chapter 13

•Arven Point Of View•

••••••••••••

Nanatili akong nakapikit habang iniisip kong tama ba ang disisyon ko na manligaw sa captain namin.

Pero teka nga bakit ko naman liligawan eh diba hindi pa ako nakakamoveon? Tskkk! At saka hello masyado akong gold para maging kami. Never!

Pero naka move on na ako e. Anong hindi sa gwapo kung hindi, mag stay ako sa babaeng niloko lang ako? Aba mali iyan arven dapat maghanap ka. Ay mali mabait ako e ayuko manakit ng babae.

“Arven?”

“Oh.”

“Kuya? ”

“ANO! ” siga ko dito. “Ano ba kasi? ”

“Andito si Kuya Lyxther hinahanap ka. Sino ba kasi iniisip mo d’yan. Iyong Kim ba? Iyong ex mong pati ako nilalandi. Aba naman kuya gumising kana ha? Wag na iyon please lang magbago kana ng babae. ”

“Wow! Papuri ba iyan o advice? ”

“Realtalk iyan. Para alam mo. ” bulyaw nito sa pamumukha ko saka tumakbo palabas ng kwarto ko.

“Laway mo. Talsik. ” sigaw ko pabalik.

Ginagulo ko naman iyong buhok ko saka bumama ng kwarto. Tas kita ko don si Lyxther na naka upo lang sa sofa ano na naman kaya kailangan nito.

“Sama ka? ”

“Saan? ”

“Outing. Wala namang pasok 1 week kasi training lang. ”

“Baka pagalitan ako nila papa. Wala pa kasi sila dito e. ”

“Bukas pa naman, sinabihan lang kita in advance. ” sagot nito.

“May juice ba kayo, pre? ”

“Meron, bakit? ”

“Dapat binibigyan mo’ko, bisita mo ko e. Ganon naman dapat diba? ”

“Grabi sa gwapo kong ito ako pa talaga uutusan mo? Pumunta ka sa kusina ikaw mag timpla o kaya pasuyo ka kay Manang.”

“Ang hangin ah. Eh pinagpalit kana diba? ”

“Sige ipamukha mo pa. Tsskkk! Atleast nagkaron ng ex ikaw since birth wala. ”

“May girlbest na ako e. ”

“Aminin mo. ” pang aasar ko saka umupo sa tabi n’ya.“May gusto ka sa girlbest mo noh? ” dagdag ko.

“HAHHAHHA gago pinagsasabi mo. Kaibigan lang kami non noh. ”

“So madami s’yang boybest? Pakilala n’yo naman ako. Para may girlbest din ako ang damot n’yo naman. ”

“Hindi girlbest bagay sa’yo kundi girlfriend kaya tumahimik kana please lang.”

“Grabi ang damot talaga. Pag ako nagka girlbesy who u kayong lahat. ”

Ngumuso ako saka lumipat nang upuan. “Ano plano mo kay Girlb—este kay Ryu ngayon?”

“Ha? Plano? ”

“Oo kala ko ba liligawan mo? ”

“Liligawan? ”

“Unli pre? Paulit ulit?  Liligawan oo. ”

“Hindi ko naman s’ya liligawan e. Crush ko s’ya pero ayukong ligawan natatakot ako sa kan’ya.feeling ko lagi n’ya akong aawayin. ”

“Kalalaki mong tao, takot ka sa babae. ”

“Kasi totoo akong magmahal. Ok lang ako masaktan basta di lang ako makasakit. At saka si Ryu kasi ang tipo nang babae na laging ginagawang prinsesa. Kakaiba s’ya sa lahat ng babae sa School natin e. ”

“Malamang s’ya student supreme e. ”

“Hindi iyon. ”

“Ang ibig kung sabihin, makinig kang bobo ka. Kakaiba s’ya kasi wala s’yang make up. Literal na natural lang ang ganda n’ya. Di tulad nang iba d’ya na akala mo pupunta nang ano e. ”

“NANG ANO! TANGINA MO MAKA BOBO KA NAMAN KALA MO ANG TALINO MO AH. ”

“Ba’t ka naninigaw?”

“BAKIT MASAMA BA? .”

“OO.”

“Ba’t ka sumisigaw?”

“Sinisigawan mo’ko e. Akala mo naman bingi ako. Tsskkk!”

“VIRAL NGAYON SA SOCIAL MEDIA ANG SIKAT NA ACTOR NA SI RAILEX LOPEZ NA MAY KINITA SA ISANG COFFEE SHOP. AYON SA POST BINIGYAN PA NG COFFEE IYONG BABAE. ” pareho kaming napalingon ni Lyxther nong marinig namin iyon.

Binuksan pala nang kapatid ko ang Tv san kaya ito dumaan? Di ko napansin ah.

“Oyy ang ganda nong babae naman pala e. ” saad nang kapatid ko.

“Teka? Si Ryu iyan diba?” saad ko.

“Grabi pre, puro kana Ryu ah. HALA OO NGA. ” saad ni Lyxther.

“Nagdedate sila nong artista? Sana ol gwapo. Ako kasi mas gwapo lang nang kunti dyan. ”

“Umuwi na pala nang pilipinas si Lex. ”

“Kilala mo iyan?”

“Oo, artista iyan diba? ” napairap nalang ako dahil sa sagot nito.

Tsskk! Nakakabadtrip talaga maki usap sa mga walang kwentang tao e. Pero bakit? Why?

Inopen ko ang cp ko, baka ganon din ang topic sa gc at group page ni Ryu at tama nga ang hinala ko.

Popular now na si Ryu. Huhuhu bakit naman kasi naunahan ako. Pero ayos lang pero hindi ako papayag.

Halos iba iba na ang mga post about kay Ryu at don sa artista. May mga senend pa silang mga pictures na hinawakan nong guy ang buhok ni Mylabs ko. Wala na huhu.

“Oh, anong nangyari sa mukha mo? Para ka naman yatang binagsakan ng langit. ”

“Sige nga, lyxther sino matutuwa d’yan. Crush ko s’ya tapus may kadate pala s’yang artista? Anong laban ko d’yan sikat iyan tas ako gwapo lang. ”

“Seriously? HAHHAHAHAHA oo tama ka sikat nga iyan. Pero wag kang mag alala malay mo maging kayo padin ni Ryu diba? Malay mo lang naman. ”

“Ba’t di n'ya sinabing nagdadate sila nong artista may pa haplos haplos pa sa buhok na nalalaman e. Ano iyan aso? ”

“Close ba kayo?”

“Hindi.”

“Eh ba’t ang assuming mo. Puro ka kasi salita di mo ginagawa pano kung totoong nanliligaw nga iyan idi naunahan kana.  Buti nalang hindi. ”

“Pano mo nalaman? Eh ang sweet nga nila noh. Ang kapal nang mukha nong lalaki n hawakan sa ulo ang Ryu ko. Eh hindi pa naman siguro sila. Sang location ba iyang lalaking iyan at nang mapiktusan ko.  Kapal nang apog e. ”

“Galit na galit? Puntahan mo.” sabay tulak nito sa’kin. “Ayuko nga. ” sagot ko saka umayos nang upo.

Kinulikot ko ang cp ko saka nakipag bardagulan don sa basher ni Ryu kesyo malandi daw.. Ha? Kapal nang mukha nila tingin sa sarili nila santo?

Kay Ryu padin ako. Kahit na may iba nang nagmamahal sa kan’ya pero pano naman ako?

Nakakainis.

“Pre si Ryu nagtxt. ”

“Asan? ”

“Ulol, wala nga s'yang number sayo itxt kapa n’ya.”

“Ano ba problema mo? Inaasar mo ba ako? Nasasaktan nanga ako e. Tas nang aasar kapa. Crush ko lang naman s’ya ba’t ang sakit dito? ” turo ko sa puso ko.

“Inlove ka sigurong gago ka. ”

“Ganon. Di ba pwedeng crush lang.”

“Tangina mo Arven kahit kailan ka talaga e. May crush bang nasasaktan? ”

“Malamang.”

“Sino? ”

“Ako.” turo ko sa sarili ko. “Ako ang nasasaktan. Ayan oh nasa harap muna ako. Ang napakagwapo kung mukha sinayang. Ano may itatanong kapa?palibhas kasi mo alam ang salitang crush e. ”

“Alam ko, pero di ako nasasaktan. ”

“Idi manhid ka. ”

“Magkaiba kasi ang crush sa gusto. ”

“Really? ”

“Oo.”

“Ba’t di ko alam? ”

”Bubu ka kasi. ” bulyaw nito.

Tskk! May bubu bang kaya sauluhin ang buong libro. Aba ang kapal nang face nito ah kung di ko lang kaibigan ito baka piniktusan kuna ito e.

Makikipag bardagulan pa sana ako pero bilang dumating sina Zyrus.

“YOOWWW MGA PRE! ”

wala na mag iingay na naman ito sa bahay. Tskkk!..

___

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top