Chapter 18
••••••••
Andito parin ako malapit sa may puntud ni Mama, kasama itong mga ungas na ito na ngayon ay naka upo sa gilid ko.
Pinagpipiktusan ko kasi kanina sa game namin, ang tatapang pa iiyak din naman pala, pitik palang iyon pero mukhang kawawa na.
“Uy, Ms Uno? Diba ikaw iyong nililigawan nong new student? ”
“Oh, ngayon? ”
“Pumayag ka? ”
“Oo.”
“Sasagutin mo na? Aba naman Captain, wag muna agad sagutin pahirapan agad mo na. Di pwedeng sagot agad noh!”
“Eh Ate Captain. Ano po ba ang gusto mo sa isang lalaki?”
“Wala akong gusto. ”
“S’ya nga pala, Uno! Pano namatay Mama mo? Bakit? Why? ”
“Ba’t parang ang sarap pumatay ng taong palatanong ngayon. Nagcacrave pa naman ako! ”
“Tahimik na kasi kayo! S’ya nga pala captain? Ako nalang kaya jowain mo? ” napatayo ako ng wala sa oras, ibang klase mga bunganga ng mga batang ito sarap pagsasapukin e.
“Umuwi na kayo. ” saad ko.
Tumango naman ito at mabilis na nilisan ang kinauupuan nila. Aba matindi!
Naupo nalang ako sa harap ng puntod ni Mama, I don't know pero nakakamiss din palang magkaroon ng ina. Iyong pag gising mo merong tatawag sa’yo! Nabalik ako sa pag iisip ng tumunog ang messenger ko at usual, Gc na naman ng TROPZ ang nagchat.
“[Hey, Guyses! What's up girlbest. Musta? ]” chat ni Zyrus dito, bilis mag seen ng tatlo ah (Dave, Lyxther, Nate)
“[Sup, Pre!]” Nate rply.
“[Tangina mo zyrus nasa iisang school lang tayo nag aaral tas dito kapa magchachat! ]” bungad ni Dave.
“[Tanga, same school pero hindi tayo same Section magkaiba kinuha nating course diba! Gwapo kalang pero bubu ka! ]”
“Ang ingay n’yo.” rply ko sa gc.
Tskk! Mag chachat lang ba sila don para mag asaran! Akala mo naman talaga ano e.
“[Nate, Pre? Musta? San kanga ulit lumipat ng school?]”
“[Cebu University]”
“[Wow! Mayaman ah. ]” reply ni Dave.
“[How about you, Girl best? Anong plano mo after mo mag school sa Senior high? Anong course kukunin mo? ”] zyrus ask.
“Di ko sure, ikakasal daw ako after ko mag aral sa senior high. Sabi ni Papa! ” reply ko,
Halos lahat sila gulat na gulat ang react.
“[Ayos kalang ba? Wait puntahan kita txt ka kung san kita pupuntahan ok. ]” reply agad ni Zyrus.
“[ako rin, puntahan kita. ]” nate reply.
“[Me too! Uy mga gago, hintayin n’yo ko ah. ]” reply ni Dave.
Tas maya maya pa biglang nagseen si Lyxther.
“[ ano meron? Sino ikakasal? Uy teka ako rin pupuntahan kita Girlbest, pero bakit ano ba meron? Tangina sige nanga pupunta na ako saan? ]” reply nito.
Napatampal nalang ako sa noo ng wala sa oras. Tas tntxt sa kanila kung san sila tutungo, baka kasi maligaw mga iyon.
Umalis nadin ako sa sementeryo at nagpaalam kay Mama. Balik nalang siguro ako pag matapos na problema ko.
After kung mag alay ng flowers umalis agad ako para kitain ang mga ugok!
Ilang minutes na pagmamaniho ko nakarating agad ako sa tambayan namin, guest what kung saan? Sa gilid lang naman ng kalsada tambayan namin mas maganda daw doon kasi marami silang nakikitang sasakyan. Diba? Grabi mga trip noh? Dalawa kasi tambayan namin sa Condo ko at dito sa gilid ng kalsada kaya ito nalang ang tinxt ko sa kanila.
“GIRLLBESSTT! ”
“Wag n’yo ko yayakapin, pagod ako! ”
“Ah, grabi a-ang dami ng sasakyan. ”
“May baon kang kanin? Lyx? ”
“Ang init kape tayo. ”
“Napagod ako. ” kan’ya kan’ya nilang palusot tapos maudlot ang pagyakap nila sa’kin.
Natawa nalang din ako sa mga mukha nila HAHAHA Ang kyut pero nakakamiss silang tignan.
“Kanino ka pala ikakasal? ” nagkibit balikat ako sa tanong ni Dave, kahit naman kasi ako hindi ko alam ano isasagot ko e. Kasi di ko naman nakita!
“Si Tito ba may pakana nito? Pwede naming kausapin kung gusto mo. Hindi kasi pwedeng kontrolin ka n’ya.”
“Ayos lang naman, Zyrus. Kaya ko naman tapusin itong gulo na meron ako e. Salamat sa pag alala n’yo.”
“What if di mo maayos? Ingon mo lang sakua Girlbest, willing ko maging groom di kalang makasal sa laki nga di nimo uyab! ”
“Lagi? ”
“Amo lagi. ” Nate said,
“Oh, pre magtagalog ka tangina mo kala mo naman naiintindihan namin sinasabi mo e. ”
“Sabi n’ya handa s’yang maging groom ni Ryu kapag tuloy na ikasal si Ryu sa lalaking di n’ya naman boyfriend. ” paliwanag ni Dave.
Tumango tango naman ang dalawa pahiwatig na naiintindihan nila ang sinasabi ni Nate. Sobrang swerte ko talaga sa kanilang apat, since birth kasi andito na sila lagi sa tabi ko. I mean kababata ko talaga sila.
Si Zyrus na laging andyan kapag binubully ako dati, Si Dave naman na laging nagpapautang sa’kin nong bata pa ako. Si Nate na lagi akong pinapatawa kapag nalulungkot ako at si Lyxther Naman ang andyan kapag nabobored ako, lahat sila hindi ako nagsisi na nakilala ko sila.
Nong nag asawa ng iba si papa andyan sila para icheer up ako.
Tinuturing nila akong prinsesa kahit na ayuko ko, parang magkakapatid naraw kasi kaming lima kaya spoil namin ang isa’t isa, walang taguan ng secreto. Kaya lang meron akong secreto na ayukong ipaalam sa kanila. Kasi alam ko talagang magkakagulo sa mga school na lilipatan nila kapag nalaman nila ano mangyayari sa’kin.
Kahit naman ako nag iisip, bakit ako pa ang kailangan mag bayad sa kasalanang hindi ko ginawa nong time na iyon.
Siguro kung sakali mang malaman nila, sana ok na lahat.
“S’ya nga pala Zyrus? Kumusta kayo ng girlfriend mo?”
“Ok naman kami. ”
“Grabi parang walang balak na ipakilala mo sa’min ah! Ano ba name n’yan? ”
“Next time na, kapag ready na akong ipakilala sa inyo. Pero don’t worry makikilala n’yo din naman. ” saad nito sa’min.
“Ikaw Dave? Lyxther? Nate? May mga Jowa na kayo? ” tanong ko sa kanila.
Umiling iling silang tatlong sa tanong ko, pahiwatig na wala pa silang mag jowa.
“Hindi pa ako ready, wala pa kasing may nagpapatibok ng puso ko e puro mga childish karamihan at ayuko ng babaeng childish hindi ko kayang imanage. ” saad bigla ni Dave.
“Ako ayuko ng masyadong matabil masakit sa tainga. ” Nate said.
“Ako? Ano! Wala ang papangit kasi nilang lahat. Si Ryu lang ang maganda, tayo nalang kaya girlfriend! ” Lyxther said.
“Tangina mo! ” mura ni Zyrus kay Lyxther, nakakatawa sila.
“Nagbibiro lang naman e, hindi naman talaga basta ayuko pa mag jowa kasi ayuko sa pangit puro pangit na mememeet ko e. Pangit nanga ako pangit pa magiging gf ko wag nalang, itutulog ko nalang. ” he said.
Pag ’tong mga ‘to makatuluyan nila mga ayaw nilang babae, tatawanan ko talaga mga ito. “S’ya nga pala, bukas ko mamemeet sa airport mapapangasawa ko. ” saad ko na kinatigil nila.
“SASAMA KAMI. ”
“May pasok kayo remember! ”
“WALA KAMING PASOK! ” sabay ulit na sabi nila.
“Ok, sabi n’yo e. Basta make sure na walang gulong mangyayari ha? Baka awayin n’yo! ”
Tumango tango sila bilang sagot. “T-Teka? Nate? San ka matutulog? ” tanong ko.
“May Condo ako dito sa Maynila, binilhan ako ni Dada. ”
“Wow! ” reaction ni Dave.
“So pano? Dahil wala pa naman tayong gagawin arat punta tayong bar? ” pag aaya ni Zyrus.
“Ikaw may gf kana maglalandi kapa , Remember babae si Ryu bawal s’ya doon. Kaya bawal! Bawal! Bawal! ”
“Oo na. ”
“Eh san tayo pupunta? ”
“Manood tayo ng Sine, merong bagong labas ng horror ngayon sa sinehan diba? Arat manood masaya iyon. ”
“Sige sige. ” pag sang ayon nila.
Napalunok nalang ako ng wala sa oras, heto na naman tayo last na pinanood namin hindi ko sila makausap ng maayos dahil traumang trauma sa pinanood nila.
“Ako bahala sa pop corn. ” nakangiting saad ni Lyxt.
“Ako bahala sa inumin. ” Dave said.
“Ako bahalang mag dala. ” ako bahala bumili ng ticket, Zyrus said.
“Ako na pipili ng papanoorin. ” Nate said.
“Ok, let's go! ” pag aaya ko , lalakad na sana kami but—
“Guys? Di kaya mag exist ang multo? ” Dave said na nakatayo lang.
“Hindi! ” saad ko kaya hinila ko na agad.
Hindi naman na nagreklamo at pumunta na kami sa sinehan.
Mukhang masayang tawanan na naman ito HAHHAHA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top