CHAPTER 10
"WALA ka ba talagang balak na kausapin siya?"
Hindi sumagot si Forest sa tanong na iyon ni Paolo at saglit niya lang ito tinapunan ng tingin. Matapos ay ibinalik niya muli ang tingin sa bagong kasal na sumasayaw sa saliw ng isang sweet music sa gitna ng stage.
Ngayon ang araw ng kasal ng gobernador at ni Caille. Tapos na vows kaya naman dumiretso ang lahat ng bisita sa reception area.
"Wala kang mapapala riyan kay Forest, Paolo. 'Sing tigas ng diamond 'ata ang paninindigan niyan na hindi na kausapin si Aragon," ani Lynie at uminom ng wine.
Sa totoo lang ay kanina pa naispatan ng mga mata niya si Neil. Um-attend din ito ng kasal dahil inanyayahan ito ng gobernador at ni Paolo. Binalak pa siya nitong lapitan kanina ngunit mabilis siyang umiwas dito.
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang mangyari ang sagutan nila. Araw-araw siya nitong sinusuyo pero hindi siya nagpapatinag. Galit pa rin siya sa ginawa nito sa kanya kaya naman kahit anong pangungulit nito at pagpapa-cute sa kanya ay hindi siya umeepekto sa kanya.
"Kung ayaw niyong ma-bad mood ako, tigil-tigilan niyo ang pagbanggit ng pangalan niya," inis niyang sabi sa dalawa at humalukipkip.
"Forest, payong kaibigan lang, ha? Alam mong kakampi mo ako. At galit din ako sa ginawa ni Neil sa'yo dahil mali ang paraan niya. Pero Forest, tingnan mo rin naman sa perspective niya kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon. Kung bakit siya nag-resort sa ganoong paraan," sabi ni Lynie sa kanya at mataman siyang tiningnan. "Ikaw na mismo ang nagsabi na talo niyo pa ang aso't pusa kung mag-away noon. Sa tingin mo, kapag sinabi niya sa'yo na may ibang babae 'yung boyfriend mo, maniniwala ka?"
Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Lynie. Sa totoo lang ay ilang araw na rin siyang binabagabag ng tanong na iyon. At kahit mahirap tanggapin ay alam niya ang pinupunto ni Lynie at kahit ni Neil. Kung sinabi sa kanya ni Neil noon na may ibang babae ang boyfriend niya ay paniguradong hindi siya maniniwala. Hindi maganda ang relasyon nilang dalawa. Palagi nilang pinagti-trip-an ang isa't isa kaya panigurado na kung sinabi iyon ni Neil sa kanya noon ay iisipin niyang isa lang iyon sa mga paraan nito para makaisa sa kanya.
"There's no way na maniniwala ka sa kanya kahit pakitaan ka pa niya ng proof. Mas mataas pa sa Eiffel Tower 'yang pride mo pagdating kay Neil kaya kahit siguro pakitaan ka niya ng naghahalikan na picture ay sasabihin mong na-photoshop lang 'yon," naiiling na dugtong pa ni Lynie at nangalumbaba sa kanyang harapan.
"Tama si Lynie, Forest. Look at Neil's viewpoint. Ako na ang magpapatunay sa'yo kung gaano ka kamahal ni Neil at gaano kalinis ang intensyon niya. Alam mo bang kahit saan ka magpunta ay nakasunod 'yan lagi sa'yo noon? Hindi mo lang napapansin pero palagi 'yan nakabuntot sa'yo at sinisiguradong safe ka sa mga pinupuntahan mo. Naaawa na nga kami riyan noon kasi alam namin na nasasaktan siya sa tuwing nakikita ka niyang kasama ang ex-boyfriend mo noon. Hindi man niya sabihin sa amin, kita naman namin sa mga mata niya at kilos niya na nasasaktan siya. Masyado 'yang masokista pagdating sa'yo," sabi naman ni Paolo at bumuntong hininga. "Alam mo bang nakipagsuntukan pa 'yan sa isa mong ex n'ong nahuli niyang may kahalikan na ibang babae? Masyado kang mahal ng kolokoy na 'yun na handang makipagbasag-ulo sa mga taong gustong saktan ka."
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Nakukuha naman niya ang pinupunto ng mga ito. At kahit na galit siya kay Neil ay nagpapasalamat siya kahit papaano sa mga ginawa nito sa kanya noon.
"Kung natatandaan mo, ipinagkasundo na kayong dalawa noon, 'di ba? Alam mo bang pagkakataon na sana ni Neil iyon na makuha ka pero tumanggi siya sa gusto ng mga magulang niyo? At alam mo ba kung bakit?"
Napadako ang tingin niya sa seryosong mukha ni Paolo dahil sa sinabi nito.
"Bakit?" Tanong niya.
Oo nga pala. Kung matagal na pala siyang gusto ni Neil, bakit nga pala ito tumanggi sa kasal na gustong mangyari ng mga magulang nila noon? Pagkakataon na sana nito na mapalapit siya rito pero hindi hindi ito pumayag sa kasunduan ng mga magulang nila.
Hinawakan siya ni Paolo sa balikat at ngumiti. "Kasi ang sabi niya sa'min noon, kung mamahalin mo siya, ayaw niya ng pilit. Gusto niya, kung mamahalin mo siya, iyon ay dahil walang pumi-pressure sa'yo. Mamahalin mo siya dahil walang pumipilit sa'yo. 'Yung mamahalin mo siya dahil iyon ang gusto mo. Isa pa, n'ong mga panahon na iyon, masyado mong mahal 'yung ex mo na si Luke. At masyado ring malaki ang galit mo sa kanya kaya sabi niya sa'min, hahayaan ka niya kung saan ka masaya kahit masakit iyon sa parte niya."
Napalunok siya sa sinabi ni Paolo at naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang luha. Kung bakit ba naman kasi isa't kalahating masokista si Neil! Kung gusto pala siya nito noon pa man, sana ay dumiga na lang ito ng maayos hindi 'yong palagi na lang siya nitong binubuska at pinagtitripan!
"Kahit na maloko 'yan si Neil, pagdating sa'yo torpe 'yan. Ganoon naman siguro halos lahat ng kalalakihan. Natotorpe sa taong gusto nila."
Naramdaman niyang lumapit ng kaunti si Lynie sa kinauupuan niya at kumuha ng tissue. Pinunasan nito ang kanyang luha na hindi niya namalayan na tumulo.
"Forgive and let go, Forest. Kung tutuusin, maliit lang ang kasalanan sa'yo ni Neil compared sa laki ng kasalanan ng mga asshole mong ex! Ang kakapal ng mukha nilang lokohin ka. Dapat sa kanila, ibinibitin patiwarik!" Anito at inakbayan siya. "But seriously, Forest. Huwag mong hayaan na mawala sa'yo si Neil. Aba! Once in a lifetime ka lang makatagpo ng one great love! And I really admire Neil for loving someone as hard-headed as you."
Kahit lumuluha ay natatawang napanguso siya sa sinabing iyon ni Lynie. " Hard-headed talaga?"
"Sabihin mong hindi, babatukan kita!" Tumatawang sabi nito.
Ngumiti na lang siya kay Lynie bilang sagot. Matapos ay huminga siya ng malalim.
Susundin niya ang payo ng mga kaibigan. Kahit naman galit siya kay Neil ay hindi niya gugustuhing mawala ito sa kanya. Papatawarin na niya ito at kakalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya.
Masyado kasi siyang nagpakain sa galit niya at hindi na niya nagawang ilagay ang sarili niya sa posisyon ni Neil. His love for her is immeasurable that it's okay for him to get hurt as long as she is happy. And thinking how ungrateful she is for all the things he did for her, for all his sacrifices, she felt like she's the worst person in the world.
Inilibot niya ang mga mata sa reception hall at hinanap si Neil. Hindi na siya mag-aaksaya ng oras. Kakausapin niya ito ngayon din para magkaayos na silang dalawa.
"Where is Neil?" Kunot-noong tanong niya sa dalawa habang sinisikap hanapin si Neil.
Inilibot din ng dalawa ang tingin sa paligid upang hanapin ang lalaki ngunit hindi rin makita ng mga ito si Neil.
"Nawala siya. Saan kaya siya nagpunta?" Kunot-noong saad ni Paolo at dinukot ang cellphone nito sa bulsa ng pantalon. "I'll text him."
Kagat-labing tumango na lang siya kay Paolo.
Nag-aalala siya para kay Neil. Taliwas sa madalas na masayang mukha ni Neil ay masyadong malungkot ang mata nito kanina kahit nakangiti ito sa mga taong kumakausap dito. Siguro ay masyado na itong nasasaktan sa ginagawa niyang hindi pagpansin dito kaya naman nakokonsensya siya ngayon ng sobra-sobra.
Masyado ka kasing pabebe, Forest! Kung n'ong nakaraan ka pa nakipagbati, 'eh 'di tapos ang problema!
"Hindi siya sumasagot sa text ko. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ko," nag-aalalang sabi ni Paolo.
Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone sa purse niya at tinawagan si Neil. Ilang beses niyang dinayal ang numero nito ngunit operator ang sumasagot. Mukhang patay ang telepono nito.
"I'll look for him." Mabilis siyang tumayo at bumaling kay Paolo at Lynie. "Pakisabi na lang kina Gov na nauna na ako. I need to find Neil."
Hindi na niya hinintay na sumagot ang dalawa sa kanya at mabilis niyang tinungo ang pinto palabas ng reception hall upang hanapin si Neil.
BAGSAK ang mga balikat na pumasok siya sa Cagandahan Lounge. Alas diyes na ng gabi at kanina niya pa hinahanap si Neil pero ni anino nito ay hindi niya nakita. Kahit sina Paolo at Lynie na mabilis ding sumunod sa kanya para tulungan siya sa paghahanap ay hindi nakita ang lalaki.
"Problem, Forest?" Tanong sa kanya ni Russ nang makita siya.
"Nakita mo ba si Neil, ate?" Pagod na tanong niya rito at inilapat ang mukha sa mesa.
Kung saan-saan na siya nakarating para hanapin ang lalaki ngunit hindi niya ito makita. Kahit ang mga magulang nito ay nag-aalala na rin dahil hindi nila ito makontak.
"Si Neil? Kani-kanina lang ay nandito siya. Kaso umalis din siya agad."
Napaangat ang mukha siya sa sinagot ni Russ.
"Kanina pa siya umalis, ate?"
"Ten minutes na siguro ang nakakalipas," sagot nito. Kunot-noong tiningnan siya nito. "Bakit mo siya hinahanap? Parang wala pala 'yon sa sarili. Mukhang problemado. Nag-away ba kayo?"
"Sa susunod na 'ko mag-explain, 'te! Hanapin ko muna ang unggoy na 'yon!" Sagot niya at mabilis na lumabas ng Lounge.
Tumakbo siya para mabilis niyang mahanap si Neil. Babatukan niya talaga ang lalaki kapag nakita niya ito. Masyado siya nitong pinag-aalala!
"Babatukan talaga kita Karyo kapag nakita kita! Humanda ka sa akin!" Gigil na sabi niya sarili habang patuloy na tumatakbo.
Mabilis siyang tumawid ng kalsada ng makitang pwede ng tumawid. Matapos ay tinalunton niya ang kahabaan ng kalsada ng business district upang tingnan kung naroon si Neil.
Patawid na siya muli sa isang kalsada nang mahagip ng kanyang mga mata si Neil. Nasa kabilang kalsada ito at mabagal na naglalakad. Mukhang malalim ang iniisip nito at hindi alintana ang mangilan-ngilan na taong nakakasalubong nito.
Nanggigil na tumawid siya nang kalsada. Tumakbo siya palapit sa lalaki at nang tuluyan siyang makalapit dito ay binatukan niya ito ng malakas.
"Fu—"
Hindi na niya hinintay na marinig ang malutong na mura nito dahil sa ginawa niya. Bagkus ay mabilis niyang inilapat ang kanyang labi sa mga labi nito.
Naramdaman niya ang gulat ni Neil sa ginawa niya kaya naman lihim siyang napangiti. Kakalas na sana siya sa pagkakahalik niya rito pero mabilis nitong sinapo ang kanyang kaliwang pisngi at pumulupot ang isang kamay sa kanyang bewang at ito na ang humalik sa kanya.
Napapikit siya. The feeling of being kissed by someone you love is really unexplainable. Whatever worries she has, whatever sadness, anger or any negative emotions she felt this past week has been suddenly washed away just by Neil's kiss.
"Mahal na mahal kita, Forest. At sana ay mapatawad mo 'ko sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa'yo," ani Neil sa kanya at nanunubig ang mga matang masuyo siyang tinitigan. "I know I'm a fool for doing such stupid thing. I'm sorry if I scarred you because of it. I'm sorry kung nagkaroon ka ng insecurities dahil sa ginawa ko. And I'm sorry dahil nasaktan kita ng sobra-sobra. Akala ko kasi dati, it's for the best. Pero selfish nga ako. Hindi ko man lang naisip kung ano ang magiging epekto n'on sa'yo. I should have been honest to you from the start. Yet, I chose to stay behind your back and did things that I thought were good for you. I decided with my own judgement without consulting yours. I'm really sorry, Forest..."
"Ssshh..." Nakangiting pinahid niya ang mga luhang kumawala sa mga mata ni Neil. Matapos ay marahan niyang hinaplos ang kanang pisngi nito. "You're forgiven. At sorry rin kung masyado akong nabulag sa galit ko kaya hindi ko man lang binigyan ng halaga kung ano ang dahilan kung bakit mo ginawa ang mga bagay na 'yon."
"You don't have to say sorry, Forest. Ako ang nagkamali. Ako ang dapat na humingi ng sorry," anito at hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa pisngi nito.
Umiling siya at ngumiti rito. "I also need to say sorry for all the pain I caused you. Though, I didn't know your feelings for me before, I want to say sorry for all the heartaches I'd given you. Sorry rin sa sakit na binigay ko sa'yo nitong nakaraang linggo. Sa pangde-dedma ko sa'yo dahil sa galit ko. Sorry talaga, Karyo..."
"You really don't have to say sorry but if you insist, you're already forgiven, tigress." Neil crushed her in his arms and buried his face on her shoulder. "And thank you for forgiving me."
"Thank you for coming back, Karyo...Thank you for all the things you've done for me...and thank you for not giving up your love for me." She patted Neil's back and whispered, "...And I love you too."
Mabilis na kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Karyo at may ngiti ang mga labing hinalikan siya nito.
"YOU'RE really cunning, Karyo," naiiling na sabi ni Forest kay Neil habang hawak kamay silang naglalakad pauwi sa kanilang bahay.
Ngumisi sa kanya si Neil at inakbayan siya. "Why? It's my last resort kaya pumayag ako sa kasunduan ng mga magulang natin. I've been seven years away from you pero 'di kita nakalimutan. You're deeply etched here in my heart and it's so hard to forget you. Kaya naman n'ong in-open up ulit ng mga magulang ko ang kagustuhan nilang makasal ako sa'yo ay pumayag agad ako. I said to myself before heading back here na sisiguraduhin ko na this time, you'll for me no matter what. And thank God I finally succeeded! Hindi ka na nakawala sa charm ko!"
Natatawang kinurot niya ang tagiliran nito. "Ha-ha! Charm my foot! Sabihin mo, ginayuma mo 'ko!"
"Baka ako ang ginayuma mo, tigress!" Anito at tumatawang hinuli ang kanyang mga kamay. Dinala nito ang mga iyon sa labi nito at pinatakan ng halik. "I've been under your spell for ages. And never in my whole life I regretted being under you."
"Bolero!" Aniya at tumatawang inismidan ito at babatukan niya sana ngunit mabilis itong nakaiwas.
"Oo nga pala, 'di ba talo ka sa pustahan natin? Mayroon na akong naisip na ipapagawa sa'yo," ani Neil at isang ngisi ang muling sumilay sa labi nito.
Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ito. Nakakaamoy siya ng kalokohan base sa ekspresyon ng mukha nito.
"Ano?"
"Let's get married first thing in the morning. Hindi na ako makakapaghintay pa. I want you to become Mrs. Aragon starting tomorrow."
Though a playful smile is painted in Neil's face, she can see the nervousness in his eyes as he dropped down those words.
Lihim siyang napangiti.
"Ayoko..."
Natigilan si Neil sa sinagot niya. And she can sense that he's starting to panic because of what she said.
"B-bakit?"
"Wala man lang romantic proposal! Bigla ka na lang mag-aaya na magpakasal, eh 'ni wala ka ngang singsing na dala," masungit na sabi niya pero sa loob-loob niya'y gusto niya ng bumunghalit ng tawa sa nakikita niyang reaksyon ni Neil.
"Eh...baka kasi magbago pa isip mo—"
"Fine! Ganito na lang, papayag akong magpakasal sa'yo bukas na bukas din kung..."
Nabuhayan ng loob si Neil sa sinabi niya. Hindi na tuloy niya napigilang tuluyang tumawa.
"Mananalo ka sa race. Paunahan tayong makarating ng bahay namin. Kapag nauna ka sa akin, papakasal tayo agad bukas na bukas!"
Lumiwanag ang mukha ni Neil sa sinabi niya at tumawa. "Sinabi mo 'yan, ha? Walang bawian!"
"Oo!" Tumatawang sabi niya at humanda para tumakbo. "At the count of three, sabay tayong tatakbo, okay?"
Malapad ang ngiting tumango sa kanya si Neil. Kababakasan ang mukha nito ng excitement.
Matapos niyang bumilang ng tatlo ay sabay silang dalawa na tumakbo ng mabilis.
Neil runs as fast as he can. Tumatawang humabol na lang siya rito at sumigaw ng malakas, "Manalo ka man o matalo, papakasalan kita bukas!"
WAKAS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top