Chapter 20
Umaga nalang di pa ako makatulog, pano kasi iniisip ko iyong pagiging captain ni Ryu sa Varsity? Bakit s'ya ang nag hahandle ng mga laru pati sa lalaki e diba nga babae s'ya? Pwede sana kung coach pero bakit captain? I mean, Ha? Captain s'ya sa lahat ng sports? Meron palang ganon? "
"Goodmorning, Arven. "
"Oy, Ryu! Goodmorning. " Imposible namang, pano? N'ya na hahandle pagiging captain sa lahat ng sports? Tao paba s'ya? "
"Ano iniisip mo? "
"Wala na—AHHHHHH R-RYU!? " sigaw ko nong marealize na kaharap ko s'ya.G-Gising na pala s'ya? a-ang ganda n'ya parin k- kahit bagong gising.
____
Nasa hapag kainan kaming lahat ngayon, at lahat kami tahimik lang, katabi ko si Ryu sa pagkain tapos ang kapatid ko naman at si papa ang magkatabi tas sa gilid nila si mama.
"Ilang taon kana iha? " basag ni papa sa katahimikan.
"Turning 18 po. "
"Kaano ano mo si Arven? What i mean is anong relasyon mo kay Arven? "
"Papa, n-nililigawan ko po s'ya." sagot ko.
"Gusto ko po ang anak n'yo." sagot nito na kinatahimik ko. Ayaw kasing pumasok sa isip ko ang mga nadinig ko.
G-Gusto n'ya ako? Wooooowwwww!
"Anong pangalan mo? "
"Ryu."
"Ryu? "
"Ryu Cole Santiago Lopez. "
"Lopez? Kaano ano mo ang chairman ng L. U na pinapasukan ng mga anak ko? "
"Ama ko po. "
"Alam mo bang masyado pa kayong bata para sa pag iibigan? " papa said.
Bakit bigla nalang nag iba ang tuno ng pananalita n'ya? May problema ba? "
"P-Pa? "
"Pagkatapos mong kumain, umuwi kana. Baka hinahanap kana ng Ama mo. Ayukong mapahamak ulit ang anak ko nang dahil sa'yo! "
"Nagkakamali po kayo, Sir. Wala pong ganon di po mapapahamak si Arven at saka hindi narin po ako umuuwi sa bahay. "
"Oh ngayon? Basta umuwi kana pagkatapos mong kumain. Manang? Pakiligpit ako nito tapos na akong kumain. Una na ako sa trabaho. " Papa said, saka tuluyang tumayo at umalis.
I saw Ryu na tila malungkot, bakit naman kasi sinabi ni papa iyon? Ayan tuloy nalungkot na si Ryu ko. Ano nalang gagawin ko? Pano pag di nalang n'ya ipatuloy sa'kin ang pagpapaligaw n'ya.
Hala noh!
Papa naman e. "Mama! " nakangusong tawag ko dito. Huninga naman ng malalim si mama saka nagaalita.
"Pagpasensyahan mo muna ang Ama mo. Iha pasensya na ok?"
"Ayos lang po, tama po s'ya e. Pasensya narin po sa abala. Sige mauna na po ako may gagawin pa po kasi ako e. " paalam ni Ryu saka tumayo kaya napatayo nadin ako.
Hinatid ko siya palabas ng bahay at nanatiling nakatitig sa kaniya, hindi ko kasi alam kong anong sasabihin ko. Pagkatapos siyang pauwiin ni papa. Hindi ko rin naman alam kung bakit e. Ayuko naman pigilan si Ryu baka pagalitan ako ni papa mahirap na.
"Ihahatid na kita sa condo mo, sigurado kaba talagang ayos kalang? Hindi naba masakit ang ulo mo? "
"Ayos na ako, salamat nga pala sa gamot at sa pagkain. Thank you rin sa pagpatuloy sa'kin ng isang gabi. Sige na pumasok kana sa loob ng bahay niyo kaya ko naman na ang sarili ko e. And beside hindi naman malayo ang condo ko. "
"Pero hindi kapa talaga totoong magaling, hayaan mong ihatid na kita. Wala namang problema sa'kin at saka nililigawan kita diba? Kaya mas importante talaga na ihatid kita para safe karin. "
"Arven?! "
"Babylabs este Ryu! "
"Fine."
Labis ang ngiti ko nong bigla nalang itong pumayag, sa sobrang tuwa ko di ko na nagawang mag paalam pa. Pareho kaming tahimik ni Ryu nong nasa loob na kami ng sasakyan niya. Ngayon ko lang din napagtanto na meron palang sariling kotse si Ryu sa napakabata niyang edad, buti nalang talaga di siya nahuhuli o pinapagalitan e.
"Nakakatuwa mag 18 ka palang pero may sarili kanang kotse, hindi kaba pinapagalitan kapag dumadalaw ka nito? I mean studyante ka palang diba? Tapos pag sa school napaka simple mo para kalang isang scholar student doon. Pero pag sa labas ng campus grabi . Kahit ba di ka umuwi sa bahay niyo binibigyan ka ng pera ni Chairman? "
"No! It's my own money. " sagot nito na para bang malamig pa sa yelo.
Katakot.
"What do you mean, it's your own money?"
"Sarili kong pera pinagbila ko diyan. Isa akong song artist at kumakanta rin ako pero hide lang ang identity ko. Ayukong may nakakakilala sa'kin."
"Talaga? Sikat ba ang mga songs mo? "
"Oum. Umaabot ng million copies. Then now hinihintay lang nilang gumawa ulit ako ng bagong kanta. Pero sabi ko email ko nalang if ever na meron na. "
Hindi ko alam kong magsasalita paba ako o hindi na. Wala lang nagulat lang ako, siguro nga marami pa akong hindi alam sa kaniya. Napakasimple niya lang kasi e. Student siya sa umaga tapos sa tanghali naman is waiter siya sa coffee shop tapos song artist, singer pa siya. Ang swerte ko naman sa kaniya.
"Tumahimik ka yata? "
"Ah. Ryu? Tanong ko lang iyong about nga pala don sa lalaking yumakap sa'yo da condo mo? Iyong sikat na artista? Nanliligaw ba siya sa'yo? Ang sweet kasi niyo sa picture e. "
"Dinalaw niya ako sa condo. Sinuyo lang. Bakit? "
"So, nanliligaw nga? Sa identity palang non mukhang wala na akong pag asa. Pero kasi hindi ko gustong sumuko, gusto ako ang sagutin mo. Hindi man ako mangangako pero mananatili ako sa'yo hangga't buhay ako. "
"Then, do it. May tiwala naman ako sa'yo e. Oh? Dito na pala tayo e. " she said saka ko hininto ang kotse niya."San ko ilalagay ito? "
"Ipark mo doon, baka may makakita pa at magtanong kung kanina iyan. Ayuko ng bulungan masakit sa tainga, then pagkatapos sunod ka nalang sa condo ko. "
Yiiieee! Kinikilig ako. Pinapasunod niya ako sa condo niya. Sa wakas makakapunta na ako sa condo niya. Nakapunta naba ako doon??mukhang wala pa e. Nah dibali nanga.
"Oh, Arven? Nag dorm kana pala dito? " napalingon ako sa likuran ko ng may nagtanong, and i saw kim na gulat na gulat na makita ko.
"May binisita lang, ikaw? Ba't andito ka? "
"well, andito kasi ang condo ng lalaking makikipagmeet up sa 'kin. So kaya ako andito. "
"Really? Ba't ikaw mismo ang pumunta dito? Hindi ba dapat siya ang pumunta sa'yo kasi siya ang lalaki? Umuwi kana nga baka mapahamak kapa e."
"Uy, concern parin si Ex oh, sabi ko nanga ba may feelings pa ito sa'kin e. Comeback nalang kaya tayo? "
Napasalubong ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya. I mean di naman ako galit ayuko lang talaga na babae ang pumupunta sa lalaki. What if may binabalak pala iyong lalaki. Hindi ganon dapat.
"I'm just concern. Kaya umuwi kana. Akin na cellphone number niyang ka-meet mo ako na magtetxt. "
"Eh , sasama nalang kaya ako sa'yo sa condo ng kaibigan mo. Tutal naman andito narin naman ako. Para makilala ko rin malay mo, kagaya mo may gwapo rin doon. "
"Sunod nalang kapag wala ng lagnat, sige na umuwi kana. Wag kanang tumuloy ah. Uwi na. "
"Oo na. pero teka nga,bakit kanga ulit andito? at sinong kaibigan ba ang binibisita mo dito?" she ask, bakit kasi kailangan pang magtanong eh.
"nothing ,mahalaga lang siya sa'kin at hindi muna kailangan pang malaman pa,maybe next time malalaman mo if kami na,una na ako ah? and umuwi kana rin.
"what??!?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top