Chapter 2

Nasa Cateferia kaming lima ngayon,  ako si Lexter,  Nate, Leonel,  Zyrus. Iyong Dalawa wala pa may aayusin padae muna sila.

Kinuha ko iyong pagkain na nakatungtung sa lamesa saka ito kinain.

“Nganong gi kaon mo man na Arven,  mura man kag others ba.”

Biglang saad ni Nate na kinakunot noo ko. Lumapit naman ako kay Leonel para tanungin ito.“Ano daw sabi dude?”

“Ba’t mo daw kinain iyan, para kadaw others.”

Lumingon ako sa gawi ni Nate saka nagsalita.“Eh,  sa gutom ako eh. Babayaran nalang kita.”

“Nganong ang ako gi order man imo gi kaon,  mura man kag tubod nga isda hilas hilas og nawong.”

“Ano daw ulit , pre?”

“Bakit daw ang inorder n‘ya pa ang kinuha mo? Mukha kadaw isda na prinito. May pigsa pigsa ang mukha.”

Halos mailuwa ko lahat ng kinain ko dahil sa sinabi ni Leonel. “Babayaran nga kita pre.” saad ko ulit kay Nate.

“Nganong musuko man ka?”

“Ano raw?”

“Bakit daw,  sumuka ka?”

“S-Sumuka? What? Hyyyssttt!” halos kumamot ako sa batok ko dahil sa inis.

Ang hirap talaga basta may tropang tagaibang planeta nakakabobo kausap HAHAHAHAHAH.

“Nganong napuyo man ka Zyrus?” tanong ni Nate dito.

“May iniisip ako dude.” idi sana ol naiintindihan ang sinasabi.

Ako kasi tao lang , tas mahal s‘ya HAHAHAHA“Oyyyy,  sino iyon? Bakit umiiwas iyong ibang studyante kapag dadaan?” tanong ko don sa isang studyanteng seryusong naglalakad.

“Iyan, studyante iyan ng Kabilang building,  tropa yata iyab ni Captain. Ingat ka dude partner in crime iyan ng Captain. Mayaman din at isa sa pinakamatalino dito sa campus.” sagot ni Leonel.

Tumango tango ako bilang sagot.

Ayy nice! Sana ol matalino? HAHAH ako kasi parang tao padin tas mahal s‘ya.

“Oyy,  may practice pala ngayon sa Basketball malapit na kasi ang Intrams,  sakto Arven sali kana  kulang iyong team namin eh. Ang malala pa wala pa ang captain sa basketball.”

“Hindi naman ako marunong mag basketball.” sagot ko sa sinabi ni Lexter.

“Kami bahala sa‘yu,  may Isang buwan pa naman na practice eh, sakto after one month nakabalik na ang captain n‘yan.”

“Kanina kapa captain ng captain eh,  gwapo ba iyan? Matalino? Maangas? O baka naman palaaway? O kaya palpak.” sunod sunod na saad ko na kinangiti nito

Ano naman kayang nakakatawa sa mga sinabi ko. Tama naman ako diba? Dapat kasi ang captain ng basketball laging present hindi iyong laging wala. Pano s‘ya naturingan captain kung di s‘ya marunong pumasok lagi. Mindseat ba mindseat.

“Iwan, ko sa‘yu dude. Bahala kanga sa buhay mo.”

“Oyyy teka? San punta n‘yo?!”

“Court.” at iyon nanga tumayo nalang din ako para naman nakasama sa kanila. Ayukong maiwan dito noh? Lagi kaya akong tinitignan ng mga studyante parang ngayon lang nakakita ng tao.

Nakabusangot akong nakasunod sa kanila,  tapus bigla nalang din akong napamura nang huminto bigla si Harvey dahilan para magsalpukan mga labi namin.

“Putangina mo dude?!” saad nito.

Sinapok ko naman ito. “Siraulo ka,  ba’t ka kasi huminto? Angas mo naman. Hindi nga ako nagpapahalik sa ex ko tas ikaw lang makakakuha ng kiss ko? Tangina mo dre!” saad ko.

“Ay iba din,  huwag mo‘ko angasan dude. Kilala ko buong pagkatao mo. Sa pagkaka alam ko kasi 15 ka palang wala kanang first kiss. Baka ako tangina mo first kiss ko iyon.” reklamo n‘ya.

Halos magtawanan naman iyong mga nakapalibot samin na kanina pa din nagpipigil ng tawa. Oo tawang tawa sila habang kami dito parehong diring diri sa sarili.

Wala ako sa sarili na pumasok sa auditorium kung saan may basketball court sa Gitna.

Madaming nagsasabi na sikat daw itong University na ito,  well base sa nakikita ko sa palibot sobrang ganda. Ang yaman siguro ng may ari ng school na ito? Mukhang pinag isipan talaga kung pano ito gawin eh.

“KYYYYYAAAHHHHHHHHH,  NEW STUDENT BA IYAN? I MEAN NEW MEMBER NG VARSITY.” dinig ko sa palibot.

“Hi Handsome,  I’m Kim Joyce Dominggo. The chearleader in our Varsity. May gf kana ba? Baka pwede akong mag apply?”

Midyo naitaas ko kunti ang kilay ko dahil sa pagpapakilala nito sa‘kin.

Aysshiiitt! Tinignan ko ito mula taas pababa at ang masasabi kulang wala akong paki alam. Maganda naman s‘ya pero ewwww ayuko ng maarte noh? Duhhh baka kasi pag nag date kami tas dalhin kulang sa streets food baka ipahiya pa ako kaya never. Wasabi wasabi walang bawian touch move! “Hello?” sagot ko nalang sa umalis at umupo don sa upuan. Titingin nalang muna ako sa kanila total mga tropa ko naman mga kasali sa basketball next time nalang ako sasali sa prac—

“OK! TO ALL MEMBER NG VARSITY DAPAT LAGI KAYONG MAG PRACTICE , DAPAT SA SUSUNOD NA LABAN NATIN SA P.U MANALO ULIT TAYO KAYA NATIN ITO KAHIT WALA PA ANG CAPTAIN NG BASKETBALL!” dinig kung saad nong couch yata iyon.

Bakit ba puro captain nalang nadidinig ko? Sino ba kasi iyang capatain na iyan? Nakakabobo naman.


“KYYYYYAAAHHHHHHHHHH!!!! NASA PRINCIPAL OFFICE DAW SI UNO MGA GUYSSSS!”

“TALAGA?”

“TARAAA PUNTA TAYU.”

ano na naman ba ang meron? Tanging tanong ko nalang sa sarili ko pagkatapus kung lumingon sa pinto ng mag unahan ang mga ito palabas.

Tumayo din ako para lumabas. “Oyy , dre san punta mo? Di kaba sasali sa laru?” tanong ni Lyxther.

“Mamaya nalang,  papahangin lang ako sa likod ng school.” sagot ko at tuloy tuloy na sa pag labas.

Kumusta na kaya si ex? Namimiss n‘ya din kaya ako? Hysssttt! Ba’t ko ba kasi hinahanap ang wala dito. Masyado naba akong nagmamal don? Kailan kaya ako makakamove o—PUTANGINA.

mura ko ng may tumama sa ulo ko. Don kulang din napagtanto na masa likod na pala ako ng campus. Tumingin ako sa likuran ko at kunot noong napatingin don sa babaeng nakamask na black na papalapit sa‘kin. Ano ba trip nito? May Covid ba ito kung makamask naman wagas.

“Anong ginagawa mo dito?” seryusong tanong ko.

Midyo parang napahiya naman ako ng kunti ng hindi ito sumagot sa tanong ko. Tsskkkk! S‘ya nanga itong tinatanong ng isang gwapong tulad ko tas di pala ako papansinin. Ang sakit mo naman sa atay.

Sinundan kulang ito ng tingin ,  at tila napa nganga nalang ako ng umupo ito. Hindi upo na pambabae mga tsong kundi upo na pang lalaki.

Iyong nakabukaka ang dalawa nitong paa tas iyong dalawang kamay nakatukod sa may likuran n‘ya banda at maangas na nakatingin sa malayu.

Putik HAHAHHAA boyish ba ito? Pinagmasdan kulang s‘ya.

Iyong buhok n‘ya umaano sa tuwing hahangin ,  tas ang pilik at kilay n‘ya sobrang angas ng dating.

“Ayshit!” saad ko sa isip ko ng tumingin ito sa gawi ko kaya mabilis pa sa isang oras na lumingon ako sa ibang diriks‘yon.

Ang ganda n‘ya. Putangina anong pangalan nito? “Nag aaral kaba dito?” tanong ko.

“Obviouse ba?” cold na sagot n‘ya na kinalunok ko naman.

Tinignan ko ulit s‘ya.“Ba’t di ka nakauniform? Baka naman outsider kalang dito?”

At sa pangalawang pagkakataon hindi ulit ito sumagot. “Bingi kaba? O Sadyang mataray kalang kaya di ka sumasagot?” tanong ko ulit.

“Tapus?”

Sagot n‘ya. Pambihira nagsisi akong nagpahangin ako dito sa labas tsssskk!

“Teka? So studyante ka dito? Nakita mo ba iyong Uno na sinasabi nila? I mean gwapo ba? At saka sino pala ang Captain ng Basketball? Gwapo ba? Mas gwapo ba sa‘kin? Sabihin mo! Sabihin mo!”


“Hindi.”

“Sabi na e,  una palang alam kunang pangit iyang captain na sinasabi nila. Hahaysssttt. Matalino ba?”

“Oo.”

“Weehhhh!! Talaga? Sige nga pano mo nasabi?” tanong ko saka umupo sa tabi n‘ya.

“Kaya n‘yang pag aralan pano ka maibabalik sa sinapupunan ng Mama mo.”

Nang iinis ba ito? O namimilosopo? “Tssskk! Mabait ba?” tanong ko ulit.

“Ayaw n‘ya ng matanong.”

“Maangas ba?”

“Ayaw n‘ya ng papansin.”


“Matangkad ba?”


“Maangas. ” sagot nito kaya napakamot ako sa batok ko.

Idi wow. Wala ngang kwenta kausap itong babaeng ito.

“Ay s‘ya nga pala? Ba't di ka nakauniform san kaba galing?” tanong ko saka lumingon sa kan’ya na tumayo at akmang aalis na.

Pero tumigil muna saka sumagot. “Sa office.” sagot nito saka tuluyan ng umalis.

Sa office?
Ano naman ginagawa n’ya sa office?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top