chapter 11
-ARVEN POINT OF VIEW-
Andito ako ngayon sa room, syempre nag aaral ako. Hindi naman kasi pwedeng tumunganga lang ako habang iyong iba hindi ko alam kung sang lupalop ng mundo pumunta nakaka inis HAHA.
Kung tatanungin n’yo kung anong course na kinuha ko, is hindi kami magkakalse yata ni Ryu kasi parang nasa Electrical engineering yata s'ya basta iyon na iyon . nagiging magkaklase lang kami sa chemistry kasi iisa lang prof namin.
“Ok lang ba talaga s'ya? Ba't kasi di na s'ya umuwi sa parents n'ya.”
“Hindi nga pwede, wala padaw ang kuya n'ya doon nasa ibang bansa padaw. At saka alam naman na natin na kinakawawa s'ya don sa bahay nila dahil don sa step mother slash step sister n’ya na ex ni Arven diba?”
“Hooy!! Mga hakdog kayo. Bakit nasali name ko sa usapan n'yo ha? Huwag n'yo sabihin binabackstob n'yo ako?” saad ko na kinatigil nila.
Aba , sa gwapo kung ito ibabackstob lang ako? Ano tingin nila sa'kin hayop hindi pwede iyon. Kasi magdodoctor ako or engineer iwan bahala na HAHA
“Pre, harap rapan ka naming napag usapan kaya dapat binafrontstob ganon.”
Napangiwi ako sa sinabi ni Lexter, oo nakakatawa joke ba iyon?
Sana hindi.
“HA HA HA NAKAKATAWA.” pang aasar ko.“Sino ba kasi pinag uusapan n'yo?” tanong ko.
“Girlbestfriend namin.”
”Ows, really. Oh c'mon? Really! Sino?” seryusong tanong ko.
“Kilala muna kaya huwa muna tanungin.”
“Kaya ko nga tinatanong kasi di ko kilala. Sino ba?”
“Future mo dude, kaya mag aral na tayo.” Zyrus said , kaya tumahimik na ako. Oh? Idi wow.
Pero seryuso sino ba mga bestfriend nila? Ba't di ko manlang kilala? Ang pangit ng mga ugali nila ah. Mabuti nalang gwapo ako at napagpapasensyahan ko pa sila. Ang hirap naman kasi na iyong ikaw lang pinakagwapo sa tropa natatakot silang magsabi sa'yu ng mga bff nila baka agawin ko.
“S'ya nga pala , Zyrus? Kumusta naman kayo ng gf mo. Wala kabang balak na ipakilala sa'min?”
“Oo nga, tama si Lexter dude. Baka naman may balak kang ipakilala sa'min ang gf mo?”
“Next time na, naipakilala kuna sa parents ko. Ang unfair naman non kung mas mauuna n'yo s'yang makilala kaisa sa parents ko diba?”
Kita n'yo na, pag sila talaga nag uusap usap nakaka op. Parang di manlang nila nakikita kagwapuhan ko dito eh ang sama ng pag uugali nila. Para silang others.
“Eh, ikaw Arven?”
“Ha?”
“Wala kabang balak na ligawan si Uno?”
“hakdog.”
“LIGAWAN!” sabay sabay na saad nong apat, (nate, zy, lex, dave.) Problema ng mga ito.
“As if naman kasi may pag asa ako doon, Ang ganda kaya non, matalino pa, captain sa basketball/varsity tapus ssg president pa eh ako? Ito isang hamak na hakdog lang sa tabi tabi.”
“Pero gwapo naman ako. Pero di talaga kami pwede kasi sikat s'ya sa campus samantalang ako , hanggang talampakan lang n'ya papansin lang sa tabi tabi HAHA” sunod sunod na sabi ko na kinataas ng kilay nila.
“Aba, matindi nilait sarili n'ya. At saka oyyy Mas ok kaya kung ikaw ang makakatuluyan ni UNO. bagay kaya kayo kaisa naman mapunta si uno sa ibang lalaki. Aba, nasaktan na iyon huwag na sanang maulit pa.” saad ni Zyrus.
“Tama si Zyrus pre, kung ako sa'yu ligawan muna. Malay mo type kadin non. Nagtatrabaho iyon sa coffee shop diba ? Puntahan mo don kapag time n'ya na tas mag damoves di iyong tutunganga kalang.”
“Ay wow, idi ikaw na manligaw. Excited pre? Nagmamadali? Apurado?” saad ko.
“Ayaw mo non, ikaw mauunang manligaw.” sagot ni Leonel.
”Teka, ba't parang close na close kayo kay Uno ah, kilala n'yo ba s'ya? O ano?”
“Sino namang hindi makakakilala sa isang anak ng chairman diba?”
“Anak ng Chairman?”kunot noong tanong ko dahil sa sinabi ni Dave.
Tama ba dinig ko?
“What I mean is, sino bang di makakakilala sa itinalaga ng chairman na maging captain sa varsity. At saka lahat ng studyante dito sa N.U kilala si Uno at sa ibang school. Alien ka pag di mo s'ya kilala. May fanbase kaya s'ya kasali nga ako eh HEHEHE.” paliwanag nito.
“Oy kasali din kaya ako sa fanbase ni Uno. Ako kaya bumuo non.” singit ni Zy.
“ako din.” sagot ni Nate.
“Ako kahapon lang ako nag join sa fanbase ni UNO. road to 500k thousand na pala ang dami na.” nakangiting saad ni Leonel
“Ako nong last week nag join ako. Ryunatics yata iyon basta iyon na iyon.” singit ni Harvey.
“Syempre kasali ako, ako ang President ng fan club ni Ryu.” pagmamayabang ni Lexter.
“Idi kayo na. ” saad ko. Ang duga ba't di ako kasali sa mga fan fan na iyan? Meron palang ganon ba't di ako updated.
Busangot kung kinuha ang Phone ko saka senearch ang group page ng Ryunatics at sakto andon nga ang dami. Syempre nag join ako lahat don , aba! Para naman maging updated ako sa mga nagaganap sa magiging asawa ko noh.
Pero nakakapag taka? May fb ba si Ryu mylabs? Ba't parang wala naman. Hindi ko makita e istalk ko sana HAHA.
Mabilis din namang na approve kaya tinignan kuna bawat mga post doon.
“kapag talaga nanotice ako ni Ms Captain sa Personal , pwede na akong mamatay.” basa ko don sa isang post.
Luh ang tindi. Binasa ko din ang mga comment kaya halos matawa nalang din ako HAHAHAHA ang saya pala sa fanbase na ito.
”Oy, Arven nakangiti ka yata. Wag mo sabihing nag damoves kana kay Uno. Aba, ang bilis naman dude.”
“Hindi ah, sumali lang ako sa fanbase . alangan naman kayo lang kasali doon ako hindi. Mahiya naman kayo sa apog n'yo. Ako ang mas pinakagwapo sa ating lahat kaya dapat andon ako.”
”ANG KAPAL MO.” sabay sabay nilang sabi.
Hyysstt ba't di nalang kasi nila tanggapin na mas gwapo ako sa kanila. Mga idiots HAHAHAH Ugly duckling sila. Tas ako ang handsome duckling yiieeee HAHAHAH.
“Paabot n—(BOOGGSHHH) ARAY!” halos lahat kami nagpipigil ng tawa dahil sa pagkatumba ni Lexter.
“Dre, kahapon kapa ah. Talaga gang hubby mo lagi ang pagkatanga. Ba't parang oras oras o kaya araw araw kang matutumba. Pinanganak kabang may balat ng kamalasan sa pwet!” pang aasar ni Harvey dito.
“Di ba pwedeng tanga lang iyong daan.”
“Hysst, mabuti nalang gwapo ako at hindi tanga.” singit ko.
Sabay sabay naman nila akong pinagbabatukan. Tama naman ah. Gwapo naman talaga ako.
“Masakit ah, di kayo nakakatuwa." Reklamo ko.
“Talagang masasaktan ka pag di mo tinigil iyang pagiging mahangin mo.”
“Aysus mas magiging malala pa ito kapag nating Doctor-Pilot- engineer na ako plus gwapo pa. Oh diba? San pa kayo sakay na.”
“GAGO!”
Hyysstt!! Ang hirap talaga mag karoon ng kaibigan na hindi tanggap ang pagiging gwapo mo. Buti nalang tanggap ko. “Tsskk! Ang sakit n'yo sa usupagos. Mag aral nanga lang tayu.” saad ko saka binuklat ang libro.
Para sa future at kilala mama. Mag tatapos ako. Hintay lang kayong lahat sa'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top