Chapter 14
Dedicated to:
To my boyfriend
Nasa bahay padin ako nakanguso. Iniisip iyong napanood ko kanina sa Tv. Pano na ako nito? Pano na ang gwapo kung mukha kong may iba nang gusto ang baby ko?
Ichat ko kaya s’ya? O kaya naman puntahan ko sa pinagtatranahuan n’ya.
Sige nanga puntaha ko nalang. Nag bihis agad ako saka nagpabango hehehe. Nag lakad lang ako papunta doon kaisa sumakay sayang pamasahe e.
“Ma? Alis lang muna ako ah. Punta ako kay Ryu. ”
“Ryu? Sinong Ryu? Bagong girlfriend mo ba? ”
“Mama, hindi ah. Wala pa akong gf ngayon at saka magcocoffee lang po ako doon. ”
“Ang layo naman yata? ”
“Andon kasi iyong nagpapatamis sa coffee. ” nakangiting sagot ko na kinakunot noo nito.
“Dami mong alam, umuwi ka nang maaga ah. ”
“Yes, mama. ” sagot ko saka tuluyang lumabas ng bahay.
Pero seryuso. Gusto ko s’yang makita ngayon. Habang naglalakad ako hindi maalis sa isip ko iyong napanood ko kanina. Totoo ba iyon? O hindi? Grabi naman kung nagdadate talaga sila? How about me naman kasi. Pano naman nalang ako pagsila talaga? Idi kawawa ak—
“Oh? Arven, anong ginagawa mo dito. ” nabalik ako sa pagiisip ko nong may nagsalita bigla.
Inangat ko ang ulo ko para makita kong sino.
“Oy Ryu—Wait Ryu? ” gulat na tanong ko. “Anong ginagawa mo dito. ”
“Nagtratrabaho.”
“Ay oo nga pala. ” sagot ko. “A-Ah ryu? Pwede ba kitang makausap? ” seryusong tanong ko habang nakatingin sa kan’ya.
“About san? ”
“Basta.”
“Sige sandali. ” she said saka lumabas nang, sumunod ako sa kan’ya hanggang sa makarating kami sa isang puno nang mahugani, malaki s’ya at may umupan sa ilalam ng puno at don s’ya naupo. “Maupo ka, dito. ” turo n’ya sa tabi n’ya.
Hindi ako kumibo at tumabi nalang sa kan’ya. “Ano bang pag uusapan natin? ” seryusong tanong nito.
“Totoo ba? ”
“ang alin? ”
“Yong nakita ko. ”
“Alin doon? ”
“Yong nagdadate kayo nong sikat na artista. Kayo naba non? I mean nililigawan kana ba n’ya o kayo na talaga? ”
“Magkaibigan kami non. At di kami talo non. Masyado s’yang matanda para magustuhan ko. ”
“Pano iyan? Gusto ka n’ya. At saka gwapo iyon mayaman pa. Ang daming nagkakagusto doon alam mo ba iyon? At saka bakit kayo magkasama? Ano? Alangan naman aksedente lang na nagkita kayo. ”
“Ba’t nagseselos kaba? ”
“Oo I mean, hindi. ” napa iwas ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Nakakahiya naman kasi.
“Wala pa akong time para magkagusto. Marami pa akong problema. Gusto ko bago ako mag boyfriend tapos na lahat ng problema ko. Iyong tipong magiging masaya nalang ako. Ayuko kasing mapahamak ang Bf ko ng dahil sa akin. ”
Patuloy lang ako nakikinig sa sinasabi n’ya. Dahilan para mapangiti ako. Maya maya naramdaman kong natahimik ito kaya nilingon ko. At sa paglingon ko kita ko kung gano s’ya kaganda matulog.
Her eye lashes,
Ang tango ng ilong.
Mapupula ang mga labi.
At ang kinis ng mukha n’ya,she’s perfect.
Inayos ko iyong buhok na nakaharang sa mukha n’ya. I love her inaamin ko na talaga ng gusto ko s’ya. Hindi dahil sa ganda n’ya kundi dahil sa ugaling meron s’ya.
Cold minsan pero mabait naman pala. Unti unti kung nilapit ang mukha ko sa mukha n’ya para sana halikan pero halos mahulog ako sa kinalalagyan ko ng dumilat ito.
“Ginagawa mo? ”
“H-Ha? W-Wala. May dumi lang sa mukha mo kaya inalis ko lang. ”
“Hahalikan mo ba ako? ”
“Aba! Hoy wag kang mamimintang ah. Anong hahalikan? Magkaibigan lang tayo pano kita hahalikan e di naman kita gusto. At kung may hahalikan ako don iyon sa babaeng mahal ko. Feeling nito. ”
“Defensive ah. Hindi halatang hindi mo’ko hahalikan. ”
“Hindi nga, ang pangit pangit ng labi mo e. At saka hindi talaga kita gusto kasi ang sama ng ugali mo. ”
“Talaga?”
“O-Oo.” nauutal na sagot ko nong nilapit n’ya mukha n’ya sa mukha ko. Saka tinignan ang labi ko.
Please lang naman Ryu, huwag mo’kong tignan ng gan’yan baka mahalikan talaga kita ng wala sa oras e.
“Can I kiss you, Arven? ” seryusong tanong nito na linalunok ko.
Hindi ko alam pero unti unting pinikit ko ang mga mata ko saka hinintay na ikiss n’ya. Pero ba’t parang ang tagal.
“Pangit pala labi ah. ”
“Tskk! Nang aasar kaba? ”
“Hindi, para ka kasing bakla. Dinaig mo pa pagka babae ko kung dumaldal. Pinaglihi kaba sa hayop. ”
“Alam mo ikaw nakakarami kana. Anong hayop sa gwapo kung ito hayop? ”
“Tsskk! ”
“Pero seryuso Ms Captain kailan ka ba talaga babalik sa L. U? ”
“Hindi ko alam. Parang ayuko nangang bumalik eh. Everytime kasi na andon ako naaalala ko lang si ate. Naaalala ko ang panahong di ko manlang s’ya nailigtas.”
Umiiyak ba s ’ya?
Tinignan ko ito at tama nga ako. Umiiyak s’ya kaya syempre dagag points kaya niyakap kuna. Sayang naman malay mo maamoy n’ya ang pabango ko ag mainlove s’ya sa’kin.diba?
“Iyak kalang, andito lang ako. Sana pala nagdala ako ng tissue, ba’t kasi di mo sinabing iiyak ka? Ayan tuloy. ”
Kinuha ko iyong panyo na dala ko saka pinunasa sa luha n’ya. Ang kyut nang babaeng ito umiyak ang angas pero iyakin din pala.
“Tanga di naman ako umiiyak e. ”
“Eh ba’t parang may luha ka. ”
“Napuwing ako. ”
“Weh? Nabasa kuna iyan e. ”
“Saan? ”
“Sa wattpad, reader kaya ako doon. ”
“Napuwing ako ayan oh. ” binuka n’ya ang mata n’ya at tama nga may nakapasok na parang isang—“Ano iyan? Langgam? ” tanong ko.
“Kunin mo nga. ”
“Ayuko.”
“Kunin muna. ”
“Ayuko nga. ”
“Kukunin mo ba o hindi? ” galit na tanong nito.
“Ito nanga e. ” hinakan ko mukha nito saka kinuha iyong nakapasok sa mata n’ya. Hysstt ano ba iyan? Para tuloy kaming naghahalikan nito e. “Ayan, wala na. ”
“Thanks.”
“Thanks lang? Walang kiss? ”
“Gusto mo? ”
“Ayuko.”
“Tskkk! S’ya nga pala Arven ba’t kayo nagbreak ng ex mo?”
“H-Ha? ”
“Tskkk! S’ya nga pala Arven ba’t kayo nagbreak ng ex mo? ” ala inulit panga.
“Hindi kami nagbreak hindi lang nag usap, pero dahil may iba na s’ya ngayon parang Nag break narin na kami.”
“Ba’t di mo hinabol? ”
“Ayuko noh. Mahal ko s’ya pero ba’t ko naman hahabulin ang taong hindi na talaga ako ang gusto. Ayuko maging selfish kung hindi ako idi hindi. ”
“Mahal mo pa? ”
“Hindi na. ”
“What if bumalik? ”
“Hindi mangyayari iyon. At saka may iba na akong gusto. Kahit na di pa s’ya ready magiging loyal ako sa feelings ko para sa kan’ya. Hihintayin ko s’ya hanggang sa pwede na. ”
“Ang lalim. ”
“Nang? ”
“Nang hugot mo. ” sagot n’ya. Napanguso naman ako. Grabi akala ko cold lang itong babaeng ito e. Manhid din pala. Di n’ya ba alam na s’ya ang gusto ko? Aba, nakakainis sabihin kuna kaya para naman maging aware s’ya.“Tara.” pag aayaya n’ya saka s’ya tumayo.
“Saan? ”
“Street foods. ” she said.
“Sige.” nakangiting sagot ko. Ang angas n’ya talaga..
Pangako ko talaga ito, magiging akin ka talaga Ryu.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top