dito. Umalis kana? Please ayukong magalit na naman sa’yu si Tito,  paki usap umalis kana.” hindi ko pinakinggan si Ate.

Ako ang nakipag away don sa isang groupo. Minsan natatamaan ako sa tuwing di ako makakailag.

Hanggang sa.“RYU!” sigaw ni ate.

At kita ko kung pano ito bumagsak. Hindi nadin ako makaganti dahil nagtakbuhan na iyong sumaksak dito.“T-Te?” tawag ko sa kan’ya.

“U-Umalis kana , iwan muna ako.”

Umiling ako.“Hindi ,  dadalhin kita sa ospital ok? ” pilit ko s‘yang binubuhat. Puno nadin ng dugo ang uniform ko na galing sa kan'ya.

Hanggang sa maramdaman ko nalang na may nga pulis na na humawak sa’kin habang si ate sinasakay na nila sa ambulance.

Gusto kung sumama ,  pero  sa presento ako dinala at pinagpililitan na ako ang sumaksak dito.

“Anong pangalan mo?” tanong sa’kin nong isang officer.

“Ryu Lopez.” sagot ko kaagad.

“Kaano-ano mo si Chairman?” panandalian akong natahimik

“Hindi ko s’ya kilala.” sagot ko.

“Anong ginawa sa’yu bakit mo nagawang saksakin ang victima? Anong karapatan mong ilagay sa kamay mo ang batas huh!”

“Putangina.” mura ko dahil sa gulat.

Ampuknat bakit kasi kailangan pang paluin ang lamesa kung magtatanong? Ako ba tinatarantado ng siraulong ito.

“So,  you're student in Lux University? At ang pinatay mo ay isang studyante ng P.U?”

“P-Pinatay?”


“She’s dead on Arrival.”

Halos masira iyong Upuan pagkatapos ko itong tadyakan. Panong? Halos lahat sila napatayo dahil sa pag sipa ko.

“Hindi ako ang pumatay.”

“Panong hindi?ikaw ang huling nakita na may hawak nong biktima.”

“Porket  ako ang humawak,  ako na agad ang pumatay? Bakit lahat ba ng nakukulong may kasalanan?”

“Studyante ka palang , at wala kang karapatan na sumagot sagot sa sinabi ko.”

“Tinatanong n’yo ko alangan di ako sumagot.”


“Pinililosop mo ba ako? Hindi mo ba ako kilala huh?”

“Hindi,  at di ako intirisado sa‘yu.”

“Aba’t talagang bata ka.” balak sana ako nitong kutusan pero pinigilan ito ng isa sa mga kasamahan n’ya.

“Tapus naba kayong magtanong? Pwede naba akong umalis?”


“Hindi ka makakalabas dito, hanggat walang may kumukuha sa’yu.” saad nito na kinabadtrip ko ulit.

Balak ko sanang sabihin kung sino ang nagsimula ng gulo pero tila wala na akong ganang magsalita dahil wala nabang balak na makinig ang mga litching ito.


“ASAN SI RYU?” galit na saad ng isang Dean ng makapasok ito dito. “WALA KANANG IBANG GINAWA KUNDI IPAHIYA ANG SCHOOL NATIN. NATURINGAN KAPA NAMANG ISANG SUPREME STUDENT TAPUS GANITO LANG PALA ANG GAGAWIN MO! ISANG BUWAN KANG HINDI PAPASOK SA SCHOOL HANGGAT HINDI MO NAAAYOS ANG PROBLEMA MO!” sigaw nito sa’kin.

“Wala akong problema baka kayo meron.” sagot ko.

“AT TALAGANG SUMASAGOT KA—.”

“SIR TAMA NA PO.” pag aawat nito.

Yumuko nalang ako sabay tumayo. “San ka pupunta?” tanong sa’kin.

“Uuwi na.”

“Sinong may sabing umuwi kana?” tanong nong isang pulis.

“Ako? Ako ang batas. Sino kaba?”  walang ganang sagot ko.

“ABA’T —.” pinigilan ito ng ibang pulis ng bumunot ito ng baril.

Ano ba mga problema ng mga ito? Ba’t ba pikon na pikon sila sa mga sagot ko?

“Hindi kaba pwedeng umalis dito Ms Lopez,  hanggat walang parents mo ang pumunta dito.”

Naupo ulit ako kaya tumahimik silang lahat. Hindi ko alam kung anong problema nila dahil lahat sila tingin ng tingin sa’kin.

“Anong kaso n’yan sir?" Tanong nong isang pulis sa kapwa n’ya pulis.

“May pinatay daw.”

“Ang ganda naman n’yan para maging killer.”

“kaya nga e,  at ang malala pa. Isang Captain sa varsity at Supreme student daw iyan?”

“Talaga? Pano iyan. May captain silang killer?”

“May granada  ba dito?” mabilis kung saad sa kanila na kinalingon nila.

“BAKIT?” sabay sabay nilang tanong.

“May bobombahin lang akong presento.” saad ko na kinalunok nila.

Umiling naman ako saka ako tumayo.“SAN PUNTA MO.”

“Uwi na ako.” saad ko . napalingon naman ako sa Dean na kakalabas lang din sa office.

Napalunok naman ito ng tumingin sa’kin.“P-Pwede kanang umuwi.” saad nito sakin.

Sarcastic naman akong ngumiti saka lumabas.

“PERO HINDI PA TAPUS ANG IMBESTIGASYON N’YA!” dinig ko sa loob.

“Inayos na ng Chairman.” sagot nong Dean namin.

Tsskk! Ba’t ba ang hilig n’yang mangialam. S’ya na mismo nagsabi na wala nas’yang paki alam sa’kin. Hindi na ako kumibo at umuwi nalang din.

—END OF FLASHBACK—

“ok kana ba?” nabalik ako sa sarili ko nang magtanong ito sa’kin.

“Makakaalis kana ok na ako. Mag usap nalang tayu kapag nakabalik na ako sa school.” saad ko.

Tumango naman ito bilanh sagot. Habang ako heto naiwan na namang mag isa sa condo ko. Kailan ba magiging masaya ulit ang buhay ko? Puro nalang kasi kalungkutan eh.

Hyyssttt ba’t parang ang sarap nalang humimlay.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top