CHAPTER 19

•••••••

“Ang swerte nong babae oh, may mga kuya s’yang ililibre s’ya! ”

“Hindi n’ya mga kuya iyan, dinig ko kanina tinawag n’ya na Boybest. So magkakaibigan silang lahat. ”

“kahit na ang swerte n’ya parin, sana meron din akong gan’yan noh.”

Nagkatinginan nalang kaming lima dahil sa mga bulungan tas biglang natawa sila. Ako kasi di uso sa’kin ang ngumiti pero masaya ako na kasama sila.

Nong makapasok kami sa loob, syempre sa gitna kami naupo at sa gitna ako nilang apat. Ako ang may hawak ng popcorn. Hindi panga nagsisimula ang movie nakatabon na sa mukha nila mga kamay nila.

Mga siraulo.

“Ah, Zyrus. Naiihi ako samahan mo naman ako oh?”

“Inamo, Dave! Walang multo doon. ”

“Ay wag nalang pala di na pala ako naiihi. ”

“Ano ba papanoorin natin?”Tanong bigla ni Lyxther, tumingin naman ako sa gawi n’ya saka sumagot. “Coming soon ang title. ” sagot ko, tumango naman s’ya na tila ba napipilitan.

“N-Nakita ko Thriller n’yan.Haha a-at mukhang m-maganda. BAKIT NAMAN KASI IYAN ANG PINILI N’YO! ” sigaw ni Dave , buti nalang talaga walang paki alam mga tao dito sa loob ng sinihan e.

“Anong bang problema bro? Maganda ang coming soon. Nakita ko din ang thriller n’yan at grabi di pa full episode nakita ko pero mafefeel mo talagang sobrang ganda nong palabas. Ayan na, mag SISIMULA NA! ”

Nanatiling kalmado ang lahat nong intro palang, pero maya maya pa halos magsigawan nong biglang lumapag sa screen ang multo. Ang story kasi ng pinapanood namin kung sino iyong makakita ng Movie mamamatay.

Sigaw dito, sigaw doon.

“AAAAAHHHHHHHHH! I-ILAYO N’YO ANG TV SA’KIN! TANGGALIN N’YO PUTANG—MMMMNN! ”

“Dave tumahimik ka ano kaba! ”

“N-Nakakatakot n-naman kasi girlb—AHHHHHH ABAKWANGINANGBOYSIT AYANN NAAA! ”

“DAVEE! ” sigaw nong tatlo.

“AHHHHH RYUUU!!! ” sigaw bigla ni Lyxther.

Hindi ako nakafocus sa pinapanood ko nakafocus ako sa mga reaction nila, ang kyut nilang tignan para silang mga bata na nagtatabon ng daliri sa mga mata nila. Nerecord ko na para naman may remembrance ako sa kanina noh.

Ilang oras mong matapos ang Movie so ito nanga lumabas na kami, HAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHA.

S-Si Zyrus ang daming popcorn sa ulo nataponan kasi kanina nong biglang nagulat si Lyther, si Nate naman basang basa ng juice dahil nabuhusan ni Dave, buti nalang talaga ako hindi nadamay HAHHHAHAHAHAHAHAH alam ko kasi mangyayari iyon kaya binigat ko agad sa kanila mga dala namin nong magsisimula na ang movie.

Partida halos lahat sila dilat na dilat ang mata at tila ba parang lutang na parang hindi natulog hanggang umaga HHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAH si Dave ang grabi kunting galaw lang ng tao sa palibot nagugulat agad. For sure ilang araw na naman ang mga ito ganito.

Enjoy now, walang gana later. Bukas ko na pala susundiin ang magiging asawa ko raw kuno. Ano ba kasing dahilan bakit ako ang pinagkasundo ni papa doon? Meron ba akong secreto ni papa na hindi ko alam? O baka nama iniipit na naman si Papa nang mga ka susyo n’ya sa negosyo. Midyo may pagkalutang pa naman si papa pagdating sa negosyo e. Kaya ayuko maging mayaman e sila sila mismo naghihilayahan pababa para lang sa pera. Tsskk! Buti panga ang mahihirap kahit mahirap sila masaya naman mga buhay nila. Eh ang mayaman puro pagpaparami lang ng pera iniisip nila, di nanga nila napapansing nakakaapak na pala sila ng tao e.

“Guys? Ingat kayo sa pag uwi.”

“H-Hatid kana n-namin. ” mahinang saad ni zyrus.

“Hindi kaya kona. ” saad ko saka nagpa alam sa kanila. Meron pa kasi akong duty sa coffee shop mamaya e. Mga 6 to 9 kaya need ko magpahinga muna. Kasi bukas din ng umaga pupunta ako ng airport para sunduin kung sino man iyong tangina naiyon.

•FASTFORWARD•

Nasa airport ako may dalang cartolina, kung sino ang lumapit sa’kin iyon na iyong lalaking susunduin ko. Para naman akong tanga sa ginagawa ko e.

“Hey! Are you Ryu Lopez? My future wife? ” napatingin ako don sa lalaking kasing tanggap ni Arven, gwapo naman pero di ko gusto.

Tinanggal n’ya glass n’ya saka ngumiti sa’kin.

“By the way, I’m Kenjie Kyoko Lim—Alvarez Francisco. ”

“Oh! ” sabay bigay ko sa kan'ya ng Welcome na cartolina.

“Ang sungit naman, di mo nalang ba ako ihuhug? You're my future wife diba? At sabi ni Daddy dito na ako ulit mag aaral sa pinas, mag tratrancefer ako sa school n’yo para naman mas mabantayan kita. ”

“Ok.” walang ganang sagot ko saka naglakad.

•DAVE POINT OF VIEW•

••••••

“Airport? Anong ginagawa natin dito? ”  tanong ni Lyxther na sinang ayonan ng dalawa.

Tskk! “Tanga, di n’yo ba nadinig sinabi ni Ryu kahapon ngayon n’ya susunduin ang mapapangasawa n’ya remember, oh ayan na pala oh! ”

“ASAN! ”

“Aray! Naman. Ano ba? Di ba kayo marunong mag ingat! ” sigaw ko don sa tatlo. (nate, lyxther, zyrus)

“Ba’t ba kasi tayo nagtatago? Para tayong mga stalker nito eh. ” reklamo ni Zyrus.

“Ikaw lang, mukha ka kasing manyakis.” sagot ni Lyxther.

“Tama.” dagdag ni Nate.

“Sa gwapo kung ito, manyakis? Baka ikaw mukha kang palakol. ”

“Atleast, maraming may gusto. ” pinagsasapok ko naman ito, mukha kasing mag aaway na naman e.

“Is that Kenjie? ”

“Ha? Asan? ”

“Yong sinundo ni Ryu. Si Kenjie iyan right?” dagdag ni Nate.

Kaya sabay sabay kaming napatingin dito. “Si Kenjie ang ipapakasal kay Ryu? ” tanong ko.

“Anong kasal, hindi pwede! ”

“Uy, zyrus san ka pupunta? ”

“Iuuwi si Ryu, anong kasal. Kahit utos ni Tito di kami papayag na ikasal si Ryu sa lalaking iyan. Asan naba kasi si Arven! Ba’t di n’ya na ligawan si Ryu? Ano naghihintay pa s’ya ng pasko? ”

“Pasko sinasabi mo , malayo pa iyon. ”

“Tigilan n’yo nga kakasalita d’yan paalis na sila oh, dali na sundan natin. Kay Ryu may tiwala ako pero don sa lalaking mukhang manyakis tulad ni Zyrus wala. ” wika ni Lyxther.

“Ba’t ba ako nalang lagi nakikita mo? Hindi mo ba alam na pinipilahan ako ng mga kababaihan? ”

“Oo kasi manyakis ka. ”

“ANOOOO! ”

“PAGHILOM LAGI MO! ” sigaw ni nate na kinapitlag ko, imbes na umawat ako hinila ko nalang ang dalawa para tumahimik na, mukha kasing dito pa magsusuntukan sa loob ng airport, pinagtitinginan nanga kami ng mga tao e.

Siguro nagtataka kayo kung bakit galit na galit kami kay Kenjie. Ganito kasi iyon. Bukod kay Ryu na kababata namin kababata rin namin si Arven at Kenjie.

Bali si Kenjie at Arven sila talaga tunay magkaibigan kasi simula talaga nong pinanganak sila hanggang nag grade 1 magkasama na sila kami kasi grade 6 na namin nakasama si Arven hanggang sa lumaki, Si Ryu naman kababata namin at don sa ibang bansa lumaki umuwi s’ya dito mga grade 10 na pero always kaming nag uusap kasi may gc naman kami. Then nagkahiwalay si Kenjie at Arven dahil sa pangyayaring kasalanan naman ni Kenjie grade 5 yata si Ryu nong dinala s’ya sa ibang bansa para ipagamot hindi namin sakto alam kung anong nangyari pero ang sabi lang ni Tito merong kaibigan dati si Ryu na tuluyan n’yang nakalimutan dahil sa aksidenteng pagkalunok nito sa swimming fool. So ang about naman kay Kenjie at Arven nabuwag pagkakaibigan nila dahil sa iisang babae pareho daw kasi silang may gusto sa babaeng iyon pero sa aksidente nalunod daw nag babaeng iyon at si Arven ang pinagbintangan na tumulak. Sabi pa ni Arven muntik raw makulong ang papa n’ya para pagbayaran ang kasalanang hindi s’ya ang may gawa. Hindi naman raw kasi nila kaya ang ama ni Kenjie kasi bukod sa sobrang yaman e marami pang koneksyon kaya simula noon, hindi na tinuring ni Arven si Kenjie na kaibigan at ganon din si Kenjie sa kan’ya.

At ngayon mukhang makakalaban ulit ni Arven si Kenjie dahil sa isang babae lang.

Pero what if ang pinag awayan nilang babae nong bata pa sila ay si Ryu kasi nga nalunod din si Ryu noon. Pero imposible naman kasi nga patay naraw iyong babae ha? Ba’t parang ang lito.

“Hoy! Dave lika na. Ayon na sila oh! ”

“Kawawa naman si Arven. ” bulong ni Nate.

“Oo nga e, mayaman ang kalaban n’ya kay Ryu. ”

“Tanga, mayaman rin naman si Arven ah. Hindi nga lang mahilig gumastos. ” saad ni Lyxther kay Zyrus.

“Oo na, pero hindi ako tanga. Baka ikaw! ”

“Iniisip ko muna sasabihin ko bago ako magsalita di tulad mo. ”

“As if naman may isip ka. ”

“Magiging First Honor ba ako kung wala akong isip! ” sagot ni Lyxther.

“Ba’t nagyayabang ka. ”

“Sinabi ko ba? ”

“May nadinig ka! ”

“Ug magpatayan nalang mo, di man mo mag igsuon.”

“SI LYXTHER KASI/SI ZYRUS KASI! ” sisihan nilang dalawa. Akala ko naman talaga na hindi na magbabangayan itong dalawang ito e.

Mali pala ako buti nalang talaga di na sila magkaklase ang gulo siguro nila pagnagkasama sila pareho.

“Magmamall sila? ” tanong ni Nate.

Nasa mall narin pala kami, pano kami nakarating dito? “Baba na. ” saad ulit ni Nate.

Sumakay pala kami ng sasakyan ba’t di ko manlang namalayan. Masyado naba akong madaldal?

Pagpasok namin, nagpanggap kaming may bibilhin din sa loob baka kasi makahalatang sinusundan namin sila. Ano naman kayang gagawin nila dito sa mall? Wala bang balak mag paghinga ang lalaking iyan? Di ba s’ya napagod sa byahe? Tindi naman ng katawan n’ya.

“UYYYYYY! MGA PAREEEEEE!” sabay sabay kaming  napalingon sa likuran namin and guess what si Arven lang—Wait.

“Uy p-pre?”

“Musta na? Ba’t ngayon lang kayo? Di na kayo nag chachat sa’kin ah. Di n’yo manlang ako kinokomusta? ”

Sabay sabay kaming napakamot tang*na nakakahiya HAHA pero trust me, kung makikilala mo si Arven in person s’ya iyong perfect Boyfriend or Husband para kay Ryu. Napaka green flag kasi.

“Musta? Anong ginagawa mo dito sa Mall? ”

“Inutusan ako ni Mama e, at saka para makapaglibot daw ako.  Hindi naman ako tatagal baka kasi pagalitan ako niLa mama e. Ayuko namang magalit sila Mama sa’kin , eh kayo?”

“Sinusundan namin si Ryu at Kenjie! ”

“Ha?!”

Binatukan namin isa isa si Nate, parang walang preno kasi ang bibig e sagot lang ng sagot. “Bibili lang kami ng gamit para sa new school. Diba? ” tanong ko sa kanila, sumang ayon naman agad ang mga ito.

“Ah, sig—Teka? Is that Kenjie? AT BAKIT N’YA NAMAN KASAMA ANG BABYLABS KO! ”

“BABYLABS?! ” sabay sabay naming tanong dito, kailan n’ya pa naging babylabs si Ryu?

“Bakit n’ya kasama si Babylabs ko? Nagdedate ba sila? Akala ko ba patay na iyang Kenjie na iyan ba’t kasama n’ya si Babylabs AT HINAHAWAKAN N’YA PA ANG KAMAY AH ANG KAPAL NAMAN NG PAGMUMUKHA N’YA! HOY! BABYLABS KO IY—MMMNNN ANO BA! ”

“Tumahimik kanga, easy lang ok? Mapapahamak tayo dahil d’yan sa bunganga mo e. ” pag aawat ni Lyxther dito.

Napatago naman kami ng wala sa oras, tas itong Arven naman ayon mukhang naiiyak na.

“HOY! WAG MO NGANG HAWAKAN BABYLABS K—! ”

“Sabing tumahimik ka e. ” inis na bulyaw ni Zyrus dito.

“Ano tatago nalang ako dito, tapos iyong Kenjie na iyon tuwang tuwa na hawakan ang babylabs ko? Hindi pwede dapat ako lang ang humawak sa kaniya. ” reklamo nito.

Weird pero saming pitong magkakaibigan si Arven ang pinakamatalino sa lahat ng bagay, mukhang lampa at tanga lang tignan pero tama kayo ng basa mas malakas si Arven kaysa sa amin. Kasi s’ya kaya n’yang mag disisyon ng mabilisan, kaya maging Dependent, marespito sa mga tao lalo na sa parents n’ya never ko pa iyang narinig na sumagot sa magulang. Mapagpahalaga kahit sa maliliit na bagay at maasahan na kaibigan iyong tipong kahit hirap na s’ya kaibigan parin uunahain n’ya pero ang mas maganda sa ugali n’ya kung iyon at maging boyfriend mo s’ya nagtaka nga kami kung bakit s’ya niloko ni Kim e. Malalaman n’yo tungkol sa kan’ya kapag nakafocus na sa kanila Ni Ryu ang Point of view.

“T-Teka anong gagawin mo d’yan isuot monga iyan! ” awat ko ng mapansing tinanggal ni Arven ang sapatos n’ya balak pa yatang ihagis don sa dalawa e.

“AYUKO! HINAHAWAKAN N’YA NG PAGANON ANG BABYLABS KO. ”

ibang klase, ganito pala ito magselos e. Hindi naman ito ganito nong sila ni Kim e. Tas ngayon parang papatay na ng tao.

“Kumain kana ba? ” tanong ni Nate kay Arven.

“Wala.”

“Kain na muna tayo, gutom na ako e. ”

“Anong kain? WALANG KAKAIN!” sigaw ulit nito. Suminyas naman ako kay Lyx at Zy na hilahin si Arven palabas ng Mall, pinagtatawanan na kasi kami e. Nakakahiya na!

“wag kang mag alala, hindi gan’yan si Captain alam ko namang di iyon intirisado kay Kenjie. Crush ka non e. ” saad ko.

Kita ko naman na tila lumiwanag ang mata ng gago!

“Talaga? ”

“Naniwala ka naman. ” sabat ni Zyrus. Kahit kailan talaga panira sa moment ito.

“Kahit hindi ka Crush ni Ryu, alam naming hindi ganong babae si Ryu. Malay mo napilitan lang or nagkatagpu lang sila ganon. Halata naman kasing walang gusto si Ryu doon kaya don't worry pre,  bukas na bukas simulan mo nang manligaw para di kana maunahan. ”

“Buntisin muna. ” utos ni Lyx.

“Ayuko , ano namang mapapala ko kung PAKIKINGGAN KO ADVICE MO! TUMAHIMIK KA DI KA NAKAKATULONG ANONG BUNTIS! BUNTISIN KO PAGMUMUKHA MO E! NASASAKTAN NANGA AKO NAGBIBIRO KAPA! TANGGALIN KO IYANG BUNGANGA MO E. ”

“eh ba’t sumisigaw! ”

Mga kaibigan ko ba talaga mga ito? Buti nalang talaga wala dito sina Harvey At leonel kung nagkataon mas maingay pa iyon kaysa sa andito.

“Daveyy? Zyrusyyyy? Lyxtheryyyyy? Arvennyyyy?  kumain na muna kasi tayo gutom na ako e. Hindi kuna kaya kain na tayo pleaseee! ” nakabusagot na pag aaya ni Nate namin.

Kailan pa nagkaroon ng Y mga pangalan namin.

“Walang Y ang pangalan ko. Wag mo na ako tatawagin ng ganon ah ang pangit paginggan. ” reklamo ni Zyrus.

“Pangit naman talaga, kasing pangit mo. ” sabat ni Lyx.

“Anong pangit? May Girlfriend ako para alam mo kaya gwapo ako. ”

“Mas pangit daw ang may jowa kaya pangit ka wat muna edeny. ”

“KAKAIN BA TAYO O HINDI! ” sigaw ni nate. Kailan pa kaya matatapos itong sigawan ng mga ito ang sakit sa tainga ah.

Wala na kaming nagawa kundi sumunod kay Nate, pag si nate na kasi mainis automatic tatahimik mga iyan. Takot lang n’yan kay Nate e.


Nasa macdo kaming lima ngayon naka upo habang si Lyx at Nate sila nag order sa counter, tas itong Arven naman wala tulala na tila parang dinaig pa ang binagsakan ng langit at lupa dahil sa itsura.

Ito pa mas malala, literal na don din kakain sina kenjie dahilan para sabay sabay kaming napayuko. Buti nalang talaga sa unaha ng table sila naupo at kami nasa hulihan.

“Nang aasar ba sila? Ano namang ginagawa nila dito? ” Arven ask.

“Minsan talaga may pagkatanga kadin kung  magselos, natural andito iyan kasi kakain.”

“Tsk! ” wala na naging cold na, for sure di na magsasalita ito ng kung ano ano. Si Arven kasi ang tipo ng tao na kung magsilos di iyan ipapa alam sa’yo, kundi ipaparamdam n’ya. Diba nice? Pero ayuko ng gan’yan magselos baka kasi literal na mamatay ako kaka overthink ano kasalanan ko. Buti nalang talaga wala pa akong girlfriend e kong nagkataon baka ako ngayon na stress. “Busog pa pala ako, sige una na ako baka pagalitan na ako ni Mama. ” he said saka tuluyang tumayo at umalis.

Nagkatinginan pa kami ni Zyrus bago sumunod na tumayo, akala ko lalabas e. Lilipat lang din pala ng upuan kila Ryu, hindi na ako magugulat pa basta ako support nalang din.

“Z-Zyrus? D-Dave? W-What are you doing here? ” gulat na tanong ni Ryu sa’min. Ngumiti ako bilang sagot saka tumingin don kay Kenjie na ngayon ay nakatingin sa’min ni Zyrus.

“Uy, mga pare! What's up? Musta kayo? Long time no see ah.”

“Magkakilala kayo? ” takang tanong ni Ryu kay Kenjie.

“Oo naman, kilalang kilala namin pagkatao n’yan. Right Kenjie? Buti naman umuwi kapa! Balita namin ikaw daw fiance ni Ryu, Is that true? ”

“Yeah! Excited nanga akong makasal kami e. ”

“Talaga?” sagot ko.

Sakto naman na dumating sina Nate galing mag order, kaya ang resulta bali anim na kami na nasa table. Ang lalagkit ng mga tinginan e.

“Teka nga? Ano ba kasing meron? Zyrus? Dave? Nate? Lyx? What happen ha? May problema ba? ”

“WALA NAMAN! ” sabay naming sagot, saka ngumiti.

“Meron lang kasi kaming kaibigan na ang kapal ng mukhang magpakita ulit dito. Actually nakita namin kani kanina lang. S’ya nga pala Ryu? Akala ko ba may date kayo ni Arven ngayon? ” Dagdag na sabi ni lyx dahilan para kumunot ang noo ni Kenjie.

“Do you know him? Ryu? ”

“Oh ngayon? ”

“May fiance kana tapos makikipagdate kapa? What the hell! Are you out of your mind? Pinapahiya mo ba angkan mo? ”

“Excuse your language ok? Hindi mo sure.”

“Teka lang ah, Ryu? Lilinawin ko lang napagkasunduan na ng pamilya mo at pamilya ko about sa kasal natin baka gusto mong ipaalam ko sa kanila. ”

“Ayuko ng kinukuntrol ako kenjie, and Why? Do you know Arven? If yes! Then makipagkompetensya ka sa kan’ya kasi s’ya dinadaan sa ligaw hindi sa dahas. Don palang talo kana! Gusto mo pala akong mapangasawa e ba’t di mo kunin loob ko? Ipakita mong hindi ka papa's boy! Ayuko ng ganon. Nakalimutan ko ding sabihin sa’yo ayuko ng umaasa lang sa yaman ng pamilya. Hindi gan’yang lalaki ang gusto kung mapangasawa! Sa Attitude palang lamang na si Arven so mas better na wag kanang magsalita sa papa mo! Alam ko mayaman kayo pero di kayang tumbasan ng yaman n’yo ang disisyong meron ako! ” lahat kami nganga sa sinabi ni Ryu.

Kung makikita n’yo lang ano itsura n’ya habang sinasabi iyon? Well, walang expression lang naman ang mukha at mahinahong naka upo na tila ba parang professional ang mga kausap. And lastly nakakaproud nakakapagsalita pala s’ya ng maraming words, first time ah.

“Nagsasalita pala s’ya ng maraming letra? ” dinig kung bulong ni Nate kay Lyx.

“Oo e, by the way narecord mo? ” tanong pabalik ni Lyx.

“Oo meron ako. ”

Ang mga gago, nagbulungan pa dinig naman. Pero infairness ang ganda nong last word na sinabi ni Ryu, alam kung mayaman kayo pero di kayang tumbasan ng yaman n’yo ang disisyong meron ako. Nakksss! Ang astig ah pang savage line amp!

“Ok fine, Payag ako!” napililitang pagsang ayon ni Kenjie sa sinabi ni Ryu.

Palihim naman kaming napangiti.

“Ok.”

“Pero anytime pwede kitang yayain mag date at hawakan. Ako naman fiance mo e at obligasyon ko iyon. ”

“Wala kang obligasyon kenjie. Kaya ko sarili ko! ” another savage word from Ryu HAHHAHAHAHHAHHAHAH. “By the way uuwi na ako. Wala naman na akong gagawin e. ”

“Hindi pwede, sabi ni Papa at ng papa mo. Diritso daw tayo sa office nais daw nila tayong makausap. ”

“Ok. Then let's go! Dahil gusto ko nang magpahinga. Una na muna kami guys, update nalang ako sa gc. ” paalam ni Ryu sa’min.

Pagka alis nila, nag apiran naman kami agad, ok! Mukhang may pag asa na ulit si Arven dito at dahil d’yan labas na kami balik na kami ulit sa pag aaral at sa susunod na series don na naman tayo tuluyang magkakilala but for now story ito ng ating bida so sa kanila na muna ang spotlight. HAHHAHAHAHHAHAHAHHA so this is Dave and this is end of my POV see you on my Story muah.

•••••••••

RYU COLD POINT IF VIEW

••••

Nanatili kaming dalawang tahimik dito sa Loob ng Kotse habang papunta kami sa office ni Papa, ba’t kasi don pa nila kailangang mag usap? Hindi ba uso ang privacy sa kanila? Kung ganon dapat di nalang sila nag seat up ng ganito.

“Ma’am, Sir? Andito na po tayo. ” nauna akong lumabas saka naglakad pa loob.

“Ryu, hintay naman. Wag ka namang gan’ya dapat hindi mo iniiwan mapapangasawa mo e.”

“IYAN BA IYONG TOTOONG ANAK SIR? ”

“OO YATA, IYONG BABAE! ”

“AKALA KO BA DALAWA SILA. ”

“ANO KABA! STEP DAUGHTER IYON, SI MS RYU ANG TOTOONG ANAK, NAKABALIK NA PALA S’YA? ” ayuko talaga sa lahat ang nagbubulungan.

Hindi ko pinansin ang kahit na ano basta ang mahalaga sa’kin ngayon ang makauwi na sa condo ko at makapagpahinga.

“Oh, Ryu? Kenjie.  Andito na pala kayo?”

“Hello po. ” bati ni Kenjie, ako naman nag bisa lang.

Naupo ako sa upuan at hinihintay kung ano pa sasabihin nila.

“Siguro naman alam n’yo na? Na after ng graduation ikakasal na kayo. Sa ngayon kenjie? Ingatan mo ang anak ko. Ayukong papaiyakin mo s’ya ok? Lagi mo s’yang bantayan sa school. Don kadin naman papasok! ”

“Tama, kami na bahala sa lahat ng gastusin. Ang mahalaga makasal kayong dalawa hindi pwedeng hindi.”

“Yes po, Pa.” kenjie said.

“S’ya nga pala Ryu? Umuwi kana sa bahay. Para don ka nalang lagi sunduin ni Kenjie. ”

“Payag na ako sa kasal, at ako ang magdidisisyon kung uuwi ako sa bahay o hindi. And please lang, ayuko ng sinusundo at hinahatid masyado na akong matanda para d’yan! Kung gusto n’yong kayo lagi ang masunod kayo ang magkasal at wag n’yo na akong idamay. Ang dami n’yong alam puro sa kaligayahan n’yo manlang iyang disisyon n’yo. Pagod na ako uuwi na ako. Bye! ”

Hindi ko na hinintay pa mga sagot nila bagkus ay tuluyan na akong tumayo at naglakad paalis doon sa office.

Dahil sa mga walang kwenta nilang gusto hindi ko na naaasikaso ang coffee shop ko e. Partida may klase na kami sa lunes at balita ko magkakaroon daw ng oral, meron din daw oral defense pag uusapan pag balik namin.

Ayos naman sa’kin ang may pasok e, hindi ko lang gusto next week next week na ang intrams , ready naman na kaya ang mga maglalaro sa’min?

Pauwi na ako ng makareceive ako ng txt galing sa Dean na pumunta muna ng office sa school.

Ano naman kaya kailangan nito? Dumiritsu ako ng office at pagdating ko don diritsa kung tinungo ng office. “Goodmorning, po. ” bati ko.

“Ryu, thanks God andito kana. ”

“Bakit daw po? May problema ba? ”

“Ikaw ang President ng Campus, anong plano mo para sa mga Varsity sa darating na Intrams? ”

“Ako na po ang bahala sa mga snacks nila at sasakyan, iba din po ang sasakyan ng mga cheerleader at magsusupporta. Lahat po nasa plano na kaya wag kayo mag alala. ”

“Tingin mo? Mananalo kaya tayo? ”

“Hindi ako manghuhula e. Malay ko? ”

“Sa tingin mo lang nga. ”

“Hindi ko nga po alam. After po ng intrams magiging busy nadin po ako sa pag aaral kaya sana maging ok ang lahat. Ayuko naman na bumagsak ako sa mga subject ko Sir, ganong iyong mga attitude ng teacher namin hindi tumatanggap ng excuses, kaya kung uunahin ko lahat as president posibleng pumasa naman ako pero wala akong matututunan. Ayuko ng ganon! ”

“Si chairman ang may ari nitong school at anak ka n’ya Ryu, wala silang karapatan na Ibagsak ka. ”

“Meron po, dito sa school walang anak ng chairman at walang mayaman mas magiging masaya pa ako kung pahirapan ako, don nag eenjoy ako atleast marami akong matututunan. Sa school na ito hindi ako mayaman ordinaryo lang akong studyante at mas gusto ko iyon. Aanhin ko naman ang yaman kung wala akong matututunan diba? Kaya ok na iyon simula nong pumasok ako dito tinalikuran ko pagiging mayaman at anak ng chairman para sumabay sa mga studyante dito at iyon ang magpapasaya sa’kin kaya sana po walang may makaalam kung sino ako. ”

“S-Sige, pero ang step sister mo. Pinagkakalat na anak s'ya ng Chairman. Ano gagawin mo sa kan’ya.”

“Bahala na s’ya. Una na po ako!  See you nalang po sa monday Sir. ” saad ko saka lumabas ng office.

Iwan, pero kanina ko pa iniisip bakit kaya di manlang nagtxt sa’kin si Arven o tumawag? Araw araw n'ya namang ginagawa iyon. Himala nga ngayon hindi na tumatawag. Puntahan ko kaya sa bahay nila baka may sakit.

Obligasyon ko din namang alamin kasi President ako ng campus diba? Tama, pupuntahan ko nalang sa bahay nila. Alam ko naman na kung saan bahay nila e.

Pero di kaya nakakahiya? Pero hindi iyon sige pupuntahan ko nalang.

Ang dami ko naman na yatang pinupuntahan ngayong araw ah. Ano oras naba? T-Teka mag gagabi na pala? Wag nalang kaya ako tumuloy, pero kasi baka may sakit s'ya. Sige nanga pupuntahan ko na bahala na.

Ilang minutes makarating din ako sa kanila. Now ko lang napansin malaki din pala bahay nila.

Nag doorbell muna ako, buti nalang talaga may bumukas agad.

“B-Babae?”

“Hi, po. ”

“Hello, s-sino po kailangan n’yo? ”

“And’yan ba si—.”

“Manang sino po iy— HALA!” Napatingin ako don sa lalaking nasa 15 years old na mabilis na tumakbo papunta sa loob nila. Tas biglang sumigaw. “KUYAAAAA IYONG CRUSH KO ANDITO I MEAN IYONG PRESS NG CAMPUS ANDITO! KUYAAA! HOYYYY! TUKMOL! ”

“Ikaw po pala si Ryu, pasok po. ”

“Thank you po. ” saad ko.

“Sino iyan? Ang ganda ah. ”

“Ryu daw, syota ni Sir Arven. ” dinig kung bulong nila. Nakakahiya.

ARVEN POINT OF VIEW

••••••

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni dahil sa nakita ko kanina ng biglang sumigaw ang lintik kong kapatid.

“KUYYAAA!! IYONG CRUSH KO ANDITO, I MEAN IYONG PRESS NG CAMPUS ANDITO KUYAA!! HOY TUKMOL! ” sigaw nito.

Tskk! Press lang pala ng campus, ano namang paki alam ko sa ka— wait? President ng campu? S-Si Ryu iyon diba? A-Andito si Ryu?

Mabilis akong napabangon sa kinahihigaan ko at dali daling bumaba, muntik panga akong mahulog e.

“KUYYAAAA! ANG PRESS ANDITO!”

“Gago! Wag mo ’kong sigawan di ako bingi. ”

“Si Crush andito? Ako ba kailangan n’ya? Sabihin mo magbibihis lang ako ah. ”

“Tangina mo!” saad ko.

“Sir Arven hanap kadaw po si Ms Ryu. ”

“Pasabi wala ako dito. ” saad ko. Ano s’ya siniswerte, pagkatapos n’yang pumayag na hawakan s’ya nong lalaki kanina, pupuntahan n’ya ako dito? Tsskk! Never!

“Eh Sir, Arven! Miss kadaw po n’ya.”

“Talaga? Pasabi I miss you! ” nakangiting saad ko.

Huwaahhh! Babylabs kinikilig na naman ako. “Hintayin mo’ko ah, mag aayos lang ako. ” dagdag ko.

“Ang pangit mo kuya, may pa arte arte pang nalalaman, marupok naman! ” he said saka ako tinarayan! Bakla ba iyon? Wow!

Ilang minutes akong naghanap ng isusuot ko, kasi dapat gwapa ako e kaya nag hanap ako ng maigi, pero nong iuunbutton kona shirt ko saka naman ang pagbukas ng pinto at niluwa doon ang bbaaeng pinapangarap ko.

Ngumiti pa ako nong makita s’ya pero nong narealize kung nakapasok s’ya mabilis pa sa isang oras na napatalikod ako.

“A-Ah! R-Ryu! B-Bakit? ”

“Arven? ”

This is the first time na binanggit n’ya ang pangalan k ng seryuso. May problema kaya s’ya? I mean, para kasing meron e.

“Bakit? ”

“Can I sleep with your room? ”

“H-Ha? ”

“Pagod na kasi talaga ako e, gusto ko lang magpahinga. Ayukong umuwi sa condo ko kasi maingay don sa katabi di ako makatulog ng maayos. ”

“P-Pero, Ryu? B-Baka pagalitan ako nila Papa. A-At saka babae kapa naman bawal ka dito sa kwarto ko. ”

“Wala ka namang gagawin sa’kin diba? ”

“Ano namang gagawin ko sa’yo? What I mean is, ayukong sabihin nila Mama na ikaw ang pumupunta sa kwarto ng lalaki. ”

“Sorry.”

“P-Pero sige, dito ka matulog sa kwarto ko, don ako sa sofa. Ok? Sige na magpahinga kana muna tawagin mo nalang ako pagnagugutom ka or nauuhaw, ok?” paalis na sana ako pero hinawakan n’ya bigla ang kamay ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Fuck! Not now please! Pwede bang huwag muna akong mamatay sa kilig?

Gusto ko na talagang tumalon talon na kilig pero di ko magawa, Ibang Iba kasi ang Ryu na kaharap ko ngayon ang hinhin n’ya na parang ang lambing.

“R-Ryu? B-Bakit? ”

“Pwede bang dito kalang muna? Samahan mo’ko hanggang sa makatulog ako. ”

“Teka, nilalagnat kaba? ”

“Hindi naman, masakit lang ulo ko pero ok lang itutulog ko nalang ito. ”

“What? Inom ka muna ng gamot. ”

“Wag na, ano kaba? Malayo sa bituka ito. Ngayon lang nam—.” tinignan ko ito sa mata at kita ko kung pano ito dumaing sa sakit ng ulo n’ya then maya maya pa bigla nalang bumagsak sa kama kasabay ko.

At dahil nakapatong ako sa kan’ya, mabilis pa sa isang minuto na umalis ako.

Tang*na! Wala akong ginawa ah. Accidente iyon hinawakan n’ya ako kaya nasabay akong bumagsak.

“KUYYAAA! ANONG GINAWA MO! ”

“Ha? Wala akong ginawa ah. ” diritsang sagot ko sa kapatid ko na basta basta nalang pumasok sa kwarto ko ng walang pahintulot.

“EH BAKIT WALANG MALAY? BALAK MONG PAG NASAA—OUCH NAMAN KUYA! ”

“Bunganga mo, anong balak! Kinakabahan nga ako paghinahawakan n’yan tas may balak pa. Ano kaba? Kahit mag hubad sa harap ko iyan hindi ko magagawang bastusin. I know how to respect girls, kasi babae mama natin. ”

“Ang sagwa naman siguro kung lalaki, Mama natin diba? ”

“Oo nga noh, teka nga? Ano bang ginagawa mo dito? ” tanong ko.

“Ikaw, anong ginagawa mo kay Ms Uno (Ryu/President/Captain) bakit nakahiga iyan? ”

“Nawalan ng malay e. ”

“Nawalan ng malay? ”

“Nawalan ng malay? ” tanong ko pabalik.

“N-Nawalan— AHHHHH MAMAAAAAAAA! ” sigaw ko ng malakas tapos kung maealize na nawalan ng malay si Ryu.

“Jusko naman Arven, halos makiba na bahay natin sa lakas ng sigaw mo ah! Ano ba me—Wait! Bakit may babae sa kwarto mo ha? Arven? Nagtanan kaba? I mean itinanan mo ba ang babaeng iyan? ”

“Mama? Si Ryu po iyan iyong babaeng gust— MAYA KANA MAG TANONG MAMA. NAHIMATAY PO IYAN DOCTOR KAPO DIBA? GAMOTIN MO! ”

“Siraulo kang bata ka, huwag mo’kong sigawan hindi ako bingi. ” napanguso nalang din ako dahil sa sinabi ni mama.

“Mama? Kakarating mo lang po ba? ” tanong ng kapatid ko

“Hindi ba obvious? ”

“Eh bakit po andito agad kayo sa kwarto ni Kuya. ”

“Sa lakas ba naman ng sigaw ng kuya mo, bibilisan ko talaga paglalakad ko. Oh Arven! Pagkagising nitong crush mo pakainin mo agad ok? Stress lang iyan ito gamot painumin mo. ”

“Ma? Ako ho ang may crush d’yan hind ho si kuya.”

“Tigilan mo’ko, kay bata bata mo pa e. ”

“Ayan kasi! ”

“Tskk! ”

“Sige na, magbibihis na ako sa kwarto at kayong dalawa lumabas kayo dito. Bawal panoorin ang babae pagnatutulog kaya labas! ” utos ni Mama kaya lumabas agad ako, hila hila ko kapatid kong parang kabuting sipot lang ng sipot.

“Ma? Si papa asan? ”

“Hindi paba umuuwi? Gabi na ah. ”

“Wal—.”

“Good evening. ”

“PAPA! ” tawag namin pareho ng kapatid ko saka lumapit at nag bisa.

“Hi, Honey? Kumusta ka sa ospital? ”

“Ayos naman. ”

“Oh, kayong dalawa tulungan n’yo sa baba sila manang para makakakain na tayo. Gutom na ako e. ”

“Yes, papa. ” sagot ko saka mabilis na naglakad pababa.

Kailan kaya magiging si Babylabs? Ayos lang kaya s’ya? Kinakabahan ako, baka ano mangyari sa kan’ya. Kasalanan talaga ito nong lalaki na iyon! Tskk! Tskkk!

Bahala na, titignan ko nalang mamaya after kumain. Hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top